Chapter 5

1674 Words
[Ayane's pov] "Ehhhh?!?" gulat na sambit ng lahat Tatagtagin ko sana ang kamay kamay niya ng binigatan ni Ate Zy ang kamay niya na nakaakbay sa akin na tila alam niya ang gagawin ko iyon. Tss. "It's settled" sabi ni Ate Zy "let's go" dagdag niya sabay hila sa akin pero Binigatan ko ang mga paa ko para hindi niya ako tuluyang mandala. Tinignan ko siya habang umiiling bilang aking pagtutol. Sinamaan niya rin ako ng tingin na may pagbabanta. Tila ba sinasabi niya 'sasama ka o sasabihin kong magkapatid tayo'. Nanlaki ang mga mata habang hindi makapaniwala sa kanyang pagbabanta. Sa huli ay tuluyan akong nagpatangay sa kanya. "don't worry wala ako sasabihin kay Kuya" bulong niya sabay silip sa pwesto nina Kentou saka ako kinindatam Arrgh! Blackmail! Pumagitna kami ni Ate Zy habang nasa gilid ang mga kaklase ko para manuod. Nagulat ako nang tumugtog ang sinasayaw namin dati ni Ate Zy na si Kuya Ryo mismo ang ginawa ng dance step. Mukhang planado niya ito. Tss. Nagsimula na siyang sumayaw na ikinagiliw ng mga nanunuod. Bumaling sa akin si Ate Zy at isang umaasang tingin ang binibigay niya sa akin. "The Robins dance!" tili ng mga nakapaligid sa amin habang naglalabas ng kanilang phone para video-han ang pagsayaw ni Ate Zy "come on!" kindat ni Ate Zy sa akin habang kita sa kanyang mga mukha ang kagustuhan na makasabay muli ako na sumayaw Nang dumating ang scene na si Kuya Ryo ang dapat sasabay kay Ate Zy ay biglanh bumukas ang pinto. Napuno ang tilian ang paligid nang makita si Kuya Ryo na about tenga ang ngiti sa kanyang labi. "Sali ako diyan!" parang bata niyang sabi saka tumabi kay Ate Zy saka sumabay sa pagsayaw Ngayon ay pinaggigitnaan nila akong dalawa habang patuloy sa kanilang pagsayaw. Nandito ako pero hindi ko alam kung sasabayan ko. Kinagat ko ang kuko ko habang pinanunuod sila. "well ang sabi nila di ba hindi kumpleto yung The Robins dance" bulong ng isa sa mga kaklase ko "ano kaya ang kulang diyan? Parang perfect na eh" komento pa ng isa Lumingon sa akin si Kuya Ryo. Tulad ng kagustuhan ni Ate Zy ay umaasa siyang sasabayan ko sila. "mga pasikat na naman" malakas na komento ni Kentou na ikinatigil ni Kuya Ryo sa kanyang pagsayaw Akmang malapit si Kuya Ryo kay Kentou ng pigilan siya ni Ate Zy. Napailing ako saka pasimpleng umalis sa dance studio. Patawad... hindi ko pa kaya na gawin ang nais nila. *** "boo!" napalundag ako sa gulat  saka agad napahawak sa aking dibdib Inis na nilingon ko ang gumulat sa akin. Bumungad ang tatlong lalaki na bumubuo sa bandang Keegan. Malaman si Kyo ang gumulat sa akin mula sa tatlo. Napakunot ang noo ko nang mapansin na may pasa sa mukha si Kentou "hindi mo nakita naging boxing ang dance class" balita ni Kyo sa akin "nagsapakan iyang sina Kentou at Ryo" dagdag na bulong niya Nanlaki ang mga mata ko sa nalaman "buti na-handle yung situation para hindi lumabas sa balita" sabi ni Naru saka nagkibit balikat "kundi magiging headline na naman ito kung nagkataon" Sinamaan ng tingin ni Kentou sina Naru na ikinailing lang ng dalawang lalaki. Biglang umakbay si Kyo sa akin "oy bakit ka biglang umalis?" tanong ni Kyo "nagulat na lang ako na wala ka na doon" Tinagtag ko kanyang pag-akbay na ikinasimangot niya"maingay kasi" pasisinungaling ko saka binaling ang atensyon muli sa aking binbasa *** Pagkauwi ko ay agad na bumungad ang mga nakasimangot na postura nina Ate Zy at Kuya Ryo na tila mga nagtatampo. Mukhang ikinasasama ng loob nila ang hindi ko pagsabay sa kanilang sayaw sa aking dance class. TSS. "huwag niyo na nga muna i-pressure si Ayane" saway ni mama sa kanilang dalawa "alam ko naman na magiging singer siya tulad ko dahil manang mana siya akin" Lihim ako napairap dahil kahit siya ay kinukulit ako tungkol sa showbiz na iyan. Hindi ba nila maitindihan na ayoko na tumulad sa kanila? Napalingon silang lahat nang tila mapansin nila na nasa likuran nila ako "welcome back home, bunso" abot tengang bati ni papa sa akin Tinignan ko lang siya dahil may pagtatampo pa rin ako sa kanyang ginawa. Kita ko ang paglulumo ni papa sa ginawa ko. "baby sis, hindi mo sinabi na classmate mo sila" nakasimangot na sabi Kuya Ryo habang nakahalukipkip  "kailangan ipalipat kita ng klase sa lalong madaling panahon" Napabuntong hininga ako "ayokong lumipat ng klase kundi hindi na ako papasok" seryosong sabi ko na may pagbabanta Natawa si Ate Zy nang makita ang paglukot ng mukha ni Kuya Ryo sa sinabi ko. Pareho na sila ni papa na nanlulumo ang mga mukha. TSS. "huwag kasi masyadong bitter" pakantang komento pa ni Ate Zy na lalong ikinalukot ng mukha ni Kuya Ryo *** Nandito na ako sa aking kwarto para ipagpatuloy ang aking pagbabasa. Sa hindi malaman na dahilan ay kanina pa ako nakatitig sa pahina ng libro. Iniisip ko ang mga nangyayari na unti unti nagpapabago sa takbo ng aking araw. Ang pagpasok ko sa school. Ang pakikipagkaibigan ko sa Keegan. Iniling ko ang ulo ko dahil hindi ko dapat isipin ang mga iyon. Iisipin lang nila na may interes sa labas ng mundo ng mga libro. Mas malala baka isipin nila ay gusto ko ng pumasok sa showbiz na malabong mangyari. Tama! Hindi ko dapat isipin iyon. Itong libro ang dapat pagtuunan ko ng pansin. . . . . . *after few minutes* . . . . "Waaah!" tili ko na halos iuntog ko ang ulo ko sa libro Malakas na sinara ko ang libro saka nahiga sa aking kama. Ano bang problema sa akin? Kinapa ko ang side table ko para kuhanin ang ipod ko. Wala sa sarili ko pinatugtog ang kanta ng bandang Keegan hanggang hindi ko namalayan na nakatulog ako habang nakikinig sa kanta nila. *** "drama class?" basa ko sa aming subject ngayon at hawak hawak ang magiging script Sinubukan kong basahin ang lamang ng script ay kulang na lang ibato ko iyon kung saan. Geez! Bakit romantic script itong binigay sa amin? "oy Ayane, sali ka sa amin" sabi ni Kyo habang pilit akong hinihila palapit sa mga kasama niya Pagtingin ko sa paligid ay kita ko ang inggit sa mga mata ng mga kaklase ko. Naramdaman ko na siniko ako ni Naru "nabasa mo na ba iyong script?" tanong ni Naru Wala sa sarili ako napatango. Hindi kasi ako mapalagay sa mga matatalim na tingin na nakatuon sa akin sa oras na ito. "so bale si Kentou yung bidang lalaki, si Ayane naman yung bidang babae dahil siya ang babae sa atin" paghahati ni Naru sa script "tapos si Kyo...ay uhmmm... yung aso?" Binatukan ni Kyo si Naru "ulul! walang aso diyan!" nakasimangot na sabi ni Kyo "Ako na lang ang gaganap na kapatid ni seatmate!" "Fine, fine.. ako yung kontrabida" iiling iling na sabi ni Naru Wait, ako yung bidang babae? Binuksan ko muli ang script pero naibagsak ko iyon nang may mabasa na hindi kaaya aya "ayoko maging bidang babae" seryosong sabi ko "eh? Hindi pwede! ikaw lang yung babae sa atin" kontra ni Kyo Umiling ako saka humalikipkip ng braso para ipakita ang aking pagtutol. Nagulat ako ng ilapit ni Kentou ang mukha niya sa mukha ko "choosy ka pa" komento ni Kentou "makakaisang halik ka nga sa akin" nakangising dagdag niya Tinakpan ko ang mukha ni Kentou at tinulak iyon palayo sa aking mukha. Tss. "as if naman gusto kong mahalikan ka" inis kong sabi na ikina-hagalpak ng tawa nina Kyo "Burn!" komento pa ni Kyo Natahimik silang dalawa nang bumukas ang pinto bilang semyales na nandito na ang magiging aming guro. Laking gulat ko nang makita si Manager Reina. Ehh?!? Bakit siya nandito? "busy ang inyong guro kaya nandito ako bilang substitute" sabi ni Manager Reina saka inayos ang salamin sa kanyang mata Lumingon ako kay Kyo "sino ba dapat ang guro natin?" bulong na tanong ko sa kanya "si Sean Robins" bulong na sagot ni Kyo saka pasimpleng sumilip kay Kentou Si p-p-papa?!? Hindi ko alam ang tungkol doon ah! Kung kahapon ay sumama sa klase ko sina Ate Zy at Kuya Ryo, malakas ang kutob ko na may binabalak rin si Manager Reina. Hindi nagtagal ay pinatungo kami sa isang mini theatre dito sa loob ng Star Academy. Pansin ko na kumpleto sa mga ganitong facility ang academy kaya hindi na ako magtataka kung may stunt class din dito. Gumitna si Manager Reina sa entablado na may kakaibang ngiti sa kanyang labi. Tinitigan ko siya para alamin ang kanyang binabalak. Isang kindat ang binigay niya sa aking direksyon nang naramdaman ang tinging binibigay ko sa kanya "gagawin natin na isang contest ito" sabi ni Manager Reina saka may kinuha mula sa kanyang likod "ang manalo ay makakakuha itong limited edition book" Biglang lumaki ang mga tenga ko sa aking narinig. Pag-angat ko ng tingin ay hawak ni Manager Reina ang matagal ko ng librong inasam asam. "mukhang nakuha ni Miss Reina ang atensyon ni seatmate" komento ni Kyo na ikinalingon ng kanyang mga kasama Nakita ko na bumaling muli si Manager Reina sa akin na may kakaibang ngisi sa kanyang labi. Saka ko lang narealize na isa itong trap. Ito ang binabalak niya sa simula pa lang. Gusto niya seryosohin ko ang mini play na ito para ipakita ang kakayahan ko sa pag-arte! Napakagat ako ng kuko habang iniisip kung magpapasunod ako sa balak niya. Pero hindi ko maaatim na napunta sa ibang kamay ang librong iyon dahil isa lamang iyon sa buong mundo. "ipapa-photocopy ko na lang sa mga mananalo" bulong ko "tama!" "bawal magpa-photocopy nito" iiling iling na sabi ni Manager Reina "kung ayaw niyong makasuhan ng author nito" dagdag niya habang nasa tabi ko na pala Grrr! Nilapit niya ang libro sa akin kaya para akong bata na naaakit na mahawakan iyon. Slow motion ang paglapit ng kamay ko sa librong iyon. Iyon nga lang bago dumampi ang kamay ko ay lumakad na muli palayo si Manager Reina tangay ang librong iyon. Nakatigil sa ere ang kamay ko habang pinapanuod si Manager Reina sa kanyang paglayo. Pwersahang binaba nina Kyo ang kamay ko. "Earth to seatmate!" sambit ni Kyo habang inaalog ako "wake up!" histerikal na dagdag niya "bakit parang si Ayane ang target niya?" komento ni Naru habang ino-obserbahan si Manager Reina sa malayo "pfft! Paano naman kasi yung mukha ni Ayane eh masyadong epic nang makita yung libro" tawa ni Kyo habang sinusundot sundot ang pisngi ko Humugot ako ng malalim na hininga saka hinarap sina Kentou "dapat tayo manalo" seryosong sabi ko "kailangan mapanalunan natin ang librong iyon!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD