Kabanata 8: Claveria's Mansion

1342 Words
Glenda’s POV Hindi ko lubos akalaing muli akong makakabalik sa lugar na ito. Halos dito na ako lumaki sa mansyong ito. Si Itay at Inay ay dating mga tauhan ng Alkalde bilang taga-silbi sa pamilya at barok sa bukid. Mabait sa akin ang Alkalde ngunit ayaw na ayaw ni Itay na lumalapit ako sa Alkalde. May usap-usapan kasi ang mga katulong na may ni-rape daw ito noon. Sa dami ng pera ng mga Claveria ni isa sa mga ito ay hindi na muli pang pinag-usapan. Takot ang nararamdaman ng mga magulang ko sa tuwing may ipaguutos ang Alkalde. Pero dahil bata pa ako ‘non ay hindi ako naguusisa at nagtanong kay Inay dahil baka tampalin na naman niya ang aking bibig. Ngayon ay wala na ang Alkalde at si Annabeth napakatahimik ng mansyon na ito. Naglakad-lakad ako sa gawing kusina sa likod ng napakagandang hardin. May vineyard sa likod madalas ay kami ang naghaharvest ng mga ito dahil may sariling pagawaan ng alak ang mga Claveria. Palibhasa ay napakahilig nila sa alak. Ngunit wala na ito ngayon. Napaka-sukal na ng likod. Limang taon itong nabakante. Napitlag ako ng biglang magsalita si Leandro sa aking likuran. “Sa tuwing dumaraan ako dito may isang batang babae ang madalas na naliligo sa pawis at magbibigay ng ubas sa akin,” sabi nito. Lumakas ang tib0k ng puso ko dahil ako ang batang tinutukoy niya ‘non. Matanda siya sa akin kaya hindi na nakapagtataka kung bata ako sa paningin niya. “Ako ang batang iyon, Seniorito!” sabi ko. Napakamot ng sa ulo si Leandro at ngumiti sa akin. “Next month pasisimulan ko na ulit buhayin ang vineyard para makapagproduce ng alak. Marami akong aayusin dito at sa asyenda ni Papa. Halika sa loob may ipapakita ako sayo,” narinig ko siya ulit. Bumalik kami sa loob at nagulat akong may dalawampung tao ang naroon at nagsisimulang maglinis. Hindi ko na kilala ang mga naroon wala ni isang nakakakilala sa akin o sa aking magulang. Ganito ang mansyon ng mga Claveria halos mga katulong ang nagbibigay buhay sa malungkot na bahay na ito. Umakyat kami sa taas, hindi ko pa ito nararating dahil hanggang sa maid’s quarter lang naman ako at sa vineyard. Pumasok kami sa isang kuwarto. At itinuro sa akin ni Seniorito ang kama. Bakit dito agad? Isinara niya ang pinto kaya nakaramdam ako ng kaba. “Anong ginagawa natin dito?” tanong ko sa kaniya at hindi ako umalis malapit sa pinto. Umupo siya sa kama at kinalampag iyon. Mas mamahalin ang mga muebles dito kaysa sa modernong bahay niya sa San Roque. “Ito ang magiging kuwarto mo. Halika mas maganda ang quality ng mga gamit dito kaysa sa bahay ko,” sabi na nga ba at hinalintulad niya sa bahay niya. Pero hindi ako lalapit at muling tatabi sa kaniya sa kama. “Ang laki naman nito. Siguro mas magandang ‘don nalang ako sa quarter’s maid. Saka isang buwan lang naman eh. Hindi ako sanay sa ganiyang kagandang kama. Saka nakakatakot dito parang may multo,” sabi ko. Ang totoo ay hindi ako natatakot sa multo dahil lumaki akong magisa. Palagi kasing wala ang inay at itay dahil madalas nandito sila sa mga Claveria. “Exactly! It just a month kaya ko binigay sa iyo ang kuwartong ito. At kung may multo man ay maaari naman kitang samahan dito,” nakaloloko niyang sabi. Napatingin kami sa isat-isa. “Hindi ako takot sa multo, kaya no need,” sagot ko. Mapagbiro si Leandro simula ng dumating siya. Anong nangyari sa kaniya sa limang taon at totally nagbago siya. May nangyari ba sa kaniya ‘ron kaya siya naging ganiyan. Tinungo niya ang bintana at pinagmasdan ang tanawin mula ‘ron. “Dito din ako madalas noong bata pa ako pero palagi lang ako sa baba dahil takot ako kay Tita. Madalas kasi siyang nakatingin sa akin na parang may nagawa akong kasalanan sa kaniya. Now, I knew what was the reason behind it, I was a bastard son of his husband,” kuwento niya. Hindi siya nagbabanggit about kay Alkalde o sa pamilya nila ngayon ko lang siya narinig. Tumingin siya sa akin at sumandal sa bintana. “Bakit ka aalis? May problema ba sa akin?” “W-Wala! Gusto ko lang maging independent. Saka Seniorito marami ka ng naitulong sa akin. Niligtas mo ang buhay ko, niligtas mo ako kay Miss Annabeth at pinagaral mo ako,” sagot ko. “Wala ng ibang reason?” muli niyang tanong. Totoo naman ang lahat ng iyon ngunit kulang pa ang rason na sinabi ko. Ang pinaka-rason ko ay siya at ang puso ko. Hindi nagbago ang pagtingin ko sa kaniya at lalo lang ito lalalim kapag nanatili pa ako sa tabi niya. Imposibleng suklian niya ang pagibig ng isang katulong. “Wala na,” maikli kong sagot. Natahimik kami sumandali kaya kumalma ang nasa dibdib ko. “Okay. Kung iyan ang desisyon mo hindi na kita pipilitin na manatili sa tabi ko,” malungkot niyang sabi kaya para akong nakaramdam ng pagkakonsensya. Malulungkot din naman ako dahil para ko ng nanay si Manang Lucinda. At siya ay para ko naring pamilya kabiyak ng aking puso. Agad niyang napansin ang pananahimik ko kaya muli siyang nagkuwento. “Nagtrabaho ako bilang barok sa isang asyenda sa ibang bansa. Matanda siyang lalaki na magisa sa buhay at dahil isa siyang mayaman inisip kong hindi siya magtuturo sa akin ng maraming bagay pero ang lalaking iyon ay tulad ko. Anak sa pagkakasala ng magulang at yumaman dahil binigay sa kaniyang lahat-lahat,” kuwento niya. Marami ngang nagbago sa kaniya siguro dahil sa pagtatrabaho niya sa ibang bansa. Isa siyang mayaman pero namasukan siyang katulong ‘ron. Naputol ang kaniyang pagkukuwento ng may biglang kumatok. Agad ko naman iyong pinagbuksan. “Seniorito, may bisita raw po kayo sa labas,” sabi ng isang kasambahay. “Sino raw po?” napakagalang niyang sagot. “Si Rainer daw po. Pinsan daw po ninyo,” Bumaba kami at nakita ko ang isang lalaking halos kasing kisig at guwapo rin ni Leandro. Hindi ko siya namumukaan. Agad din itong napatingin sa akin dahil siguro kasama ako ni Seniorito. “’Couz,” Nagyakap sila na parang matagal ng hindi nagkikita. Well ngayon lang siya ulit nagpunta dito sa San Simon. “Ang tagal mong nawala,” sabi nito. “I’m back, ‘Couz. Bubuhayin ko ang Asyenda ng alkalde kaya ako narito,” diretsahang sabi ni Leandro. Naghanda ako ng kanilang miryenda sa kusina. May mga kasambahay din ‘don kaya hindi na ako nahirapan pa. Nilapag ko ang mga ito sa lamesa at hinawakan ako ni Leandro sa aking pulsuhan para maupo sa tabi niya. Kaya ganon nalang ang tingin ng pinsan niya sa akin. Gusto ko sanang maglibot-libot pa pero mukhang hindi niya gustong maiwan sa pinsan niyang ito. Mukha namang mabait si Rainer at maayos naman ang paguusap nila. “Who is she?” tanong ng pinsan niya. “Ahm this is Glenda. My girlfriend,” sagot niyang ikinalaki ng mata ko sa gulat. “Siya rin ang personal kong secretary at tutulong sa akin dito. She is a teacher,” dagdag pa niya. “Hi, Glenda…pihikan ang pinsan kong ito buti at may ipakikilala na siya sa Taunang Baile ng San Simon,” sabi nito. “Ang dad mo ang umupong alkalde. Isa ulit na Claveria matapos ang apat na taon. Well, Salamat sa pagimbita,” sagot ni Leandro. Pinakilala niya akong nobya sa pinsan niya. Ano na naman ang nasa isip ng lalaking ito? Mamaya ka sa akin. Napabuntong hininga ako dahil ang tagal at nakaiinip ang kuwentuhan nila. Nagulat ako ng bigla nitong hawakan ang aking kamay at ipakitang we’re in a real relationship. Nang makaalis si Rainer ay binawi ko ang aking kamay. “Sorry! Anong girlfriend?” pasimula ko. “I’m sorry pero in a month lang naman. Please…” sabi ni Leandro at ngumiti sa akin. Ano ba itong napasukan kong gulo? At parang ang saya saya pa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD