[Ayane's pov] Hindi ako mapakali habang nakaupo sa loob ng private plane naming mga Robins. Patungo kami ngayon sa Paris para bisitahin ang aking grandma, ang mama ni papa. "okay lang ba si grandma?" nag-aalalang tanong ko kay Kuya Ryo "maalala ba ang sakit niya?" Kagabi kasi ay tumawag si Butler Lance para ipaalam na naospital si grandma. Tulad ng aking pamilya, kilalang veteran artist si grandma. Kaya hindi nakakapagtaka na nasa balita ang pagkaospital niya. "okay lang siya, sis" assure sa akin ni Ate Zyrene "mas malakas pa kaya sa kalabaw iyang si grandma" Tumango ako pero hindi ko pa rin magawang makampante hanggang hindi ko nasisigurado ang kalagayan niya. Malapit ang loob ko kay grandma dahil siya ang laging nag-aalaga sa akin tuwing naiiwan ako mag-isa sa mansyon noong bata pa