Chapter 4

1498 Words
[Ayane's pov] Kagat kagat ko ang mga kuko ko. Habit ko ito kapag feeling ko nagi-guilty ako o nine-nerbyos ako. Hindi ko naman kasi alam na may away sa pagitan kina Kuya at Kentou. "ayos ka lang ba, Ayane?" tanong ni Ate Zy na nasa tabi ko habang ngumunguya ng popcorn Tumango ako saka lihim na sumulyap kay Kuya Ryo. Nanlaki ang mga mata ko nang magtama ang tingin namin ni Kuya Ryo kaya agad ko binawi ang aking tingin. "may sasabihin ka ba?" kunot noong tanong ni Kuya Ryo at binaba ang nilalarong tablet Sinagot ko naman iyon ng mga iling saka nagbukas na lang ako ng telebisyon para doon ibaling ang aking isipan. Pero wrong move yata dahil sina Kentou ang agad bumungad sa telebisyon pagkabukas ko. Nabigla ako nang may umagaw  ng remote sa kamay ko at mabilis na pinatay muli ang telebisyon. Walang iba kundi si Kuya Ryo na halos magdugtong ang kilay sa pagkayamot. Biglang hinarap ako ni Kuya Ryo sa kanya "Ayane, kapag nakita mo ang mga ugok na iyon sa school mo ay mas magandang  iwasan mo sila" seryosong sabi ni Kuya Ryo Ehh?!? Napakagat labi ako nang mapatunayan na may alitan silang dalawa. Gusto nila akong magkaroon ng kaibigan at ang bandang Keegan lang ang maituturing kong mga kaibigan ngayon. Kaso may alitan sa pagitan nina Kentou at Kuya Ryo. Paano na ito? Waaah! Binatukan siya ni Ate Zy nang mapansin ang hindi ko pagka-komportable "huwag mo ngang idamay si Ayane diyan sa away bata niyo" nakapameywang na sermon ni Ate Zy kay Kuya Ryo Sinamaan ng tingin ni Kuya Ryo si Ate Zy kaya napailing na lang si ate at nagbuklat na lang ng magazine. Nagpalipat lipat ako ng tingin sa dalawa pero mukhang wala silang balak ipaliwanag kung bakit dapat kong layuan sina Kentou. Bilang pagsuko ko ay napabuntong hininga na lang ako "babalik ako sa aking kwarto" sabi ko Pagpasok ko ng aking kwarto, kaysa sa mga libro ako magtungo ay kinuha ko ang aking laptop na matagal ko ng hindi nagagamit. Binili sa akin nina mama ito noon kahit hindi ko naman kailangan pero mukhang magagamit ko siya ngayon. Humugot ako ng malalim na hininga bago buksan iyon. Sa sobrang curious ko sa grupo nina Kentou ay hindi ko mapigilan ang aking sarili na magsearch ako tungkol sa bandang Keegan. Dahil doon, nalaman ko na kasabayan ng paglabas ng banda nina Kuya ang banda nila pero dahil isang Robins si Kuya ay agad niya natalo ang bandang Keegan. Hmmm... Maaari ito ang ikinasasama ng loob ni Kentou kay Kuya Ryo. Pero bakit naman galit si Kuya kay Kentou? Nagsearch pa muli ako hanggang matigil ang mga mata ko sa isang article. Kung saan sinuntok ni Kentou si Kuya na naging headline sa mga balita na naging isyo sa loob ng tatlong buwan. Walang alinlangan kong binuksan ang link na iyon. Napatakip ako ng kamay sa aking bibig nang makita ang litrato ni Kuya Ryo na may pasa sa kanyang kanyang mata kaya nagmukhang siyang panda. Binaling ko ang tingin sa laman ng article na iyon "eh? dating nobya ni Kentou si Ayesha" bulong ko "na naging girlfriend rin ni Kuya Ryo" Kung ganoon, parang lumabas na sinulot ni Kuya ang girlfriend ni Kentou kaya nagkaroon ng fight scene ang dalawang lalaki. "Ayesha..." mahinang sambit ko sa pangalan ng babae habang tinitigan ang kanyang litrato Walang girlfriend ngayon si Kuya Ryo sa pagkakaalam ko. Ibig sabihin ay hiwalay na rin sila ni Ayesha. Naalala ko tuloy ang panahong laging lasing si Kuya Ryo. Pagkaalala ko na sinabi ni Ate Zy na hiniwalayan si Kuya Ryo ng kanyang nobya nang panahon na iyon. Ano nga ba ang dahilan? Napapitik ako ng daliri nang naalala ang dahilan ng pakikipaghiwalay nila "ah dahil naiipit si Ayesha sa dalawa kaya ang nangyari ay hiniwalayan niya rin si Kuya" sabi ko Hmmm...maaari na sinisisi ni Kuya si Kentou sa paghihiwalay nila ni Ayesha kaya ganoon lalaki ang galit niya kay Kentou. Napatapal na lang ako sa aking noo dahil pinalalaki pa ni Kuya Ryo ang away kahit matagal na silang hiwalay ni Ayesha. Ang drama lang nila para mag-away dahil sa isang babae! "Ay bahala sila" sabi ko saka sinara ang link na iyon Sinubukan ko naman pakinggan ang mga sikat na kanta ng bandang Keegan. Masasabi ko na magagaling rin sila tulad ng banda ni Kuya Ryo. "May kulang pa sa kanta nila" komento ko habang nakikinig sa lyrics "kulang sa emosyon" Biglang bumukas ang pinto kaya sa sobrang taranta ko ay agad ko sinara ang laptop ko. Nakakunot ang noo ni Manager Reina habang nakatingin sa akin na tinatago mula sa paningin niya ang laptop na hawak ko. "nandito na sina Gem at Sean" nakangiting sabi niya "hinihintay ka nila sa baba" Halos magningning ang mga mata ko sa narinig "Sige po! Bababa agad ako!" masaya kong sabi kaya sinara na ni Manager Reina ang pinto muli Nakahinga ako ng maluwag at agad ko tinago ang laptop sa ilalim ng aking cabinet. Nagpalit muna ako ng damit bago lumabas ng aking kwarto. Pagbaba ko ng hagdan ay rinig ko ang masasayang halahak nina mama. Mukhang naging successful ang world tour concert niya. Samantala si papa ay naka-leave pasamantala sa kanyang teleserye. Natigil sila sa pagkwekwentuhan nang makita ako. Akmang yayakap si papa sa akin ng umiwas ako at mas piniling magtungo sa kinaroroonan ni mama. May pagtatampo pa rin ako sa kanya dahil inenrol niya ako nang hindi ko nalalaman. Sana naman ay kinausap niya muna ako di ba? "bunso" paglalambing ni papa habang nakanguso Inirapan ko lang siya saka hinalikan sa pisngi si mama na humagikhik sa tuwa at niyakap ako nang napakahigpit. "namiss ko ang bunso ko" mangiyak ngiyak na sabi ni mama saka ako pinakawalan sa kanyang yakap "promise babawi si mama" dagdag ni mama habang hinahaplos ang aking buhok "kamusta ang pagpasok mo?" biglang tanong ni papa kaya binigyan ko siya ng matalim na tingin na ikinangiwi niya *** Humugot muna ako ng malalim na hininga bago pumasok ng classroom. Ayoko sanang pumasok pero pinilit ako nina papa kaya nandito ako ngayon. Agad na sinalubong ako ng masasamang tingin dahil na rin siguro sa nangyari kahapon. Nagkibit balikat lang ako at binalewala ang mga tinging iyon. Ngumiti sina Naru at Kyo sa akin na ginantihan ko ng isang tango. Geez! Bakit ba ang kayo ng upuan ko? Nang mapatapat ako sa kinauupuan ni Kentou ay dahan dahan ako naglakad sa takot na ginawa ng ingay para magising ang lalaki. As usual ay nakaub-ob siya sa kanyang desk para matulog at walang pakialam sa kanyang paligid. Nang mapatapat ako sa kanya ay natuod ako ng mag-angat siya ng ulo at nagtama ang mga tingin namin. Napalunok ako at napaatras ng isang hakbang. Sinamaan niya lang ako ng tingin bago umub-ob muli. *** Isang dance class ang magiging klase namin ngayon. Wala pa ang aming guro kaya umupo ako sa sulok habang pinapanuod ang pagsasayaw ng iba naming kaklase. Ginawa kong pansulat sa sahig ang aking daliri dahil na rin sa pagkainip. Sinusubukan ko ring iwasan na makausap ang bandang Keegan. "anong kaya ang ipagagawa sa atin?" tanong ni Kyo kay Naru Napalundag ako sa gulat nang makita na katabi ko na pala ang dalawang lalaki. Hindi ko man lang namalayan ang paglapit nila. TSS. "ito ang pinakaayaw kong klase" bagot na sabi ni Naru habang hindi maipinta ang kanyang mukha Natahimik ang lahat ng dumating ang magiging aming guro ngunit hindi ko inaasahan na may kasama siya. Hindi magkamayaw sa tili ang mga kaklase ko ng makilala ang kasama ng aming guro. "Nandito si Zyrene para samahan ako na turuan kayo" nakangiting sabi ng aming guro "ayos ba?" Napansin ko na ginagala ni Ate Zy ang kanyang mga mata. Pasimple kong tinakluban ko ang aking mukha ng hood at pumunta sa pinakasulok. Alam kong sinadya niya ang pagtulong sa aking guro dahil kabilang ako sa klase na ito. Napabuntong hininga ako dahil ayoko pang malaman ng lahat na magkapatid kami "alright! Line up na class!" sigaw ng aming guro Pinli ko na sa pinakalikod pumewesto dahil halos lahat ay gusto makita ng malapitan si Ate Zy bukod lang sa bandang Keegan na nagpaiwan rin dito sa likod. Nagtama ang mga mata namin ni Ate Zy kaya napaatras ako ng isang hakbang. Iyon nga lang hindi ko sinasadyang maapakan ang paa ng nasa likuran ko. Masama ang tingin na binibigay sa akin ni Kentou kaya agad ko inalis ang paa ko na nakaapak sa kanya "chill ka lang bro" tapik ni Naru kay Kentou "hindi sinasadya ni Ayane" "tss para naman mananakit ako ng babae" bagot na sabi ni Kentou saka tinapik ang kamay ni Naru palayo sa kanya Nabangga pa nga niya ako ng dumaan siya sa gilid ko "I will choose a partner" anunsyo ni Ate Zy saka nilibot ang tingin buong dance studio Masama ang kutob ko sa binabalak niyang gawin kaya nagtago ako sa likod nina Naru. Napasinghap ang lahat dahil naglakad patungo sa direksyon ng Keegan si Ate Zy. "woah! Sa Keegan siya kukuha?" bulong ng karamihan Tumigil sa harapan nina Kyo si Ate Zy "excuse me guys" nakangising sabi ni Ate Zy saka hinila ako mula sa likuran nina Naru Napasinghap ang lahat ng makita ako na hawak ni Ate Zy "she will be my partner" anunsyo ni Ate Zy saka ako inakbayan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD