Chapter 1
[Ayane's pov]
Sinara ko na ang librong hawak ko dahil natapos ko na itong basahin. Pagkatapos, pinatong ko ito sa ibabaw ng mala-bundok na salansan ng libro sa aking harapan.
Pagtingin ko sa aking kaliwa ay wala ng libro roon. Hindi ko naiwasang mapanguso dahil ibig sabihin niyo ay natapos ko na lahat ang biniling libro para sa akin ni Kuya Ryo.
Kapag wala akong mababasang libro ay hindi kumpleto ang araw ko. Mukhang kailangan ko bumili ng mga panibagong libro para bukas.
Ngunit bago iyon ay binuhat ko ang mga librong at inayos sa aking cabinet. Kung makikita siguro ng iba ang aking kwarto ay mas mapagkakamalang itong library.
Ito ang dahilan kaya ayoko magpasok ng ibang tao sa aking kwarto bukod sa aking pamilya. Well, wala naman ibang pumupunta rito sa aming mansyon dahil napaka-pribado nito.
Biglang bmukas ang pinto at pumasok ang isang ginang. Walang iba kundi si Manager Reina. Kung titignan mo siya ay bihis na bihis siya kahit nasa bahay lang. Hindi ko siya kamag-anak pero dito rin siya nakatira sa aming mansyon.
Siya kasi ang nagsisilbing taga-manage ng sched ng aking pamilya. Ang pamilyang Robins.
Walang kaso sa akin iyon dahil tinuturing ko na rin siyang pangalawang ina. Mas malimit ko pa nga siya nakakasama sa malaking mansyon na ito.
*sigh*
Mahirap mapabilang sa pamilyang kilala at hinahangaan ng karamihan. Sa sobrang busy nila ay halos biglang ng aking daliri ang makita ko sila sa loob ng isang buwan. Kaya naisip kong mas maswerte pa ang mga mahihirap na kasama kumakain ang kanilang pamilya.
"merienda ka muna Ayane" sabi ni Manager Reina na halos mapunit ang mukha sa sobrang laki ng kanyang ngiti
Napakunot ang noo ko sa inaasta niya pero alam kong may pakay siya sa akin. Lihim ako napangiwi dahil mukhang alam ko na kung saan patungo ito.
"anong kailangan mo?" prangkang tanong ko kahit may ideya na ako
Pinagdutdot niya ang kanyang mga hintuturo at pinakurap kurap pa ang mga mata "Ayane, may bagong commercial na gagawin. I think this commercial will suit you. Isipin mo na rin ang debut mo to the world of showbiz!" sabi niya
Hindi pa rin pala siya sumusuko sa pangungubinsi sa akin na sumali ako sa mundo nina mama.
Mundo ng mga artista.
Mundo ng mga sikat.
Tinalikuran ko siya "no" agarang sabi ko saka nagtungo sa harapan ng isang human sized mirror
Hindi ko alam kung bakit niya ako pinipilit doon. Itsura ko pa lang ay hindi na pasok sa mga hinahanap nilang artista. Inayos ko muna ang malaki kong salamin sa mata saka hinarap muli si Manager Reina.
Bigla siya napanguso "Ayane, this is an opportunity!" pangungulit niya pa
Umiling pa rin ako at tinakpan ang magkabilang tenga para ipakita kay Manager Reina na wala akong interes sa kanyang sinasabi.
I can't imagine myself in front of a crowd. Maisip ko pa lang ang bagay na iyon ay nanginginig ang tuhod ko sa kaba.
"concern lang naman ako sa future mo Ayane" sukong sabi ni Manager Reina saka nagbuntong hininga "showbiz is in your blood,sasayangin mo lang ba iyon?"
Tumango tango lamang ako sa kanyang sinabi. Alam ko naman na hinasa ako para magperform pero wala pa rin sa isip ko ang nais nila.
Pakiramdam ko na hindi ito ang nababagay sa akin. Tila may iba akong gustong gawin kaysa sa pag-aartista na iyan.
Tinuwid ko ang aking damit gamit ang aking mga kamay "bibili lang ako ng bagong libro" paalam ko kay Manager Reina para ibahin ang usapan
"okay fine" sabi niya at hinayaan ako umalis
***
Nilakad ko lang ang patungo sa lagi kong pinupuntahang bookstore. Maraming babae ang tumitingin sa akin na tila nandidiri.
Sanay naman ako sa ganyang mga mapagnutyang tingin. Ito rin ang dahilan kung bakit ayoko sumubok sa mundo ng pamilya ko. Ayokong sirain ang imahe ng pamilyang Robins. Napaka-perpekto ng tingin ng mga tao sa pamilyang Robins at baka masira ko lamang iyon sa oras na malaman nila ang existence ng tulad ko.
Tumunog ang bell ng bookstore ng buksan ng gwardiya ang pinto nito. Hindi kalakihan ang bookstore pero laging bago ang kanilang tindang mga libro.
Bumungad ang gwardiya at agarang ngumiti sa akin nang makita ako. Huwag na kayo magtaka dahil madalas ako mamili rito.
"Tamang tama ma'am may mga bagong dating kaming libro na magugustuhan niyo" sabi ng gwardiya na tila alam na alam ang pakay ko
Alanganin ko binigyan siya ng ngiti at nagtungo sa sulok ng bookstore kung nasaan ang mga new arrival books. Mukhang to too ang sinabi ng gwardiya nang makita ko ang mga naging salansan ng libro.Halos magningning ang mga mata ko sa dami ng bagong libro nila.
Gusto ko man bilhin lahat ito pero mukhang minalas ako dahil kaunti lamang ang nadala kong pera. Siguro mga tatlo lang ang mabibili ko at saka ko na lang babalikan ang ibang libro.
Nang makapili ako ng mga libro ay naglakad ako patungo sa cashier ngunit napatigil ako nang makita ang isang poster na pinagkakaguluhan ng mga customer.
Nasa poster ang isa sa mga taong namimiss ko. Napangiti ako ng mapait dahil doon. Matagal tagal na rin ng huli sila umuwi sa mansyon.
"idol mo si Zyrene Miss?" tanong ng isang babae kanina pa ako binibigyan ng mapanutyang tingin "e bakit hindi mo siya gayahin?" dagdag niya sabay tawa kasabay ng kaibigan niya
Tss.
Binigyan ko lang siya ng isang tingin at nilampasan.
Ano na ang napapala ng tao sa pangungutya ng kapwa?
Masayang bagay ba sa kanila ang ganoon?
Hindi ko minsan maitindihan ang utak nila. Mas gugustuhin ko pang magbasa kaysa problemahin ang mga pangungutya nila.
Napatigil muli ako sa paglalakad dahil sa pinatugtog ng bookstore. Kilala ko ang kantang iyon. Walang iba kundi ang kanta ni Kuya Ryo. Hindi ko maiwasan na hangaan ang galing ni Kuya Ryo na gumawa ng kanta.
"waaah! Iyan ang bagong kanta ni Ryo!" tili ng mga babae na kanina lang ay pinagkakaguluhan ang poster ni Ate Zy
Hay buhay...
Nagkibit balikat lang ako nagpatuloy sa pagtungo sa cashier para bayaran ang mga libro na bibilhin ko.
Pagdating ko sa cashier mukhang abala ito "girl, alam mo ba na makakasama ni Kentou si Sean Robins sa susunod na drama sa hapon!" chismisan ng mga cashier at hindi man lang ako napansin
Ngunit napukaw din ng aking atensyon ang pinag-uusapan nila. Kung ganoon ay may bagong teleserye pala si papa kaya mas matagal pa yata makakauwi ito ngayon.
"and her wife, nasa Europe ngayon for her concert tour! Grabe! Sana naging anak nila ako tulad nina Ryo at Zyrene!" tili ng kausap kanina
"The Robins! I want to be Robins!" nangangarap na sabi ng isa pa
Napasimangot ako sa pinag-uusapan nila dahil mas marami pang silang alam sa ginagawa ng aking pamilya kaysa sa akin. Minsan nga mas maswerte pa ang mga fans dahil mas maraming oras ang pamilya ko sa pag-entertain ng kanila.
Tumikhim ako para kuhanin ang atensyon nila at mabayaran ko na rin ang mga libro. Buti naman ay agad nila ako inasikaso.
Habang abala ang cashier sa kanilang ginagawa ay naisip ko na kilala halos lahat ang pamilya ko... Samantala ako ay naiwan sa kanilang anino. Hindi ako nag-eexist sa pamilyang The Robins na hinahangaan.
"Thank you ma'am!" sabi ng cashier kaya naputol ang aking iniisip
Binuhat ko na ang paper bag saka walang lingon na umalis sa bookstore na iyon. Binilisan ko ang aking lakad at nagtungo sa isang lugar kung saan makikita ko ang aking pamilya.
Hanggang bumungad sa aking harapan ang malaking billboard na may nakalagay na The Robins. A family picture without me.
Napangiti ako ng mapait dahil doon. Tuwing nakikita ko ito ay hindi ko maiwasang malungkot. Lalong makita silang masaya lahat sa larawan na iyon kahit wala ako. Mukhang nakalimutan na nila ako.
"makita ko lang ang isa sa kanila. Naku! Tatalon ako sa tuwa!" bulungan ng mga taong nakatingin rin sa billboard
May nakita rin ako nagseselfie doon na pilit sinasama ang sarili sa larawan ng aking pamilya "waah! Kahit dito lang part ako ng pamilya nila!"
Napabuntong hininga ako dahil ang iba ay gustong mapabilang mayroon ako. Hindi nila alam ang pakiramdam ng tulad ko na hindi kasing perpekto ng aking pamilya.
***
"I'm back" bagot kong sabi nang makauwi ng mansyon
Tahimik lamang ang paligid ng ako ay makauwi. Inaasahan ko pa naman ang sermon ni Manager Reina sa akin dahil sa tagal ko sa labas.
Dumiretso ako ng hagdan habang dala ang librong binili ko "ay wala yata sa mood si baby sis" sabi ng isang Bose's ng babae na nagpatigil sa aking pag-akyat
Agad ako napalingon ng tingin at nakita ko ang dalawang pamilyar na pigura.
"Kuya Ryo! Ate Zyrene!" masayang sabi at agad lumapit sa kanila saka binigyan ng maghigpit na yakap
"buti naman naisipan niyong umuwi" nakanguso kong sabi sa kanila
Akala ko talaga kinalimutan na nila ako sa sobrang busy nila.
"ay nagtatampo si Ayane" sabi ni Ate Zyrene saka ako sinundot sundot sa tagiliran
"waah ate naman!" layo ko sa kanya.
Malakas pa naman ang kiliti ko roon at alam ni Ate Zyrene iyon.
Ginulo ni Kuya Ryo ang aking buhok na malimit niyang ginagawa tuwing nilalambing ako "may pasalubong nga pala ako sa aking baby sis" sabi ni Kuya Ryo sabay turo sa mesa
Nabuhayan ang aking diwa ng makilala ang kahon sa ibabaw ng mesa "kyaaah! My favorite cake!!!"
****
Habang nakain ako ay pansin ko na nagpapalitan ng tingin sina Kuya Ryo at Ate Zyrene. Tila may gusto silang sabihin sa akin pero nagtuturuan sila kung sino ang magsasabi.
"may sasabihin ba kayo?"
Nagdulatan sila na mga mata na akala mo ay mga bata. Hindi kaya sila umuwi dahil kay Manager Reina? Kung ganoon, sila ang mangungubinsi sa akin tungkol sa commercial. As if naman mapapayag nila ako. Kahit sina papa pa ang mangubinsi sa akin ay hindi ako papayag.
"fine!" sukong sabi ni Kuya Ryo na ikinangisi ni Ate Zyrene "uhmm...Ayane"
I think he's serious dahil tinawag ako sa pangalan ni Kuya Ryo.
Tinaas ko ang aking isang kulay "malapit na ang pasukan..." dagdag ni Kuya Ryo
Huh? Ano naman? Home schooled naman ako kaya sila ang gumagawa ng sarili kong sched.
"a-a-alam mo kasi Ayane" panimula muli saka humugot ng malalim na hininga "inenrol ka ni papa sa school namin ni Zyrene"
Bigla ko nabitawan ang kutsarang hawak ko "what?!?" gulat kong sabi
Hindi ko nga kinaya ang dati ko school dahil sa pagnutya nila sa akin kaya nagpahome schooled ako. Tapos inenrol ako ni papa sa school nina kuya?
Ang Star Academy. Ang school para sa mga sikat tulad ng artista, singer, modelo at mga anak ng pulitiko o mayayaman.
Mas malala manghusga ang mga tao roon dahil nga puro mayayaman at sikat ang naroroon "naiitindihan ko naman si papa, Ayane..." sabi ni Kuya Ryo habang nagkakamot ng batok "hindi habang buhay ka dapat magtago rito. Harapin mo ang buhay sa labas"
Napakagat labi ako at nanginig ng kaunti sa takot sa mangyayari sa akin doon.
"nandoon naman kami Ayane eh" segunda ni Ate Zyrene