Kabanata 5: Unforgettable Experience

1081 Words
Glenda POV NADATNAN ko siyang nakaupo sa kanyang opisina marahil ay marami siyang ginagawa dahil matagal siyang nawala. Siya narin ang humahawak sa mga naiwan nila Alkalde Claveria sa San Simon. “Ah S-Seniorito Leandro, heto po ang meryenda ninyo,” sambit ko. Ibinaba ko lang ang mga pancakes sa gilid. “Nakauwi kana pala bakit hindi ka nagsabi sa drayber para masundo ka?” seryoso niyang sabi. Umiling ako at nakaramdam ng hiya. “Ah S-Seniorito, hindi na po kailangan. Saka maid lang din po ako,” diretsahan kong sabi dahil ayokong isipin niyang inaabuso ko ang kabaitan niya bilang amo ko. Tumigil siya kanyang ginagawa at pinagmasdan niya ako. Lalo lamang ako nahiya. “I-I know, hindi ko nakakalimutan iyon. Still you are my personal maid. Like I told you years ago that we’re family, Glenda!” may bigat sa ‘family!’. Pero kahit na nakakahiya na tawagin ko ang drayber niya para magpasundo. Yumuko nalang ako dahil wala akong panama sa amo kong may jetlag parin. Siguro ilang araw mare-realize niya rin ang inaasal niya. “Yes po, Sir!” tangi kong naisagot. Unti-unti niyang ginalaw ang pagkain na dinala ko. Na-lock ang paningin ko sa panga niya lalo na kung paano ito gumalaw at umigting..yes umigting..ala na naloko na! bakit ko siya pinagmamasdan kung paano ngumuya. At lalo akong nakaramdam ng hiya ng inangat ko ang paningin ko. Nakatingin siya sa akin--- “M-Mmm.. M-Masarap? Ikaw ba ang may gawa nito?” tanong niya. Yumuko ako ulit at umiling dahil hindi naman talaga ako ang may gawa niyan kundi si Manang Lucinda. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay nasa harap ko na siya at hawak ang aking baba. May sa-bampira ba itong amo ko. Aba siguro sa pinanggalingan niyang bansa.. b-baka na kagat siya ng g-gwapong bam-bampira!.. “Ayy b-bampira!” naibulalas ko. “H-Hindi ko alam fan ka pala ng mga bampira???” sabi niya. “A-Ang bilis ninyo kasing nakapunta diyan parang b-bampira???” nagulat nalang ako ng bigla niyang gri-nab ang aking leeg. Naramdaman ko ang pagdampi ng manipis niyang bigote sa aking leeg. Halos panawan ako ng malay matapos ang bolta-boltaheng kuryenteng tumulay sa mga ugat ko. “S-Seniorito..” usal ko..Nanatili kami sa ganoong posisyon ng ilang Segundo hanggang sa bawiin niya. Nasamyo ko parin ang napakabangong hininga niya. “Tinakot ba kita.. I’m sorry I’m not a vampire…” sabi niya. At napalunok nalang ako dahil nakakakiliti ang kaniyang pagsasalita. I was speechless for a second hanggang sa makabalik ang lakas ko at sarili. “A-Aalis na po ako..pasensya na po. May ipaguutos pa po ba kayo?” sabi ko agad dahil bakas sa mukha niya ang pagtataka sa aking inasal. May time siyang napakaswal at may time naman siya sobrang mapagbiro. Biro lang naman talaga ang ginawa niya kanina. Sino ba namang hindi kikiligin kung ganiyan makipagbiruan ang amo. “May time kaba mamaya after dinner? Can you accompany me for a night walk,” sabi niya. “O-Opo..sige po..” bigla kong sabi sa kaniya. Baka may mga gusto siyang story na marinig or chismis. Nagmadali akong lumabas ng kuwartong iyon dahil nakakapaso ang mga titig niya. Nakakapaso nga ba? O ilusyon ko lang iyon. Hindi ko manlang sa kaniya nai-open ang about sa pag-alis ko at pag-babayad ng mga utang ko sa kaniya in installment. Kahit naman kasi gaano siya kabait at grabe ang pagtingin ko sa kaniya ay hindi ko alam kung gaano siya nasusuklam sa pinanggalingan ko. Kailangan kong matutong kumalma sa tuwing hahawakan niya ako o kakausapin dahil nararamdaman niya rin ang pintig ng puso ko. *** MATAPOS ang dinner ay naglakad-lakad kami malapit sa garden. “T-Thanks for taking care of Manang Lucinda..” bigla niyang inopen ang pasasalamat. Nagpapasalamat siya? “A-Alam ko naman po kung gaano kayo kalapit kay Manang. Kahit naman po ako nangulila sa magulang ko pero simula ng makilala ko si Manang Lucinda ay kahit paano ay naibsan ang kalungkutan,” sabi ko. Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. “H-Hindi ko nakita ang tunay kong nanay..pero si Manang ang naging tunay kong nanay..akala ko inampon ako ng ni Tito Saturnino pero siya pala ang tunay kong ama,” ikinagulat ko ang katotohanang iyon. Pero bigla siyang tumawa at parang wala lang sa kaniya ang rebelasyong iyon. Alam na kaya niya ang lahat bago pa siya nagtungo sa ibang bansa? “B-Bago ako umalis nalaman ko ito mula sa abogado ng aking yumaong ama. He give everything to me—money, house and property. Akla ko normal lang ang pagiging mabait niya dahil wala siyang anak na lalaki pero hindi ko manlang na nagpapakaama lamang siya,” salaysay niya. Nag-o-open siya sa akin about sa past niya. Kaya siya umalis at nagpakalayo-layo dahil sa bigat ng kaniyang nararamdaman. Lalo akong nawalan ng boses para magsalita. No comforting words that came out, I just open my ears to listen. Isa siyang tunay na Claveria ang anak ng ni Mayor Saturnino Claveria. “Anong nangyari sa iyo bago ako umalis natatandaan ko naging distant ka sa akin? What happened Glenda?” lalo akong natulos sa aking kinatatayuan wala na akong natatandaan simula ng aksidente ng gabing iyon. The night he robbed my virginity. Pero lasing na lasing siya at wala sa katinuan. “H-Ha? Distant? W-Wala akong natatandaan? Lahat tayo nabigla sa nangyari sa party ni Mayor Claveria. I’m sorry Seniorito kung inisip mo na naging distant ako. Hindi ko magagawa iyon sa isang taong nagligtas ng buhay ko,” sabi ko. Naramdaman ko ang unti-unti niyang paglapit sa kinatatayuan ko. Naka-fix ang mata niya sa akin na lalo kong ikinatulos. “Fucke* that formality, Glenda,” bulong niya. Sure akong sinabi niya iyon bago ko maramdaman ang kaniyang kamay sa waist ko. “S-Seniorito..yung k-kamay ninyo?” sabi ko ng biglang bumalik ako sa nakaraan ng gabing iyon. He was holding my waist like that w-while ---- till I screamed in my mind..pull yourself together, Glenda. Napalunok ako at bigla kong tanggalin ang kamay niya sa kinaroroonan nito. At kasunod ang pagatras ko. “I-Im sorry..hindi ko sinasadya. Actually may nakakatuwa akong experience na hindi ko na masyadong matandaan. Sinusubukan kong alalahanin pero I don’t want to offend you, Glenda..I know malabong ikaw iyon…I’m sorry hindi ko sinasadya nawala ako sa sarili ko,” sabi niya at bigla nalang siyang umalis. Naiwan ako doon. Hindi niya ako natatandaan, ang babaeng nagbigay ng kakatwang experience na hindi niya malimutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD