[Ayane's pov]
"Poor Ayane" nanghihinayang sambit ni Naru habang hila hila ako pabalik ng aming classroom
Ang aking pinaka-aasam na libro ay napunta sa ibang kamay. Ganito pala ang pakiramdam ng heartbroken. Ang sakit sa dibdib! Huhuhu!
Hindi ko matanggap na na-disqualify kami dahil hindi namin nagawa ang buong script. Nang dahil hindi namin ginawa ang part na kissing scene.
"libro lang iyan" irap ni Kentou sa akin "kung umasta ka diyan akala mo katapusan na ng mundo TSS"
Inakbayan ako ni Kyo "libre ka na lang namin para gumaan kahit paano ang loob mo" sabi niya "ano? game ka?"
Inangat ko ang aking tingin at pinunasan ang imaginary kong luha "sure ka?" umaasang tanong ko pa
Nag-thumbs up siya kaya kumapit ako sa kanyang braso para hilahin siya kung saan. Mahirap na dahil baka magbago pa ang kanyang isipan.
Bago pa kami makalabas ng gate ay nagsuot sila ng shades at cap "sure kayo diyan sa mga itsura niyo?" kunot noong tanong ko
"tss" bulalas ni Kentou saka sinamaan ako ng tingin
Parang nagtatanong lang naman eh...
"hindi kami pwede pumunta kung saan na kita ang mukha namin dahil dudumugin kami ng fans" pangdadahilan ni Kyo "mas okay na ang ganito ang itsura namin"
Nagkibit balikat na lang ako saka hinila sila patungo sa paborito kong cake shop. Napangiwi ang tatlong lalaki habang nakatingin sa iba't ibang cake na binili ko.
"sure kang kaya mo lahat iyan?" tanong ni Naru habang nakaturo sa mga cake
Tumango ako saka sumubo ng malaki "sure kayo na hindi kayo kakain?" tanong ko pa sa kanilang lahat na sinagot nila ng tango
Nabaling ang atensyon nnamin sa telebisyon rito sa cakeshop. Laman kasi ng balita si Kuya Ryo. Tungkol ito sa tila naging suntukan nila muli ni Kentou noong dance class. Mukhang may nakapag-tip sa reporter tungkol doon.
Mga tao nga naman...
"Akala ko ba hinandle ng school iyan" gulat na sabi ni Naru saka pasimple ng tumingin kay Kentou
Hindi naman umimik si Kentou at kumuha sa mga cake ko "hoy akin iyan! Bumili ka ng sa iyo!" maktol ko at pilit kinukuha ang kinakain niya
Wala akong nagawa nang maubos ni Kentou ang isa sa mga cake ko. Sinamaan ko siya ng tingin.
"may posibilidad ba na maging magkaibigan kayo ni Ku---Ryo?" bigla ko naitanong na ikinagulat nina Kentou "hehehe... curious lang ako"
Nabaling ang tingin nina Naru kay Kentou na tila gusto rin nila malaman ang magiging sagot niya "imposible" sagot ni Kentou saka nalumbaba sa harapan ko "hinding hindi ako makikipagbati sa kanya, magkamatayan man"
Napabuntong hininga ako at nakaramdam ng kaunting pahkalungkot. Kahit ganyan ang ugali ni Kentou ay maituturing ko siyang isa sa aking kaibigan.
"Robins ang apelyido mo di ba?" biglang tanong ni Kentou "wala ka bang relasyon kina Ryo?"
Nanlaki ang mga mata ko. Sinubukan kong magsalita ngunit hindi ko mahanap ang aking boses.
Hinataw ni Kyo sa balikat si Kentou "anong klaseng tanong naman iyan? Itsura pa lang ni seatmate ay malayong malayo na maging magkamag-anak sila!" natatawang sabi ni Kyo habang nakaturo sa aking buong kaanyuan
Napayuko ako mula sa sinabi ni Kyo "Y-y-yeah...imposible maging kamag-anak ako ng pamilyang isang celebrity" pang-sang-ayon ko sa sinabi ni Kyo saka nagpatuloy sa aking pagkain ng cake
*sigh*
Kahit aminin ko siguro na kapatid ako nina Kuya Ryo ay hindi sila maniniwala. Masakit man ay iyon ang posibleng mangyari.
Napaangat ako ng tingin nang naramdaman ang pagtitig sa akin ni Naru "huwag mo sana masamain ang magiging tanong ko pero bakit mahilig kang magbasa ng libro?" curious na tanong ni Naru "malayo kasi sa pagiging hobby iyang ginagawa mo"
Tinusok ko ang tinidor ko sa cake saka binitawan iyon roon "busy lagi ang pamilya ko" malungkot kong sabi "mas madalas na maiwan ako mag-isa sa aming bahay kaya inuubos ko ang oras ko sa pagbabasa"
Nagulat ako ng yakapin ako ni Kyo "huhuhu! Seatmate! Don't worry magkaibigan tayo kaya hindi ka na nag-iisa pang muli!" mangiyak ngiyak niyang sabi
Tinulak ko siyang palayo sa akin "TSS hindi ganoon ang ibig kong sabihin" sabi ko saka naghalukipkip "hindi ako malungkot tulad ng iniisip niyo sa akin"
"Para sa akin ay ang libro ang pinakamahalagang bagay na hinding hindi ako iiwanan" dagdag ko pa para depensahan ang aking sarili mula sa iniisip nila
Tumawa si Kentou sa unang pagkakataon "talaga lang huh? " sabi niya "iniisip mo lang iyan pero ang totoo ito ang defense mechanism mo para takasan ang realidad"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya na tila nasapul niya ako roon.
Defense mechanism?
Ganun lang ba talaga ang ginagawa ko?
Kaya ba pinipilit ako nina papa na pumasok sa school dahil ganoon rin ang tingin nila?
***
Hindi ko naubos ang mga nabili kong cake pagkatapos nang nangyaring iyon. Pinabalot na lang ni Kyo iyon para maiuwi ko at makain sa aking pag-uwi.
"Huwag ka munang umuwi" pigil sa akin ni Naru nang akmang aalis na ako "sama ka muna sa gig namin" yaya niya pa
"Huh? Gig?" kunot noong sabi ko "ano iyon?"
Napailing sina Kyo at Naru sa tanong ko at sa halip ay hinila muli ako kung saan. Pumunta kami sa isang sikat na bar. Pagpasok pa lang ay halos mahilo ako sa iba't ibang kulay ng ilaw sa loob nito.
"dito ka lang huh" bilin ni Naru habang pilit na pinauupo na nireserba nilang table para sa akin
Hindi nagtagal ay nawala sila sa paningin ko kaya nakaramdam ako ng kaunting takot sa hindi pamilyar na lugar na ito "juice po ma'am?" tanong ng isang waiter na napadaan na agad tinanggap ko
Agad ko sinipsip ang juice na iyon habang nililibot ang tingin ko sa paligid at nagbabaka sakaling makita sina Kyo.
Hindi kaya napagtripan ako iwanan ng tatlong iyon?
Nanginig ako sa takot kung totoo ang iniisip ko. Mama! Papa! Huhuhu! Hindi ko alam ang gagawin ko rito at paano ako makakauwi.
Naputol ang iniisip kong iyon nang nagsitilian ang mga kababaihan rito. Lumabas ang tatlo sa mini stage na nasa gitna ng buong bar.
Napatakip ako ng aking mga tenga dahil mas lumalakas ang tili ng mga babae "good evening ladies" sabi ni Kyo sabay kindat sa mga nagtitiliang babae
Doon ay nagsimulang mag-drums si Kyo. Pinanuod ko ang bawat hampas ng kamay niya sa drums. Nakakamangha dahil ibang iba siya sa kilala kong Kyo. Napaka-cool niya sa harapan ng kanyang drums.
Naging alerto ang aking pandinig ng may sumabay na keyboard at guitar sa drums ni Kyo. Pagtingin ko sa mga kasama niya ay nakita ko na natugtog na rin sina Naru at Kentou ng kanilang instrument.
Napanganga ako sa sobrang paghanga sa kanilang pagtugtog. Ganoon sila kabihasa sa kanilang mga musical instrument.
Lalo pa ako napahanga nang may isang magandang boses ang umibabaw.
Ang boses ni Kentou.
Narinig ko na ang kantang tinutugtog nila at masasabi ko na mas maganda mapakinggan ito sa live show.
Lihim ako napapasabay sa pagkanta ng mga fans nila. Hindi ko rin maiwasang mapangiti habang pinanunuod sila.
Kita sa mukha nila ang pagmamahal nila sa kanilang banda katulad ng pagmamahal ng pamilya ko sa kanilang trabaho.
Nakipalakpak ako nang matapos sila sa isang kanta. Nagulat ako nang biglang tumingin si Naru sa akin na may kakaibang ngiti sa kanyang labi.
Lumapit siya sa kinaroroonan ko at hinila ako papuntang stage kung nasaan sina Kentou "dahil malungkot ang babaeng ito sa nangyari ngayong araw ay misyon namin na pasayahin siya" sabi ni Kyo saka inabutan ng isang mikropono
Napatingin ako sa paligid. Hindi ko napiligilan mapayuko dahil puro inggit ang nakikita ko sa mga mata ng fans nila.
"Sing with me" bulong ni Kentou sa akin saka binigyan ng senyales ang kanyang kasamahan
Nagsimula muli sila magpatugtog at isa sa mga kanta muli nila ang kanilang tinugtog. Ito ang pinaka-nagustuhan ko sa lahat ng kanilang kanta.
Nakatayo lamang ako sa gitna ng stage habang kumakanta si Kentou. Lumingon siya sa akin saka kinunutan ng noo na tila inaabangan niya ang aking pagsabay sa kanya.
Wala naman siguro masama kung pagbibigyan ko sila di ba?
Humugot ako ng malalim na hininga saka sumabay sa kanta ni Kentou.
Napatigil ako sa pagkanta ng tila natigilan ang lahat. Kahit kasi sina Kentou ay tumigil sa kanilang pagtugtog.
Nakaramdam ako ng pagkataranta sa nangyari "err mali ba ang pagkanta ko?" natarantang tanong ko "sorry sorry!" paumanhin ko pa
Biglang tumawa sina Naru na ikinakunot ng noo ko "well, hindi namin ineexpect na napakaganda ng iyong tinig" humahangang sabi ni Kyo "parang bang may kumantang anghel"
***
Buti na lang ay natapos nila agad ang kanilang gig. Akala ko talaga kanina nasira ko ang kanilang performance dahil sa pagkanta ko.
"bakit hindi ka sumali sa banda namin?" biglang offer ni Naru sa akin kaya napatigil ako sa aking paglalakad
Nanlaki ang mga mata ko ng marealize ang ginawa ko. Masyado ako nadala sa sitwasyon. Malaki ang posibilidad na makarating kina Manager Reina ang pagkanta ko dito. Ang masama ay kasama ko sina Kentou na kaaway ni Kuya Ryo.
Napakagat ako ng kuko sa aking kamay saka inangat ang tingin para salubungin ng tingin ang tatlong lalaki "sorry pero hindi ako maaaring sumali sa inyo" sabi ko saka pilit na ngumiti sa kanila
"sayang naman iyang talent mo" nanghihinayang na sabi ni Kyo
Tumango si Naru na tila sumasang-ayon siya sa sinabi ni Kyo "uh sige uwi na ako baka hinahanap na ako" biglaang paalam ko saka walang lingon na tumakbo palayo sa kanila
***
Nang makauwi ako sa aming mansyon, agad na bumungad ang nag-aalalang mukha na mukha ng aking pamilya.
"Huhuhu! nasaan na ang bunso ko?!?" nagpapanic na sabi ni mama
"Hindi kaya na-kidnap ang anak natin?" sambit naman ni papa "akin na ang telepono para matawagan ang mga police!" utos pa niya kay Ate Zy
Tumikhim ako para ipaalam na nandito na ako. Sabay sabay silang lumingon at nag-unahan na makalapit sa akin.
"my gosh Ayane! You made us worried! Saan ka ba nagpunta kang bata ka?!" pagsesermon sa akin ni papa
Napakamot ako ng batok dahil nakalimutan ko na hindi normal para sa akin na gabihin ng uwi. Hindi ko man din naisip na i-text sila.
"sorry" paumanhin ko sa aking kasalanan
Niyakap ako ni Manager Reina "dinamdam mo ba ang tungkol sa libro?" nag-aalalang sabi ni Manager Reina saka agad na may kinuha sa kanyang bag "here, ayaw tanggapin nang nanalo eh"
Halos magningning ang mata ko at kinuha iyon kasi baka magbago ang isip ni Manager Reina "yay! Thanks po!" masaya kong sambit saka hinalikan sa pisngi si Manager Reina bilang aking pasasalamat
Akmang babalik ako sa aking kwarto para magpalit ng damit nang harangan ako ni Kuya Ryo "saan ka galing?" nakahalukipkip na tanong niya
Napansin ko na tila nag-aabang sila ng aking isasagot "kumain ako sa labas kasama ang mga kaibigan ko" sagot ko saka kinagat ang aking labi
"Kaibigan? May kaibigan ka na Ayane?" tanong ni papa "sino ang mga iyan?"
Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanila kung sino ang mga kaibigan ko. Lalo na alam ko na magiging tutol si Kuya Ryo.
Baka nga mas maging dahilan ito ng kanilang pag-aaway na ayoko ng mangyari.
"uh hindi niyo sila kilala naman eh" pagpapalusot ko at pilit iniiwasan ng tingin si Kuya Ryo
Ngunit mukhang hindi bumenta ang palusot ko ayon sa mga nakakunot nilang mga noo.
Hinawakan ako sa magkabilang balikat ni papa "don't tell me may boyfriend ka na, Ayane" madramang sabi niya
Napairap ako dahil dinadaan na naman niya ako sa drama skills niya.
"tss wala" irap ko kay papa "walang magkakainteres" dagdag ko pa
Biglang umaktong nakahinga ng maluwag si papa sa sinabi ko "then who are you with?" taas kilay na tanong ni Ate Zy at tila ayaw akong lubayan hanggang hindi nalalaman kung sino ang mga kasama ko
Umakto akong inaantok "I'm tired kaya matutulog na ako" palusot kong muli
Hinarang muli akk ni Kuya Ryo na matalim ang tingin binibigay nasa akin "papunta ka pa lang ay pabalik na kami" natitimping sabi niya "huwag mo kami daanin sa pag-arte mo tulad ni papa"
Tumingin ako sa paligid saka suko na napabuntong hininga "fine, sina Kentou ang kasama ko" sabi ko
Napasinghap sila bukod kay Kuya Ryo na namumula ang mukha sa galit "sabi na eh! Gaganti ang lalaking iyon! Talagang kapatid ko pa ang balak niyang gamitin laban sa akin" inis na sabi ni Kuya Ryo "makikita niya!"
Napatapal ako sa aking noo "relax Kuya!" awat ni Ate Zy sa nagwawala naming kuya "wala siyang alam na kapatid natin si Ayane kaya malabo iyang binibintang mo!"