Kabanata 9: At the Ranchiees with Fake GF

1330 Words
MATAPOS ang diskusyunan ay nanatiling kaswal ang dalawa sa isat-isa lalo na sa harap ng mga tauhan. Tumulong din silang maglinis at sa huli si Glenda na ang may hawak ng vacuum. Nang sumapit ang ika-anim ng gabi ay unti-unti ng nagsialisan ang mga tao at ang natira na lamang ay pangilan-ngilan kaya naisipan niyang magtanong sa mga ito. “Aalis na po ba kayo? Wala po bang matitira na makakasama namin dito?” “Maglilinis lang po kasi kami dito. Iyon lang po ang sabi ng Seniorito. Sa ngayon wala pa pong mga katulong na magstay-in dito sa mansyon. Pero babalik pa po kami bukas ng umaga para ituloy ang paglilinis sa gawing likod naman po,” sagot ng isang batang babae. Sa panonood niya sa mga ito hindi niya napansin si Leandro sa kaniyang likuran. Hinawakan ni Leandro ang kaniyang kamay kaya sa kaniyang gulat ay nabitawan niya ang vacuum. “Ayy K-Kalabaw!” gulat niya. Napahawak siya sa kaniyang dibdib. “Akin na nga iyan para matapos na,” sabi ni Leandro. “W-Wala kang pinag-stay sa kanila? Napakalaki ng mansyon na ito,”sabi ni Glenda. “Nagrereklamo ka na ba? ‘Wag kang mag-alala dahil hindi naman kita patatakbuhin mula sala hanggang kusina. Tatapusin muna ang paglilinis at saka ako mag-hire ng tao na makakasama natin dito,” paliwanag ni Leandro. Umarko ang kaniyang kilay sa paliwanag na iyon. Tumingin siya sa kaniyang relo. “Halika na sa kusina siguro puwede na tayong mag-dinner at may lakad ako mamaya,” sabi ni Leandro. “Huh, iiwan mo ako mamayang gabi dito? Saan naman po kayo pupunta Seniorito?” tanong nito. “Sa Bar, sa mga kaibigan,” presko niyang sabi. “Puwede mo ba akong isama? Ayokong magisa dito,” pagmamakaawa niya. Muli siyang tinignan ng may pang-aasar. “Oh diba sabi mo hindi ka natatakot dito?” “Sinong hindi? Lahat ng dating nagmay-ari nito ay wala na. S-Sige na, Seniorito isama mo na ako..o ihatid mo nalang ako sa San Roque?” suhesyon niya. “Nope. Ahhmm Isasama lang kita sa isang kondisyon?” “Ano naman iyon?” “Sa bar na pupuntahan ko halos mga family friends sila at ang iba ay kamag-anakan namin kaya kailangan ko ang acting skills mo as my girlfriend,” diretsahan niyang sabi. Saglit siyang napaisip sa sinabi ni Leandro. “Bakit hindi ka nalang maghanap ng ipakikilala mong nobya?” “Ayoko. Actually, may nakita na ako pero hindi pa ako handang umamin baka lumayo ang loob. At kung wala akong ipapakilala ay tiyak magpadala sila ng mga babae dito para i-reto sa akin. Saka ikaw na ang pinaka-perpektong nobya na maaari kong maipakilala sa kanila,” halos hindi niya napigilan ang pamumula ng pisngi sa narinig. Hindi siya dapat mahulog sa mga sinasabi nito isa pa amo niya si Leandro at anumang oras ay maaari siya nitong bitawan. “O, masama yata ang pakiramdam mo..may lagnat ka ba at bigla kang namula?” may halong pang-aasar ng lalaki. At lalo pa siyang hindi nakahuma ng salatin ni Leandro ang kaniyang noo. Tinabig niya ito at lumayo sa lalaki. “W-Wala! Namumula ako sa galit!” sabi ni Glenda. Magkasabay silang umupo sa hapag kainan. Hindi na siya nakaramdam ng hiya sa amo. Pinagsilbihan muna niya ito bago siya kumuha ng sariling pagkain. Halos mabitawan niya ang kaniyang kutsara ng bigla siyang titigan ni Leandro. “S-Seniorito? May dumi po ba ako sa mukha? Gutom na po kasi ako,” sabi ni Glenda. “W-Wala naman. Para maging perfect ang acting natin, Please, Call me Leandro,” sabi nito. “Nakakailang po kung iyan ang itatawag ko sa inyo,” “Leandro o babe?” “Po?” “I mean sinong maniniwala sa atin kung ang tawag mo sa akin ay Seniorito. Much better kung may endearment sana pero since naiilang ka. First name basis tayo, Glenda.” Tumango si Glenda kay Leandro. “Le-Leandro,” naiilang man siya ay mas maganda na ito kaysa sa ano pa mang sinabi nito kanina. “Hmmm. Sana mas maaga pa kitang nakilala para naman naging mas malapit tayo sa isat-isa. Naiwasan tuloy ang awkward feeling,” mahinang sabi ngunit sa focus ni Glenda sa pagkain ay hindi na niya ito narinig. Muling tumango si Glenda sa lalaki. Matagal na niya itong nakikita sa mansyon kaya nga mas lumalim ang paghanga niya rito. Ngunit si Leandro ay may kasungitan kaya natutuwa na siyang pagmasdan ito mula sa malayo. Niligpit niya ang kanilang pinagkainan bago siya umakyat sa kaniyang kuwarto para makapagpalit. Ilang mga katok ang kaniyang narinig. Tapos na siyang makapag-shower at tanging tuwalya lang ang nakatabing sa kaniyang katawan. Kaya hindi niya gaanong binuksan ang pinto at kinausap niya ito sa siwang. “Hintayin kita sa baba,” sabi ni Leandro at dali-dali siyang nagbihis. Black tube na tenernuhan ng jacket at long fitted pants. Niladlad niya ang kaniyang semi-curl na buhok with light make-up. Hindi niya napansing paglabas palang niya ng kuwarto ay napako na sa kaniya ang tingin ni Leandro. Naka-maong jacket at pants lang si Leandro. Sa simple nitong suot ay hindi mo aakalaing taga-pagmana ng mga Claveria. “P-Pasensya na po sa paghihintay?” “May mas igaganda ka pa pala? W-Wait nagba-bar ka rin ba with your friends sa San Roque?” paguusisa ni Leandro. “Nakapag-bar ako once ay twice pala. Pero hindi naman po kami nagtatagal dahil magagalit si Manang Lucinda,” sabi niya na ikinakunot ng noo ni Leandro. “Hindi iyan nasabi ni Manang. Kung ako ang bantay mo hindi kita papayagan dahil—anyway baka naghihintay na ang mga kaibigan ko,” masungit na sabi ni Leandro. Hindi niya maintindihan ang biglang pagbabago ng mood nito. Halos kalahating oras bago nila maabot ang Ranchiees. Isang Nightclub na pagmamayari ni Caesar Claveria isa sa mga pinsan at kaibigan ni Leandro. Sinalubong sila ni Caesar at dinala sa nireserve na table para sa kanila. Si Caesar ay isang babae. Nanlaki ang mga mata ni Glenda ng bigla nitong halikan si Leandro sa labi. Pero parang wala lang ito sa lalaki dahil sinuklian ng ngiti ang babae. “Hey, Couz sino siya?” tanong ni Caesar. “She is Glenda. My Girlfriend.” bahagyang umismid si Caesar pero kinuha nito ang kaniyang kamay. “Hi, Glenda! Glad to meet you,” bati nito. Isa lang si Caesar sa lima pang mga naroon. Lahat sila ay parang naiilang na makitang may kasamang babae si Leandro. Hindi ako kasing ganda nila at gayundin ang tipo ni Leandro na babae kaya sana matapos na ang isang buwan na pamamalagi ko dito. Kaisip-isip ni Glenda. Napatingin si Leandro kay Glenda na may hawak na isang kopitang may lamang alak. Hinaklit siya nito sa baywang at bahagyang binulungan. Naramdaman niya ang mainit na hininga nito kaya napakiling siya na waring nakikiliti. Nanlamig ang kaniyang mga kamay at kasunod ‘non ay ang pagpapawis ng grabe. Nilagok niya ang alak sa kopita para mabawasan ang nararamdamang pagkailang. “That’s enough, Glenda!” bulong ni Leandro at humigpit ang paghawak nito sa baywang niya. Isang napakatamis na ngiti ang isinukli sa kaniya ni Glenda. At tumango. Alam nitong hindi ito mahilig uminom kaya ipinatigil na ni Leandro ang paginom nito. Kaya sumimangot si Estrella na nagsasalin sa kopita ni Glenda. Si Estrella ay isa sa mga pinsan niya. Tawanan at kuwentuhan ang pumuno sa pagkikita ng mga magpipinsan. Matapos kasi ang aksidente sa mansyon ay tumahimik ang lahat para unti-unting patayin ang issue. Halos limang oras din sila sa lugar na iyon. Napabuga ng hangin si Leandro ng makita ang itsura ni Glenda. Halatang tinamaan ito sa mga binigay ni Estrella. Kaya pinagbuksan niya ito ng pinto at inayos ang pagupo sa kotse. Siya narin ang naglagay ng seatbelt dahil sa kalasingan. “Next time no alcohol for you..magtiis ka sa soda water,” asik niya. At pinagmasdan ang napakaganda nitong mukha bago paandarin ang kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD