Chapter 3

2559 Words
[Ayane's pov] Tulad kahapon ay sampilitan akong pinasok sa kotse nina Kuya Ryo. Ayoko na talaga bumalik sa school pagkatapos ng nangyari kahapon. Alam ko naman ang kahahantungan nito. Ibubully nila ako. Iyon ang katotohanan dahil naiiba ako sa lahat. "May umaway ba sa iyo?" tanong ni Kuya Ryo na sinagot ko ng isang iling "gusto mo bang samahan ka namin sa room mo?" malambing na tanong ni Ate Zy na sinagot ko rin ng isang iling Mas ayoko naman na malaman nila na kapatid ako nina Kuya Ryo at Ate Zy. Napabugtong hininga sila "wala ka bang naging kaibigan?" malambing muling tanong ni Kuya Ryo sa akin Naisip ko yung dalawa ko na katabi kahapon. Kaibigan ko ba sila maituturing? Laging tulog yung isa tapos madaldal naman yung pangalawa. Hindi naman ganoon ang mga magkaibigan sa mga nababasa kong libro. Umiling na lang muli ako bilang sagot sa tanong ni Kuya Ryo. Kita ko na tila nalungkot sila doon. Mukhang gusto nila na magkaroon ako ng kaibigan tulad nila. Kaso sino ang magkaka-interes na makipagkaibigan sa akin? Umaasa lang sila sa wala. Siguro kapag nakita nina papa na walang magandang idudulot ang pag-enrol sa akin sa Star Academy ay ibabalik nila ako sa home schooling. Hihintayin ko na lang siguro ang araw na iyon. Mukhang nabasa ni Kuya Ryo ang nasa isipan ko "Ayane, para sa iyo ito okay? Hindi naman habang buhay ka dapat magtago sa bahay. Face the reality. Face the real world. Hindi lamang sa istorya sa mga libro iikot ang iyong buhay" seryosong sabi ni Kuya Ryo sa akin at niyakap ako "please Ayane, makinig ka sana sa amin dahil para rin naman sa iyo ito" Napabuntong hininga ako saka dahan dahan na tumango sa kanya kahit labag sa aking kalooban. Alam ko naman kapakanan ko lang ang iniisip nina Kuya Ryo. Takot man ako sa realidad ay mukhang kailangan ko itong harapin. Nabigla ako sa malakas na katok sa bintanang kinaroroonan ko sa kotse. Pagtingin ko sa labas ay napapalibutan na ng mga fan ang aming kotse. Hindi ko man lang napansin na nandito na kami sa school. Here we go again... "have a nice day Ayane" sabi ni Ate Zy saka humalik sa pisngi ko "call me if something happens" bilin naman ni Kuya Ryo saka pinat ang aking ulo Tinapik ko ang kamay ni Kuya Ryo palayo sa aking buhok na tinawanan lang niya. Bumaba sila ng kotse kasabay ng malakas na tilian ng mga estudyante. Napangiwi naman ako roon. Feeling ko kasi kinakatay sila sa mga tili nila. Nang makuha na muli ni Manong Ron ang go signal ni Kuya Ryo ay agad niyang umandar ang kotse patungo sa parking lot. Ano kaya ang mga posibleng mangyari sa akin sa araw na ito? May matatapon kayang pulang pintura sa akin pagpasok pa lang ng pinto ng aming classroom? May haharang kanyang mga mean girls at lalaitin ang aking pananamit? May tutulak kaya sa akin sa hagdanan? May bigla kayang babagsak na paso sa ulo ko? Babatuhin kaya ako ng itlog ng mga kaklase ko? Nakaramdam ako ng tapik sa aking balikat "ma'am" sabi ni manong kaya nabalik sa ako realidad "nandito na po tayo" Napakurap kurap ako saka napatingin sa labas ng kotse. Nakaparada na pala si Manong Ron sa parking lot at hindi ko namalayan dahil sa pag-iisip ng mga scenario na pwede mangyari sa akin sa or as na bumaba ako ng aming kotse. Ngunit hindi naman ako pwedeng buong araw na nandito rito... *sigh* Dali dali ko kinuha ang aking bag saka bumaba ng kotse. Inayos ko ang aking hoodie para takpan ang mukha ko sa mga mapanuring mga mata ng mga estudyante. Humugot ako ng malalim na hininga saka nagsimulang maglakad papunta sa aking classroom. Lahat ng makakasalubong ko ay napapalingon sa akin habang may nangdidiring tingin. Mas ayos na siguro ang ganito kaysa sa mga nababasa ko na pangbubully sa libro. Binilisan ko ang aking lakad para mas mabilis makarating ng aming classroom. Napahinto ako nang bglang magtilian  ang mga nakapaligid sa akin. Dahil sa nagkaroon ako ng kuryosidaf kung sino ang kanilang tinitilian ay hindi ko napigilan na sila mapalingon. Nakita ko ang tatlong lalaki na akala mo hari na dumadaan. Namumukhaan ko ang dalawa sa kanila. Sila ang mga seatmate ko kahapon at may bago silang kasama. Lumingon sa direksyon ko ang madaldal na lalaki kaya agad ko iniwas ang aking tingin. Sh*t! Nahuli ba niya akong nakatingin sa kanila? B-B-Baka isipin nilang tulad ako ng mga fan nila... Akmang maglalakad na muli ako para takasan sila nang maramdaman ko na may brasong umakbay sa akin "good morning seatmate" nakangiting bati ng madaldal na lalaki Dahil doon, tumahimik ang buong paligid. Kung kanina, nandidiring tingin lang ang binibigay sa akin ng karamihan. Napalitan ito ng tinging may galit at inggit. Pilit ko inalis ang braso niyang nakaakbay sa akin pero mas binigatan niya lang ito. "hindi good ang morning kapag nakita ka niya, Kyo" sabi ng bago nilang kasama habang iniinspeksyon ang aking kabuuan nang matapos siya sa kanyang ginagawa ay abot tenga na ngumiti siya sa akin "oy baka ikaw yun, Naru" angal ni madaldal na nangangalan pala na Kyo "makita ko pa lang ang mukha ay sira na ang araw ko Nagsamaan ng tingin ang dalawa habang nasa pagitan nila ako. Tsk! Nagbell na isang senyales na magsisimula na ang mga klase. Agad nagkalasan ang mga estudyante sa aming paligid ngunit patuloy pa rin sa samaan ng tingin ang dalawang lalaki. Sinubukan ko kumakawala kay Kyo pero napakabigat ng braso niya. "Tss" bulalas ng isa pa nilang kasamahan na siyang tulog buong klase kahapon at biglang pumagitna sa dalawa kaya mas nagitgit ako Naman! Masikip na nga nakisiksik pa siya! "Mahuhuli na tayo sa ating klase" sabi ng pumagitnang lalaki Nakuha ng kanyang boses ang buong atensyon ko. Buong buo ito at masasabi ko na napakaganda. Sa wakas ay bumitaw si Kyo sa pag-akbay sa akin "pffft! Nakakatawa ang mukha mo seatmate" tumatawang sambit ni Kyo "parang ngayon mo lang narinig ang boses ni Kentou" Pasimple ako napakamot ng batok. Well, ito ang unang boses ko naman talaga narinig ang boses ng sinasabi niyang si Kentou. Para takpan ang pagkahiya ko ay nauna na akong naglakad papunta ng aming classroom. Ramdam ko ang pagsunod sa akin ng tatlong lalaki. Dahil nakakaagaw kami ng atensyon sa mga estudyante aming nadadaanan, binilisan ko ang bawat hakbang ng aking mga paa para iwanan sila at makalayo na rin sa kanila. Masaklap lang dahil binilisan nila ang kanilang lakad. Nakaisip ako ng ibang paraan para makalayo sa kanila. This time ay huminto ako saka gumilid sa daan para paunahin sila. "bakit ka huminto, seatmate?" takang sabi ni Kyo na huminto rin sa paglalakad "mauna kayo" walang emosyong sabi ko saka umiwas ng tingin Napatawa naman si Naru roon sa sinabi ko "miss may ladies first" sabi ni Naru sabay kindat pa "kaya dapat mas paunahin ka namin sa paglalakad" Napahilamos ako ng kamay sa aking mukha. Huli na talaga kami klase. Bumuntong hininga na lang ako saka nagpatuloy sa paglalakad. Lahat ay napalingon sa amin ng pumasok kami sa room "boys you can seat now" sabi ng aming guro saka inis na bumaling sa akin "you will give an apology slip for being late" Nag-pokerface na lang ako dahil napakaunfair ng gurong ito. Pare-pareho naman kaming naging late pero ako lang ang pinagagawa ng apology slip. Sabagay ang mga sikat lang naman ang priority ng academy na ito. Tumango na lang ako saka nagsimulang maglakad sa aming upuan. Napalingon ako sa tatlong lalaki dahil hindi pa rin sila umaalis sa kanilang kinatatayuan. "Ma'am, you're unfair" seryosong sabi ni Naru sa aming guro "sabay sabay kaming dumating pero siya lang ang pinagagawa niyo ng apology slip" "Ma'am, kasalanan namin kung bakit siya na late" dagdag pa ni Kyo "kaya kami na lang ang gagawa ng apology slip na pinagagawa niyo" Hindi maipinta ang mukha ngayon ng aming guro sa mga sinasabi nila. Tss...hindi naman kailangan gawin iyan. Isang apology slip lang naman iyon para gawin pa nilang malaking isyu. Hindi naman nakakamatay ang paggawa ng apology slip. "g-g-ganun ba? Wala ng gagawa ng apology slip" suko agad ng aming guro "sige boys pwede na kayo makaupo" Tahimik lang ang lahat habang paupo kami. Walang rin kaming imikan ng umupo kami sa aming kanya kanyang upuan. Napalumbaba na lang ako saka tumingin sa labas ng bintana para iwasan na rin ang tingin na binibigay sa akin ng mga kaklase ko. *** Music class ang magiging susunod naming klase. Iyon ang dahilan kaya nagkakanya kanyang vocalization at pagtugtog ng kung anong mga musical insttument ang mga kaklase kong mga babae. Lihim ako napairap dahil halata naman na nagpapasikat sila sa tatlo kong katabi. Napailing na lang ako saka nagpatuloy sa pagbabasa ng aking panibagong libro. "ingay" naiinis na komento ni Kentou na tila nagising mula sa kanina pang pagtulog "Pffft! Kentou, akalain mong nandiyan ka pa pala" natatawang sabi ni Kyo sa kanya "akala ko sina seatmate at Naru lang ang katabi ko rito eh" Sinamaan naman ng tingin ni Kentou si Kyo kaya agad nanahimik ang madaldal na lalaki. "anong ipe-perform mo?" curious na tanong ni Naru sa akin na ngayon ay nasa harapan ko pala Sinara ko ang aking libro saka nagkibit balikat sa kanyang tinatanong. Biglang parte ng pamilyang Robins, bata pa lang ay natutunan ko na tumugtog ng iba't ibang instrumento. Idagdag mo pa na singer ang aking ina at nagbabanda naman si Kuya Ryo kaya normal lang sa akin ang pakantahin tulad nila. Kaya hindi ko na talaga kailangan pumasok sa mga ganitong paaralan dahil alam ko na lahat ng ituturo nila. Hindi nagtal ay may pumasok na lalaki. Tusok tusok ang buhok niya at nagningning sa klase ng damit na kayang suot suot. Pero mas nakakuha ng aking pansin ang nakasabit sa kanya na isang electric guitar. "mukhang excited na kayo magpasikat" sabi niya sabay strum ng kanyang guitar "ako nga pala si Steven Hoven, ang magiging guro niyo sa music class" Nakaramdam ako ng pagka-ngilo sa ginawa niyang pag-strum sa kanyang electric guitar. Alam kong sinadya niya iyon kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nginitian naman niya ako "pero may twist ang gagawin ko" nakangising sabi niya sa lahat "by pair ang performance na gusto ko" Nagbulungan ang iba habang ang iba ay mga natuwa. Agad pang naghanap ng mga makakapareha ang ibang magkakaibigan. Nang mapansin iyon ng aming guro ay napailing siya habang hindi nawawala ang ngisi sa kanyang labi. Hanggang may nilabas siyang isang jar na may lamang mga papel. Napakunot ang noo ko habang nakatingin roon palagay ko pati rin ang mga kaklase ko "bubunot ako ng dalawa rito at sino ang tatawagin ko ay sila ang magkakapareha sa performance" paliwanag ng aming guro kaya marami ang napaangal Unti unti ako napangiti dahil isang on-the-spot performance ang gusto niya. "this is exciting" natutuwang komento ni Naru habang pinanunuod namin ang pagbunot ng aming guro *** Marami na ang natawag at puro sablay ang kanilang performance dahil hindi magkakakilala ang nagiging magkapareha. Hindi naman talaga madali ang magperform na hindi mo kilala ang makakasama mo. Ngunit kung isa kang professional performer ay dapat marunong kang makisama sa lahat ng makakasama mo. Iyon ang gustong ituro ng aming guro sa aming lahat. Napahilot ang aming guro sa kanyang sintido "okay last pair for this day! Sana naman ay mapasaya ako ng last pair natin" sabi niya  bago muling bumunot Ngumiti ito ng mabasa ang isang papel "Kentou Byers" basa niya saka tumingin malapit sa aking direksyon Dahil doon, nagtilian ang mga kaklase ko. Hindi naman agad tumayo si Kentou ay tila inaabangan kung sino ang makakasama niya sa performance. "Waaah! Sana ako!" dasal ng mga kaklase ko pang mga babae "dream come true na makasama ko magperform si Kentou!" Kung kanina ay tila nasiyahan ang aming guro ay bigla itong napalitan ng pagngunot ng kanyang noo. "Miss...Robins..." naguguluhang sambit ng aming guro "Ayane Robins" dagdag pa niya Napakagat labi ako "nagkamali po yata kayo" sabi ng isa sa mga kaklase ko na nasa harapan "wala po kaming kaklaseng Robins" Sumang-ayon ang karamihan sa sinabi niya "ibang year si Miss Zyrene" dagdag pa ng isa "This is not Zyrene miss...Ayane is her name" naguguluhang sabi muli ng guro namin saka nilibot ang tingin Nagbulungan ang mga kaklase ko samantala hindi ko naman alam ang gagawin sa oras na ito. Paano kung malaman nilang kapatid ako nina Ate Zy? "Robins?" takang sabi ni Kyo saka bumaling kay Naru "may Robins tayong kaklase? "her name is Ayane" napapaisip na sabi ni Naru "I never heard it before...you know na kung gaano kasikat ang pamilya nila kaya imposibleng hindi man lang siya makilala" "teka Ayane?" ulit ni Kyo "parang narinig ko na ang pangalang iyon... saan ko nga ba narinig yun?" Nagulat ang lahat ng tumayo si Kentou mula sa inuupuan niya saka hinila ako papunta sa harapan "you are her, right?" walang emosyon na tanong niya Nabaling ang tingin ng lahat sa akin kaya hindi ko maiwasang mapayuko habang dahan dahan na tumatango. "swerte naman niya dahil Robins ang apelyido niya" "kaya siguro nakapasok siya rito dahil Robins ang apelyido niya" "I'm sure wala siyang relasyon kina Ryo dahil tignan mo naman ang itsura niya" "Oo nga! Kahihiyan siya para naging isa sa mga Robins! Kung ako sa kanya ay magpapalit ako ng apelyido dahil hindi nababagay sa kanya" Hindi initindi ni Kentou ang mga komento ng aking mga kaklase sa akin. Kumuha siya ng isang acoustic gitara kaya kumuha ako naman ako ng bass guitar. "anong tugtugin?" walang emosyong tanong niya niya sa akin "kahit ano" sabi ko saka napalunok Tumango siya saka tumugtog ng isang hindi pamilyar na tugtog. Bigla siya napatigil ng mahalatang hindi ako nakakasabay sa kanya. "Uhh sorry" paumanhin ko "hindi ko alam ang tinutugtog mong musika" Napasinghap ang mga nasa paligid namin. Tila kulang na lang ay batuhin nila ako. "saang lupalop ka nakatira para hindi malaman ang kanta ng Keegan!" galit na bulalas ng isang babae "Oh gosh! Bakit ba siya naririto eh mukhang wala naman siyang alam sa musika!" Napangiwi ako ako dahil hindi ko alam ang ikinagagalit nila sa akin. Isa na bang kasalanan ngayon na hindi ko alam ang Keegan na sinasabi nila "Keegan?" takang bulong ko "ano ba iyon?" "ouch! Hindi niya tayo kilala" nasaktang sabi ni Kyo habang nakahawak sa kanyang dibdib Si Naru naman ay hindi makapaniwalang nakatingin sa akin "kaya pala hindi niya tayo pinapansin" natatawang bulalas ni Naru Napakurap kurap ako at mapagtantong sila ang bumubuo sa Keegan. Nahihiya ako napakamot sa aking batok. Napahilot sa kanyang ulo si Kentou "tss ikaw na nga lang ang pumili ng  tugtugin natin" sabi ni Kentou na hindi maipinta ang mukha sa sobrang lukot nito Tumango ako saka  nag-isip ng pwedeng tugtugin. Bigla ko naalala ang kanta ni Kuya Ryo. Sikat naman siya kaya marahil ay alam ng lahat iyon. Sinimulan kong tipain ang kanta ni Kuya Ryo ngunit si Kentou naman ang hindi sumasabay sa akin "nang-aasar ka ba?" napipikon niyang sabi saka ako sinamaan ng tingin Napaatras ako ng hindi oras dahil sa takot sa kanyang binibigay na tingin sa akin. Ano naman ang kasalanan ko ngayon? "h-h-huh?" nagtataka kong sambit "anong mali sa tinugtog ko?" kinakabahang tanong ko pa Kaysa sagutin ako ay nagwalk out siya sa hindi ko malaman na dahilan. Walang nagawa ang guro namin kundi sa susunod na klase na lang kami magpeperform. Nagbuntong hininga ako habang pabalik ng aking upuan.  Wala ako ideya kung bakit nagwalk out si Kentou. Maganda naman ang kanta ni Kuya Ryo... "Sphinx ang mortal enemy ng bandang Keegan" sabi ni Naru ng mapansin ang nagtataka kong mukha Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Kaya ba... Oh my... Anong kapalpakan na naman ang ginawa mo, Ayane? "Pffft! hindi magkasundo sina Kentou at Ryo kaya natawa ako sa ginawa mo hahaha epic ng mukha ni Kentou hahaha" natatawang sabi ni Kyo saka binigyan ako ng isang saludo Napailing si Naru sa ginawa ni Kyo "kaya hindipwede pagsamahin ang dalawa kung ayaw mong sumabog sila"  payo pa ni Naru Ehhhh??!!!??
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD