[Ayane's pov] Mukhang tinanghali ako ng gising dahil anong oras ako nakauwi kagabi galing Paris. Sinabihan naman ako nina Manager Reina na huwag munang pumasok ngayong araw. Ngunit pinilit ko ang aking sarili na makapasok kahit afternoon class lang ang mapasukan. "Lunch break yata nila ngayon" inaantok kong sambit nang mapansin na maraming estudyante ang nasa labas ng kanilang classroom Hindi ko mapigilang mapahikab habang papunta sa aking classroom ngunit kapansin pansin ang pagdami ng mga estudyante sa may field. Tila may mga pinakagyguluhan sila roon. Nagkibit balikat lamang ako at nagpatuloy sa aking paglalakad "Mukhang nagkagirian na naman ang Keegan at Sphinx!" malakas na sambit ng isang estudyante habang patakbo patungo sa field Napatigil ako sa paghakbang at napakunot ng noo