[Ayane's pov] Nakahinga ako ng maluwag nang lumipas na ang isang linggo simula ng ipalabas ang aking commercial. Dahil sa koneksyon na mayroon ang pamilya ko, nanatiling tikom ang bibig ng mga kasama ko sa commercial. Walang niisa sa kanila ang nagbigay ng aking impormasyon sa media. Ngunit may sadyang makukulit na media, isang linggo rin nilang kinulit si Manager Reina na sabihin kung sino ang babae sa commercial. May nakapag-tip kasi sa kanila na talent niya ang nasa commercial. Kaya ayun sobrang haggard ni Manager Reina nitong mga nakaraang araw dahil maya't maya may tumatawag sa kanya. "Grabe, isang linggo na pero hindi pa rin nagpapakita yung girl" nagtatakang sabi ni Hina "bakit kaya?" "Baka naman hindi siya ganoong kagandahan tulad ng nasa commercial?" paghuhula ni Kira "you kno