Kabanata 14 : Pagkailang sa isat-isa

1215 Words
PAGMULAT niya ng mga mata muli na naman niya naalala ang nangyari kagabi. Bahagya niyang sinalat ang kaniyang labi at napailing. May galit sa kaniyang dibdib na hindi niya mailabas. Nais niyang umalis na lamang sa mansyon dahil kung magtatagal pa siya ay tiyak na hindi niya mapipigilan ang sariling komprontahin ang lalaki. Naikuyom niya ang kaniyang palad at huminga ng malalim. ‘Aalis kana sa bahay at buhay ni Leandro,’ Inayos niya ang kaniyang mga gamit gayundin ang pagbibit sa ibaba para magtungo na sa San Roque. May trabaho sa kaniyang naghihintay at babayaran niya ang lahat ng ginastos sa kaniyang pagaaral. Binuhat niya ang kaniyang maleta at nadatnan niya si Leandro na nasa sala kausap ang ilang kadalagahan. “Kuya, is that your Girlfriend?” tanong ng isang batang babae. Narinig ito ni Glenda. Lahat sila ay sa kaniya ang tingin gayundin si Leandro. Nakaramdam tuloy siya ng kaunting pagkahiya ng biglang tumayo si Leandro at tulungan siya sa kaniyang bitbit. “K-Kaya ko naman ito. Hindi naman mabigat,” bulong ni Glenda. “May ipapakilala ako sa iyo.” Biglang nagsalita si Leandro at hinawakan siya sa kamay. Gayon nalamang ang panlalamig ng kaniyang palad sa ginawa ni Leandro. Naramdaman niya pang bahagya nitong pinisil-pisil. “She is Miranda, youngest sibling ni Rainer. At sila naman ang mga kaibigan niya. Siya ang maghohold ng event dito. K-Kaya siya pumunta dito dahil gusto niyang assurance na dadalo tayo,” malambing nitong sabi. “Hi, Ate Glenda. Nice to meet you,” tumayo ang batang babae at humalik sa kaniyang pisngi. Ngumiti siya at gano’n din ang isinukli kay Miranda. Nagkatinginan si Glenda at Leandro dahil mukhang nag-eenjoy ang mga bata sa pagiging sweet ni Leandro sa kaniya. Hanggang ngayon kasi ay hawak parin nito ang kaniyang kamay. Napangiwi si Glenda ng pilitin niyang bawiin ang kamay ngunit hindi ito pinayagan ni Leandro. “So, aasahan namin ang presence ninyo sa taunang baile natin. It would please Dad to have you back here, Kuya,” sabi ni Miranda habang binabasa ang ekspresyon sa mukha ni Glenda. Sa tindig palang ni Miranda at mga kaibigan nito ay masasabi niyang mga spoiled brats ang mga ito. Nang umalis ang mga ito ay ganon nalang ang pagbawi ni Glenda sa kaniyang kamay. “I’m sorry, S-Seniorito pero mukhang ikaw nalang ang makaka-attend sa event na iyon. Uuwi na po ako sa San Roque,” sabi ni Glenda habang nakayuko. Namaywang si Leandro. “P-Paano kung hindi ako pumayag. I need you here. Marami pa akong dapat ayusin,” sabi ni Leandro. “Siguro hahanap nalang tayo ng makakasama ninyo,” para itong batang nakayuko at may kasalanan. “You're leaving me; is it because I hid that from you?” napabuga ng hangin si Leandro kaya muli niyang hinawakan sa kamay si Glenda at dinala ito sa may beranda. “S-Seniorito..” anas niya. “You know, I hated myself that night, but you comforted me. That is why I don't regret it. Hindi ko sinabi sa iyo dahil hindi ko alam kung napilitan ka lang ba nang gabing iyon?” paliwanag nito na para bang pinalalambot ang kaniyang dibdib. Napahawak siya sa kaniyang noo sa narinig. Hindi siya kinausap ni Leandro after ng may nangyari sa kanila only to find out that he knew it all along. “Bakit ka umalis?” sa unang pagkakataon ay bigla niya itong naitanong sa lalaki. Hanggang ngayon ay palaisipan sa kaniya ang nangyari kay Leandro after gumaling ang mga sugat nito. “Nalaman kong anak ako sa pagkakasala ni Dad. Hindi ko alam kung kaya kong tanggapin ang lahat. Umalis ako dahil alam kong mas makakapagisip ako. Glenda, I’m very sorry..” parehas nilang pinagmasdan ang labasan. “What do you exactly want me to do?” “P-Please stay with me…Glenda.” Napatingin si Glenda kay Leandro na nakatitig parin sa malawak na hardin. ‘Matagal na kitang gusto, pero natatakot ako sa kaya kong gawin’. Kaisip-isip niya. “Kung gusto mo ng kalimutan ang nangyari noon. I’ll respect that. Kailangan kita dito at wala akong pinagkakatiwalaan sa mga kamag-anak ng tatay ko,” muli itong nagsalita. “S-Sige. Tiyak maraming pipila sa iyo at karapat-dapat na maging Misis Leandro Claveria. Mauna na ako,” mahina niyang bulong ngunit lahat ng iyon ay narinig ni Leandro. Humakbang si Glenda papalayo kay Leandro at pinagmasdan lamang siya ng lalaki. Hindi na siya nagsalita pa dahil isa lang ang nasa isip niya. ‘She is no longer into me. She's upset, and I have to accept it.’ ~~~ WALANG puwang ang pagmamahal sa pagitan nila ni Glenda at kailangan nilang maging responsable sa anumang ikinikilos nila. Ngayong hayag na sa kanila ang nangyari ng gabing iyon parehas nilang binabasa ang mga kilos ng bawat isa at nagiging hindi na kumportable pa ang bawat kilos nila. Nagsimulang siyang iwasan ni Glenda at hindi na masyadong nakikipagusap sa amo. Si Leandro naman ay abala sa bukid kaya halos madalang naring makita siya ni Glenda sa bahay. Naging pormal sila sa isat-isa at hindi na muli pang inungkat ang nangyari sa nakaraan. Isang araw kinailangan ni Glenda na sumama kay Leandro sa bukid para makausap ang isang manggagawa dahil minsang napagalsahan ng boses ang matanda.. Kinausap at inayos ito ni Glenda. May edad na ang matanda at madalas ay marami itong sinasabi tungkol sa ama ni Leandro. Uminit ang ulo ni Leandro dahilan para mapagtaasan niya ng boses ang matanda. Matapos ang paguusap ay nagpalakad-lakad si Glenda malapit sa isang kubo ‘ron. Abala ang lahat sa bukid. Umihip ang malamig na hangin kaya unti-unting nagsiahunan ang mga tao ‘ron. “Glenda! Glenda!” tawag ni Leandro. Hinanap niya si Glenda dahil unti-unti ng nagdidilim at ilang sandali nalang ay aabutan sila ng malakas na ulan sa gitna ng bukid. Nagpatuloy si Leandro sa pagtawag kay Glenda hanggang makita niya ito malapit sa kubo. Bumagsak ang malakas na ulan at sinenyasan niya ang dalagang pumasok sa kubo. Nabasa siya ng tuluyan. Pahingahan ang kubo ng mga manggagawa sa bukid. Hindi ito ganoong kalakihan ngunit pansamantala ay masisilungan sa init ng araw at malakas na ulan. Basang-basa ng pumasok si Leandro sa loob. Tumutulo siya kaya hinubad niya ang kaniyang damit at piniga. Hindi naman siya pinansin ni Glenda sa ginawa bagkos ay itinuon ang mga mata sa ibang bagay. Nagpaapoy si Glenda ng kahoy nang kapwa sila mainitan. Hindi parin tumitigil ang ulan. “Kamusta ang paguusap ninyo ni Mang Andreng?” “Nakinig naman siya sa akin. Masama lang ang loob niya. May edad na siya at kasamang namatay ang anak niya sa sunog sa kamalig kaya malaki ang galit niya sainyo,” malungkot na kuwento ni Glenda. Namayani ang katahimikan sa kanilang pagitan at ni isa ay walang nais na magsalita. Naipaalala ang malagim na sinapit ng magulang ni Glenda sa kamay ng mga Claveria at walang magawa 'ron si Leandro. Lumabas siya ng kubo at 'doon tumayo. Iniwan niya si Glenda sa loob dahil pakiramdam niya ay sinisisi siya ng lahat sa nangyaring sunog. 'Matagal na ang nangyaring iyon ngunit bakit nanariwa parin hanggang ngayon. Ano bang gusto mong gawin ko, Dad? Ang galit ng mga tao sa mga Claveria ay hindi napapawi kahit bayaran pa sila ng malaki.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD