[Ayane's pov]
Hindi ako mapakali habang nandito sa field. Dito kasi gaganapin ang aming sport class. Sa kasamaang palad, nandito rin ang klase ni Kuya Ryo sa field at kanina pa niya binibigyan ng masamang tingin si Kentou.
"ang talim ang tingin ni Ryo sa iyo, Kentou" bulong ni Naru "may ginawa ka na naman ba?" dagdag niya saka matamam na tinignan si Kentou
Tumingin sa paligid si Kentou. Sinalubong niya ang tingin na binibigay sa kanya ni Kuya Ryo "tss malay ko sa kanya baka narealize niyang mas magaling at mas gwapo ako" maangas ni Kentou saka sinamaan na rin ng tingin si Kuya Ryo
Lihim ako napailing sa sinabi ni Kentou. Muntikan na ako matangay ng malakas na hangin mula sa sinabi niya.
Buhat rin ng sariling bangko kapag may time. Tsk tsk tsk.
"All of the girls come here!" sigaw ng aming guro kaya nagpaalam na muna ako sa tatlo para sumama sa kumpol ng mga kababaihan
Hiwalay kasi ang girls sa boys sa sport class. Nang makalapit, matatalim ang tingin sa akin ng mga babae. Ito siguro ang nababasa ko na nagagalit sila dahil kaibigan ko ang hinahangaan nila kaya nagkibit balikat na lang ako para balewalain ang mga tingin nila.
Inayos ko ang hoodie ko at suot suot na salamin bago magsimulang mag-stretching. Habang ginagawa ko iyon ay may grupo ng babae ang lumapit sa kinaroroonan ko. Kita sa mukha nila ang hindi pagkagusto sa akin.
Napabuntong hininga na lang ako "Hey b*tch!" sabi ng nangunguna sa kanila kaya nagpatuloy na lang ako sa aking ginagawa
Napasinghap ang nakapaligid sa amin nang itulak ako ng babaeng iyon "kinakausap kita, b*tch!" singhal niya saka ako sinamaan ng tingin
Nagtatakang tinuro ko ang aking sarili "sure ka na ako ang kausap mo?" kunot noong sabi ko "b*tch kasi ang sabi mo kaya akala ko isa sa mga kasamahan mo" dagdag ko pa saka tumayo at pinagpag ang nadumihan kong damit
Namula ang mukha ng babae sa inis pati na rin ang mga kasama niya. Humugot siya nang malalim na hininga saka ngumisi "deny ka pa eh ang landi mo naman! Tatlo pa talaga ang tinutuhog mo!" malakas na komento niya na umagaw sa atensyon ng karamihan "ikaw ang b*tch! Sa iyo ang titulong iyon!"
Napakamot na lang ako ng ulo dahil sinadya niya kuhanin ang atensyon ng lahat para mas ipahiya ako "kung diyan ka sasaya edi ako na" sumusuko kong sabi saka tinalikuran sila ngunit hinila niya ako pabalik sa kinatatayuan ko saka malakas na sinampal
Sa lakas ng kanyang pagsampak ay natanggal ang salamin ko. Agad akong napayuko saka hinawi ang buhok ko sa aking mukha para takpan ito. Sinubukan ko pang kapain ang nahulog kong salamin pero natigil ako nang marinig ko ang pagkabasag nito. Apak apak na ito ng babae.
"get lost b*tch!" nakangisi niyang sabi niya saka pakendeng na naglakad palayo kaya na mukha siyang bulateng nilagyan ng as in
Tsk tsk tsk...
Nabaling ang tingin ko sa nabasag kong salamin. Hindi naman talaga malabo ang aking mga mata tulad nang iniisip nila.
Dinampot ko ang basag na salamin at tinanggal ang basag na parte nito. Maaari ko pa naman siguro gamitin ito.
May kamay na umagaw nito sa aking kamay "Seatmate, ibibili na lang kita ng bago" nag-aalang sabi ni Kyo "sh*t! Kasalanan namin kung bakit ka nila ginanon!"
Umiling ako habang pilit tinatago ang aking mukha mula sa lahat "Huwag na" pagtutol ko "wala naman grado iyan eh"
Kinapa ko ang aking bulsa at napangiti nang makapa ang aking panyo. Kinuha ko iyon saka tinakip sa aking ilong at bibig.
"What the hell!" gulat na bulalas ni Kyo "walang grado ito pero bakit mo pang ginagamit?"
Inangat ko ang aking ulo para tignan sina Kyo na ngayon mga napakunot ang noo sa akin saka sinagot ko ang tanong ni Kyo ng isang kibit balikat.
***
Tinipon muli ang mga babae rito sa oval. Isang race kasi ang ipapagawa sa aming mga girl.
Kita sa mukha ng mga babae ay kasabikan na maipanalo ang race. Paano ba naman kasi nanunuod sina Kentou at Kuya Ryo kaya hindi nila palalampasin ang pagkakataong magpapansin sa kanila.
Ang mga babae kanina na sumira ng aking salamin ay kasama rin. Lumilingon pa sila sa direksyon ko na tila mga nanghahamon.
"Go seatmate!" cheer pa sa akin ni Kyo "lampasuhin mo sila!" dagdag niya kaya agad siyang nakatanggap ng batok kay Naru
Nang pumutok ang go signal ay agad nagsitakbuhan ang mga kasama kong babae. Naiwan akong nakatayo sa starting line para hindi mapasama sa giyera ng mga babae. Paano ba naman may mga nanunulak, naniniko at mga nanalapid sa kanila para manalo sa race na ito.
"Seatmate! Ano pa ang ginagawa mo diyan?" reklamo ni Kyo
Napabuntong hininga ako saka nagsimulang mag-jog. Sinugurado ko na wala akong makakabangga sa mga nagsasakitang babae.
"seatmate woah!" cheer pa muli ni Kyo sa akin habang may hawak na banner na nakasulat ang 'Go seatmate'
Napailing na lang ako sa ginagawa niya saka nagpatuloy sa aking pag-jog. Nang nasa gitna na kami ng oval ay kakaunti na lamang ang natira. Marami na sa kanila ang na-knock-out at nakahalik na ngayon sa lupa.
Napahinto ako sa pag-jog nang makita na isa na roon ang bumasag ng salamin ko. Mukhang pinagkaisahan siya ng mga kasama niya kanina.
Napailing na lang ako para sa kanya saka nagsimulang maglakad. Wala naman rin na akong kasunod.
Narating ko ang dulo nang hindi man lang napagod.
"ang galing mo" puri nina Kyo saka ako inabutan ng bimpo at tubig
Bagot kong tinanggap ko ang mga iyon saka nagtungo sa locker room. Pagbukas ko ng aking locker ay may bagong salamin na ako naroroon.
Napangiti ako at agad iyon sinuot saka binalikan ang tatlong lalaking nag-iintay sa akin "ano ba ang tinatago mo diyan sa mukha mo?" curious na tanong ni Kentou nang makita na may bago akong suot na salamin
"panget eh" sabi ko saka nagkibit balikat
"nakakaganda pa pala iyang salamin mo kung ganoon" komento ni Kyo habang nagpipigil ng tawa kaya binatukan siya ni Naru saka pinandulatan ng mata
***
Bago matapos ang klase, nakatanggap ng imbitasyon ang lahat ng estudyante. Ang natanggap na imbitasyon mula sa pamilyang Robins para sa kanilang gaganaping house party.
"House party eh..." bulong ko habang pinagmamasdan ang natanggap ko ring imbitasyon
Ano kaya ang nasa isip nina mama para gumawa ganitong kalaking party?
Hindi ko alam pero masama ang kutob ko rito. Nitong mga nagdaan araw ay napapansin ko ang pagiging makulit nila para sumabak ako sa showbiz.
Isa na naman kaya nilang paraan ito para kulitin ako sa kagustuhan nila?
Nag-unat ng kamay si Kyo "pupunta ba tayo?" tanong niya kay Kentou na walang imik habang nakatitig sa imbitasyon
Halata sa itsura niya na nag-aalangan siya na pumunta sa party na gawa ni Kuya Ryo.
"isyu na naman ito kung hindi tayo pupunta" sabi ni Naru habang patuloy na kumukopya ng notes sa aking notebook "malayo naman sa bituka iyan, kaya hindi nakakamatay kung pupunta tayo" dagdag niya
Nagpakawala ng malalim na hininga si Kentou "Tss pupunta tayo" labag sa loob na sabi niya "wala naman tayong choice di ba?"
Nag-apiran sina Kyo at Naru sa naging desisyon ni Kentou "paano iyan sa bahay mo na lang tayo magkita kita?" sambit ni Kyo kay Kentou
Sabay sabay na bumaling sila ng tingin sa akin "paano nga pala si Ayane?" tanong ni Naru
"papunta ka rin ba, seatmate?" umaasang tanong ni Kyo sa akin
Napakagat labi ako. Paano ito?
Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi makapunta sa party. Malaki ang tyansang ginawa ang party para ipakilala ako bilang isang miyembro ng pamilyang Robins.
Pinagdutdot ko ang mga daliri ko at iniwas ang tingin sa kanila "h-h-hindi ako pwede eh" sabi ko "m-m-may importante akong gagawin mamaya" pasisinungaling ko pa at buti na lang hindi nila tinanong kung ano iyon
***
Pagkauwi ko ng mansyon ay agad ko hinanap ang kinaroroonan nina mama.
Nagtapuan ko sila sa veranda habang umiinom ng pinakamahal nilang red wine. Humugot ako ng malalim na hininga bago sila nilapitan.
"ma, pa" tawag ko sa kanila kaya sabay sila napalingon sa akin
"Oh bunso! Nakauwi ka na pala!" nakangiting sambit ni mama at hinalikan ako sa pisngi "how is your day at school?"
Bagot ko ipinakita ang imbitasyon na ipinamigay nila sa lahat ng estudyante ng Star Academy "anong ibig sabihin nito?" tanong ko habang taimtim na sinusuri sila "huwag niyong sabihin may binabalak na naman kayo?"
Ngumisi sila na lalo ikinalukot ng mukha ko. Sabi na eh...
"Chill bunso" natatawang sambit ni papa "wala kaming gagawin ngayon na ayaw mo"
Tumango tango si mama "magkakaroon lang kaunting celebration ang ating pamilya para sa dalawang dekadang tagumpay sa showbiz " sabi ni papa "promise iyon lang iyon bunso"
Tinignan ko sila para ianalisa kung totoo ang kanilang sinasabi. Ginantihan naman nila ang intesidad ng tingin ko. Mukhang nagsasabi sila ng totoo.
Doon, nakahinga ako ng maluwag at saka ngumiti "congrats po sa inyo!" taos pusong pagbati ko sa kanila