McKenzie Henry Mirchovich's Pov (Chess Piece's Dark King)
Hindi ko akalain na ganito na pala ang nangyari sa kanya.
Alam ko kung sana sya naglagi ng isang buwan bago sya umalis sa amin. Pero bigla nalang nawala lahat ng trace ko matapos nun kaya halos hindi ako tumigil kakahanap sa kanya.
Kahit ang mga taong kinukuhanan ko ng impormasyon sa lahat ng bagay eh hindi din sya mahanap.
Matapos naming halughugin ang buong city, nagawa din namin syang matagpuan pero heto ang sitwasyon nya.
Damn.. Masyado akong naging kampante na hindi sya mapapahamak..
Dahil sa kapabayaan ko kaya nangyari ang bagay na ito.
Fuck.. Damn.. This is Bullshit..
Hawak ko lang ang kamay nya habang nakatingin sa mukha nya.
Bakas pa ang mga pasa dito. Meron din sa katawan kahit na halatang pagaling na naman.
Ang Pinakamamahal ko..
"My Gem.. Gumising ka na oh.. Wag ka namang tatamad-tamad dyan.. Aba, limang buwan ka ng tulog.. Babawi ka pa sa amin di ba??" naiiyak na ako. Natatakot ako na baka hindi na sya gumising. "Zaire naman.. Wag mo akong takutin ng ganito.. Mahal na mahal kita.. Promise, hindi na kita aawayin.. Kahit linlangin mo pa uli ako para sa mga plano mo, hindi na ako magagalit. Ayos lang talaga.. Basta bumalik ka na.. Gumising ka na dyan.."
Bwiset talaga..
"Zaire.. Anim na buwan kang nawala oh.. Miss na miss na kita.."
"tol, matulog ka na muna.." sabi ni Hunter.
"mamaya na.."
"baka naman ikaw ang magkasakit nyan.." sabat ni Dylan. "lahat tayo nag-aalala sa kanya.."
"alam ko.. Pero ayokong mawala sa paningin ko si Zaire.."
Narinig kong bumuntong hininga sila.
"kayo na muna ang matulog.. Ako na muna ang bahala sa kanya ngayon.."
Hindi sila sumagot.
Alam kong marami kaming kasalanan at wala kaming karapatang humiling ng kahit ano pero nakikiusap ako.. Please, wag mo syang kukunin sa akin. Sa amin.. Please, kahit ako nalang ang kunin mo, wag lang sya.. Im begging you, don't take her away from me.. God..
Hinalikan ko ang kamay ni Zaire.
Get well soon, My Precious Gem..
__________
Ilang araw pa kaming naghintay pero hindi pa din nagigising si Zaire.
Halos dito na nga din ako tumira. Gusto ko kasing ma-monitor ang lagay nya at isa pa, gusto ko paggising nya, ako agad ang makikita nya.
Gusto din nilang bantayan si Zaire ng mas matagal pero masyado silang karaming kailanganing ayusin para kapag nagising na ito, wala na syang masyadong problemang dadatnan.
Maging ang parents nya, gusto ding mag-stay sa tabi nya pero dahil masyadong delikado sa kanila ang nasa ganitong lugar, hindi din sila masyadong nagtatagal.
Napabuntong hininga nalang ako.
"My Gem, kailan mo ba balak gumising?? Miss na miss ka na talaga namin.. Pero syempre, mas lamang ang pagka-miss ko sayo.." hinalikan ko sya sa noo tsaka pinagmasdan ang maamo nyang mukha.
___________
Nagising ako sa nakakasilaw na liwanag ng araw na pumapasok sa loob ng kwarto namin.
Nakatulog na pala ako dito sa gilid ng kama ni Zaire.
Inangat ko ng ulo ko para makita ang pinakamamahal ko. Pero nagising ang diwa ko ng makitang wala si Zaire sa hinihigaan nya.
"Damn.." bumaling ako kay Hunter at Dylan na natutulog sa sofa. "Guys, nawawala si Zaire.." sigaw ko.
Napabangon naman agad sila.
"ano??"
"nawawala si Zaire.." ulit ko. Tumakbo ako papuntang pintuan palabas pero biglang bumukas ang pintuan ng Cr.
Napatingin kaming lahat dun.
At lumabas si Zaire dala ang dextrose nya. Napakunot noo naman sya ng mapatingin sa amin.
"Zaire.." nilapitan ko agad sya at niyakap. "gising ka na.. Thanks.. Thanks God, you're awake.." kumalas ako ng yakap sa kanya tsaka bumaling kina Dylan. "tawagin nyo ang Doctor nya.."
Mukhang dun lang sila natauhan kaya mabilis silang lumabas.
Tumingin naman ako kay Zaire. "okey ka na ba?? Mahiga ka muna.. Wag kong biglain ang sarili mo"
Inalalayan ko syang makabalik sa kama nya. Tahimik lang naman sya habang nakatingin sa akin.
"pinag-alala mo kaming lahat. Wag ka na uling aalis.. Ikamamatay ko na talaga kapag may nangyaring masama sayo.." damn, naiiyak na naman ako.
Hinawakan nya ang pisngi ko tsaka pinunasan ang mga luha ko.
"i miss you so much, Zaire.. I miss you.."
Bumitaw na sya sa akin.
Dumating na din ang Doctor nya at sinimulan na syang i-check.
After that check up, bumaling na sa akin yung Doctor. "maayos na naman sya ngayon pero mas okey kung magtatagal pa sya ng ilang araw para malaman natin kung wala na nga tayong dapat alalahanin."
Tumango ako tsaka bumaling kay Zaire. "pero bakit hindi sya nagsasalita??"
"posible na natrauma sya sa nangyari sa kanya. Maghintay lang tayo. Im sure na babalik din sya sa dating sya. Pero, ano ka ba nya??" tanong pa nito.
"boyfriend nya.."
Tumangu-tango ito. "if that's the case, let's go to my office dahil may ipapaliwanag pa ako sayo regarding sa kundisyon nya ngayon.."
Tumango ako tsaka bumaling kina Dylan at Hunter. "Kayo muna ang bahala sa kanya."
Tumango naman ang dalawa. Tsaka kami umalis ng kwarto ni Zaire.
Pagdating sa office nitong Doctor, inabot nya sa akin ang isang folder.
Binuksan ko agad yun at binasa.
"na-damage ang utak nya when she got accident plus may some hard thing na mas nauna pang tumama sa bandang likod ng ulo nya kaya kinailangan namin syang operahan that time. And there's a posibility na ngayong gising na sya ay wala syang maalala sa kahit sino sa inyo. All things happen to her mula ng magkaisip sya, hindi nya maaalala.." paliwanag nya.
Tumingin ako sa kanya. "posible pa bang maibalik ang lahat ng yun."
"there's always a posibility naman.. Yun nga lang, hindi natin alam kung kelan. Kung gusto nyong ipaalala sa kanya ang lahat ng yun, mas maganda kung paunti-unti lang para hindi sya nabibigla sa mga ito.."
Tumango ako.
Iniabot nya sa akin ang isang papel. "nakasulat na dyan ang lahat ng gamot at vitamins na kakailanganin nya. Iwasan nyo ding matamaan ng kahit anong bagay ang ulo nya or mauntog. Extra careful kayo sa kanya dahil sa ganitong pagkakataon, sobrang fragile ng katawan nya."
"i understand.." tumayo na ako.
"wait, your name must be McKenzie??" aniya.
Tumingin ako sa kanya. "How did you know??"
Ngumiti sya. "she unconciously say your name habang inooperahan namin sya."
Natigilan naman ako dun.
"bumalik ka na dun. Im sure ikaw ang pinakakailangan nya ngayon. Hindi ka man nya makilala, im sure mararamdaman ka pa din nya" aniya.
"thanks.." yun lang at nagmadali na akong bumalik sa kwarto ni Zaire.
Sya naman ngayon ang hindi makakaalala sa amin.. Pero mas malala ang kanya dahil buong buhay nya ang nakalimutan nya.
Pagpasok ko sa loob, nakaupo sina Dylan at Hunter sa sofa habang nakatingin kay Zaire na nakasandal sa headboard ng kama at nakatingin sa labas ng bintana.
"tinawagan na namin sila at papunta na daw. Pati mga magulang niya parating na din.." ani Hunter.
Tumango lang ako tsaka lumapit kay Zaire. Naupo ako sa gilid ng kama nya.
Tumingin naman sya sa akin.
"Do you remember who am i??"
Nakatitig lang sya sa akin at nababasa ko sa mga mata nya na iniisip nya kung sino ako.
Ilang sandali pa,
Umiling sya.
Natigilan ako at hindi ko napansin na naluluha na naman pala ako. Ganito din ba ang naramdaman niya nung hindi ko sya maalala??
Pinunasan nyang muli ang pisngi ko gamit ang mga daliri nya.
"it's okey.. I know your situation so you don't have to worry about me.." hinawakan ko ang kamay nya tsaka hinalikan yun. "pahinga ka muna huh.."
Tumango sya tsaka nahiga.
Tatayo sana ako pero mabilis nyang hinawakan ang kamay ko tsaka sya umiling.
"hindi ako aalis.. Kakausapin ko lang sila.." itinuro ko sina Dylan.
Alanganin man pero bumitaw din sya tsaka pumikit.
Hinalikan ko sya sa noo tsaka lumapit kina Dylan.
"tol, what happen to her?? Hindi ba nya tayo nakikilala??" tanong ni Hunter.
Ipinaliwanag ko sa kanila ang lagay ni Zaire na sinabi sa akin ng Doctor na yun.
"so mukhang totoo nga ang sinabi nya.." ani Hunter. "na kahit hindi ka nya nakikilala, ramdam pa din nyang mahalaga ka sa kanya. At talaga namang ayaw nyang malayo sayo.."
"yeah.. Bili muna kayo ng makakain. Then salubungin nyo na din sila at ipaliwanag ang kundisyon ni Zaire ng hindi sila masyadong magtatanong.."
Tumango naman sila tsaka umalis.
Bumalik na uli ako sa tabi ni Zaire at hinawakan ang kamay nya.
"i will do everything to protect you no matter what happen. I love you so much, Zaire.. "
**********
Zeron Jade Xermin's Pov (Chess Piece's Emperor)
Nandito na kami sa labas ng kwarto ni Zaire at naipaliwanag na din sa amin nila Dylan at Hunter ang kundisyon nito.
Nakaka-frustrate dahil nangyari ito sa kanya.
"Hoy Jade.. Kung tutunganga ka lang dyan eh lumayas ka na.. Gusto ko ng makita si Zaire.." inis na sabi ni Zea sa akin.
"shut up, old lady.." singhal ko sa kanya.
"aba't sinong matanda huh.." piningot nya ang.kaliwang tenga ko.
"aray.. Tama na.. Oo na pumasok na tayo.. Bitaw na kasi.." inis kong sabi.
Binitiwan naman nya ang tenga ko tsaka nanguna ng pumasok sa loob.
Sumunod naman kami sa loob.
Naabutan namin na tulog ang dalawa.
Wala ng nakakabit kay Zaire maliban dun sa dextrose. Nakabenda pa din ang mga braso nya at yung ulo nya.
SI Henry naman, nakasubsob sa gilid ng kama ni Zaire habang hawak ang kamay nito.
"kapag nagising si Zaire, wag nyong biglain huh.. Mukhang sa ngayon, si Kenz pa lang ang pinagkakatiwalaan nya kaya hayaan nating sYa ang magpaliwanag kay Zaire.." paliwanag ko.
Nagtanguan naman sila tsaka nagkanya-kanya ng pwesto.
Naupo ako sa bandang paanan ng kama ni Zaire.
"anong magiging plano natin ngayon??" tanong ni Whendy.
"as of now, kailangang tayo ang mag-adjust sa kanya.. Wala munang magbabanggit about sa problema natin. At mas makakabuti kung sa Hellion tayo mag-i-stay. Yun lang ang tanging lugar kung saan mapoprotektahan natin sya in full force.." paliwanag ko.
"pero alam mong yun din ang pinakadelikadong lugar dahil walang kahirap-hirap tayong masusugod ng kalaban.." ani Aerona.
"i know.. Pero kung mananatili tayo sa city, mas mataas ang posibilidad na mapahamak sya. Though kahit alam natin na kahit may amnesia sya eh maalala ng katawan nya ang lahat ng kaya nyang gawin.. Makapasok man sila sa Hellion, hindi naman sila makakalabas ng buhay.."
"one month will be enough para natapos ang general renovation ng Hellion. Pwede na din nating i-post ang schedule for enrollment.." ani Shen. "pero anong klaseng school na naman ba ang Hellion this time??"
Napatingin ako sa kanila. "yung first system.. Pero wala ng Death Game na mangyayari.. Sa mga staff naman ng school, mas magiging okey kung sa mga Underlings na natin tayo kukuha." tumingin ako kay Zea. "try to reach Four Seasons, kailangan ko silang makausap."
Tumango naman ito.
"What about her Underlings?? Alam nating walang ibang sinusunod ang mga yun kundi sya lang.." tanong ni Rhen.
"maliban sa kanya, isang tao pa ang alam kong kayang magpasunod sa mga yun.."
"sino??" tanong nila.
Bumaling ako kay ErHan. "you know what i mean"
Tumango naman sya. "ako ng bahala.."
"sino nga??" tanong ni Riza.
"you don't have to know."
Hindi na naman sya nagsalita.
Bumaling ako kina Hunter at Dylan. "anong lagay sa labas??"
"wala namang problema.. Mukhang hindi pa alam ng kalaban ang lagay nya.." ani Hunter.
Tumangu-tango ako.
"Hmm.."
Napalingon kaming lahat kay Zaire na mukhang naalimpungatan.
Dumilat sya tsaka bumangon. Kinusot nya ang mga mata nya tsaka napatingin sa amin.
"Princess.." mahina kong tawag sa kanya.
Napansin ko ang paghigpit ng hawak nya sa kamay ni McKenzie habang nakatitig sa amin.
Nagising naman si McKenzie dahil dun tsaka sya napalingon kay Zaire sabay baling sa amin. "nandyan na pala kayo.." tumingin sya kay Zaire. "wag kang mag-alala.. Hindi ka nila sasaktan.."
Tumingin si Zaire kay McKenzie at dun ko napansin ang pag-aliwalas ng mukha nya though poker face lang sya at wala akong mabasang emosyon sa mga mata nya.
Bumaling sya sa akin tapos kay Zea tsaka bumaling kay ZerHia na kanina pa nasa pinakagilid.
Alam kong gusto nyang umiyak pero pinipigilan nya at gumigilid sya para hindi namin sya mapansin.
lumapit ako sa kanya.
Medyo lumayo muna si McKenzie.
"Princess ko.." hinawakan ko ang pisngi nya. Hindi ko na napansin na naiiyak na pala ako. "ako ang Kuya Zeron mo.. "
Tinitigan nya ako tsaka nya hinawakan ang mukha ko. Tapos ay tumingin sya kay Zea na nasa tabi ko na At pinipigilan ang sariling umiyak. Bumitaw sya sa akin tsaka hinawakan ang kamay ni Zea.
"Princess, sya naman ang Ate Zea mo.."
Nagulat ako ng bigla nya kaming yakapin ng sabay.
Pero napakalas agad ako ng yakap ng marinig ko syang humihikbi.
"hey.. hey.. Why are you crying??" natataranta ako.
Iba kasi ang iyak nya.. Yung parang.. Arrrggg.. Para syang bata kung umiyak. Pinipigilan pa nya ang hikbi nya habang kagat-kagat ang ibabang labi nya.
Wag naman sanang maging mas isip bata sya kung ikukumpara dati.
"Princess, Please don't cry na oh.." pang-aalo ni Zea sa kanya. "baka makasama sayo yan.."
Pinipigilan nyang umiyak pero hindi sya talaga mapatahan.
Bigla nya uli akong niyakap. "Ku-Ku-Kuya.."
Napatingin naman ako kina McKenzie na nabigla din siguro kasi nagsalita na uli si Zaire kahit na hirap pa sya.
"Ku-Ku-Kuya.."
Hinaplos ko ang likod nya. "don't force yourself, My Princess.."
"Ku-Kuya ko.."
Napangiti ako. Maliban kay McKenzie, ako agad ang nakilala nya kahit pa may amnesia sya. Sa bagay, mas sobrang close kami kung ikukumpara sa kanila ni Zea dahil mas madalas si Zea sa laboratory nya. While ZerHia naman,
"Zaire, tahan ka na.." ani McKenzie at lumapit na sa amin.
Kumalas na sa akin si Zaire tapos bumaling kay McKenzie. Para talaga syang bata ngayon. "Ku-Kuya ko.. Ku-ya ko.."
"don't worry, hindi sya aalis sa tabi mo.." sabi pa ni McKenzie tsaka inihiga si Zaire. "kailangan mong magpalakas para makasama mo kaming lahat, okey.. Kaya tahan ka na dyan.." pinunasan nya ang pisngi ni Zaire.
Unti-unti namang tumahan si Zaire. Tumango sya tsaka umayos ng higa at pumikit pero nakahawak pa din sa kamay ko.
Tiningnan ko lang sya.
Mukhang hindi lang katawan nya ang mahina sa ngayon.. Parang kahit ang emosyon nya. Physical and Mental..
Hinaplos ko ang pisngi nya.
Kung noon, ikaw ang nagpapakamatay para lang masiguro ang kaligtasan namin, ngayon, ako naman ang kikilos para sayo.
Alam kong pagod ka na.. Kaya magpahinga ka muna at ako ng bahala sa lahat mula ngayon.,
"I love you, My Princess.." bulong ko tsaka ko sya hinalikan sa noo.