Kabanata 12 : Selos lang

1297 Words
MATAPOS ang pangyayaring iyon naging komportable si Glenda kay Leandro. Nagsimula nang bumili si Leandro ng mga traktora at ilang makina para sa bukid. Matapos ang paglilinis ng mansyon ay naging abala sila sa ekta-ektaryang lupain sa San Simon. Nagtawag ng mga karagdagang tauhan para sa gawain sa bukid. Sa mata ng mga tao, si Leandro ay bastardong anak ng yumaong Claveria kaya naroon ang naiilang na emosyon na mababakas sa mukha ng mga tauhan na may alam sa nakaraan. Ngunit walang pakielam si Leandro ‘ron dahil ang nais niya ay magbigay ng pagkakakitaan sa mga dating manggagawa ng kaniyang ama. Nakuha niya rin magpakilala bilang isang lehitimong anak at nagiisang taga-pagmana ng asyenda. Naging mas aktibo siya sa pamamalakad ng Asyenda simula pa ng ipagkatiwala sa kaniya ng alkalde ang pagtulong sa mga Saavedra. Kaya ang pagbuhay sa Asyenda ay hindi na ganoon kabigat o mahirap na tungkulin para sa binata dagdag pa ang kaniyang makabagong istratehiya na itinuro sa kaniya ng kaniyang amo sa ibang bansa. Sa sobrang abala ni Glenda sa pagtitipa sa harap ng kumpyuter ay hindi na niya napansin na nakabalik na pala si Leandro galing sa Asyenda. Nagulat nalang siya ng bigla itong magsalita. “H-Hindi –”hindi na nito natapos pa ang sasabihin ng bigla siyang sigawan ni Glenda. “Ay KALABAW!” anas niya. Napahawak si Glenda sa kaniyang dibdib dahil sa nerbiyos. Umayos siya ng upo ng makita ang amo. “Ang guwapo ko namang kalabaw,” sabi ni Leandro habang nakapamaywang kay Glenda. “Pasensya na po Seniorito. Nagulat lang po ako. Bigla-bigla po kasi kayong sumusulpot sa likuran ko,” alanganing ngumiti si Glenda kay Leandro. Umupo si Leandro sa lamesa at kinuha ang ilang papel na ginagawa ni Glenda. “Hmmm A-Ha…You’re really good in this, huh!” may pagtango-tango pa si Leandro habang pinapasadahan ng tingin ang mga ginawa ni Glenda. Mga listahan iyon ng mga mangagawa at ilang resibo ng mga biniling kagamitan. Napako ang tingin ni Glenda sa pawisan na si Leandro, nakasuot lamang kasi ito ng manipis na puting t-shirt kaya bakat na bakat ang matipuno nitong katawan. Ilang beses siyang napalunok ng makita na mas lalo itong nahihiyang sa paggawa sa bukid. Hindi ganoon kaganda ang built nito ‘noon. Habang umeedad ito ay mas nagiging guwapo sa kaniyang paningin. Bahagya siyang sinilip ni Leandro at napangiti. “B-Baka malusaw ako niyan,” dali-daling ibinalik ni Glenda ang tingin sa kumpyuter at itinago ang kaniyang pamumula. “A-Ahem! Magpalit na po kayo ng damit baka po kayo ay magkasakit.” Prenteng sabi ni Glenda upang mailayo ang pangangantiyaw ng amo. “Okay. I’ll be upstair. Tawagin mo nalang ako kapag ready na ang tanghalian.” Ngumisi ito ng nakaloloko habang ibinababa ang mga papel. Tumango lamang si Glenda at kunyaring itinutuloy ang pagtitipa. Nang wala na si Leandro ay saka lamang siya nakahinga ng maluwag. Tinignan niya ang kalendaryo kung ilang araw nalang ang itatagal niya sa mansyon dahil sa pinakikita ni Leandro na kabaitan ay lalo lamang siyang nahuhulog rito. “May 20 days pa ako dito, paano ko siya iiwasan? Sa tuwing nariyan siya ay naglulumundag ang puso ko sa kaba at saya,” bulong niya na may panlulumo habang nakatingin sa kalendaryo. ~~~ MAGKAHARAP sila sa hapag kainan ng biglang magring ang telepono ni Leandro. Sinagot ito ni Leandro sa harap ni Glenda. “H-Hello..” sumagot ito ng tawag habang nakatitig kay Glenda. Hindi naiwasan ni Glenda na makaramdam ng hiya ng bigla itong ngumiti ay sabay sabi sa kausap. “Y-Yeah, miss me? I miss you too,” iniwas ni Glenda ang tingin at nagkunyaring nakatuon ang atensyon sa pagkain. Ngunit alam niyang boses iyon ng isang babae kaya halos panggigilan niya ang karne. Tumayo si Leandro habang patuloy sa pakikipag-usap. Tinapos ni Glenda ang pagkain at iniwan nalang ang lamesa pagbalik ni Leandro ay wala na si Glenda kaya hinanap niya ito. Natagpuan niya ito malapit sa garahe habang pinagsisipa ang ugat ng isang puno. Kinakausap pa nito ang puno na parang nababaliw. Pinagmasdan lamang si Leandro at napailing. “Iniwan mo na ako sa hapag kainan,” sabi nito habang papalapit sa dalaga. Humarap si Glenda at alanganing ngumiti kay Leandro. “S-Seniorito? May gagawin pa po ako kaya umalis na po ako nang matapos akong kumain. Sige po mauna na po ako,” sabi nito ngunit muling nagsalita si Leandro kaya siya ay huminto saglit. “Ahmm.. ganoon ba? Huwag mo na akong hintayin mamayang gabi para sa hapunan may pupuntahan lang ako baka kasi gabihin ako,” sabi nito na dahilan ng pagkunot ng noo ni Glenda. “Sige po,” tipid niyang sagot at pinilit na ngumiti sa amo. “Siya nga pala may mga darating na furniture paki-guide nalang ang magdadala,” sabi ni Leandro at parehas silang naghiwalay ng landas. Nang mga oras na iyon dire-diretso siyang nagpunta sa loob ng kuwarto at hindi napigilan na mapaluha sa kaniyang nararamdaman sa amo. ‘H-Hindi ko ito dapat nararamdaman. 5 taon siyang nawala ng hindi man lamang nilinaw kung bakit siya umalis. Nagdusa ako dahil nami-miss ko siya. Hanggang makalimutan ko saglit ang nararamdaman ko at ngayon babalik siya para saktan akong muli. Pero hindi naman siya ang dapat kong sisihin kundi ang puso ko. Matagal na dapat akong umalis sa bahay niya. G-Glenda,” sita niya sa kaniyang sarili hanggang ibaon niya ang kaniyang mukha sa unan. Dahil sa kaniyang kalungkutan hindi niya namalayang nakatulog na siya. Ilang beses siyang kinatok ng mga katulong ngunit hindi siya nito nagising kaya ng bumangon siya ay saktong mag-aala-syete na ng gabi. Dumeretso siya sa shower para maligo bago bumaba. Madilim na sa ilang sulok ng mansyon kaya dumeretso na siya sa kusina. Wala narin ang mga katulong na matapos maghanda ng hapunan ay umaaalis na. Napansin niyang may ingay sa sala kaya dahan-dahan siyang naglakad papunta ‘ron. Nakita niya si Leandro na kausap ang ilang lalaki. Naalala niya ang sinasabi nitong furniture na darating kaya napahawak siya sa kaniyang dibdib. Naisip niya tuloy na baka isipin ni Leandro na isa siyang tamad dahil pagkaalis ng amo ay sinabayan na ng siesta. Bumalik siya ng kuwarto at muling nagkulong ‘ron. Pinatay niya ang ilaw at kung sakaling puntahan siya ni Leandro ay magkukunyari na lamang siyang masama ang pakiramdam. Iyon na lamang ang gagawin niya para makaiwas sa amo. ~~~ ILANG BESES na kumatok si Leandro sa pinto ni Glenda ngunit walang sumasagot kaya kinuha niya ang spare key sa loob ng opisina at tinungo ang kuwarto ni Glenda. “G-Glenda.. G-Glenda..” muli niyang tawag dito habang papalapit sa dalaga. At ilang ungol ang narinig niya. “Uhmm S-Seniorito, magkakasakit po yata ako..masama po ang pakiramdam ko..” sabi niya. Nakatalukbong parin siya ng kaniyang kumot ng biglang hilahin iyon ni Leandro mula sa paanan. Ngunit hindi niya ito binitawan. Nakipaghilahan parin siya ng kumot dito hanggang sa mapaupo siya sa kama. “S-SENIORITO!” sigaw niya. “Nakita kitang bumaba kanina..may problema kaba?” sabi ni Leandro. “S-Sorry po..” binitawan niya ang kumot at bumaba ng kama. “Sabi ko naman sa iyo kung may problema ka puwede kang magsabi sa akin,” lumapit si Leandro kay Glenda. Kumakabog ang dibdib ni Glenda dahil sa pagsisinungaling. “A-Ah Eh wala naman po. Hindi lang po maganda ang pakiramdam ko,” sabi ni Glenda. Aminado siyang sinimangutan niya ito sa hapag-kainan at hindi na lumabas pa ng kuwarto. “I cancelled my appointment this afternoon because I was worried about you,” umupo ito sa may paanan habang ang dalaga ay nakatayo sa gilid ng kama. Napanganga siya dahil sa mga sinabi nito. Mas lalong kumabog ang dibdib niya ng makitang nakayuko ang binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD