bc

Pahimakas: Ang Reyna ng Mafia

book_age18+
495
FOLLOW
3.9K
READ
mafia
mystery
like
intro-logo
Blurb

Sa kagustuhang magkaroon ng normal na buhay, tinakasan niya ang pagiging tagapagmana ng Pahimakas, isang grupo ng mafia. Namuhay siya nang masaya at kuntento bilang si Lyra, isang simpleng maybahay ni Marco na isang pulis.

Naputol ang kaligayahan niya nang mahanap siya ng ama. Kailangan niyang sumama dito para protektahan si Marco at ang pamilya nito.

Subalit isang malaking sekreto ang itinatago ng kanyang asawa na gugulo sa minsang perpektong mundong binuo nilang dalawa

chap-preview
Free preview
Prologue
Maliksi ngunit tahimik ang bawat hakbang sa makitid at madilim na hagdanan ng isang babae na nakasuot ng kulay itim na damit at may hawak na pistol na may siliencer. Dumiretso siya sa pangalawang kwarto na nasa kaliwa at dahan-dahan na binuksan ang doorknob, sinisiguradong hindi maglilikha ng ingay ang pag-unlock nito. Binuksan niya ang pinto pero pinanitiling may maliit lamang na puwang at sinilip muna ang loob ng kwarto. Tanging ang lampshade ang nakabukas na ilaw at ang maingay ng lagaslag ng tubig na nanggagaling sa bathroom ang umaalingawlangaw. Pumasok siya sa loob at saka sinara nang hindi naglikha ng anumang kaluskos. Pagbukas ng pintuan ng bathroom, agad niyang tinutok ang baril sa kung sinuman ang lalabas do’n. Nagulat ang lalaki pagkakita sa kaniya. Lumaki ang mga mata nito at agad tinaas ang dalawang kamay. “Ta-tapatan k-ko ang bayad ng kung s-sinuman a-ang nag-utos sa’ yo,” sabi niya sa nanginginig na boses. “Do-doblehin ko, kung gusto mo ti-triple pa,” dagdag pa niya habang putlang-putla na ang kaniyang mukha. Hinubad ng babae ang nakatakip na bonnet sa mukha nito at umabante kung kaya’t nakita ng lalaki ang mukha ng taong papatay sa kaniya. “Re-reyna,” nauutal na bulalas ng lalaki. “Walang may nabubuhay na dumo-double cross sa Pahimakas, Mr. Robles,” tugon ng babae sa malamig na boses habang tinututok pa rin ang baril sa lalaki. Kung tutuusin dapat binaril niya na lang ito agad, pero gusto ni Reyna na makilala ng biktima niya kung sino ang kikitil ng buhay nito, na ang huling mukhang makikita nito bago lagutan ito ng hininga ay ang sa kaniya. “Patawarin mo ako, Reyna. Pangako, ‘di ko na uulitin,” pagmamakaawa ni Mr. Robles habang nakaluhod na. Nanatiling nakatitig si Reyna sa kaniya nang walang mababanaag na anumang emosyon sa mukha nito dahil ang totoo wala talaga siyang may maramdaman na awa o galit, walang kahit na ano. Isa lang ang alam niya, ang patayin si Mr. Robles. ‘Yon ang misyon niya na dapat niyang magawa sa alinman na paraan “Sabihin mo na ang iyong mga huling salita, Mr. Robles,” sabi ni Reyna sa walang emosyon na boses. “Pakiusap, Reyna. May mga anak pa ako, pakiusap,” mangiyak-ngiyak na pagsusumamo nito. “Pahimakas, Mr. Ro--,” “Ibaba mo ‘yan,” sabi ng isang lalaki sa mababang boses. “Ku-kung hi-hindi, ba-barilin kita,” dagdag pa nito. Nasa likod niya ang nagsalitang lalaki kaya hindi niya makita. Pero sa tantiya niya ay parang bata pa ‘yong lalaki, siguro nasa 17 o 18 ang edad nito. Marami na talagang nagre-recruit ng bata ang mga mafia ngayon. Baka may secret door itong kuwarto at doon dumaan ang bata. ‘Yon ang hindi napaghandaan ni Reyna, pero ayos lang ‘yon sa kaniya. Sanay na siya sa mga hindi inaasahang pangyayari kaya alam na niya ang gagawin. Wala pa siyang misyon na hindi napagtatagumpayan kung kaya’t kumpiyansa siyang malulusutan niya ‘tong maliit na gusot. “Mapapatay ko muna ang amo mo bago mo ako mabaril,” sabi ni Reyna nang hindi nililingon ang bata. Alam niyang ‘pag nalingat siya ay puwedeng atakihin siya ni Mr. Robles. At sa pagitan ng bata at si Mr. Robles, ‘di hamak na mas delikado ang nakakatanda. Alam niyang kulang pa sa karanasan ang bata o baka hindi pa nga ito nakakapatay kaya alam niyang hindi nito maipuputok ang baril. “Papa,” takot na tawag ng bata kay Mr. Robles. Natigilan si Reyna, tila biglang nabalot ang buong katawan niya ng yelo at tuluyan na siyang nanigas. Natauhan na lamang siya at kusang kumilos ang katawan niya nang bigla siyang sinunggaban ni Mr. Robles at pilit inaagaw ang baril sa kaniya. Nagpangbuno ang dalawa habang nag-aagawan sa baril. At sa hindi inaasahan ay naiputok ang baril nang dalawang beses, buti na lamang at nakasilencer ‘yon kaya hindi lumikha ng ingay. Malakas man si Mr. Robles dahil siya ay lalaki, ‘di hamak na mas bihasa naman sa pakikipaglaban si Reyna. Tinuhod niya ito sa kaniyang ari kung kaya’t napabaluktot ito sa hapdi, at saka niya sinundan ng isang suntok sa panga nito. Bago pa man ito humandusay sa sahig ay nabaril na ito ni Reyna sa dibdib. At para makasigurado, binaril niya pa ito ulit sa ulo nang dalawang beses. Inikot niya ng tingin ang buong kuwarto at hinanap ‘yong bata. Nang may narinig siyang tila may umuungol sa sakit, do’n niya lang nakita na nakahandusay na ang bata at may dugong umaagos sa tiyan nito. Natamaan pala ang bata. Lumapit siya sa bata at nakita niyang umiiyak ito habang nakatingin sa kaniya na para bang nagmamakaawa na tulungan siya. Napaluhod ang Reyna. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakaramdam siya ng pagkahabag sa kaniyang biktima. Gusto man niyang tulungan ang bata, alam niyang huli na dahil mukhang malalim ang tama nito. Wala siyang magawa kundi tingnan ang bata habang umuubo ito nang may kasamang dugo at naghahabol na ng hininga. “Pa…pa,” mahinang palahaw ng bata bago tuluyang nalagutan ng hininga. Kung dati ay nakararamdam siya ng hindi maipaliwanag na kasiyahan sa tuwing nadespatsa na niya ang kaniyang biktima at naisagawa ang kaniyang misyon, ngayon ay parang may napakalaking bato ang nakadagan sa kaniyang dibdib at patuloy na bumabaon ‘yon na halos hindi na siya makahinga. Ni hindi niya mapangalanan itong nararamadaman niya. Alam niyang hindi na ito pagkahabag at hindi rin takot. Ito ‘yong pakiramdam na kahit kailan ay hindi niya pa naramdaman sa tanang buhay niya -- konsensiya. Kasabay ng pagpikit ng mga mata ni Reyna ay ang pagbagsak ng kaniyang luha nang hindi niya namamalayan. At sa muling pagdilat ng mata niya ay siyang pagbukas naman ng pinto. Nakatayo ro’n ang taong nagbigay sa kaniya ng misyon na ‘to -- ang sarili niyang ama. “Magaling, Reyna, magaling,” sabi nito habang nakangisi. Noon ang mga salitang iyon ng kaniyang ama ay tila musikang dinuduyan siya sa alapaap pero ngayon ay mistulang batingaw iyon ng kampanang pangpatay na humuhudyat ng kaniyang sariling kamatayan. Ilang beses na napailing si Reyna. Hindi dapat siya nandito, wala siya dapat dito. Hindi niya dapat siya mahahanap. Pinikit ulit niya ang kaniyang mata para lang mawala sa paningin niya ang Don. “Hindi mo ako matatakasan, Reyna. Hinding-hindi,” determinadong sabi ng kaniyang ama. Tinakpan ni Reyna ang kaniyang mga tenga gamit ang kaniyang mga kamay ngunit patuloy niya pa ring naririnig ang boses ng kaniyang ama na tinuturan ng paulit-ulit ang mga katagang iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
9.7K
bc

The Real About My Husband

read
24.0K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
62.8K
bc

AKO ANG NAUNA [SPG]

read
6.3K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
284.1K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
86.3K
bc

DON'T FALL IT'S DANGEROUS

read
6.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook