Chapter Three

2972 Words
“Tangina, badtrip talaga!” Napakamot ako sa buhok ko saka napatingin sa salamin. Mukha akong bruha na may color pool na buhok. Hindi naman kasi ako nakatulog nang ayos. Napatingin ako sa silid kung nasaan ako ngayon. Malaki nga ang silid na 'to, may malambot na kama, kumpletong gamit, at maraming damit... pero hindi pa rin ako nakatulog. Paano naman kasi ako makakatulog kung may nakita akong binaril kagabi? Tapos may saltik pa yata ang Ashteroh Alexeev na 'yon! Badtrip! Gusto kong tumakas kaso baka totohanin n'ya ang pananakot n'ya sa 'kin kagabi. Baka madamay pa 'yung mga kapit-bahay namin sa looban. Napasuntok ako sa hangin nang mapatingin sa sinasalpak sa tenga para marinig sina Chinu... ano ngang tawag do'n? Ah, basta 'yon. Ninakaw na nga lang namin 'to, nasira pa. Gago naman kasi ang Ashteroh na 'yon, panay ang tulak at sabunot sa akin kagabi, nasira tuloy! Tangina naman, kung kailan naman iniwan ko ang cellphone ko sa 'min. Paano ko naman sila matatawagan n'yan? Sobrang hina ng utak ko kaya hindi nasaulo mga number nila. Hindi ko naman sila pwedeng puntahan at baka bumuntot pa sa 'kin ang tauhan ng Ashteroh na 'yon. Ang pinag-aalala ko pa... malamang babalikan ako ng mga 'yon dito kapag hindi pa ako nakabalik agad. Baka mahuli na talaga sila nang tuluyan ng blond na lalaking 'yon na may malaking etits. Napatigil lang ako sa malalim na pag-iisip nang may kumatok sa pinto. Naiinis na napakamot ako sa ulo ko saka pinagbuksan ang kumatok. Napamura na lang ako sa isip ko nang si Ashteroh ang bumungad sa akin. Putangina talaga, badtrip na nga ako buong gabi dahil sa kanya tapos siya pa ang unang makikita ko ngayong umaga. “Hehe, good morning, boss... Bakit ka naligaw--este napapunta rito?” tanong ko saka ngumiti nang matamis sa kanya. Natigilan ako nang dutdutin n'ya ang noo ko at pinalayo ako sa kanya. “Will you please take a bath? Kagabi pa 'yang suot mo,” maarteng sabi nito at napangiwi pa. Napaismid ako at pinigilan ang sarili kong mapairap. “Paano naman kasi ako makakaligo eh may saltik ka?” bulong ko. Napasinghap ako nang hilahin ni Ashteroh ang damit ko at seryosong tumingin sa 'kin. “May sinasabi ka ba?” tanong pa n'ya. Alanganing ngumiti ako saka nag-peace sign. “Wala po, boss. Ang sabi ko, thank you sa concert mo sa 'kin,” sabi ko na lang. “Hindi ako concerned sa 'yo, ayaw ko lang sa marumi,” malamig na sabi n'ya saka muli akong itinulak palayo sa kanya. Infireness, mukhang naiintindihan na n'ya ang english carabao ko. Buti na lang... pero ang arte n'ya pa rin. Mabasag sana itlog n'ya. “Boss, maliligo sana ako... kaso wala ka bang ibang damit diyan? 'Yung komportable sa 'kin. 'Yung kagaya nito,” sabi ko saka itinuro amg suot kong damit. Hindi siya sumagot at basta na lang ako tinalikuran at nilayasan. Napaawang na lang ang labi ko habanh hinahabol ng tingin ang bwisit n'yang likod. Nagpunta lang ba siya rito para paliguin ako? Anak ng pating talaga ang power ranger na 'yon! Isang araw, matutupad ko rin ang pangarap ko na mabasag ang itlog n'ya. Napakamot na lang ako sa buhok ko at muling pumasok sa loob. Tiningnan ko ang mga damit na laman ng closet. Pakiramdam ko merong may-ari ng mga damit na 'to. Masyadong pang-sosyal at girly. Hindi naman ako makakakilos nang ayos kapag ganito ang sinuot ko. Sinubukan kong maghalungkat... puro dress at skirt ang mga nandito. Tangina, malakas ang pakiramdam ko na tatawanan ako nina Gina kapag nakitang suot ko ang mga 'to. Napailing na lang ako at lumabas ng kwarto. Sinilip ko ang kwarto ni Ashteroh na katabi lang ng sa akin. Dahan dahan akong naglakad at binuksan ang pinto. Bakit hindi na siya naglo-lock ng pinto ngayon? Napangisi ako nang mapansing wala siya sa kwarto. Dali dali akong nagtungo sa cabinet n'ya at naghanap ng damit. “Ito ang gusto ko,” bulong ko nang makakita ng malaking t-shirt at jogging pants. Agad kong hinablot 'yon at lumabas ng kwarto n'ya. Para saan pa't magnanakaw ako kung hindi ko siya nanakawan? Hehe. Saka sabi n'ya gusto n'yang magnakaw ako para sa kanya... ito na ang magsisilbing enter exam ko. Agad na 'kong bumalik sa kwarto ko at naligo. Ilang oras din yata akong nanatili sa banyo dahil sa bath tub. First time kong maligo sa ganito kasosyal na banyo, aba sasamantalahin ko na. “Hay salamat, fresh na ulit ako...” sabi ko habang sinusuklay ang buhok ko. Lumabas na rin agad ako ng kwarto at nagtungo sa first floor. Bahagya akong napaatras nang mapansing may mga katulong si Ashteroh dito sa mansyon n'ya, apat din ang mga katulong... Bakit hindi ko man lang sila napansin kagabi? Saka hindi ba sila nagising sa kalabugan? Napalingon sila sa 'kin. Napakamot na lang ako sa batok ko dahil hindi ko alam ang sasabihin. “Good morning, Ma'am, ako si Andeng... Gusto mo na bang kumain?” nakangiting tanong ni Andeng daw. “Nako, h'wag n'yo 'ko tawaging ma'am... Amo ko rin si Ashte--este si boss. Hehe,” sabi ko saka nag-peace sign. Napasinghap sila. “Magnanakaw ka ba na ni-recruit ni Sir?” tanong naman ng isa. “Ahm... Pa'no n'yo nalaman?” nagtatakang tanong ko. “Ahh, gano'n talaga si Sir kapag pinapasok kami ng mga magnanakaw rito. Kapag nagustuhan n'ya, ire-recruit n'ya para magtrabaho sa kanya... First time n'yang nag-recruit ng babae ha. Mukhang nagustuhan ka talaga n'ya,” nakangiting sabi naman ng isa na para bang normal lang sa bahay na 'to ang manakawan. Hindi ba sila natatakot? Grabe, ang wirdo rin pati ng mga katulong dito. “Normal na rito 'yon. Akala rin kasi ng karamihan, matanda na si Sir kaya marami talagang nagtatangkang magnakaw. Kaya nga tulog na dapat kaming lahat pagsapit ng 7 pm,” sabi pa ng isa. Napangiwi na lang ako at napakamot sa batok ko. Kung gano'n pala inaasahan na ng lalaking 'yon na may magnanakaw na darating. Naknampucha talaga. “Sa tingin n'yo ba hindi n'ya 'ko papatayin?” bulong ko sa kanila. Natawa naman sila sa sinabi ko. Parang gusto ko tuloy silang pagbabatukan... Seryoso akong nagtatanong dito, e. “Hindi ka papatayin ni Sir basta wala kang gagawin na hindi n'ya gusto,” nakangiting sabi ni Andeng. Napalunok ako. “A-Ano ba'ng hindi n'ya gusto?” “Hmm, 'yung lolokohin siya saka 'yung mga tumatakas. Gusto n'ya rin na palaging masunurin. Basta sundin mo lang ang mga 'yon, hindi ka n'ya papatayin,” sabi pa ng isa. Hindi talaga normal ang mga katulong dito. Kung ako ang nasa posisyon nila, iisipin ko talagang may sapak ang Ashteroh na 'yon at tatakasan ko. “Bakit naman kasi siya napagkakamalang matanda? Eh mukhang ka-edad ko lang 'yon, e,” naiinis na sabi ko. “Ano ka ba? 33 years old pa lang si Sir Ashteroh,” natatawang sabi nila. 33 years old? Kung gano'n, mas matanda pala siya ng limang taon sa 'kin. “Secretary kasi ni Sir ang palaging na-attend sa meetings at public gatherings para sa kanya. Si Mr. Delos Reyes 'yon, secretary n'ya na 58 years old na,” paliwanag ni Andeng. Tumabingi ang ulo ko. Bakit naman 58 years old na ang secretary n'ya?! Ano ba'ng trip sa buhay ng lalaking 'yon? Naloloka ako sa mga ganap n'ya sa buhay! WALANG MASYADONG nangyari sa akin ngayong araw. Wala akong ibang ginawa kundi ang magpaikot-ikot sa mansyon ng Ashteroh na 'yon. Hindi ko rin siya nakita maghapon kaya malamang busy siya. Nakakaboring pala ang masarap na buhay. Nami-miss ko na ang mga kapit-bahay kong maiingay. “Uy, ang ganda nito ha,” bulong ko nang makakita ng magandang pang-display ni Ashteroh sa bahay n'ya. Gold na ahas 'yon na tatlong pulgada lang yata ang laki, pero makintab talaga at mukhang legit na ginto. Mukhang mamahalin 'to, ah. Agad kong kinuha 'yon at ibinulsa. Nakakatukso ang mansyon na 'to. Ang daming pwedeng nakawin. “Ibalik mo 'yon.” Halos napatalon ako sa gulat nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Napaismid na lang ako at labag sa loob na ibinalik ang ninakaw ko sa pinagkuhanan ko. Badtrip! “Hello, boss... I miss you, hehe,” sabi ko nang harapin ko si Ashteroh. Natigilan ako nang pasadahan n'ya ng tingin ang kabuuan ko. Agad namang nagsalubong ang kilay n'ya. “Why the f**k are you wearing my clothes?” tila naiinis na tanong n'ya. Hindi ko naintindihan ang sinabi n'ya pero ngumiti na lang ako. “Boss, the world are like peoples. You know? We should be all goods while running and making breath in this world,” sabi ko na lang saka bahagyang tinapik ang braso n'ya. Napapalaban tuloy ako sa english nito, e. So stress pool. Napakunot ang noo n'ya. Mukhang wala na siyang naintindihan sa sinabi ko sa pagkakataong 'to. Kasi naman inii-stress n'ya ako sa kaka-english n'ya. Wala akong maintindihan kaya dapat wala rin siyang maintindihan sa 'kin. Hehe. Gano'n talaga dapat sa mundong 'to. Dapat mute wall understanding. Napabuga siya ng hangin. “Bakit mo suot ang damit ko?” tanong n'ya ulit. “Boss, I tell you later today in the morning that the dress are not my favorites and others like t-shirt like this is my only love life in this world and--” agad n'yang pinutol ang sasabihin ko. “Magtagalog ka na lang... utang na loob,” tila inis na inis na sabi n'ya. Bahagyang pang namula ang mukha n'ya sa inis. Napaismid na lang ako. Siya naman ang nangunguna makipag-english-an tapos siya pa ang galit? Hindi tama 'yon. “Boss naman kasi... ayoko nga kasi ng mga gano'ng damit. Gusto ko ng ganito kasi komportable ako rito. Kaya sana boss, payagan mo 'kong nakawan ka ng damit. Salamat po,” sabi ko at nag-vow pa sa kanya bilang paggalang. Muling napabuga ng hangin si Ashteroh saka napahilot sa sentido n'ya. Stress pool na rin ba siya? Sana ma-stress pa siya lalo para pumangit siya tapos lumiit ang etits n'ya. “Whatever. Let's go, we'll go somewhere tonight,” sabi n'ya saka naglakad na. Sinenyasan n'ya ako na sumunod sa kanya. “Boss, where is somewhere tonight?” tanong ko. “Basta, manahimik ka na lang,” sabi n'ya saka hinubad ang coat n'ya saka isinabit 'yon sa couch. Napakamot na lang ako sa batok ko at sumunod na lang sa kanya. Lumapit kami sa isang kotse. Sinenyasan n'ya ako na sumakay. Napatango na lang ako at umupo sa katabi ng driver's seat. Saan naman kaya kami pupunta? Magnanakaw na ba ako para sa kanya? Ebarg 'yon, hindi pa ako ready. May maikling orasyon pa 'kong ginagawa bago magnakaw. “I'll take you to feroci's headquarters,” sabi n'ya saka pinaandar ang kotse. Kusa namang bumukas ang gate ng mansyon n'ya. Napakunot ang noo ko. Meron din silang headquarters? “Bakit mo ako ite-take doon?” tanong ko na lang. “I told you I will hire you as my--” natigilan siya at saglit na napatingin sa 'kin nang mapansing nakanganga lang ako... Wala naman kasi akong maintindihan, e! “Diba sinabi ko sa 'yo na magnanakaw ka para sa 'kin? Ibig sabihin, tauhan kita... ibig sabihin, nagtatrabaho ka na rin para sa feroci,” paliwanag n'ya. Napatango na lang ako. “Ano 'yung feroci? Chocolate ba 'yon. Feroci rochel na chocolate. Sarap no'n eh, nagnakaw ako no'n dati,” sabi ko saka napalunok. Nakaka-miss na chocolate. “Tanga, ferrero rocher 'yon,” pagtatama n'ya sa sinabi ko. Whatever! “Feroci is the organization... I mean, 'yung feroci, organisasyon 'yon na kinabibilangan ko... Tangina, bakit ba ako nag-a-adjust para sa 'yo?” bulong n'ya sa huling sinabi. Wow, ang cute n'ya magmura ng tagalog. “Ahh, iyon pala ang feroci. Mga tambayan ng mga gangster mafia boss kagaya mo,” sabi ko na lang habang napapatango. “It's not like that... Damn, whatever... So I was saying, I'll take you to our headquarters for our leader to decide wheter to accept you or not,” paliwanag n'ya. Accept? Accept... as in parang sa f*******: 'yon diba? Bale kapag in-accept ako ng leader nila, friends na kami gano'n? “Eh kapag hindi n'ya 'ko in-accept? Ano'ng mangyayari?” tanong ko. Napangisi si Ashteroh. “Papatayin ka namin,” agad na sagot n'ya. Napaubo ako sa sinabi n'ya. Hinampas-hampas ko pa ang dibdib ko dahil sa gulat. Anak ng tinapa, daing, tuyo! Bakit naman gano'n? Papatayin agad?! Agad agad?! “Bakit gano'n, boss?! Ang unpair naman no'n! Bakit papatayin agad? Hindi ba uso ang second chance sa organisasyon n'yo?” reklamo ko. “Pinapatay namin ang nakakaalam sa grupo namin maliban na lang kung nagtatrabaho sila para sa 'min. Kapag hindi ka nagustuhan ni Zakarius, ibig sabihin hindi na kita tauhan. Papatayin kita dahil alam mo na ang tungkol sa amin... Naiintindihan mo ba?” mahabang paliwanag n'ya. Napalunok ako at napakamot sa leeg ko. Tangina naman oh. “Eh kung may posibilidad pala na papatayin ako ng leader n'yo eh bakit dadalhin mo pa 'ko ro'n?!” reklamo ko. Napangisi siya. “Wala, gusto ko lang matakot ka.” Anak ng... “Grabe ka, boss! Psychology ka!” naiinis na sabi ko. Napakunot ang noo n'ya. “Psychology?” nagtatakang tanong n'ya. “Lah! Di mo alam 'yon? Psychology, 'yon 'yung mga may sayad sa utak kagaya mo. Minsan killer pa sila, ikaw talaga 'yung tanga, boss... sa totoo lang,” napapailing na sabi ko. Kung mamamatay rin naman ako ngayon, itotodo ko na lang ang panlalait sa kanya. “Psychopath 'yon, hindi psychology,” pagtatama n'ya sa sinabi ko. Ano ba'ng problema n'ya eh magkatunog naman 'yon? “Wait lang boss, baka pwedeng pag-usapan muna natin 'to. Nadadaan ang relasyon sa maayos na usapan, h'wag ka ng magtampo, please. Umuwi ka na, baby, hindi na ako sanay nang wala ka,” sabi ko saka pinagdikit ang dalawang palad ko. Tangina kasi. Kung ano-ano na tuloy ang sinasabi ko. Ayaw ko pa naman kasing mamatay 'no. Malamang sa malamang malakas din ang tama ng leader ng Ashteroh na 'to. Kung siya nga psychology na, e. Malamang mas psychology ang leader n'ya! Natigilan ako nang bahagyang natawa si Ashteroh. “You're not even talking right now, but I can see that your mind is in ruckus,” napapailing na sabi nito. “Boss! It's your fall why I'm like this! You is scaring me is like no others! Like a ghost!” naiinis na sabi ko. Napapa-english na naman ako dahil sa inis. Napahinga ako nang malalim nang makarating kami sa madilim na lugar na maraming puno. Tangina, dito na ba nila ako papatayin? Agad na bumaba ng kotse si Ashteroh. Ayoko sanang bumaba pero agad n'yang binuksan ang pinto sa pwesto ko at hinila ang damit ko. Wala naman akong nagawa at napalabas na lang sa kotse n'ya. Pagsisisihan n'ya talaga 'to. Kapag namatay ako, siya ang una kong mumultuhin! Dumiretso kami sa mga puno. Nakaramdam ako ng takot dahil para kaming nasa horror movie. Baka naman carnival ang mga kasamahan n'ya sa organisasyon... Alam n'yo ba 'yung carnival? Iyon 'yung nangangain ng kapwa tao. Napaawang ang labi ko nang may malaking pader na bumungad sa 'min. Hinila ako ni Ashteron papunta ro'n. May pinindot siyang kung ano sa pindutan saka kusang nagbukas ang malaking pinto. Mas lalo akong napanganga nang makapasok kami sa loob. Ang daming taong nagpa-practice magbaril baril at makipaglaban. Yung iba sa kanila pamilyar sa 'kin dahil sa pagkakatanda ko, tauhan sila ni Ashteroh. Pumasok na kami sa mataas na building. Ang dilim sa paligid. Ang lawak ng space at maraming mga box na hindi ko alam kung ano'ng laman. Nasaan na ba kami? Jusme, napapadasal ako ng wala sa oras dahil sa panginginig. Bakit naman kasi ganito ang vibes dito? Pumasok kami ni Ashteroh sa isang silid. Bahagya akong napaatras dahil mas malaki ang silid na 'to sa inaasahan ko. Ang daming baril at mga kahon na nakatambak sa sahig. Napatingin ako sa mahabang mesa na ilang metro din ang layo sa amin. Napaawang na lang ang labi ko nang makitang maraming lalaking may kakaibang aura ang nakatambay ro'n. Pasimple kong binilang kung ilan sila... 19... 19 na nagagwapuhan--este nakakatakot na mga lalaki. “Oh, siya na ba 'yon, Ashteroh?” nakangiting tanong ng isang lalaki na medyo mukhang friendly pero nakakatakot pa rin ang aura. “Hello, lods... Cadence pogi nga pala,” pagpapakilala nito. Alanganing ngumiti na lang ako. Napatingin ako sa lalaking nasa gitna at prenteng nakapamulsa habang nakatingin sa 'kin... Kulay asul ang mga mata nito. “Nathalie, right?” tanong n'ya habang nakatingin sa 'kin. Napakamot na lang ako sa batok ko saka tumango. Tumataas ang balahibo ko sa boses n'ya. Ang lamig, mas malamig pa sa boses ni Ashteroh. “I'm Zakarius Cavalcante... If you happen to pass, you'll be the first woman to work under feroci organization... but if you fail, you know what will happen to you, right?” sabi n'ya na hindi ko naintindihan. Nakaka-distraction ang boses n'ya. Nakakapanginig ng pagkatao. Sabi n'ya Zakarius ang pangalan n'ya, mukhang siya ang leader dito. Nako, mukhang psychology rin talaga 'to. Pasimpleng napatingin ako sa ibang lalaki na tila may iba-ibang mundo. May nagpupunas ng baril, may nagce-cellphone, may natutulog, may nakatingin din sa nakakatakot na paraan sa akin, at kung ano-ano pa... Pero mukha talaga silang nakakatakot kahit pa medyo gwapo sila. Muli akong napatingin kay Zakarius. Naglakad siya papalapit sa akin hanggang sa kaunti na lang ang layo n'ya sa akin. Napalunok ako sa malamig n'yang tingin, walang emosyon na makikita sa mga mata n'ya. Mas lalo namang nagtayuan ang mga balahibo ko sa sinabi n'ya. “Nathalie, welcome to Club dei Gentiluomini Feroci...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD