Kabanata 7: Isang buwan sa San Simon

1085 Words
IPININID niya ang pinto ng kaniyang kuwarto at napasandal. Kinapa niya ang kaniyang dibdib na hindi parin tumitigil sa pagtambol dahil sa kaba. Dinama niya ito hanggang unti-unting humupa. Napalunok siya dahil ngayon lamang niya napansin ang kaniyang suot na damit. Hindi niya akalaing lalabas pa ito ng sariling silid. Napaupo siya sa sahig dahil ang amoy ni Leandro ay nagpapaala sa kaniya sa gabing iyon. Ang amoy ng pinaghalong pabango nito at alak. Muling bumilis ang kabog ng kaniyang dibdib lalo na ng marinig niya ang boses nito sa labas ng kaniyang kuwarto. “G-Glenda,” sabi nito. Napatayo siya sa kinauupuan at ilang beses na napalunok dahil sa kabang nararamdaman. Hindi na niya ito pinagbuksan pa at nagpanggap na lamang siyang natutulog. Kailangan na niyang makaalis sa poder ni Leandro dahil baka muli na naman niyang matagpuan ang batang babaeng iyon na patay na patay sa batang amo. Kahit wala naman itong nararamdaman para sa kaniya. Wala ng banta sa kaniyang buhay at isa pa ay kaya na niyang mabuhay sa sarili niyang pagsisikap. Humiga siya at bago paman niya ipikit ang kaniyang mga mata ay nakapagdesisyon na siya na bukas na bukas ay magpapaalam na siya kay Leandro. Nais na niyang tuluyang pakawalan ang nararamdaman para dito. Langit ito at lupa naman siya. Malaki ang kanilang pagkakaiba at tama na ang mga ilusyon ng batang iyon dahil matagal na itong lumipas. --- KINABUKASAN maagang bumangon si Glenda dahil nais na niyang magpaalam sa amo. Hinanap na niya ito sa buong kabahayan ngunit walang anino ni Leandro. Kaya ng makita niya si Lucinda ay agad na niya itong tinanong. “Nasaan po si Seniorito Leandro?” Ngumiti ito ng nakakaloko bago siya nito sinagot. “Hay nako Hija! Maagang umalis papuntang San Simon eh, hinahanap na naman ba ng puso mo ang prince charming mo? Bakit pa kasi hindi nalang aminin---” sabi ni Lucinda. Pinutol niya ito dahil iyon ang dapat at hindi na i-entertain. “Manang naman. Magpapaalam na po kasi akong aalis na ako dito sa poder niya,” sabi ni Glenda na bakas ng kalungkutan. “Oh, halika ka nga dito? Bakit naman bigla-bigla ang desisyon mo? Biro lang naman ang akin. Huwag mo namang serysohin ha,” aniya. “Manang Lucinda, malaki po ang utang ko kay Seniorito pero babayaran ko naman po ito eh. Saka hindi naman po ako naglihim sa inyo, mahal ko po kasi siya---” sabi ni Glenda ngunit naputol niya ito ng biglang sumulpot ang lalaki sa likuran ni Manang Lucinda. “Sinong mahal mo?” sabi nito ng may pagka-seryoso sa mukha. “Ah Seniorito?” gulat ni Manang. At nagkatinginan ang dalawa. Nagsimulang mamutla si Glenda at hindi niya magawang magsalita dahil nakalulusaw ang mga titig ni Leandro. “Sino Glenda?” muling tanong nito. “A-Ano po.. y-yung .. yung trabaho ko po. Tama! Yung trabaho ko diba, Manang Lucinda?” nagsimula naman tumambol ang dibdib niya sa kaba. “O-Oo trabaho niya bi-bilang guro..teka nga bakit bumalik ka?” pinilit nilang iliko sa ibang bagay ang tanong nito. Namaywang si Leandro at pinukol ng tingin ang maliit na pigura ni Glenda. “Ipinagpaalam ko si Glenda sa ekswelahan dahil sasama siya sa akin. Kailangan ko ng kasama pabalik ng San Simon. I need her for paperworks at mga pagchecheck ng mga kailangan sa Asyenda na iniwan ni papa. Sisimulan ko na ulit buhayin ang asyenda,” salaysay nito habang hindi inaalis ng tingin kay Glenda. “O, sasama ka daw kay Seniorito. Umakyat kana sa taas at mag-empake?” sabi ni Manang Lucinda. “Ilang araw po ba?” sabi ni Glenda. “Hmm.. for a month,” sabi ni Leandro. “W-What?” sabi ni Glenda na gulat na gulat. “Hija, sige na dahil mukhang urgent kaya bilisan mo na,” sabi ni Lucinda. “A-Ayoko?” reklamo ni Leandro. Nakita niya kung paano umarko ang kilay ni Leandro pero hindi na niya ito pinansin bagkos ay kinuha niya ang pagkakataon na sumalungat sa kagustuhan ng amo. “H-Hija?” sabi ng matanda. “Ang totoo niyan gusto ko ng umalis sa poder mo. Babayaran kita in-installment sa lahat ng ginastos mo sa pagaaral ko,” sabi ni Glenda. “I’ll think about it,” sabi ni Leandro. Tumingin ito sa kaniyang relo at seryosong tumingin muli kay Glenda. “H-Hija.. nagmamadali si Seniorito. Pagiisipan pa niya,” sabi ni Lucinda. “O-Okay..Okay hindi kita gustong pilitin but I don’t have a choice. Don’t worry this will be the last work for you. Assist me for one month and I let you- you go!”sabi ni Leandro at tumalikod. Umugong sa kaniyang tainga ang katagang iyon, I let you go!, Alam niyang isang sugal ang pagsama niya sa lalaki sa San Simon. Nais na niyang makalayo dito ngunit ito na ang huling trabaho niya para kay Leandro. Napabuntong-hininga siya at tumango. “Pumapayag na po ako,”sabi ni Glenda. “Then, go and pack your things. I’ll wait you outside,” sabi ni Leandro. Hindi na siya nagdala ng maraming damit dahil kaya naman niyang maglaba. Inihabol ni Manang Lucinda ang isang Lunch Box na may lamang umagahan dahil hindi pa kumakain ang dalawa. Sa sasakyan hindi napigilan ni Leandro na magtanong. “Pamilya na ang turing ko sa iyo. All of the sudden you decide to leave us what was the reasons?” “Wow ha siya kaya ang unang nagiwan sa amin,” bulong niya. “May sinasabi ka?” paglilinaw ni Leandro. “A-Ang sabi ko po…ayoko na pong maging pabigat sa iyo. Unti-unti ko na pong babayaran ang pinagpaaral po ninyo sa akin..” paliwanag ni Glenda. “Hi-Hindi kaya dahil ito sa Ice Cream? About last night..sumama ba ang loob mo?” sabi ni Leandro. “Hindi po dahil don,” sabi ni Glenda. “Glenda,” sabi ni Leandro. Sa pagbanggit ng kaniyang pangalan ay nakaramdam siya ng kaba. Napatingin siya sa lalaki. “P-Po?” mahina niyang sagot. “Be with me for a month and I will set you free..” sabi ni Leandro. “O-Opo..” sambit ni Glenda at biglang naginit ang kaniyang pisngi ng bigla itong kumindat sa kaniya. Hindi na niya kilala ang lalaki sa mga inaasal nito. Kaiba sa Leandro na nakilala niya sa San Simon limang taon na ang nakararaan. Antipatiko ito at ni minsan ay hindi siya nito pinansin, pero ngayon ay halos patalunin nito ang kanyang puso sa kaba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD