Kabanata 10 : High Fever

1104 Words
MABIGAT ang kaniyang katawan at parang binibiyak sa kirot ang kaniyang sintido. Napaungol siya at unti-unti niyang idinilat ang kaniyang mga mata. Bumungad sa kaniya ang puting kisame. At unti-unti niyang inalala ang nangyari sa nagdaang gabi. Napaupo siya dahil si Leandro ang unang pumasok sa kaniyang alaala. Napahawak siya sa kaniyang labi dahil sa kaniyang naalaala o isa lamang panaginip. “Imposible..I-Imposibleng hina—” bulong niya sa kaniyang sarili. Sumunod niyang kinapa ang kaniyang damit. Nakahinga siya ng maluwag ng makitang iyon parin naman ang suot niya mula kagabi. Ibig sabihin lamang ‘non ay walang nangyari sa kanila o sa madaling sabi ay wala siyang nagawang bagay na pagsisihan niya kinabukasan. Kaya malamang ay panaginip lamang ang naalala niyang hinalikan siya nito. Napatingin siya sa gawing pinto ng biglang bumukas ito. Nakita niya si Leandro na may dalang pagkain. Dahil ‘don ay nakaramdam siya ng kaunting pagkahiya. “Morning Mia Bella,” malambing nitong sabi. Tumayo siya at nagmamadaling nagtungo sa CR para magtago. Sinundan lamang siya ng tingin ni Leandro na may pangiti-ngiti pa. Nilapag nito ang dalang pagkain sa sidetable. “S-Seniorito, pa-pasensya na kagabi, hindi ko napigil ang sarili ko. Na-Nalasing ako,” Nautal niyang sabi. Umupo si Leandro sa kama. “Mahilig ang pamilya namin sa alak. Kaya next time huwag kang makikipagsabayan sa kanila,” paalala ni Leandro. “I’m sorry. I’ll keep that in mind,” “Halika na. Lumabas ka na diyan. Magbreakfast kana...” sabi ni Leandro. Unti-unti siyang lumabas sa kaniyang pinagtataguan. Napatingin siya sa pagkaing dinala ni Leandro. “Kaya ko naman ang bumaba para kumain. Saka ako ang katulong at amo kita kaya ako dapat ang gumagawa niyan,” mahina niyang sabi. “Pero hindi naman kita tinatratong katulong. Pamilya kana sa akin, tulad ni Manang Lucinda,” “Pero—” “Sabi ko naman sa iyo. Pamilya ka na sa akin. So, from this day masanay ka ng tawagin akong Leandro o babe. Marami ka pang makikilalang pamilya lang sa pangalan pero hindi talaga pamilya ang tingin sa akin,” tila may kirot habang sinasabi niya ito. Hinila niya ang pulsuhan ni Glenda at pinaupo sa kama. “Magbreakfast kana dahil marami pa tayong aayusin sa dating opisina ni Dad. At maligo ka na rin dahil amoy ka paring alak,” sabi ni Leandro at tumayo narin ito. Namaywang pa ito at parang nang-aasar. “Kung nakakaramdam ka ng hang-over tara sa pool later tonight,” Napayuko si Glenda. “Susunod na po ako sa baba,” at dumeretso na itong lumabas ng kaniyang kuwarto. Alam niyang mas naging weird ang ikinikilos ng lalaki ngunit sa sinabi nito tungkol sa pamilya lamang sa pangalan ay nakaramdam siya ng awa sa amo. Nagmadali siyang magumagahan at naligo. Nadatnan niya ang lalaking may mga agiw sa ulo at nababalot na ng alikabok. Wala siya sa kaniyang sariling pinagpag ito. Tumingkayad pa siya para abutin ang ulo nito hanggang sa magtama ang kanilang mga mata. Saka lang niya napansin ang ginagawa ng matulala sa kaniya si Leandro. Tila gulat na gulat ito sa ikinilos niya. “Hmm heto ang wet wipes at mask. Maalikabok baka hikain ka,” sabi niya habang unti-unting humahakbang papalayo sa lalaki. Iniwas niya ang mukha dahil sa pamumulang nararamdaman. Tumalikod siya at sinimulang isilid sa mga boxes ang mga libro ng alkalde. Bago maghapunan ay natapos nilang linisin ang opisina at buhatin ang mga boxes sa labas. Nagpagpag si Leandro tanda na tapos na ang trabaho. Parehas silang nagkatinginan at napangiti si Leandro. “T-Thanks, Glenda. I think we are done with the office. Let's call it a day,” mababakas na pagod na ito sa tono ng pagsasalita nito. Hindi na niya nagawa pang lingunin muli ang dalaga at dire-diretso sa kuwarto nito. Ipinaghanda niya ng hapunan si Leandro. At dali-dali niya itong inakyat sa itaas. “S-Seniorito?” kinatok niya ang pinto at narinig niya itong nagsalita. “T-Tuloy ka?” unti-unti niyang pinihit ang doorknob. Nakita niyang patagilid itong nakahiga sa kama at hindi manlang nakapagpalit ng damit. Inilapag niya ang dalang pagkain sa side table at umupo sa tabi ni Leandro. Nakatagilid si Leandro. “M-May kailangan ka ba? Inaantok na ako kaya umakyat na ako,” may garalgal sa tono nito na parang nilalamig. Sinalat niya ang noo nito at halos mapaso siya sa init nito. “S-Seniorito, mataas po ang lagnat ninyo. Sandali lang po at ikukuha ko po kayo ng basang bimpo,” Hindi na niya hinintay na magresponse si Leandro. Bumaba siya at kinuha ang gamot. “Kailangan ko po kayong punasan para bumaba ang lagnat po ninyo,” “Ay-Ayos lang ako..no need to worry sanay na a-akong mag isa..” sabi ni Leandro habang pilit na namamaluktot sa ginaw. “Edi kung ayaw mo. Inumin mo nalang itong gamot para naman bumaba ang lagnat mo. A-Ako ang pagagalitan ni Manang Lucinda,” sabi ni Glenda. Ngunit matagal pa bago nagresponse si Leandro kaya bigla nalang siyang tinampal ni Glenda sa may gawing braso. “A-Awww.. masakit ang buo kong katawan. Dapat inaalagaan mo ako hindi sinasaktan,” bulong nito. “Ayaw mo nga ng alaga. Inumin mo itong gamot o aalis nalang ako dito at papupuntahin ko si Manang Lucinda,” “N-Nanakot kaba? Oo na. Iinumin ko na ‘yan,” pinilit niyang umupo. Iniabot ni Glenda ang gamot at ang isang basong tubig. Matapos ay initsa ni Glenda kay Leandro ang isang pares damit pamalit. “Kailangan mong magpalit ng damit,” may otoridad nitong utos. “O-Opo Maam,” “K-Kailangan mong magpunas manlang. A-Ako na ang gagawa,” sabi ni Glenda. Tinulungan niyang makapaghubad si Leandro at napalunok siya sa nakita niya ang matipunong dibdib nito at mga pandesal sa tiyan. “Done, Eye r^ping me?” mahina nitong sabi. Kaya nagiwas ng tingin ang dalaga at hinayaan nalang niyang makapagpunas ito. “Lalabas na ako. Mahiga kana at aayusin ko ang blanket mo,” sabi ni Glenda. Sumunod naman si Leandro at inayos ni Glenda ang blanket. She turned off the aircon. Makaraan ang apat na oras ay bumalik siya kuwarto ni Leandro at muling tinignan ang temperatura nito. Bumaba na ang lagnat nito kaya siya naman ay nakahinga na ng maluwag at nakatulog narin sa maliit na sofa. Alas singko ng umaga nang bumangon si Leandro at napansin niya si Glenda na nasa sofa. Binuhat niya ito at inihiga sa kaniyang kama. Bumaba siya para kumain at uminom ulit ng gamot. Pagbalik niya ay mahimbing parin itong natutulog kaya tumabi narin siya at ikinulong niya ito sa kaniyang bisig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD