[a/n: Huwag po munang babasahin ang ang librong ito hangga't hindi nyo pa nababasa ang dalawang naunang libro. Basahin nyo po muna ang Hellion Academy (The Chess Pieces Officers) at Hellion Academy 2 (The Gang War) para hindi kayo malito sa mga pangyayaring mayroon ang kwentong ito. Maraming salamat.]
__________
3rd Person's Pov
Putok ng baril..
Sigawan..
Daing..
Yan ang maririnig sa isang madilin na lugar kung saan nakatayo ang isang abandonadong gusali.
Na sinasabayan pa ng malakas na ulan na may kasamang kulog at kidlat.
Nagkakagulo sa loob ng gusaling ito dahil sa isang nilalang na bigla na lamang sumugod dito at sinimulang kalabanin ang lahat ng tao dito.
Sinasabing isa itong hide out ng isang hindi kilalang grupo na may koneksyon sa isang malaking sindikato sa kanilang lugar.
"patayin nyo.. Paulanan nyo ng bala.." sigaw ng nagsisilbing pinuno ng grupong ito habang pinagbabaril ang isang lugar kung saan nagtatago ang misteryosong nilalang.
Hindi nila tinigilan ang pagpapaputok ng baril sa inaakala nilang kinalalagyan ng kalaban nila.
Lingit sa kaalaman nila na nakapwesto na ito sa likuran ng kanilang lider kung saan pinanonood lang nito ang mga mukha ng mga kalaban nito na puno ng takot.
Natutuwa sya sa tuwing nakakakita ng mga taong takot na takot sa kanya.
Tumigil ang pagpapaputok ng baril ng lahat. Hinihintay na mawala ang usok na bumabalot sa lugar na kanilang binaril.
Pero bago pa mawala ang usok ay isa-isa ng nagbagsakan ang mga ito habang may sumisirit na dugo sa mga lalamunan ng mga ito.
Nagpanic ang lahat dahil sa hindi nila makita ang nag-iisang kalaban nila.
Masyadong madilim sa lugar na ang tanging nagbibigay ng liwanag ay ang panaka-nakang kidlat.
Dahil na din sa takot, nawala na sila sa katinuan kaya naman pinagbabaril na nila ang buong lugar.
Wala na silang pakialam kung matamaan man ay ang kakampi nila.
Patuloy ang pagbagsak ng katawan ng mga ito at hindi sila sigurado kung tinamaan na nga nila ang kalaban nila.
Hanggang sa tanging ang pinuno nalang nila ang natira.
Tumigil na ang ingay. Tanging ang buhos ng ulan, kulog at kidlat na lamang ang maririnig sa loob ng gusali.
"hoy,.. Nasaan na kayo??" sigaw ng pinuno. Napupuno na sya ng takot.
Lalo na ng makarinig sya ng yabag ng paa kasabay ng tunog ng bakal na tumatama sa kapwa bakal.
Nakakapanindig balahibo ang bawat tunog sabayan pa ng kakaibang presensyang talaga namang nakakatakot.
Napaupo nalang ang lider sa sobrang takot at gulat dahil sa kasabay ng pagkidlat ay nakita nya ang isang nilalang na nasa harapan na nya.
Balot ito ng itim na damit at kung pagbabasehan ang hubog ng katawan nito ay isa itong babae. Nakatali ang mahaba nitong buhok na may side bangs na tumatabing sa kanang mata nito.
Naka-half mask lang sya sa kung saan tanging mata lang ang makikita.
Sa kanang kamay nito, ay may isang napakatalas na katana na punong-puno ng dugo.
"si..sino ka??" nanginginig na sa takot ang lider. Hindi na magawang makakilos dahil nakatayo na sa harap niya ang isang nakakatakot na nilalang.
"are you sure you wanna know who am i??" gumagamit ito ng voice changer upang hindi makilala ang kanyang boses. Bakas din sa kanyang mga mata ang malamig nitong tingin na syang nagpadagdag ng takot sa lalaking nasa harapan nito.
"ma-maawa ka.. A-ano bang a-atraso ko s-sayo??" inililibot nya ang paningin nya para makahanap ng paraan upang makatakas.
Naupo ito sa harap nya. Naka-indian seat pa habang pinaglalaruan ang katana kaya't tinatalsikan sya ng dugo na nagmumula dito. "alam mo bang lahat ng taong may koneksyon sa Drug Sindicate na nandito eh hinahanting ko.."
"wa-wala akong kina-kinalaman d-dun.."
"ow.. Talaga??" iwinasiwas nito ang katanang hawak at tinamaan sa braso ang lalaki.
"aaaahhhhh!!" sigaw nya. Hinigpitan nya hawak ang sa brasong nyang nilalabasan ng maraming dugo.
"tell me, sino ang pinakapinuno nyo??"
"hi-hindi ko alam.." aniya. "aaaahhh" hiniwa na naman sya sa kanang braso kaya't dalawang braso na nya ang inaagusan ng dugo.
"kung hindi ko alam, any information.. Hahayaan kitang mabuhay kung mapapakinabangan ang impormasyong ibibigay mo.."
Nabuhayan naman ng loob amg lalaki gusto pa nyang mabuhay. "p-pero papatayin din n-nila ako k-kapag nalaman nilang n-nagsalita ako.."
"then, magtago ka sa pinakadulo ng mundo.. At least, kapag nakipagtulungan ka sa akin, mabubuhay ka pa ng mas matagal kaysa kung hindi dahil mamamatay ka na ngayon.."
Napaisip nya. Tama ang taong nasa harap nya. Lumunok nya ng marami tsaka tumingin ng diretso sa nasa harap. "hindi namin kilala ang pinakalider namin pero tinatawag namin syang Evil. Madalas syang makipagkita sa amin sa isang abandonadong warehouse sa Lagrant Pier."
"mapapakinabangan nga.." tumayo na ito.
Nakahinga naman ang lalaki ng maluwag dahil mabubuhay pa sya.
"pero advice ko lang sayo.."
Napatingala ang lalaki.
"wag kang magtitiwala sa kalaban.." winasiwas nito ang katana.
Nanlaki ang mata ng lalaki dahil sa ginawa sa kanya pero hindi na nito nagawang makapagsalita dahil bumagsak na ang ulo nito sa tabi ng katawan. Nakadilat pa ang mga mata nito.
Nalakad na palayo ang nilalang. Habang ang buong building naman ay halos pininturahan na ng pula dahil sa mga nagkalat na dugo ng lahat ng bangkay na nasa loob nito.
"this will be the start to this battle.." huling sabi ng misteryosong nilalang bago tuluyang naglaho.
**********
ZerHia Aquamarine Xermin's Pov (Chess Piece's Dark Queen)
Anim na buwan..
Oo, anim na buwan na simula ng mawala na naman si Ate Zaire.
Grabe talaga ang babaeng yun.
Kababalik lang, aalis na naman sya.
ANg masama pa, hindi man lang nya kami sinama sa kung anong problema nya ngayon.
Nakakainis na talaga..
Wala naman kaming balita tungkol sa kanya kaya lahat kami nag-aalala.
At ang balita pa naman ngayon eh panay ang patayang nagaganap pero imposible naman sya ang may gawa nun dahil sinasabing balot ng itim na damit ang gumagawa nun.
Eh pinaka-hate na yata nyang suotin ang all black dahil masyado daw mainit. Okey lang sa kanya kung damit lang o jacket lang ang itim wag lang over all black.
Napabuntong hininga nalang ako.
Nandito ako ngayon sa balcony ng kwarto ko.
Hindi na kasi ako bumalik sa tinitirhan ko nun dahil ngayon ko lang napansin na masyado ko na palang na-miss ang pamilya ko.
At mukhang sobrang na-miss din nila ako dahil matagal ding hindi umalis sina Mommy at Daddy kahit na may business trip sila.
Ginagawa ko lang din naman ang lahat para kahit paano eh mabawasan ang pag-aalala nila kay Ate Zaire..
"ZerHia.."
Napalingon ako sa likod ko.
Sina Shen at Frey. Hinihingal na nakatayo habang hawak ang dibdib nila.
"bakit?? May nangyari ba??"
"si.. Si Z.. N-nakita na nila si Z.." ani Shen.
Napatayo ako tsaka lumapit sa kanila. "nasaan na sya? Saan sya nakita??"
Huminga muna sila ng malalim tsaka tumingin sa akin ng diretso.
"nasa Ospital sya. Wala pang details kaya pumunta na tayo dun.." sabi ni Frey.
"tara na.." hinila ko na sila palabas ng kwarto ko.
__________
Del Rio Medical Hospital
Kararating lang namin dito sa Ospital. Medyo malayo ang byahe dahil sa halos nasa dulo na ito ng city.
Tinext na din ako ni Kuya Zeron kung anong room number ni Ate Zaire dahil nauna na sila sa amin.
Room 3010 :Zaire Miguel
Pagbukas ko ng pintuan, kumpleto na kaming lahat dito.
Wala pa sina Mommy at Daddy pero im sure, nasabihan na agad nila yun.
Lumapit agad ako kay Kuya dahil si McKenzie ang nasa tabi ni Ate.
"Kuya, ano daw ang nangyari??"
Nangayayat si Ate at halatang masyadong nabugbog ang katawan nya dahil sa may mga light bruise pa sya na pagaling na din naman. May kung anu-anong tubo ang nakakabit sa kanya at sa uluhan ng kamang hinihigaan nya ay may mga machines na nagsisilbing life support nya.
"hindi pa namin alam dahil wala pa yung doctor na tumitingin sa kanya." ani Dylan.
"ngayong alam na natin ang kalagayan nya, mas kailangan nating masiguro ang kaligtasan nya.." ani Xeric.
"alamin na muna natin ang nangyari sa kanya bago tayo kumilos.." ani Kuya Zeron.
Biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang lalaki.
Gwapo ito, maputi, matangkad at singkit ang mata. If im not mistaken, may dugong Japanese ang isang ito.
Sya yata ang doctor ni Ate dahil nakasuot sya ng doctor's suit at may nakasabit na stethoscope sa leeg nito.
"kayo ba ang mga kamag-anak nya?? " tanong nito sa amin.
Nilapitan sya ni Kuya at nakipagkamay. "Im her Elder Brother, Jade Miguel.." may ipinakita pa syang id.
Ako lang naman kasi ang gumamit ng Leone sa amin. At silang tatlo, Miguel ang ginagamit before sila ipakilala as Xermin.
Nakipagkamay din naman yung doctor. "Shun Fujiwara.."
"Im her Sister, Sapphire Miguel.. ano na bang lagay ng kapatid namin??" tanong agad ni Ate Zea.
"nag-iimprove naman ang conditions nya magmula ng ma-confine sya dito. Gumagaling na din ang ibang sugat at pasa nya. So masasabi kong posibleng magising na din sya in a week or month.." paliwanag ni Doc.
"alam nyo ba ang nangyari sa kanya?? Bakit sya napunta dito? At bakit sya na-coma??" tanong ko.
"actually, ako ang nagdala sa kanya dito. I was the first one who saw her car sa isang way in a middle of the night. Nakabangga ito sa isang puno so i decided na tingnan ang loob nun. Then i found her. She's unconcious dahil na din sa tumama ang ulo nya sa manibela ng kotse. Marami din syang sugat dahil sa nabasag na salamin so dinala ko sya agad dito then i report the car to the police.." kwento nito.
"bakit hindi agad kami na-inform dito??" tanong ni Shen.
"we tried pero yung kotseng gamit nya ay hindi sa kanya. Some kind na ninakaw nya lang yun. The only thing na nakita sa kanya is yung wallet nya na may lamang id kaya nalaman namin ang name nya. Sinubukan din naming hanapin ang family nya pero masyadong restricted ang background nya kaya wala kaming nagawa kundi ang i-confine sya dito hanggang sa may makahanap sa kanyang kamag-anak.." paliwanag nito.
"car accident lang ba talaga ang reason kaya sya nasaktan that night??" tanong ni Frey.
"well, i don't think so. May nakita din kasi akong bala sa katawan nya. Some bruise na para syang binugbog or something. May sugat din sya galing sa mas matalim na bagay maliban dun sa dahil sa mga basag na salamin ng kotse.." sagot nito.
Nagkatinginan kami dahil dun.
"and may unknown drugs din na itinurok sa batok nya na naging reasom kung bakit masyadong matagal maghilom ang mga sugat nya.." dagdag pa nito.
"thanks you so much for taking care of my sister.. Babayaran nalang namin ang lahat ng nagastos mo sa ospital bills for her.. And for all the damages.." ani Kuya Zeron.
"no.. You don't have to.. It's my job to save her.." anito. "so, i have to ho.. Babalik nalang ako later for her medicines.."
Nakipagkamay uli si Kuya sa kanya. "Thank you talaga, Doc "
"you're welcome.." tumingin sya sa amin ng nakangiti at tumango tsaka lumabas ng kwarto.
"ngayong mahina si Zaire, we need to do all what we can to protect her. Tayo naman ngayon.." ani Kuya Zeron.
Tumango kaming lahat.
Masyado ng maraming nagawa si Ate Zaire sa aming lahat.
"im sure, Henry will stay here beside Zaire so, Dylan and Hunter, stay here with them. Call your underlings para magmanman sa labas.." bilin ni Ate Zea.
Tumango naman sina Dylan at Hunter.
"and the rest, umuwi na tayo. Kailangan nating imbestigahan ang nangyari sa kanya 5months ago.." ani Kuya Zeron.
"pero, Kuya.." angal ko.
"hayaan na muna natin si Zaire.. Hindi makakatulong kung lahat tayo, nandito.." ani Xeric.
Wala naman akong nagawa. Sila naman ang masusunod.
Pagkauwi namin ng bahay, diretso agad ako ng kwarto.
Gusto kong makatulong para malaman namin kung anong nangyari kay Ate Zaire.
Pero alam kong mahihirapan kami lalo na at masyadong malayo ang narating nya.
Sana lang magising na sya..
Please.. Help her..