Prologo : Ang pagbabalik ni Seniorito Leandro
NAGLALAKBAY kung saan ang isipan ni Glenda ng biglang magsalita si Lucinda.
“O, Glenda parating na ang Seniorito Leandro,” masayang bungad sa kanya ni Lucinda ang isa sa mga matagal ng naninilbihan kay Leandro.
Halos 5 taon naring nawala si Leandro matapos ang insidente sa Mansyon ng mga Claveria. Nagpasya itong mangibang bansa.
“Oo nga po eh, kaya lang hindi ko po alam kung okay na po ang Seniorito? Kung nakabawi na ba siya sa pagkawala ng Alkalde.
Nag-aalala nga po ako, Manang,” sabi ni Glenda. Bakas ng lungkot at pagaalala ang mukha ng dalaga habang sinasabi ito.
Tinapik siya sa likod ni Lucinda. “Huwag nalang natin banggitin ang nangyari ‘non. Ang mabuti ay napagpasiyahan na niyang balikan ka ayyy este tayo pala,” pabirong sabi ni Manang Lucinda. Hindi lingid sa kaalaman ni Lucinda ang matagal ng paghanga ng dalaga sa binatang amo. Gayundin naman ang dalagang si Glenda hindi naman niya kayang itago ang pagaalala niya sa binate simula ng kuhanin siya nito bilang personal maid sa sarili nitong bahay dito sa San Roque.
“Siya nga pala, Glenda..kamusta ang unang araw mo sa Rosemoore High School. Hindi madali ang maging isang guro,” sabi ni MaLucinda. Nasa kusina sila ng mga oras na iyon at hindi mapigilan ni Glenda na ilabas ang kaniyang kakulitan sa harap ni Lucinda.
“Manang nakakaloka po. Pero eto po ang pangarap ng Nanang at Tatang kung sila po ay nabubuhay. Kaya masaya na po sila siguro kung nasaan man sila. Hindi naman po gano’n ka hirap dahil nagpractice teacher po ako for 6 months. Sisiw nalang po,” sabi ni Glenda habang namamaywang.
“Ay, Ka yabang ng batang ito, mabuti naman kung gan’on. Sigurado matutuwa ang Seniorito dahil masipag, nakapagtapos ka at natutupad mo na ang pangarap mo.. Hala sige magaayos ka na at baka parating na sila Seniorito siguradong pagod at gutom na ang mga iyon,” muling utos ni Manang Lucinda.
“Manang, mukhang kayo ang nate-tense. Sigurado kumain po sila sa Restaurant na madadaanan nila. Kilala ninyo ang Seniorito, manaalaga sa kaniyang mga tauhan,” saad ni Glenda habang nangingiti ng mapait sa kaharap.
“Oo nga. Limang-taon kong hindi nakita ang batang iyon. Alam mo naman na ako na ang nagalaga ‘don. Bigla kasing nagpasya na umalis,” sabi ni Manang.
Tumango nalang at ngumiti si Glenda.
GLENDA POV
Babalik na si Seniorito Leandro, hindi nga? Heto parin ako. Hindi ko pa mapaniwala ang aking sarili na makikita ko na siya matapos ang limang taon. I know he was devastated that time, drunk and lost kaya niya nagawa ang bagay na iyon . Nangako akong sa pagbalik niya ay aalis na ako sa mansyon na ito gayong hindi naman niya naaalala ang nangyari ng gabing iyon. Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa kanya o sa aking sarili? Siguro nga dapat sa aking sarili dahil binigay ko ang sarili ko sa lalaking hindi naman ako nakilala. Bakit ba kasi ang tanga mo, Glenda!.
Napatalungko ako sa aking kama at nilingon ang bintana. Niyakap ko ang aking sarili dahil sa lamig na nanggagaling sa bintana. Wala parin naman sila Seniorito mukhang natagalan sa biyahe.
Pinagaral niya ako at itinuring na kapamilya. Ngunit ni minsan hindi siya tumawag o nagpadala ng mensahe kung kamusta na ba siya ‘ron? Nagaalala ako? Oo. Dahil siya ang amo ko natural nagaalala ako! Higit pa ‘ron mahal ko parin siya at hindi manlang nagbago iyon kahit na dumaan pa ang ilang taon. Bigla akong napahawak sa aking dibdib dahil nagsisimula na naman kumabog ng grabe. Nais ko naman talagang makita siya at kahit papaano ay mapanatag ang kalooban ko.
Ilang saglit pa ay narinig ko na ang kotseng minamaneho ni Tatay Gregor. Ang personal na drayber ni Seniorito. Pumarada ito sa tapat ng entrada ng mansyon. Agad akong bumaba para salubungin siya. Nakita ko agad si Manang Lucinda na yakap-yakap si L-Leandro este si Seniorito. Obvious naman ang saya sa mukha ng kanyang yaya. At silang dalawa ay sabay na lumingon sa aking gawi. Napayuko ako dahil sa hiyang naramdaman ko.
“Hija, nandito na ang pinakahihintay mo este nating lahat!” pagbibiro ni Manang Lucinda. Lalo akong nakaramdam ng hiya dahil sa birong iyon. I heard him chuckled.
Hindi ko na nagawa pang humakbang papalapit dahil sa hiya at kaba. Lalo pa akong nakaramdam ng hiya ng mapansin ko ang aking suot. Nakasuot lamang ako ng manipis na pantulog. Kaya sa aking hiya ay tumalikod ako at tumakbo paakyat ng hagdan.
Narinig kong tinawag ako ni Manang Lucinda ngunit hindi ko na siya nilingon pa. Kailangan kong magpalit. Nakakahiya ang aking suot. Lalo akong kinabahan at habang nagpapalit ay may kumatok sa aking pinto.
“M-Manang, s-sandali lang po..” sigaw ko. Huminga ako ng malalim dahil sa pagwawala ng puso ko sa kaba. Nanginginig kong isinuot ang uniporme namin. Binuksan ko ang pinto at halos panawan akong ulirat ng makita si Seniorito sa labas ng pinto.
“S-Seniorito!” anas ko.
“Sabayan mo ako sa pagkain,” diretsahan niyang sabi.
Ramdam kong tinitignan niya ako kaya agad ko siyang sinagot ng “Opo. Pasensya na. T-tara na po sa baba.”
Nauna na akong lumakad sa baba ng higitin niya ang kamay ko. Nanlalamig kaya agad kong binawi.
“Ahm..may ka-kailangan pa po ba ka-kayo?” utal kong sabi.
“Wala naman,” nakita ko pang nagtaas baba ang kanyang adam’s apple. At ngayon mas lalo akong kinabahan. Ano ba kasing problema niya? Hindi ganyan ang lalaking sumagip sa akin mula sa kamay ni Annabeth. Ang lalaking sumalo ng bala na para sa akin.
“Pa-Pasensya na po.. Halika na po kayo sa baba,” sabi ko nalang. Kailangan kong pakalmahin ang puso ko dahil baka hindi ko mapigilang mayakap siya at halikan. Hindi ko maitatagong mas gusto ko ang ayos ng buhok niya at may bigote na siya. He look messy and a bit look of a mature man. Hindi ko rin maitatangi ang kamay niyang mainit at magaspang.
Magkaharap kami ni Manang Lucinda sa hapag kainan. Sa tuwing napapatingin ako kay Seniorito ay nakatingin din ito sa akin at si Manang Lucinda na ibig-ibig ng sumigaw sa panunukso. Hindi ako komportable pero kailangan kong umasal ng hindi naman mahalatang labis akong nangulila sa lalaking ito na hindi manlang nakilala ang babaeng kanyang nakaniigan ng gabing iyon.