[Ayane's pov]
Mula sa bintana ng aking kwarto, tanaw ko ang sunud sunod na pagdating ng mga magagarang sasakyan. Mukhang mas marami ito kumpara sa aking inaasahan.
Alam ko na kahit ang mga media ay paniguradong mga imbitado. Siyempre hindi nila palalampasin ang selebrasyon ng ika-dalawang dekada nina mama sa industriya ng showbiz.
Hindi ko maiwasang kabahan na baka may makakita sa akin rito. Isang lihim ang existence ng bunsong anak ng mga Robins. Hindi dahil sa tinatago nila ako, iyon ay dahil iyon ang kagustuhan ko.
May kumatok sa pinto ng aking kwarto "Ayane, ako ito" sigaw ni Ate Zy mula sa labas
Binuksan ko ang pinto at bumangad si Ate Zy na magandang maganda sa suot niyang peach dress para sa party sa baba "it suits you" puri ko sa kanya
Ngumiti si Ate Zy pero nawala rin iyon ng makita ang suot ko "hindi ka talaga bababa?" nanghihinayang na tanong niya na sinagot ko ng isang tango
Napabuntong hininga siya dahil alam niya walang makakapilit sa akin "fine" sukong sabi ni Ate Zy "dadalhan na lang kita ng pagkain mamaya" dagdag niya at hinalikan ako sa pisngi
Hindi nagtagal ay umalis siya para salubungin ang mga bisita sa baba.
Pumasok ako muli sa aking kwarto at naghanap ng librong pwedeng basahin. Pero mukhang natapos ko na ang mga huli kong binili.
Tumingin ako sa orasan. Mukhang maaga pa at may oras pa ako para makabili ng mga panibagong libro.
Agad ako nagpalit ng damit. Binuksan ko ang bintana sa pinakadulo ng aking kwarto para roon dumaan na walang nakakahalata sa mga bisita sa baba.
Tagumpay naman ako nakababa ng walang nakakahalata. Nilakad ko lang ang patungo sa pinupuntahan kong bookstore.
Tulad ng dati ay binati ako ng gwardiya roon "long time no see po, Ma'am!" masayang bati niya "tamang tama po may mga new arrival books na siguradong magugustuhan niyo"
Tila sumaya ako sa narinig at agad na tinungo ang shelf ng mga new arrival book. Tama ang gwardiya dahil maraming libro na pasok sa mga genre na binabasa ko.
Kinuha na sana ako ng maagaw ng katabing shelf ang atensyon ko. Punong puno ito ng mga item kung saan mga mukha ng Keegan ang naka-print.
Ewan ko kung ano ang sumapi sa akin para lumapit sa shelf na iyon "may bago pala silang album?" bulong ko habang pinagmamasdan ang mga display sa shelf na iyon
Tila may umuudyok sa akin na bumili ng kanilang poster at isang album. Umiling iling ako para alisin sa aking isipan ang pina-plano ko. Sapat lang kasi ang dala kong pera para sa mga bibilhin kong libro. Saka libro naman talaga ang pinakapakay ko rito at hindi poster o album ng Keegan.
Mabigat man sa loob ko ay tinalikuran ko ang shelf ng mga poster at nagtungo muli sa mga new arrival books. Mabilis kong dinampot ang mga librong kukunin ko na dapat kanina.
Lumapit ako sa cashier para bayaran iyon. Tipid naman na ngumiti ang cashier na tila namukhaan ako bilang kanilang regular customer.
"here" abot ko sa cashier sa tatlong librong hawak ko
Agad naman niya pinatch ang mga libro "that would be eight hundred eighty nine pesos, ma'am" sambit niya at nilagay sa supot ang mga bibilhin ko
Kumuha ako ng isang libo sa wallet ko at inabot sa kanya iyon "wait miss, pakidagdag naman sa kanyang bibilhin ito" sabi ng isang lalaki at pinasama ang isang poster at isang album ng bandang Keegan
Napakunot ako ng noo "t-t-teka" palag ko at binalingan ang lalaking iyon
Laking gulat ko na makilala ang lalaki "K-Ke----" bago ko pa masabi ang pangalan niya ay agad niyang tinakpan ang bibig ko
"Ssshh" sambit niya
"May problema po ba, ma'am, sir?" tanong ng cashier habang nakatingin sa kamay niyang nakatakip sa aking bibig
Tumikhim naman si Kentou at dahan dahan na binitawan ang bibig ko "magkano lahat, miss?" tanong niya sa cashier
"5, 710 pesos po, sir" sagot ng cashier
Nanlaki ang mga mata ko. Wala ako ganoong kalaking pera ngayon. Binalik ni Kentou sa akin ang isang libong inabot ko kanina saka niya inabot ang isang debit card.
"natanggap naman kayo ng ATM, di ba?" tanong niya sa cashier
Tumango ang cashier at ini-swipe ang ATM ni Kentou sa isang machine. May pinindot naman si Kentou na nagtapos sa transaction.
"Thank you, sir" sambit ng cashier at inabot ang pinamili ko at resibo
"Let's go" aya ni Kentou sa akin at sumabay sa paglabas ng bookstore
Tumikhim ako at hunarap siya "s-s-salamat" nahihiya kong pagsasalamat para sa kanilang poster at album
Humarap rin siya sa akin at may kakaibang ngiti sa kanyang labi "fan ka pala namin" ngiting ngiting sabi niya
Nanginit ang magkabilang pisngi ko at umiwas ng tingin "geez! Fan agad? Hindi ba pwede nacurious lang ako?" iwas tinging sabi ko
"sabi mo eh..." sabi niya saka humalakhak ng malakas
Ngayon ko lang nakita siyang tumawa. Infairness, gwapo siya dahil kitang kita ang paglubog ng magkabilaan niyang dimple.
"Saan ka papunta?" tanong niya "ihahatid na kita" alok niya
Umiling ako "huwag na" sambit ko saka tinignan ang suot niya
Naka-black suit siya at pormal na pormal ang dating. Siguro patungo siya ngayon sa mansyon dahil sa ginaganap na party.
"Okay lang ako" sambit ko "mukhang may pupuntahan ka pa" dagdag ko at tinuro ang kanyang suot
Nahihiyang napakamot siya ng batok "kung pwede lang hindi ako pumunta..." nakasimangot niyang sambit saka napatingin sa kanyang wristwatch "sh*t! Sobrang late na pala ako"
Bumaling siya muli ng tingin sa akin dahil tila nagdadalawang-isip siya na iwanan ako "okay lang talaga ako" sambit ko "malapit lang naman ako rito"
"Here" sambit niya habang hawak ang isang calling card "tawagan mo ko kapag nakauwi ka na" dagdag
Nag-aalinlangan man ay tinanggap ko ang calling card niya. Doon, nagpaalam na siya para magtungo sa kanyang paroroonan.
***
Nang makabalik ako sa mansyon, maingat kong inilibot ang tingin ko para walang makakita sa akin. Nang masigurado ko ang aking paligid, umakyat ako sa isang pader patungo sa isang bintana ng aking kwarto.
Kung may makakakita sa akin ay mapagkakamalan akong akyat bahay sa sarili kong tahanan.
"Weew!" sambit ko nang matagumpay na makarating sa loob ng aking kwarto
Pag-angat ko ng tingin ay napatili ako ng makakita ng tao sa aking harapan.
"Saan ka galing, Ayane?" galit na galit ni Kuya Ryo habang nakahalukipkip ng kanyang mga braso
Napalunok ako sa kanyang tono. Alam ko na nagtitimpi pa siya ng lahat na iyan.
"B-B-Bumili ako ng mga libro..." natatakot kong sabi pero kaysa ipakita ang binili ko ay tinago ko ito sa aking likuran
Napatingin ako sa mini table sa loob ng aking kwarto. May nakapatong doon na isang tray ng pagkain. Si Kuya Ryo pala ang nagdala ng aking hapunan. Akala ko pa naman si Ate Zy ang magdadala.
"dinala ko ang iyong pagkain tapos hindi kita mahanap" galit pa ring sabi ni Kuya Ryo "sa susunod ay magpaalam ka muna kung aalis ka"
Humigpit ang pagkahawak ko sa supot ng aking pinamili. Hindi pwede makita ni Kuya Ryo ang poster at album ng Keegan.
Ano na lang ang iisipin niya? Na mas pabor ako sa banda na kanyang mortal na kalaban?
Tumalikod si Kuya Ryo kaya nakahinga ako ng maluwag. Dahan dahan ako lumapit sa kinaroroonan tray.
Nagulat ako nang hindi ko namalayan nasa likuran ko na si Kuya Ryo at hinablot ang tinatago ko.
"TSS ano ba itong tinatago mo?" seryosong tanong ni Kuya Ryo "akala mo siguro hindi ko napansin, ano?"
Tila tinakasan ako ng dugo sa mukha ng unti unting inuusisa ni Kuya Ryo ang laman ng supot. Hanggang sa tila nagdilim ang mukha ni Kuya Ryo nang makita ang poster at album ng Keegan sa loob nito.
"uh iyan...kasi...ah..." mautal utal kong sabi dahil hindi ko alam kung paano iyon ipapaliwanag ng hindi natatakot sa kanya
Humugot ng malalim na hininga si Kuya Ryo at nilapag sa tabi ng tray ang supot na iyon. Hinilot niya ang kanyang sintido na tila sinisink in ang nakita.
"you think he is better than me?" hindi makapaniwalang tanong ni Kuya Ryo sa akin "iyon ba ang dahilan kaya mas nauna mo pang bilhin ang album niya kaysa sa album ko?" nagtatampong dagdag niya
Mabilis kong iniling ang aking ulo "hindi ganun, Kuya!" sambit ko "nakita ko lang si Kentou sa bookstore kanin tapos ibinigay niya iyan. Nakakahiya naman kung hindi ko tatanggapin" paliwanag ko
Tinitigan ako ni Kuya Ryo para alamin kung nagsasabi ako ng totoo. Iyon nga lang ay hindi ko magawang salubungin ang tingin niya. Lumalabas tuloy na guilty ako.
Sa totoo naman kasi ay 'binalak' kong bumili kanina ng album ng Keegan. Never akong bumili ng mga album na gawa ng aking pamilya sa takot na isipin nila na may interes ako sa industriya ng musika.
Kung hahatulan ako, guilty talaga ako.
Naglakad palabas ng kwarto ko si Kuya Ryo. Pansin ko ang mga nakakuyom niyang kamay habang paalis siya.
Napasabunot ako sa buhok dahil para ako pa ang magiging dahilan ng paglalim ng hidwaan sa dalawang lalaki.