Kabanata 11 : Ang Asyenda Claveria

1142 Words
UMINAT siya at umungol ng mahina na ikinagising ni Leandro. Nagpanggap itong tulog at ipinikit ng kaunti ang kaniyang mga mata. Parang bata si Glenda na tumihaya at ipinaghiwalay ang kaniyang mga hita. Bumagsak ang kaniyang kaliwang hita sa isang matigas na bagay kaya naidilat niya ang kaniyang mga mata. Nagulantang siya ng mapagtanto ang matigas na bagay na’yon. Si Leandro. Ang boss niya. Ang amo niya. Agad siyang tumagilid at gumulong ngunit nasa bingit na pala siya ng kama kaya naglaglag siya. “Aww..” anas niya. Hinimas niya ang kaniyang balakang dahil ito ang tumama. “Are you okay?” agad na sabi ni Leandro. Hindi ininda ni Glenda ang sakit ng balakang dahil sa nakakahiyang sitwasyong kinasasangkutan. Bakit siya nagising sa tabi ni Leandro? Lumipat ba siya habang tulog? O kaya nagsleep walk siya dahil akala niya kuwarto niya ito? Mga tanong sa kaniyang isipan na walang kasiguraduhan. Lalo lamang lumubha ang kaniyang namumulang pisngi ng dumungaw si Leandro at ulitin ang salitang ‘Are you okay?’ “S-Se-Seniorito? S-Sorry!” anas niya. “A-Ako ang bumuhat sa iyo papunta dito sa kama. Malaki naman ang kama kaya- ka-ya…hmm to tell you the truth, there is nothing to be concerned about. We just sleep. I was weak and sick, right?” mahinahon niyang sabi na parang ipinaliliwanag ang sarili. “P-Paano mo na sasabi ng ganiyang kahinahon ang nangyari?” “D-Dahil.. inalagaan mo ako kagabi,” sabi ni Leandro ng sobrang bagal. “Glenda tumayo ka na diyan,” dugtong nito ng may otoridad. Tinanggal ni Leandro ang blanket na tumatabing sa kaniyang katawan. “Get up and prepared our breakfast,”. Tumayo ito at naghuhubad. Nang makita ito ni Glenda ay dali-dali rin itong tumayo. “Ooppps. Bakit ka naman naghuhubad diyan?” tumalikod ang dalaga. “Magbibihis. Magjojogging ako para gumaan ang pakiramdam ko,” “W-Wala na po ba kayong lagnat saka kakain pa ng breakfast..” may pagaalala niyang sabi. “I’m okay. Pagod lang iyong kagabi. Would you like to go with me? Para maikot mo ulit ang asyenda,” Tumango si Glenda at saglit na nagpalit ng damit. Nagstart silang tumakbo papunta sa Asyenda na pagaari ng mga Claveria. Napansin ni Leandro ang seryosong mukha ni Glenda ng dumating sila sa dating kamalig na nasunog halos dalawang dekada na ang lumipas. Naaalala niya ang mga magulang nitong natupok ng sunog sa loob. Hinawakan niya ang kamay ni Glenda at hinila sa ibang direksyon. “T-Tara,” ang kalungkutan sa mga mata ni Glenda ay napalitan ng pagkagulat sa ginawa ni Leandro. Hawak parin kasi nito ang kaniyang kamay. Unti-unting napawi ang kalungkutan sa kaniyang dibdib habang pinagmamasdan si Leandro. Para sa kaniya si Leandro ay isang prinsepeng nagligtas sa kaniya mula sa madilim na sulok na iyon. Hinayaan niyang hawak nito ang kaniyang kamay at sa katagalan ay pinakawalan na rin ni Leandro ng muli niyang lingunin ang babae na nakatingin din sa kaniya. Parehas nilang winaglit ang emosyong iyon ng matanaw na ni Leandro ang malawak na kabukiran. Naroon parin ang mga matatayog na niyog na itinanim niya. “S-Sa wakas nakabalik din ako..” bulong niya at sumigaw siya ng sobrang lakas. “Wooooowwww.. NAKABALIK NA AKO!..” nagulat si Glenda sa sinigaw ni Leandro. “Ako ang nagtanim ng mga niyog na iyan hanggang sa naaabot ng mga mata mo.” Parang batang ipinakita ni Leandro ang mga niyog kay Glenda. Hindi niya napigilan ang pagtawa habang pinagmamasdan ang amo. “A-Anong nakakatawa?” “W-Wala po Seniorito,” “Hmmmm.. Nuong bata pa ako dito ako nagsanay na mangabayo. At ang daang ito ay ipinagawa ko para sa mga mangagawa ng asyenda. Muli ko itong bubuhayin at lalagyan ng maraming ilaw para wala ng matatakot na magdaan dito,” kaswal niyang sabi. Hindi naiwasan ni Glenda ang pagtunog ng kaniyang tiyan. Gutom na siya. Tinignan naman siya ni Leandro. “May alam akong puwede nating puntahan para maalis ang gutom natin.” Tumakbo sila papunta sa isang kubo. May usok pa ito katunayang may taong nakatira. Sa gitna ng asyenda ng mga Claveria ay hinayaan ni Saturnino manirahan si Intoy, bilang isang katiwala. “Mang Intoy? Mang Intoy?” sigaw ni Leandro sa labas. Noon nabalik sa murang isip ni Glenda ang pangalang iyon. Minsan na itong nabanggit ng kaniyang ama noong bata pa siya. Si Intoy ang katu-katulong nito sa pagbabarok. Ngunit hindi ito kasundo ng kaniyang tatay dahil may ugali raw itong sipsip sa may-ari. Lumabas ang isang matandang lalaki na may hawak na panabas. Kung nabubuhay pa ang kaniyang ama ay baka ganito narin ito katanda. “S-Seniorito, Kayo po pala..tuloy po kayo.” Nagliwanag ang mukha ng matanda ng makita ang mukha ni Leandro ngunit ng mapangsino ang kasama nito ay biglang nagbago ang emosyon nito. Siguro ay namumukaan niya ang anak ng dati niyang kasamahan. “Mang Intoy..ano ho ba ang makakain ninyo riyan. Nagugutom na po kasi kami,” malambing na sabi ni Leandro. “May pinirito kaming itlog, nilagang kamatis at talong. Ngunit wala kaming toyo kundi ang gamit namin ay dinailan,” sabi ng matanda. “Yssa, anak ipaghanda mo ang ating Seniorito ng makakain,” tinawag niya ang kaniyang anak na babae. Ilang sandali pa ay natakam na ang dalawa ng makita ang mga sinabi kanina lang ni Mang Intoy. “Kakaiba ho ang amoy ng isang ito. Ano po ba ito?” sabi ni Leandro. Hindi niya ito kilala kaya sumabad na sa usapan si Glenda. “Dinailan ang tawag dito, Seniorito. Shrimp paste. Masarap po itong igisa sa sili at kamatis. Medyo matagal nga lang po matanggal ang amoy nito sa kamay,” napangiti si Yssa sa dalawa. Habang si Mang Intoy ay hindi maipinta ang mukha habang nagsasalita si Glenda. Sinunggaban nila ang pagkain na hinain ni Yssa. Matapos ay ‘non lang nila naramdaman ang totoong ibig sabihin ng ‘busog’. Nag-abot ng pera si Leandro kay Mang Intoy dahil sa pagpapakain. Nagpaalam sila sa mag-ama na nakatira ‘ron. “Ang sarap talaga sa bukid,” masayang sabi ni Glenda. “T-Tapos iiwan mo ako dito,” pabirong sagot ni Leandro. Lumungkot ang mukha ni Glenda dahil ang plano ay iiwan niya ang lalaki sa napakalaking asyenda nito. “D-Dahil sa tuwing nandito ako naaalala ko sila tatay at nanay. Pero dito ako lumaki at bahagi ang Asyendang ito ng buhay ko,” bahagya siyang ngumiti kay Leandro. Malungkot ang mga salitang binitawan niyang iyon pero sapat na iyon para malaman ni Leandro kung gaano kalalim ang sugat na iniwan kay Glenda ng tarahedyang iyon. “Here, too, I have a lot of unhappy and painful memories. Yet I realized that I was the only one with the capability to alter it,” sabi ni Leandro habang lumalakad sila pabalik sa mansyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD