Kabanata 13 :Do you regret it?

1063 Words
NAMULA ang kaniyang pisngi sa narinig kasabay ang pagdagundong ng kaniyang dibdib sa kaba. ‘Ano ba kasi ang pumasok sa aking isip at umasal ako ng ganon,’ sita niya sa kaniyang isip. ‘Nagseselos ka kasi katawagan niya,’ muli niyang sita. “I-I’m sorry, Seniorito medyo masama lang talaga ang pakiramdam ko kanina,” dahil sa hindi niya mawaring emosyon ay tinototoo ang kaniyang dahilan. Napahawak siya sa kaniyang leeg at noo. Tinignan naman siya ng lalaki na mukhang naniniwala sa kaniyang inaarte. “G-Gusto mo dalhin kita sa Ospital?” ngunit malaki ang takot ni Glenda sa dugo at injections. Kaya umupo siya at pinagkiskis ang palad. Nanlalamig na kasi ito sa takot. “A-A Eh S-Seniorito…magpapahinga nalang ako, bukas okay na ako. Promise,” pautal-utal niyang sabi. “A-Are you sure?” sabi nito na parang binabasa ang kaniyang ekspresyon. Kaya napahawi siya ng buhok at iniwas ang tingin. “Hmm, Opo.” Mahina niyang tugon. Tumayo si Leandro at namaywang. “Hindi mo ako makukumbinsi sa mga ganiyan mo. Kailangan mong ma-check-up ngayon at nang mabigyan ka ng mga gamot,” kaya tumayo narin siya at umiling. “No need for that. I think, I’m okay now. T-Tara na po maghapunan na tayo,” may diin niyang sabi. Pinilit niyang ngumiti. Dire-diretso siyang bumaba ng hagdan ng hindi nililingon ang amo. Nasukol na siya at kailangan na lang niyang maging okay sa harap nito. Pinasadahan niya ng tingin ang amo bago umupo kaharap nito. Ilang beses niyang binasa ang kaniyang labi ng makita ang sinigang na hipon sa harap. Ang tagal kasing kumuha ni Leandro kaya kahit nais na niyang humigop ay kailangan niyang magtimpi. “M-Mauna kana..” sabi nito. Kumunot ang noo niya dahil mukhang galit ito base sa ekspresyon ng mukha nito. “Hmmm..kailangan po kayo ang mauna dahil boss ko kayo..” ipinagsandok niya ng sabaw ang amo at inilagay sa isang mangkok. Hindi niya inaasahang huhulihin ni Leandro ang kaniyang kamay habang kumukuha ng sariling ulam. “Nahihirapan ka ba dito sa bahay?” mabilis niyang binawi ang kaniyang kamay na parang nakuryente at umiling. Halatang iniiwasan niya ang nakapapasong titig nito. Nagsimula silang kumain at hindi na rin nagsalita si Leandro. Matapos ay naiwan si Glenda para iligpit ang kanilang pinagkainan. Bago siya pumunta sa likod ay chineck niya pa ang amo kung nasa baba pa ito, kaya ng masigurado niyang wala na ay nagpunta siya sa pool para ibabad ang kaniyang paa. Hindi siya makapagisip ng maayos lalo na kung magkukulong lamang siya sa loob ng kaniyang kuwarto. Inilubog niya ang kaniyang mga paa sa tubig— malamig at tamang-tama sa maalinsangang panahon. Naiinganyo tuloy siyang lumangoy. May narinig siyang boses sa kaniyang likuran kaya siya ay napatayo ngunit dahil sa pagkagulat ay nadulas siya at nalaglag sa pool. Kay Leandro ang boses na iyon. Kumawag-kawag siya pero para siyang bumigat kaya lumulubog siya— nalulunod. Tumalon si Leandro at inahon siya. “W-What are you doing in here?” asik ni Leandro. Alam niyang may galit sa tono nito ngunit narito sila sa gilid at halos ilang pulgada nalang ang pagitan nila. Amoy alak ito at ganon nalang ang mainit na titig nito sa kaniya. Lalo niyang naramdaman ang pagtahip ng dibdib niya sa kaba nang ang mga mata nito ay nasa kaniyang labi na nakatitig. Napapikit siya ng unti-unti nitong inilapit ang labi sa kaniya. Naglapat ang labi nila at mariin siyang kinagat nito sa ibabang bahagi kaya naawang niya ang kaniyang labi. Masuyo siya nitong hinalikan at halos mabingi siya sa tib0k ng kaniyang dibdib. Ilang saglit pa ay naghiwalay ang kanilang mga labi at kapwa habol ang hininga. Nuon lamang ni Glenda napansin na nakapulupot na ang kaniyang mga braso sa leeg ni Leandro kaya agad niya itong binawi at yumuko siya dahil sa hiya. He cupped her jaw to face him up. “G-Glenda? Do you regret that night with me?” nanlaki ang mga mata niya ng marinig ito kay Leandro. Buong akala niya ay lasing ito at wala sa sarili. “S-Seniorito. Hindi ko po alam ang sinasabi ninyo? Nandito po ako—” may nais pa sana siyang sabihin ng muli siyang siilin ng halik ni Leandro. Mas mapusok ngayon dahil hindi na niya malaman ang gagawin ng bigla siya nitong buhatin. Dinala siya nito sa sala at ng pakawalan nito ang kaniyang labi ay lalo siyang namula. Hindi siya makapagsalita dahil sa takot na angkinin na naman nito muli ang kaniyang labi. “I was aware—fully aware of what happened between us that night.” Nanlaki ang mga mata niya at napatingin kay Leandro. “I will be asking you again. Do you regret it? ” seryoso ang mukha ni Leandro at mukhang binabasa nito ang ekspresyon niya. Tumango si Glenda. At kumunot ang noo. “That was a mistake. S-Seniorito.” Mahina niyang sagot kaya inayos ni Leandro ang pagkakababa kay Glenda sa sofa. “H-Hindi ko nakakalimutan ang gabing iyon. At ngayong maayos na ang isip ko at wala ng gumugulo pa gusto kong ipagtapat sa iyo ito. Look, I-I’m sorry, Glenda!” bigla itong napayuko. “Aksidente lang ang nangyari kaya maaari bang kalimutan nalang natin iyon. Amo kita at hindi ko dapat ginawa iyon,” Tumayo si Leandro at iniwan siya sa sala. Dire-diretso itong umakyat at padabog na isinarado ang pinto. Hindi na niya napigilan ang umiyak dahil matagal niyang kinimkim ang sekretong iyon na buong akala niya ay hindi ito natatandaan ni Leandro. Ngunit ngayon lamang niya naramdaman ang kaguluhan ng kaniyang isipan. Kaya naisagot niya ritong pinagsisihan niya ang gabing iyon. Gininaw siya at pumasok siya sa kaniyang kuwarto. Bukas ay aalis siya at wala ng dahilan pa para manatili sa mansyon. Hindi niya maintindihan ang halik na ibinigay ni Leandro sa kaniya. Ito ba ay totoo o dala lamang ng kalasingan? Niyakap niya ang kaniyang sarili at ang kaniyang alaala ay bumalik sa gabing iyon. Humikbi siya hanggang sa makatulog. ‘Hindi ko maintindihan ang sinabi niya ng gabing iyon bago niya saluhin ang bala para sa akin. Naging kumplikado ang lahat matapos ang insidenteng iyon. Lalo na ng mawala ang kaniyang ama. Nilunod niya ang sarili sa kalungkutan at alak. Isang araw ang akala kong simula ng pagiging mabait niya ay iyon pala ang oras na magpapaalam siya patungo ng ibang bansa,’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD