Kabanata 4: Reto

1047 Words
Nagpalakad-lakad ako sa aking kuwarto bago ako naligo. Hindi ko kasi maintindihan ang pagtingin-tingin niya sa akin at ng higitin niya ang aking mga kamay ay may naramdaman akong koryente. Hindi parin nagbabago ang damdamin ko para kay Seniorito. At sa tingin ko ay pagka-immature na ang kunsintihin ko ang aking damdamin na hindi naman ako susuklian. May limang taon na ang nakararaan ng bigla siyang magpaalam na aalis siya, isang buwan matapos ang pagpapagaling niya. Masyado ng naging magulo ang sitwasyon simula ng mamatay ang Alkalde Claveria. Nagpasya siyang umalis ng bansa at doon muna manatili. Siguro naman ay hindi na niya ako pipigilan na umalis ng mansyon. Naalala ko pa ang nangyari kinabukasan after ng may nangyari sa amin. Halos mapatalon ako ng may kumakatok sa aking kuwarto. Para akong pinabalik sa kasalukuyan, tama na raw ang pag-o-over think at pagre-reminisce ng past. Past is past sab inga nila. Binuksan ko ang pinto at napabuntong hininga ako ng makita ko si Manang Lucinda. “Ay Sus, Manang ikaw pala?” sabi ko. May edad na si Manang pero hyper parin dahil nakakaakyat parin dito sa taas at naiikot pa niya ang mansyon ng hindi hinihingal. “Oo Ako lang naman ito Hija.. Mayroon ka bang hinihintay na kumatok sa iyo dito? Hindi na kakatok iyon kasi nasa baba na at hinihintay ka,” sabi ni Manang na pangiti-ngiti pa. “Ano ho? Si S-Seniorito na sa baba at naghihintay?” pag-uulit ko. “Oo nga, kaya halika na at ng makapagalmusal kana bago ka pumasok sa trabaho. Masamang pinaghihintay ang hapag-kainan lalo na kung nariyan ang guwapo kong alaga,” sabi niya. Inalalayan ko si Manang na bumaba. Nakaramdam tuloy ako ng pagkahiya dahil sa pagtatagal ko sa paliligo o pagiisip. “S-Seniorito?” nasambit ko. “Isasabay na kita kaya mag-breakfast ka na..” malambing niyang sabi. ‘Inaamin ko pakiramdam ko nahulog ang pant* ko kahit bago naman ang mga ito. Ang puso ikalma! Glenda’ “Opo,” tangi kong naisagot. Nang matapos ang umagahan ay nagsimula na kaming magligpit ni Manang Lucinda pero ng tumalikod si Seniorito ay tinampal niya ang kamay ko. “Ang sabi niya isasabay ka na niya.. kaya sumunod ka na kay Seniorito..” sabi ni Manang kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod. Tahimik ang biyahe namin hanggang sa bigla niyang basagin ito. “Ahmm.. G-Glenda?, may nanliligaw na ba sa iyo?” bigla niyang tanong. Sa aking pagkabigla ay napatango na lamang ako at bigla kong binawi. Umiling ako dahil wala naman talaga akong opisyal na pinayagan kahit na mayroon naman. “Ahmm w-wala po Seniorito?” anas ko. “Good! Dahil kung mayroon ay masasayang naman ang irereto kong lalaki sa iyo!” sabi ni Seniorito. Natahimik ako dahil bakit niya ako irereto eh siya nga kasi ang gusto ko. Ito naba ang kabayaran niya sa pagpapatuloy sa akin sa mansyon niya? Nais niya pala akong ipakasal sa iba? Muli siyang nagsalita pero ako itong parang nasa alapaap ang biglang isinagot. “Na-Narito---” sabi niya ngunit bigla kong pinutol. “Ayaw kong magpakasal sa iba? Mayroon na akong minamahal!" sagot ko sa kanya. Sa buong buhay ko ngayon lang ako naging matapang. “I mean--- narito na tayo. Sa school kung saan ka nagtuturo,” sabi niya na parang naiinis. Umiling siya at ngumisi. Dismayado siya sa sinagot ko. Lagot ako nito mamayang paguwi. Pagsara ko ng pinto ay hindi na siya lumingon pa humarurot na ng alis. Kararating lang niya pero bakit ang pagrereto na agad ang nilalatag niya. Ganito kasi iyon, kapag pinakilala niya ibig sabihin itrato ko ng maayos hanggang sa hingin ang aking kamay para sa pagpakasal tapos ayun hindi na ako makakaalis pa sa buhay kung saan niya ako itinali..Umiling ako dahil baka nag-o-overthink na naman ako. Guguluhin na nga niya ang isip ko. Gulo ang kakambal ng paguwi ni Seniorito Leandro. Siguro mamaya kailangan ko na siyang kausapin na iinstalment ko ang pagbabayad ko sa kanya huwag lang niya akong ipakasal sa iba. Nakita ko ang aking bestfriend na isa naring teacher kaya hinila ko siya sa isang sulok. Si Freda “Fre-Frennyy? Ano ang ibig sabihin ng irereto kita?” sabi ko. “Irereto??? Parang ipakikilala kita ganon?” sagot ni Freda. “Hindi ba agad parang pakikipagkasundo iyon,” sabi ko. Kumunot ang noo niya dahil sa aking sinabi. “Frenny parang ang palpal mo ngayon..Frenny, ipakikilala lang naman wala pang pakikipagkasundo. Gutom lang iyan. May masarap akong sandwich halika na,” ani ni Freda. Ikinawit niya ang kanyang braso sa akin at kinaladkad ako papunta sa room kung saan siya ay adviser. Teacher siya ng mga makukulit na Kinder. Natapos ang aking klase at nagmamadali na akong lumabas ng bigla akong haklitin ni Freda sa kamay. “Huyy.. sabi mo sabay tayo. Pero bakit uuwi kana?” sabi niya. Napatango nalang ako dahil sabay lang naman kami sa may sakayan ng bus. Wala akong sinabihan na nakatira ako sa isang mansyon at isa akong personal maid, since wala naman akong pinagsisilbihang amo para ko lang sponsor si Seniorito Leandro. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Seniorito Leandro dahil sa sinabi ko sa kanya kaninang umaga. Pero kung ipipilit niya ay magmamakaawa akong huwag nalang siyang makielam sa hinaharap ko. Dahil handa ko naman siyang bayaran. Pagpasok ko ng gate agad kong tinignan ang kotse na ginamit niya kanina. Nakahinga lang ako ng maluwag na masipat kong wala pa ito sa garahe. Dali-dali akong tumakbo sa likod kung saan kaming mga katulong ay duon nagdadaan. “Oh nariyan kana pala. Halika may mga hinanda akong pancakes. Dalhin mo kay Seniorito sa opisina niya,” sabi ni Manang Lucinda. “Wa-Wala pa naman ang kotse niya ah. Andiyan na siya?” sabi ko kay Manang. “Gamit ng drayber ang kotse. Sa bilis niya ay parang inihatid ka lang sa eskwelahan. Bilis na at lalamig ang mga niluto ko. Ibaba mo muna ang mga gamit mo dito,” sabi ni Manang Lucinda. Wala akong nagawa kundi dalhin kay Seniorito Leandro ang mga pancake. Siguro eto na rin ang oras na magpapaalam akong aalis na ako sa poder niya at handang magbayad ng pinang-paaral sa akin. Inayos ko ang suot kong damit at huminga ng malalim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD