Prolouge
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are only products of the author's imagination. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental
Thanks..
__________
Prologue
"aaaahhhh!! P-parang awa mo na.. Hindi ko talaga alam kung nasaan sya.." pagmamakaawa ng isang lalaki sa isang nilalang na balot na balot ng itim na kasuotan.
"isang tanong pa, nasaan sya??" malamig na sabi ng nilalang na ito kasabay ng pagtutok ng matalim na katana sa leeg ng lalaki.
"h-hindi ko talaga a-alam.. H-hindi na n-nya kami ki-kinontak ng mawala sya.. Pa-parang awa mo na.. Maawa ka.." mangiyak-ngiyak pang sabi ng lalaki.
Puno na ito ng galos at pasa sa katawan. May mga hiwa na din ito ng katana kaya't ang kulay puting damit nito ay naging kulay pula na.
"wala ka talagang balak magsalita huh.." iwinasiwas nito ang hawak na katana at hiniwa nito ang lalamuna ng lalaki.
Sumirit ang dugo nito sa kanyang lalamunan. Kasabay ng pagbagsak ng katawan nito ay ang pagkaubos ng kanyang hininga.
"tss.. Mga walang silbi.. " itnalikuran na nito ang bangkay ng lalaki tsaka nagsimulang maglakad palayo dito. "mahahanap din kita, at sa oras na mangyari yun, sisiguraduhin kong mapapatay kita agad bago pa mabunyag ang lahat sa katauhan ko.."
Sa isang tagong lugar kung saannagkukubli ang dalawang nilalang na nababalot din ng itim na kasuotan na syang naging saksi sa pagpatay sa lalaki,
"grabe naman, ang brutal din ng isang yun huh.." naiiling ng isa. Kung pagbabasehan ang hubog ng katawan nito ay isa itong babae.
"may pinagmanahan eh.." sabi naman ng kasama nito na isang lalaki. Napahinga ito ng maluwag tsaka sumandal sa pader na pinagtataguan. "grabe naman, konti nalang eh makikilala na nya ako.."
"magpakita ka na kasi para maunahan mo ang sira ulong yan.. Mapapahamak pa tayo kapag hindi ka pa kumilos.." inis na sabi ng babae. Sumandal na din sya sa pader.
"hindi pa nga kasi pwede.. Masisira ang pinagplanuhan namin kapag nakilala ako ng isa sa kanila.. At mas lalong magiging kumplikado ang lahat.." naiiling na sabi ng lalaki.
"aish.. Nakakainis.. Tinulungan mo nga ako para makaligtas pero inilalagay mo pa din naman ang buhay ko sa panganib.." napapasabunot nalang ang babae.
" aba, ako pa sinisi mo huh.. Sinabihan naman kita na delikado kung sasama ka sa akin di ba?? Ikaw lang itong mapilit kaya magtiis ka dyan.." singhal ng lalaki.
Hindi na nga sumagot ang babae dahil tama nga naman ang sinabi nito.
"we need to prepare.. The Last Battle will be happen soon.."