“S-Sir! Please making cover of that--that big putotoy, I mean, that etits first! I'm making distraction of that birdie!” sabi ko saka itinuro ang etits n'ya.
Grabe, bakit naman kasi english speaking dollars pa ang lalaking 'to?! Kahinaan ko pa naman ang english, tanginang 'yan.
Laking pasasalamat ko dahil mukhang naintindihan naman n'ya ang sinabi ko at kinuha ang towel saka muling ibinalot 'yon sa malaking birdie n'ya.
Agad akong tumayo at akmang tatakbo pero agad na nahablot ng lalaking may malaking etits ang braso ko. Walang kahirap hirap na naihagis ako nito sa malambot na kama. Napatili naman ako nang hilahin n'ya ang bonet ko pati na rin ang tumatakip sa mukha ko at hinagis 'yon sa sahig.
Napapikit ako nang mariin at sinubukang takpan ang mukha ko pero agad na hinila ng lalaki ang buhok ko at inangat ang mukha ko para makita n'ya.
Tanginang lalaki 'to, kanina sinipa anh tuhod ko ngayon naman sinabunutan ako. Awit. Ang malas naman na katulad n'ya ang nakahuli sa 'kin! Badtrip talaga!
“I'll take you to the police station, little burglar,” sabi nito sa malalim na boses saka mas hinila ang buhok ko.
Putanginang 'yan, bakit naman ganito ang lalaking to?! Masyadong brutal.
Pinilit kong alisin ang pagkakahawak n'ya sa buhok ko pero wala akong laban sa kanya sa ngayon. Bukod sa nanghihina ako dahil sa kaba, malakas talaga ang pakiramdam ko na hindi ko kayang patumbahin ang isang 'to. Malakas ako, hindi nalalayo ang lakas ko kay Kenan Toth, pero mukhang iba talaga ang lalaking 'to.
“You not gentleman! Do you do this always and forever to womans?!” naiinis na tanong ko sa kanya habang sinusubukang alisin ang pagkakasabunot n'ya sa 'kin.
“I don't care even if you're a woman, you're still a thief,” nakakunot-noong sabi niya.
Tangina, sumasakit ang ulo ko sa englishan na 'to.
“Wait a minutes... You wrong, no correct. I'm just play hide and seek with friends. Ahm... Yes, like that,” pagdadahilan ko na lang.
Grabe, feeling ko mamaya lang dudugo na ang ilong ko rito. Hindi kinakaya ng utak ko ang ganitong usapan!
Natawa ang lalaki sa sinabi ko. Napakunot na lang ang noo ko. Gago 'to, ah. Hirap na hirap na nga ako sa pag-e-english at pagdadahilan dito tapos tatawanan n'ya pa 'ko?!
“Magtagalog ka na lang, tanga.”
Napasinghap ako sa sinabi n'ya.
“Naknampucha naman oh. Marunong ka naman pala magtagalog, pinahirapan mo pa 'ko mag-english!” singhal ko habang pilit pa ring inaalis ang pagkakasabunot n'ya sa 'kin.
Halata sa boses n'ya na matagal na siyang marunong magtagalog dahil hindi pilipit ang pagkakasabi n'ya. Tangina, nasayang lang 'yung sakit ng ulo ko!
“Sino ba kasing nagsabi sa 'yo na mag-english ka?” tanong ng lalaki saka inilapit ang mukha sa 'kin.
Infireness, ang bango n'ya... Ay leche, wala akong pake. Ang gusto ko lang makatakas na rito!
“Malamang, mapapa-english talaga ako kasi mukha kang power ranger!” naiinis na sabi ko.
Napakunot ang noo n'ya. “Power ranger?”
“Hindi mo alam 'yon? Ikaw pala 'yung tanga, e. Power ranger, 'yon yung mga hindi Pilipino. Ibang lahi sila, gano'n!” sabi ko saka inismiran siya.
“It's foreigner, not power ranger,” pagtatama n'ya sa sinabi ko.
“Pake ko? Ang motto ko sa buhay, basta katunog, pwede na 'yon!” sabi ko na lang saka inirapan siya.
Binitiwan na n'ya ang buhok ko. Napangiwi na lang ako at hinimas ang anit ko. Hayop na lalaking 'to, daig pa babae sa lakas manabunot.
Pasimple akong tumingin sa pinto. Inangat ko ang paa ko at akmang sisipain ang birdie n'ya pero agad n'yang nahawakan ang binti ko. Napadaing na lang ako sa inis.
Karate master ba siya?! Nakakainis na talaga!
Lumayo na siya sa 'kin. Lumapit siya sa cabinet n'ya at kumuha ng kung ano ro'n. Napasinghap ako nang basta na lang n'ya inalis ang towel n'ya at nagsuot ng boxer at jogging pants.
Tumakbo ako papalapit sa pinto at sinubukang buksan 'yon pero napamura na lang ako nang mapansing naka-lock 'yon. s**t talaga, mali talaga kami ng ninakawang mansyon.
Lumapit sa 'kin ang lalaki, wala pa rin siyang damit pang-itaas. Bakit ba trip na trip n'ya ilantad sa sambayanan ang katawan n'ya? Ang yabang, palibhasa medyo yummy ang katawan n'ya... medyo lang. Medyo lang talaga.
Hinawakan n'ya nang mahigpit ang braso ko. May pinindot siya sa hawak n'yang parang maliit na remote. Napaawang na lang ang labi ko nang kusang bumukas ang pinto ng silid. Sinubukan kong alisin ang pagkakahawak n'ya sa 'kin dahil pagkakataon ko ng tumakas pero masyado siyang malakas. Kaya nga yata n'ya 'kong ibalibag nang isang hawak lang.
“Bitiwan mo 'ko, gago! Hindi na 'to nakakatuwa ah! Violets agains womans 'tong ginagawa mo!” asik ko habang pilit na inaalis ang pagkakahawak n'ya sa 'kin. Sinisipa ko rin ang binti at pwet n'ya pero para namang walang epekto sa kanya 'yon.
“I think that's violence against women... and besides, why do you had the audacity to talk about law when you're a lawbreaker yourself?”
Napakamot na lang ako sa batok ko. Sa totoo lang wala akong naintindihan sa sinabi n'ya. Badtrip naman, marunong naman siya magtagalog bakit n'ya pa 'ko ini-english? Naknampucha talaga!
“Ewan ko sa 'yo!” asik ko na lang kahit wala akong naintindihan sa sinabi n'ya.
Paano ba ako makakatakas sa lalaking 'to? Saka sino ba 'to?!
“Hindi naman ikaw ang habol ko kundi si Ashteroh Alexeev! Nagpunta ako rito para sabihin sa kanya na ako ang nawawala n'yang anak!” singhal ko habang pilit na kumakawala sa kanya.
Natigilan ako nang bahagya siyang natawa. Ano naman kayang nakakatawa sa sinabi ko?
“Sino ka ba ha? Anak ka ba ni Ashteroh Alexeev?! Kung gano'n, magkapatid pala tayo, brother. Kaya please, pakibitiwan na ako. Hindi mo dapat ginaganito ang kapatid mo,” sabi ko na lang.
Sinubukan kong kagatin ang kamay n'ya pero agad n'yang nahila ang buhok ko palayo ro'n. Tangina talaga nitong lalaking 'to! Bakit ganito siya?!
“You're Ashteroh Alexeev's long lost daughter?” tanong n'ya saka pinaharap ako sa kanya.
“Oo nga, basta 'yon! Kaya bitiwan mo na 'ko!” naiinis na sabi ko.
Napaigik ako nang paluhurin n'ya ako bigla habang nakahawak pa rin sa buhok ko. Napangiwi na lang ako saka tiningnan siya nang masama. Yumuko siya upang magpantay ang mukha naming dalawa. Napadaing naman ako nang humigpit ang hawak n'ya sa buhok ko.
“Your claim doesn't make any sense... Are you saying that you're my long lost daughter?” natatawang tanong pa n'ya.
Nagtatakang napatingin ako sa kanya habang pilit na pino-proseso sa maliit kong utak ang sinabi n'ya.
“It seems like you didn't get it...” Napabuntonghininga siya bago muling nagsalita. “...I'm Ashteroh Alexeev, little burglar.”
Napaawang ang labi ko sa sinabi n'ya. Kulang na lang yata ay pasukan ng langaw ang bibig ko.
“Wait lang, pare... Sinasabi mo bang ikaw si Ashteroh Alexeev? Y-Yung matandang uugod ugod, i-ikaw 'yon?” tila hindi makapaniwalang tanong ko.
Mas lalo n'yang inilapit ang mukha sa akin. “Mukha ba akong matandang uugod ugod sa paningin mo?” nakangising tanong n'ya.
Hindi siya mukhang matandang uugod ugod, mukha siyang model, artista, at macho dancer na pinagpala sa kagwapuhan at magandang katawan... hindi ganito ang matandang uugod ugod.
Napapikit ako nang mariin. Gusto kong sapakin si Cheese ngayon din. Ngayon lang sumabit nang ganito ang impormasyon na binigay n'ya sa 'min. Laging legit ang mga impormasyon n'ya. Pero ang bobo n'ya ngayon, ipapahamak ako ng katangahan n'ya, tangina.
“Hehe, sorry na boss. Sabi ng nanay ko Ashteroh Alexeev daw pangalan ng tatay ko, baka ibang tao 'yung tinutukoy n'ya. Please pakibitiwan na lang ako para magawa ko na ang misyon kong hanapin ang totoo kong tatay,” sabi ko saka nag-peace sign sa kanya.
Grabe na 'tong moment na 'to. Hindi ko inakala na siya si Ashteroh Alexeev. Bakit 'yung matandang uugod ugod na inaasahan ko eh gwapong macho pala? Sana may magic na lang ako para mawala na 'ko rito.
Tangina, kung ano-ano tuloy ang naiisip ko. Ganito ako kapag nawawalan na 'ko ng pag-asa sa mundo.
“Okay, let's just stop this nonsense conversation. I'll take you to the police station now,” sabi n'ya saka binitiwan ang buhok ko at braso ko naman ang hinawakan. Hinila n'ya ako patayo. Agad ko namang hinawakan ang braso n'ya para pigilan siya.
“S-Saglit lang naman, boss. Bakit mo naman ako ipapakulong nang walang dahilan? Tree passing lang naman ang ginawa ko, e. Palagpasin mo na lang, boss,” tila nagpapaawang sabi ko.
Muli n'yang pinindot ang parang remote na hawak n'ya. Napapitlag na lang ako nang bumukas ang ilaw sa paligid. Hinila n'ya ako papuntang first floor.
“Look at my house, little burglar. My expensive vases, my paintings, and some of my things are now gone. It seems like your friends took all those with them. They're not ordinary thieves, huh...”
Kahit papa'no nakahinga ako nang maluwag dahil mukhang may napala naman kami sa pagpunta namin dito. Siguro naman sapat na ang mga 'yon para mapagamot sina Pacing.
Natigilan ako nang basta ako nito tinulak. Napangiwi na lang ako nang bumagsak ako sa sahig. Tangina naman talaga 'tong taong 'to! Napakasama ng ugali.
“Kailangan mong bayaran sa 'kin ang ninakaw ng mga kaibigan mo,” sabi n'ya habang malamig na nakatitig sa 'kin.
Napakunot ang noo ko. “Paano ako makakasiguro na may ninakaw nga ang mga kaibigan ko? Saka bakit ako ang magbabayad no'n?!” asik ko.
“There's a lot of CCTVs here, we can check it if you want. I know my house and the things inside my house... Alam ko kung ano ang mga nawala.” Hinawi n'ya ang blond n'yang buhok.
“Hindi ko babayaran kung meron man, siraulo ka ba? Saka isipin mo nga, paano mababayaran ng tulad ko ang mga 'yon?!” Napaismid ako.
Napangisi siya habang nakatitig sa 'kin.
“Work for it with your body,” sabi n'ya saka napahawak sa ibabang labi n'ya.
Napasinghap ako... Body? As in katawan ko?!
“Siraulo ka palang manyakis ka, e!” singhal ko.
Natawa siya sa reaksyon ko. “Mali ka ng iniisip. Ang ibig kong sabihin, magiging magnanakaw ka para sa 'kin... I can see that you're not an ordinary thief either. Nagkamali ka lang talaga ng ninakawan,” mayabang na sabi n'ya. Lihim na napaismid ako.
“Sorry pero kailangan kong tumanggi. Hindi ako nagnanakaw para sa iba,” sabi ko na lang saka inirapan siya.
“Do you want to go back with your friends?” biglang tanong n'ya.
Umupo siya sa couch habang nakatitig sa 'kin. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko saka tumango... Dapat n'ya pa bang itanong 'yon? Malamang gusto ko.
Natigilan ako nang mapansing kinuha n'ya ang cellphone n'ya mula sa bulsa saka may pinindot do'n. Makalipas pa ang ilang saglit, may mga lalaking nagpasukan dito sa loob. Mukha silang mga mafia gangsters sa mga palabas. Puro sila nakaitim... Tangina, may lamay ba?
Tumayo si Ashteroh at lumapit sa isa n'yang tauhan. Kinuha n'ya ang baril mula sa lalaki saka inihagis 'yon sa tapat ko. Bahagya akong napaatras habang nakatingin sa baril.
“Hey, little burglar... Can you kill me?” tanong n'ya saka nakapamulsang lumapit sa 'kin.
“H-Ha?” Kill? As in patay? Papatayin ko siya?
Napakamot siya sa kilay n'ya. “Kaya mo ba akong patayin? Kapag binaril mo 'ko, wala ng pakialam sa 'kin 'tong mga tauhan ko dahil patay na ang amo nila... Makakatakas ka,” sabi n'ya habang seryosong nakatingin sa 'kin.
Napalunok ako at umiling. “H-Hindi ko kayang pumatay,” nauutal na sabi ko.
Oo nga at kasalanan ang magnakaw, pero hinding hindi ako papatay ng tao kahit anong mangyari.
“Ah, is that so? Too bad, it's your only chance to escape from here without any problem.” Napabuntonghininga siya.
Natigilan ako nang may kinaladkad na lalaki ang isang tauhan n'ya. Hinablot ni Ashteroh ang kawawang lalaki saka inihagis sa tapat ko.
“That man is a thief too. He infiltrated this place last night.” Muling kumuha si Ashteroh ng baril mula sa isa n'yang tauhan.
Wala ako masyadong naintindihan sa sinabi n'ya pero tumango na lang ako para magmukhang may naintindihan naman ako.
“You said you can't kill people... but I can.” Pagkasabi n'ya no'n, basta na lang n'ya binaril ang lalaki.
Nanlaki ang mga mata ko nang kumalat sa sahig ang dugo nito. Tila hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Ilang beses pa 'kong napakurap at sinampal nang mahina ang sarili ko para siguruhin na hindi ako nananaginip.
“Ipapaliwanag ko sayong maigi, kaya makinig ka...” sabi n'ya saka lumapit sa 'kin. Hinawakan n'ya ang panga ko at inangat ang mukha ko para magtagpo ang tingin naming dalawa.
“You can escape from here and go back with your friends... but I can hunt you down in just a snap of finger. I can kill you along with your friends once I found you,” sabi n'ya saka hinawakan nang mahigpit ang panga ko. Napaigik ako sa ginawa n'ya.
Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko naintindihan ko nang buo ang sinabi n'ya kahit english 'yon... dahil siguro nakakatakot ang mga sinabi n'ya, agad na nagproseso 'yon sa isip ko.
“I-Ipakulong mo na lang ako kung gano'n!” singhal ko, pilit kong pinapatapang ang sarili kahit natatakot ako sa nangyayari.
Mukhang hindi basta basta ang Ashteroh Alexeev na 'to. Nagkamali nga yata talaga kami ng ninakawang mansyon.
“Yes, I can do that too, thief... But I will still hunt your friends down and kill them,” sabi n'ya saka bahagyang ngumiti.
Pakiramdam ko nagtayuan ang mga balahibo ko sa ngiti n'yang 'yon. Tila ba sinasabi ng ngiti n'ya na kayang kaya n'yang gawin ang sinabi n'ya.
Napalunok ako habang pinagpapawisan ng malamig. Ano na bang gagawin ko? Kahit anong gawin ko, papatayin n'ya pa rin sina Chinu. Hindi imposibleng patayin n'ya kami ng mga kaibigan ko dahil kitang kita ko ngayon na tila wala lang sa kanya ang pumatay ng tao.
Kumalma ka, Nathalie. Mag-isip ka nang maigi.
“What's your name?” tanong n'ya habang nakatitig pa rin sa 'kin.
Hindi ako sumagot... Ngunit napasinghap ako nang itutok n'ya ang baril sa noo ko.
“I'll ask you again, thief... what the f**k is your name?” mariing tanong n'ya sa nakakatakot na boses.
Napalunok ako. “N-Nathalie po, boss,” tila maamong tupa na sabi ko.
“Nathalie...” Hinawakan n'ya ang damit ko at hinila ako patayo saka inilapit ang mukha ko sa kanya. Napalunok na lang ako dahil halos maduling ako sa lapit ng mukha namin sa isa't isa.
“Pwede mo pang baguhin ang mangyayari kung papayag ka sa gusto ko,” bulong n'ya.
Napakapit ako nang mahigpit sa damit ko. Tangina this talaga. Tangina ni Cheese, tangina ni Ashteroh, tangina ng lahat!
“A-Ano ba kasing gusto mo?” nauutal na tanong ko.
Napangisi siya. “Sinabi ko na kanina, diba?”
“U-Ulitin mo po, boss,” sabi ko saka napakagat sa loob ng pisngi ko.
Hindi ako sanay na ganito makipag-usap sa ibang tao. Tangina lang talaga, e. Sana talaga makaganti ako nant matindi sa kanya. Sana mabasag ko ang itlog n'ya kahit isang beses lang.
“Magtrabaho ka sa 'kin, Nathalie. Magnakaw ka para sa 'kin...”
Napaawang ang labi ko. Iyon pa rin ba ang gusto n'ya? Anak ng tinapa naman oh. Ayoko pa naman ng nagtatrabaho sa ibang tao.
“Once you agree, I won't lay a finger on your friends... Mabait naman ako, e,” sabi n'ya saka binigyan ako nang kakaibang ngiti.
Sino ba naman ang maniniwala sa sinabi n'ya matapos n'yang pumatay ng tao sa harapan ko?!
Napabuntonghininga ako saka tumango. Wala na rin naman akong ibang pagpipilian sa ganitong sitwasyon. “S-Sige na, pumapayag na 'ko, boss. Boss na kita simula ngayon, hehe,” sabi ko saka nag-thumbs up sa kanya.
Napangiti si Ashteroh. “Good decision.”
Tatakasan ko na lang siya... Basta, ewan, bahala na!
“But remember this, Nathalie... If you try to escape, I'll hunt you and your friends down... and I'll kill you all in the worst way possible.”