Hell 4

1651 Words
3rd Person's Pov "Damn.. Ang higpit naman ng security nila dito.." inis na sambit ng isang lalaki habang nagtatangka syang makapasok sa pasilidad na nasa kanyang harapan ngayon. "eh kasi, pwede naman tayong pumasok dyan kung uutusan mo yung mga tauhan mo na magpakilala sa kanila.." sambit naman ng kasama nyang babae. Ilang oras na silang nagtatago sa itaas ng isang puno para makahanap ng tiyempo ng sa gayon ay makapasok sila pero hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa din nila magawa dahil sa sobrang higpit ng security sa buong lugar. Maliban sa maraming nagkalat na nagbabantay, puno din ng security camera ang bawat sulok mapalabas o loob nito. MAy nakatago pang camera na walang kahit sinong nakakaalam maliban sa nagkabit nito. "aaaarrrrgggg nakakainis na talaga.." frustrated nyang sabi habang sinasabunutan ang buhok. "call them na.. Puputi ang mga buhok natin kakahintay dito sa wala.." pang-uudyok pa ng babae. Wala ng nagawa ang lalaki kaya kinuha na nya agad ang cellphone nya at mabilis na nag-dial ng number at itinapat na agad ito sa tenga nya. "yow.. Napatawag ka, Master??" bungad ng nasa kabilang linya. "call the others.. Haharapin na natin sila ngayon" walang gana nyang sabi sa kausap. "woah.. Yan ang gusto ko eh.. Sige, tatawagan ko na sila agad.." galak na galak naman ito sa narinig. "then, call Lexus and tell him about this.. Hindi tayo makakapasok agad sa higpit ng security nila.. Alam nyo naman kung gaano katalas ang pakiramdam ng underling ng babaeng yun.." "ako na bahala.." "geh, let's meet. Same place.. 9pm sharp.." ibinaba na nya ang cellphone nya tsaka tumingin sa kasamang babae. "mag-enroll ka dyan ng magawa mo ang misyon mo.." Tumango lang ang babae. "we will now facing the place we're demons are living.." "Hellion Academy.." ********** McKenzie Henry Mirchovich's Pov (Chess Piece's Dark King) "Zaire Emerald Xermin!! I said stop.." malakas kong sigaw sa tumatakbong si Zaire. "eiiii, ayoko nga.. Ipapainom mo lang sa akin yang mapait na yan.." balik sigaw nya Talaga namang naghahabulan kami dito sa Capricorn Building. Papainumin ko kasi sya ng gamot pero dahil sadyang makulit sya kaya eto ang kinahantungan namin. "wag ng makulit.. Tumigil ka na sabi eh.." "AYAW.KO!!" madiin nyang sigaw. "ang kulit mo naman eh.." "mas makulit ka, Lovey Kenz.." nagmake face pa sya. Arrrrgggg, pasaway na talaga sya.. Ang kulit.. "fine, hindi na.." Napatigil naman sya tsaka nakangiting tumingin sa akin. "talaga??" Nakalapit naman agad ako sa kanya kaya hinawakan ko na sya sa bewang para hindi na sya makatakas sa akin. Pero hindi ko din naman sya kayang pilitin. Ihahalo ko na nga lang ito sa kakainin nya mamaya para hindi na nya malasahan. "oo na po.. Hindi na.." napabuntong hininga ako. "balik na tayo sa unit mo at ang layo na ng narating natin.." Napakamot naman sya ng ulo. Biruin nyo naman kasi, from her unit which is 30th floor, nakarating kami dito sa 5th floor using stairs lang yan huh.. Lumapit na kami ng elevator para mas mapabilis na ang pagbalik namin dun. "Lovey Kenz, galit ka ba sa akin??" Umiling ako tsaka ngumiti sa kanya. "nope.. Nag-aalala lang ako sayo kasi hindi mo iniinom ang gamot mo.." "pero kasi.. Mapait.. Ayaw ko ng lasa. " pailing-iling pa sya. Ginulo ko ang buhok nya. "it's okey.. Ihahalo ko nalang sa food mo later para di mo malasahan, okey??" Tumango naman sya at umaliwalas na din ang mukha nya. Para talaga syang bata ngayon kung umasta pero mas lalo syang naging sweet ngayon. Bumukas na ang pintuan ng elevator at saktong nandun din si ErHan. "Hello, Erhan.." masayang bati ni Zaire pagpasok namin ng elevator. Kinawayan pa nya "Hello din, Zaire.." bumaling sya sa akin. "anong ginagawa nyo sa 5th floor??" "nakipaghabulan dahil ayaw uminom ng gamot." Natawa naman sya. "kakaiba talaga sya ngayon" "sobra.. Medyo hirap pa ding mag-adjust dahil sobrang kulit nya.. Mas makulit pa sya nung una ko syang nakilala.." naiiling pa ako habang nakatingin kay Zaire na parang isang science experiment ang mga button ng elevator kung tingnan nya. "mas okey na yan kaysa dun sa cold na si Zaire.. Kahit naman lumaki kami ng sabay nyan, walang sinasanto ang cold attitude nya.." aniya. "pero bakit hindi naman sya ganun nung makilala ko sya.. " "sayo lang naman yan ganun kasi mahal ka.. Nabawasan naman ang cold attitude nya ng makita ka nya nun sa racing ni Zeron.." bahagya pa syang natawa. "hanggang ngayon, naaalala ko pa kung paano mo nakuha ang atensyon nya at kung ano ang naging reaksyon nya nun.." "huh??" "the first time na makita ka nya is yung ibinigay na sayo ni Zeron ang first invesment nya sayo. Dumaan ka nun sa harap namin at nagulat nalang kami ng biglang bumagsak siya sa upuan nya at sinabi nyang nakakita daw sya ng anghel.." tatawa-tawa pa talaga sya. "ang epic nga kasi talagang natulala sya sayo nun. Love at first sight nga daw.." Napakamot nalang ako ng ulo. Aba, malay ko bang ganun ang naramdaman ni Zaire sa akin ng una nya akong makita. "at nung nalaman nya ang ginawang kagaguhan ni Xeric sayo na White King na namin eh binugbog na nya yun para lang sayo.." nailing pa sya. "ang lakas ng tama sayo ng babaeng yan.." Tumingin sa amin si Zaire. "ako ba pinag-uusapan nyo??" "hindi.. Yung babae ni Henry.." Napakunot noo sya tsaka lumapit sa akin. "babae??" Binatukan ko na si Erhan pero mabilis na nakaiwas ang loko at tumakbo palabas ng bumukas ang elevator. Pangisi-ngisi pa ang loko. "McKenzie.." "don't mind that jerk, Gem... Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko.." hinalikan ko sya sa pisngi. Pero hindi pa din nagbabago ang expression ng mukha nya. Nakakunot noo pa din. "Hindi ka naniniwala sa akin??" Bigla syang yumakap sa akin. "im sorry, Kenz.. Iniisip ko kasi na baka mambabae ka nga kasi wala akong maalala sa past ko tapos ang kulit ko pa.." Hinila ko na sya palabas ng elevator at sinandal ko sya sa pintuan ng unit nya tsaka ko sya mabilis na hinalikan. Sweet, romantic and passionate kiss. Dinaan ko dito lahat para iparamdam sa kanyang mahal na mahal ko sya at kahit kelan, hindi ako maghahanap ng iba.. Kumalas na ako ng halik dahil mauubusan na kami ng hanging. Pinagdikit ko ang noo naman. "feel that?? I am so much in love with you na kahit wala ka pang maalala sa nakaraan mo o kahit kasing kulit ka ng 5 years old na bata eh hindi kita ipagpapalit kahit kanino.. Ikaw lang ang babae sa puso ko.." Napangiti naman sya. "thank you, Kenz.." "no.. Thank you kasi minahal mo ako.. Thank you" "eeeiiii, kinikilig ako.." napayuko sya tsaka itinabing ang buhok nya sa mukha nya para takpan ang pamumula nito maging ang ngiti nyang sobrang lapad. Natawa nalang ako sa kinilos nya. "sa loob na tayo.. At ipagluluto pa kita ng lunch mo.." Tumango lang sya pero hindi pa din nya inaayos ang buhok nya. Pinabayaan ko nalang since yan ang trip nya at kinikilig pa din daw sya.. At pagpasok namin ng unit eh tumakbo agad sya ng kwarto nya at nagsimulang magtatalon sa ibabaw ng kama nya habang nagsisisigaw na kinikilig daw sya. Tinatawanan ko nalang sya. That why i love that crazy girl.. ********* Xeric Dominic Mirchovich's Pov (Chess Piece's White King) "nakatanaw ka na naman sa unit niya.." Hindi na ako nagulat sa biglang pagsulpot ni ZerHia dito sa tabi ko. Madalas naman syang ganyan eh.. Parang kabute. At malaya naman kasi syang nakakalabas-pasok dito sa unit ko dahil alam nya ang passcode ng pintuan ko. "hindi ako nakatanaw dun.." "ows?? Talaga lang huh.." kinuha nya ang hawak kong beer. "bawal sayo yan.." pigil ko. Pero sadyang pasaway ang babaeng ito dahil tinungga na nya hanggang maubos tsaka ibinalik sa akin ang bote.. "tss.." inilalag ko na yun at kumuha nalang ng bago. "bakit ba hindi ka maka-move on dyan?? Sinasaktan mo lang ang sarili mo eh.." aniya. "bakit ikaw?? Bakit hindi ka din ma-move on..??" balik tanong ko sa kanya. "kasi alam kong wala kang pag-asa sa kanya kaya umaasa pa din ako sayo.." ngumiti pa sya ng pagkalapad-lapad. Tumingin nalang uli ako sa kabilang building. Capricorn Building to be exact. I admit, i love Zaire until now at hindi ko alam kung bakit hindi mawala-wala kahit ang daming beses ko ng isinaksak sa utak ko na hindi na pwede dahil mahal na mahal nila ni McKenzie ang isa't-isa.. Kahit na sobrang nasasaktan ako everytime na makikita ko silang masaya.. Kahit na halos madurog ang puso ko kapag nakikita ko kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.. Gusto ko ng alisin sa sistema ko ang nararamdaman ko kay Zaire pero walang hiya naman, ayaw matanggal kahit anong pilit ko. "masokista ka masyado.." comment pa nya. "coming from you??" "at least ako, umaasa sa lalaking single.. Eh ikaw, umaasa sa babaeng taken.. Kaninong mas malala??" "hindi ako umaasa sa kanya noh.. I just love her.." "ouch naman.." Napatingin ako sa kanya. nakahawak sya sa dibdib nya katapat ng puso nya. "careful with your word nga dyan.." "you asked for it so bear it.. Ouch.." batukan daw ba ako.. "ako na nga itong willing na maging rebond mo just for you to forget that damn fellings, ipapamukha mo pa.. Eh kung yang mukha mo aNg i-rebond ko sa court??" tinaasan pa nya ako ng kilay "i know that you love me.. But she's the one i love at kahit anong gawin ko para alisin ang letseng feelings na ito, hindi ko magawa kaya pwede ba, wag ka ng dumagdag pa. Kasi nahihirapan din ako everytime na masasaktan kita kasi bestfriend kita.." inis kong sabi tsaka pumasok sa loob ng unit ko. Yeah, she's my bestfriend back then kaya naman nahihirapan din akong kumilos dahil in-love sya sa akin. At kapag nalaman pa ito nila Zeron at Zea, im sure makakatikim ako ng magkabilang suntok dun dahil sinasaktan ko ang bunso nila. Lalo na kapag si Zaire pa ang nakaalam.. Lulumpuhin na talaga nya ako dahil mahal na mahal nun si ZerHia. Sumalampak nalang ako ng upo sa sala. "wa--" magsasalita pa sana sya pero pinigilan ko na sya. "ZerHia, please stop.. I don't want to risk our friendship over this matter.. Bestfriend kita at hanggang dun lang yun" "whatever you say.. Basta ang alam ko, mahal kita.." yun lang ang lumabas na sya ng unit ko. Napabuntong hininga nalang ako. Ang hirap ng sitwasyon ko huh.. Nasasaktan na nga ako, may nasasaktan pa ako.. Arrrrggggg.. Pa'no ba kasi mawawala ito..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD