Hell 3

1965 Words
Francelle Shen Irie's Pov (Chess Piece's White Knight B1 ) "Guise, bilisan nyo.. Gusto ko ng makarating dun agad.." nagmamadaling sabi ni Zaire na halata namang excited.. Oo, ni Zaire.. Nakalabas na sya ng Ospital matapos ang isang linggo mula ng magising sya. Talaga namang wala syang maalala dahil sobrang iwas nya sa amin kapag kasama nya kami. Talagang nakadikit lang sya kina Zeron at McKenzie. Sometimes din naman kina Zea at ZerHia pero minsan lang kapag wala yung dalawang lalaki. Bale bawat isang araw eh dalawa sa amin ang ipinapakilala sa kanya at mukha namang nararamdaman nyang malapit kami sa kanya kaya unti-unting nagiging okey sya kapag kasama namin. Matapos din ng magsalita sya ng dahil kay Zeron eh nagtuloy-tuloy na din. Wala din namang masyadong nagbago sa kanya maliban lang sa sobrang isip bata sya at spoiled brat. Medyo nawala lang ang kahanginang taglay ng katawan nya. Na nakakasanayan na din naman namin. Bale ngayon ang araw na pupunta na kami ng Hellion Academy. MAayos na ang buong school at back to normal na din naman. At dahil sa buong school ang inayos, nag-iba na din ang design nito. Sina McKenzie at Xeric ang gumawa ng blueprint nun. "Shen, tulala ka na dyan eh.." nakangusong sabi nya habang nasa tapat na ng van na gagamitin namin. Ngumiti ako sa kanya tsaka lumapit sa kanya. "pasensya naman.. Excited ka kasi masyado e wala pa naman sina McKenzie at Xeric.." Napalingon naman sya tsaka napakamot ng ulo. "oo nga noh.. Hehe.." "nasaan na ang bag mo??" tanong ni Frey na nasa loob na ng Van. Bigla syang natigilan at alanganing tumingin sa amin. "Hehe, naiwan ko pala.." biglang takbo papasok ng bahay. Napailing nalang kami ni Frey. "ang hirap pa ding mag-adjust sa attitude nya ngayon. Mas makulit sya.." ani Frey. "mas okey na ito kaysa noon. Isa pa, sooner or later, babalik din ang alaala nya.." Nagkibit balikat sya. "hindi natin alam ang mga mangyayari. Pero sana bumalik agad para malaman na natin kung ako pa ba talagang problema natin." Tumangu-tango nalang ako. Wala nga kasing nakakaalam kung ano ba talagang problemang nakaabang sa amin dahil kahit anong gawin naming pag-iimbestiga, wala kaming makuha. Ang tanging alam ko lang eh may nagpapadala sa kanya ng death treath which is yung pinakita ko sa kanya nung nasa Jollibee kami. Yun lang ang pinakapinanghahawakan namin na hindi pa tapos ang laban. Kasi naman eh, parang may humaharang na naman ng mga infos. At kung meron man, im sure na may kinalaman pa din dito si Zaire kaya kailangang maibalik na agad ang alaala nya. Pero.. "isang part sa pagkatao ko na nagsasabing sana, manatiling ganito nalang si Zaire.. Sa pagkakataong ito kasi, bumalik ang Zaire na nakilala natin noon. Yung totoong ngiti nya na matagal na nating hindi nakikita.." Sya naman ang tumango sa sinabi ko. "Mommy naman, andyan naman silang lahat kaya you don't have to worry about me.." Sabi ni Zaire ng makalabas ng mansion nila kasama sina Tita Ruby at Tito Zenon na dala ang gamit nya. "My Princess, hindi mo naman maiaalis sa amin ang mag-alala sayo.." ani Tito Zenon. "ahH, basta.. Wag kayo masyadong magworry sakin.. Kasama ko naman si Kuya Zeron at Ate Zea. Tapos nandyan din si Baby ZerHia ko tsaka si LoveyDovey Kenz ko tapos sina Bestfriend Shen at Frey.. Hindi din ako papabayaan nila BBFF Dylan at Hunter.. Tsaka ni Master Tristan.. ---" hindi na nya natapos ang sinasabi nya kasi tinakpan na ni Tita Ruby ang bibig nya. "oo na, alam na namin.. Parang mas kumulit ka pa ngayon ahH.." naiiling na sabi ni Tita Ruby. Natawa nalang kami. "Mommy,Daddy, mahal na mahal ko naman kayo kahit makulit ako.. I love you so much 100x " niyakap nya ang parents nya. "aww, ang sweet naman nila.. Inggit kami.." sabay na sabi nila Zeron at Zea na kalalabas lang din ng bahay dala ang mga gamit. "waaaahhhh, Kuya Handsome at Ate Pretty.." nagtatatalon pang sabi ni Zaire tsaka mabilis na niyakap ang kambal. Natatawa nalang talaga kami sa pagkaisip bata nya ngayon. "Hey, bakit sila lang??" singit naman ni ZerHia. Parang mas lalong nagningning ang mga mata ni Zaire tsaka mabilis na tinalunan si ZerHia. "yaaaahhhh, ang ganda talaga ni Baby ZerHia ko. Manang-mana kay Ate nya.." "Hehe, ibang klase ka talaga ngayon.." naiiling nalang sabi ni ZerHia habang yakap si Zaire. "oh, sya. Tama na yan at baka matrafic pa kayo." ani Tita Ruby. Inilagay na namin ang mga gamit namin sa loob ng Van. "Princess, make sure na susundin mo ang mga bilin namin huh.. Wag kang pasaway sa mga kasama mo huu.." bilin pa ni Tita Ruby. "Yes, Mom.." nagsalute pa sya. "At kayo naman.." ani Tito Zenon, " wag kayong masyadong maglalalabas ng school. Make sure na kahit binabantayan nyo si Zaire eh hindi nyo din pababayaan ang mga sarili nyo.." "Yes, Sir.." sabay-sabay pa naming sabi. Napailing nalang sila. "Kayo din, mag-ingat.." ani Zeron sa mga magulang. "wala kami sa tabi nyo pero binilinan ko na ang Four Seasons. Wag kayong careless ngayon huh.. Lalo ka na, Mom.. Wag mong papagurin ang sarili mo.. Bahala kayo, alam nyong magagalit si Zaire kapag may hindi magandang nangyari sa inyo.." "alam na namin yan, Jade.. " sabay na sabi ng mag-asawa. Nagpaalam na kami sa kanila tsaka nagsakayan na sa van. Hindi kami gumamit ng kotse ngayon dahil nasa Hellion na ang lahat ng mga yun. Paglabas ng mansion nila Zaire, tumigil naman kami sa harap ng mansion nila Xeric. "Hi, Tita Xhey.. Tito Jeric.." bati namin sa mga magulang ng Hari namin. Buhat pa ni Tita Xhey ang baby na kapatid nila McKenzie. "waaaahhhh, Baby Cutie.." susugudin sana ng yakap ni Zaire Yung baby pero humarang si McKeNzie kaya sya ang nayakap nito. "wow, yan ang gusto ko sa mahal ko eh.." ani McKenzie. "kyaaaahhh, Loveydovey Kenz naman.. Gusto ko yakapin si Baby Cutie.." nagpipilit itong abutin ang baby na nasa likod ni McKenzie Natatawa nalang kami. Ang kulit nya talaga. "ako nalang yakapin mo.. Tapos kiss mo nalang si Baby Cutie." humiwalay naman ng yakap si McKenzie. Pero mukhang ayaw paawat ni Zaire dahil saktong pagkalas ng yakap ni McKenzie ay bigla syang lumapit kay Tita Xhey tsaka niyakap si Baby Cutie. Hihilahin na sana namin sya pero mukhang hindi naman nya hinigpitan ang yakap nya kaya nakahinga kami ng maluwag. Kasi naman, nung unang beses nyang nakita yung baby eh talaga namang pinanggigilan nya kaya umiyak ng todo yung bata. Xenry Emerlyn Mirchovich ang name ng baby. Pinagsama-samang pangalan nila Xeric, McKenzie at Zaire. "Baby XEM, wag ka pasaway kay Mommy mo huh.. Yaan mo, pag-umuwi ako bibilhan kita ng pasalubong.. Mimiss kita.." pinaghahalikan pa nya sa kamay ang baby. Tuwang-tuwa talaga sya dun. "oh sya, tama na ang lambing kay Baby.. Baka ma-traffic pa kayo.." ani Tito Jeric. Nagkiss kami sa pisngi ng mag-asawa tsaka kay Baby tsaka sumakay ng Van at tuluyang umalis. "excited na ako.." masayang sabi ni Zaire. "halata naman.." ani Frey. Bale si Zeron ang driver namin. Katabi nya si Zea. Sa likod naman nila, kami nila ZerHia at Frey tapos sa likod namin, sina Xeric, Zaire at McKenzie. Yung mga gamit namin yung nasa pinakalikod. "Shen, maganda ba sa Hellion??" tanong pa nya. "Ate, ilang beses mo na yang tinanong.." sabat ni ZerHia "eiii, gusto ko lang uli itanong eh.." ngumuso pa sya. "maganda dun kasi dun tayo nagkakilala.." banat naman ni McKenzie. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa pinagsasasabi nito dahil magmula ng lumabas si Zaire eh sumobra ang pahka-sweet na hindi naman talaga nya ugali. Napailing nalang ako. _________ "wow!!!" manghang sabi ni Zaire pagpasok palang namin ng Main Gate ng Hellion Academy.. Ewan ko ba, nagbago na kasi talaga ito. Ibang-iba ang itsura nito kung ikukumpara sa dati. Pagpasok palang ng malaking gate kung saan naka-encrave ang pangalan ng school, bubungad agad ang isang malaking fountain na pinalilibutan ng red roses. Habang nasa pinakatuktok nito ay isang statue ng half angel and half demon. Sa tapat nito ay ang Main Building known as Virgo Building.. Nandito ang lahat ng Department ng buong School. Sa last floor nito matatagpuan ang office nf HeadMaster which is unknown dahil si Zeron at Zea lang ang nakakaalam. Sa pinakatuktok ng Virgo Building matatagpuan ang isang malaking chess board kung saan nakalagay ang labing anim na piyesa nito. HIndi ko alam kung para saan yun. Pero trip lang daw ni McKenzie na lagyan ng ganun para pagpasok palang ng gate, makikita agad na teritoryo ito ng Chess Pieces. Nakakonekta sa pinakalikod ng Virgo Building ang malaking Race Track Stadium. Syempre, yan ang hindi mawawala sa school na ito dahil pare-pareho kaming mahilig sa car at motor racing. Ang Race Track Stadium na ito ay pinalilibutan din ng Building sa kaliwa at kanan nito. Ang nasa kaliwang bahagi ay ang Pieces, Aries at Taurus Building na syang nagsisilbing Academic Building. Syempre, more on discussion lang ang nagaganap sa bawat rooms na meron dito. Samantalang ang nasa kanang bahagi naman ay ang Gemini, Cancer at Leo Building naman ay nagsisilbing Extra Curicullar Building. Dito naman ina-apply ang lahat ng idi-disscus sa Academic Building. May kung anu-anong Training Room ang meron dito. Sa kabilang dako naman ng Race Track Stadium, ay ang Libra Building kung saan matatagpuan sa first floor ang lahat ng klase ng kainan. From high class restaurant hanggang sa karinderya. Hindi naman kasi lahat ng nandito eh mayaman talaga. Di ba nga, hindi na naman ito ordinaryong school. Kasama din dito ang department store maging ang supermarket na nasa second floor para hindi na kakailanganing lumabas ng mga students kung may kailangan silang bilhin.. Sa 3rd floor naman nito at cinema na updated sa iba't-ibang movie showings.. Sa 4th floor nito makikita ang kung anu-anong klaseng clinic.. mula sa mukha hanggang sa paa.. dito din ang ospital na pagdadalhan kapag malala ang lagay ng estudyante o staff.. At sa last floor which is rooftop, matatagpuan ang bar.. alam nyo naman, hindi mawawala ang night life ng mga estudyante.. Sa likod naman ng Libra Building, makikita ang iba't iba pang sports field. Kumpleto ito sa lahat ng klase ng outdoor sports. At sa pinakadulo ng Academy, nakatayo ang Dorm Building which is Scorpio, Saguitarius, Capricorn at Aquarius Building. Nandito na kami sa parking lot ng Dorm Building. Iisa nalang kasi ang parking area dito at wala ng underground parking ang bawat building. Kumpleto na kami dito. "oh, same unit pa din.." ani McKenzie tsaka pinagbibigay ang card key namin na may spare key na din. Nakasulat dun kung saan ang Unit namin. "Teka, bakit ako ang nasa Saguitarius Building??" takang tanong ni Xeric. "Kasi ako na ang sa Capricorn Building.. Hindi ako pwedeng malayo sa Gem ko.." anas nito. "pero nandun na ang mga gamit ko.." "syempre, pinalipat ko na agad yun.." "hindi naman ako pumayag huh.." "hindi ko kailangan ang opinyon mo.." "Henry.." "Dominic.." "Zaire!!!" sigaw na namin ng makita naming muntik syang bumagsak habang nasa harap ng isang kotse. Mabuti nalang at nakalapit agad si ErHan sa kanya kaya hindi sya tuluyang bumagsak sa sahig. Nilapitan agad namin sya. "Zaire, okey ka lang ba??" tanong agad ni McKenzie. Tumango sya tsaka lumapit dito at yumakap. "medyo nahihilo lang ako.." "baka nasobrahan lang sa init yan.. Tara na.. Magpahinga muna tayo. Mamayang dinner dun tayo kakain sa Unit ni Zaire.." ani Zeron. Tumango naman kaming lahat tsaka pumunta na sa kanya-kanyang Unit. ********* Someone's Pov "Damn.. Hanggang ngayon wala pa din kayong alam kung nasaan ang babaeng yun??" sigaw ko sa mga walang kwenta kong tauhan. "pasensya na, Boss .. Masyadong magaling magtago.." "Bullshit.. Magsilayas kayo sa harapan ko!! Isang linggo.. Kapag hindi nyo pa din nahanap ang babaeng yun, maghanda na kayo sa kamatayan nyo.. Lumayas na kayo!!" sigaw ko pa. Umalis na agad sila. Pabagsak akong naupo sa swivel chair ko tsaka hinilot ang sentido ko. Sakit talaga sa ulo ang babaeng yun.. Bwiset.. Bakit kasi hindi pa natuluyan yun limang buwan na ang nakakalipas.. Bumukas ang pintuan at pumasok ang itinuturing kong kanang kamay. "mukhang masamang balita ang hatid sayo ng mga yun huh.." aniya. "kaya wag mo ng dagdagan.." "wala naman akong balak dagdagan.. In fact, may lead na tayo kung nasaan sya.." ngumisi pa sya. Napakunot noo naman ako sa kanya. "Binuksan na uli nila ang Hellion Academy.. At nasa loob na nito ang buong Chess Pieces.. " Napangisi din ako sa narinig ko. "ikaw na ang bahala dyan." "sure.. Sisiguraduhin kong magiging maganda ang mangyayari.." Zaire Emerald Xermin also know as Chess Piece's White Queen.. "Welcome to Hell"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD