Kabanata 6 : Ice-Cream

1078 Words
“Manang Lucinda?” gulat niyang sabi ng makasalubong ang matanda pabalik sa kaniyang kuwarto. “Si Glenda nasaan siya? Diba kasama mo siya?” sabi ng matanda. “M-May gagawin pa daw po siya?” sabi ni Leandro at nilagpasan na niya ang matanda. Alam niyang hindi niya dapat ginawa ang bagay na iyon. Ipinaalala lamang sa kaniyang wala siyang pinagka-iba sa gawain ng kaniyang ama. Pagpasok niya sa kaniyang opisina ay agad siyang nagsalin ng alak na para bang uhaw na uhaw o mas magandang sabihing mas makakapagpakalma sa kaniya. Ilang beses siyang uminom para mawala ang pakiramdam na iyon. Nagpunta siya sa ibang bansa para makalimot ng kahit kaunti dahil sa mga rebelasyon sa kaniyang nakaraan. Nagbalik siya sa pagasang akala niya ay kaya na niyang maunawaan ang lahat. Bahagyang napauwi ang kaniyang iniisip ng biglang mag-ring ang telepono niya. “Yes, Hello!” bungad ni Leandro. “Bro?? Is it true. Nandito kana sa San Roque? Punta ka dito sa Bar..” sabi ng lalaki sa kabilang linya. “Ohh Ohhhh…Raven? Okay.. sige I’m on my way at kailangan ko nga ang companion sa pag-inom!” si Raven ang kaniyang kaibigan. Wala siyan sinabihan na umuwi na siya dahil maraming kaibigan ang dadalaw o tatawag sa kaniya. Kinuha niya ang kaniyang maong na jacket at ang susi. Hindi niya nais na lunurin ang sarili sa alak ngunit sa pagkakataong ito ay nais niyang maunawaan ang katotohanang alam niya ang nangyari sa kanila ni Glenda ng gabing iyon. At ang problema ay wala siyang lakas ng loob na magsabi sa dalaga. *** “LEANDRO!, amigo?” masayang bati ni Raven sa kaniya mahigpit na yakap ngunit umarteng nahirapan ang kaibigan dahil sa mga muscle nito. Gumanda kasi ang katawan ni Leandro. “Aww! Anong nangyari sa iyo? Too much workout. Biceps palang maglalaway na ang mga babae sa iyo?” pagbibiro ni Raven. “I still do work-out overseas and nagstay ako sa isang malaking farm to gain more experience,” paliwanag niya at napatango nalang si Raven sa pagkamangha. “So, work parin ang dahilan ng pagalis mo?” sabi ni Raven. “Like what I said magulo ang sitwasyon..” sabi ni Leandro. Umupo sila sa isang VIP lounge at nagsalin ng alak si Raven. “Nasa mansyon mo parin ba sino nga iyon? The beautiful girl..” tinaasan niya ng kilay ang kaibigan ng mga sandaling iyon. “Yes, she’s still with me? Why?” sabi ni Leandro. “ahhh Girlfriend? Na Seniorito ang tawag sa iyo?” sabi ni Raven. “Hinired ko siyang Personal Assistant ko 5 years ago,” kaswal na sagot ni Leandro. “I see. This girl is still working with you?” sabi ni Raven. Hindi na maitago ni Raven ang interes kay Glenda kahit isang beses lang niya ito nakita. Kaya pinasya na ni Leandro na putulin iyon. Kaibigan niya si Raven at alam niya ang karakas ng lalaki. “I like her. At may nangyari na sa amin?” diretsahan niyang sabi. “Inamin mo na ba sa kaniya ang bagay na iyan?” sabi nito. Pambabakod pero wala siyang maisip na dahilan para iiwas na ni Raven ang pagiging interesado kay Glenda. “Apparently dun naman iyon papunta. Why?” sabi ni Leandro. “W-Wala naman,” sabi nito at muling nagsalin ng alak. Hindi niya maiaalis ang mga mapanuring mga mata ni Raven at tulad ng inaasahan niya ay mapaguusapan nila ang naiwang mga ari-arian ni Alkalde Claveria na tito nito. “So, Hows being a sole heir of Tito Saturn? Atleast nalaman mo ang lahat,” sabi ni Raven. “Hindi pa ako komportableng pagusapan iyan marami pang proseso para mahawakan ang mga ari-arian ni Tito, I mean ni Papa,” nailang siya ngunit karapatan niya iyon. “Alam mo naman na mainit ang mata ng pamilya sa mga naiwan pero ikaw ang nasa will at napatunayan na anak ka niya kaya eventually tatahimik din sila,” sabi ni Raven. “Wala naman akong pakielam kung bigla silang umapila. Hindi ako interesado sa mana ni Papa,”. “Nasasabi mol ang iyan dahil wala ka pang pamilya pero kapag may pamilya ka na paniguradong hindi mo na iyan pakakawalan pa,” sabi ni Raven. Hindi narin nagtagal si Leandro sa bar kailangan lang niya ng alak at kausap. Bumalik siya sa mansyon at nadatnan niyang madilim na ang buong kabahayan. Tulog na ang lahat maliban ingay na nanggagaling sa kusina. Pinuntahan niya iyon, nakita niya ang anino ng isang babae. Nakakubli sa isang gilid at kumakain ng ice cream. Nakilala niya ito, walang iba kundi si Glenda. Nilapitan niya ito. Halos panawan ng katinuan si Glenda ng makita niya si Leandro. Kung dati ay nagagawa niya ito ngayon ay hindi na dapat dahil bumalik na si Leandro. “S-Seniorito?” Kinuha nito ang kutsara at tinikman ang ice-cream. At nagtama ang kanilang mga paningin. “Ah S-Seniorito..” muli niyang sabi. Pero inagaw sa kaniya ni Leandro ang tub. “H-Hindi ko alam mahilig ka pala sa Ice Cream?” sabi ni Leandro. “H-Hindi naman po. Ahmm.. pasensya na po..” sabi ni Glenda. “Dahil diyan akin na lahat ito. Ang sarap,” sabi ni Leandro. Napatingin siya kay Glenda at napansin niya ang manipis na pantulog nito. Katulad ng pantulog na suot nito limang taon na ang nakalilipas. Aminado siyang natutukso siya ng mga oras na iyon ngunit pinilit niyang umastang patay malisya. “Sige po.. mauna na po ako. Pasensya na po ulit,” sabi ni Glenda bago humakbang papalayo. “Okay..matulog kana. Ako na ang magliligpit dito,” sabi ni Leandro. Pinagmasdan niya ang bultong papalayo at napabuga ng hangin. Inubos niya ang icre-cream para mawala ang pag-iinit niyang naramdaman. Nais niyang makilala ng maayos at mabuti si Glenda bago niya ipagtapat dito ang nangyari 5 taon ang nakararaan. May tyansa kasing nakalimutan na ng dalaga at nagpasiya ng mag-move on. Sometimes first time aren’t always worth to remember.. Nagstay siya sa kaniyang mini-office para ireview ang mga papeles na pinadala ng abogado para sa mga naiwan ng kaniyang ama. Kailangan niyang buhayin ang asyenda at kahit papaano ay maalagaan ito. Kapag nagkataon ay mas madalas na siya sa San Simon at kakailanganin niya ang tulong ni Glenda. Ang tanong maiiwanan kaya nito ang pagtuturo? Pangarap ito ng dalaga ngunit habang tumatagal ay nagiging pangarap na rin para kay Leandro ang mahagkang muli si Glenda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD