Chapter Four

2666 Words
Club dei... ano raw? Wala akong naintindihan dahil mukhang ibang luggage din naman ang sinabi n'ya. Hindi tunog english 'yon, e. Siguro Chinese? Ay ewan, ayoko na masyadong mag-isip, hindi bagay sa 'kin. Ganda lang talaga meron ako. “Hehe, thank you, boss number two,” sabi ko na lang saka ngumiti nang matamis sa kanya. Kung si Ashteron ang boss ko, siguro siya ang boss number two. Eh teka, 20 silang lahat dito eh? Hay, ang dami ko namang boss kung gano'n. “I'm not your boss yet, young lady... Cad, explain it to her. This is so draining,” sabi ni boss number two... Ay, hindi ko pa raw siya boss... bale Zakarius muna. Naglakad na si Zakarius pabalik sa upuan n'ya saka ipinikit ang mga mata n'ya. Hindi ko alam kung anong nakakapagod sa ginawa n'ya, e nagsalita lang naman siya. Mukhang hindi lang siya psychology, mukhang tamad din siya. Lumapit sa akin 'yung lalaking mukhang friendly. Infireness, pogi rin ang isang 'to. Sadyang mukha lang gagawa ng kalokohan. “Hi, lods Nathalie... Ako nga pala si Cad. Nagpakilala na 'ko kanina pero mukhang 'di mo napansin. Pero okay lang, ito lang kasi ako,” sabi n'ya sa akin. Sadboi ng pinas yata ang lalaking 'to. “Okay, Cad Toth,” sabi ko na lang. Napakunot ang noo n'ya. “C-Cad Toth?” tila nagtatakang tanong n'ya. “Mukhang wala kang apelyido kaya bibigyan kita. Bagay yata sa 'yo ang Toth... Okay lang 'yan, marami na akong nabigyan ng apelyido kaya h'wag ka ng mahiya,” sabi ko saka tinapik nang marahan ang braso n'ya. Medyo hawig n'ya si Kenan Toth kaya parehas na lang sila ng apelyido. Natawa si Cad at napasabunot sa sarili n'yang buhok. “Tangina, Ashteroh. Bakit ka nagdala ng babaeng mas malakas ang trip sa 'kin? Hindi ko matanggap, pare. Ako lang dapat 'yung number one, e,” tila nadidismayang sabi ni Cad at napailing pa. Ano bang pinagsasasabi ng siraulong 'to? Ako na nga ang concert sa kanya, e. “Okay, Ma'am Nathalie. Ako na si Cad Toth... By the way, let's go na, lods. Magsisimula na ang try out mo para matanggap na tauhan ng feroci,” sabi ni Cad saka umakbay sa akin. Ang sosyal naman, may try out pa... Pero ano ba 'yung try out? “Wala bang sasama sa inyo? Ako lang talaga ang mag-g-grade kay Nathalie?” tanong ni Cad saka nilingon ang mga lalaki na parang may mga sariling mundo. Sineseryoso ba talaga nila 'to? Kinakabahan ako kanina pero nabawasan dahil mukha namang walang pake ang mga 'to, maski na ang leader kuno nila na si Zakarius mukhang inaantok lang. “Kaya mo na 'yan, i-summarize mo na lang 'yung mangyayari,” sabi ng isang lalaki habang nagce-cellphone. “Zak, bayaran mo 'ko rito. Tangina, walang nakakapag-utos sa 'kin ng libre,” paghihimutok ni Cad. Tumango na lang si Zakarius habang nakapikit pa rin. Lumaki naman ang ngiti ni Cad. Wowers, mukhang pera ang isang 'to ah. Lumabas na kami ng headquarters nila na 'to. Nakaakbay sa 'kin si Cad habang si Ashteroh naman nakasunod lang sa likuran namin. Pasimple ko siyang nilingon... Sasama rin siya? Nakalabas na kami sa parang gubat na pagdadaanan bago makapasok sa headquarters nila. Infireness, ayos din 'yung parang gubat na pagdadaanan. Hindi kita ang headquarters nila dahil sa matataas na puno. “Pareng Ashteroh, ikaw na ang mag-drive,” sabi ni Cad. Sumakay na kami sa kotse. Nasa backseat kami ni Cad habang si Ashteroh ang nagmamaneho. Saan naman kaya kami pupunta? Baka dalhin nila ako sa liblib na lugar tapos doon ako patayin? Tangina. Ito na nga yata talaga ang katapusan ko. Hindi ko man lang naranasan makahalik ng lalaki sa buhay na 'to. Halikan ko na lang kaya 'to si Cad bago nila ako patayin para 'di na 'ko lugi sa nga huling sandali ko? “Nathalie, sabi ni Ashteroh sobrang galing mo raw mag-english. True ba 'yon, lods?” tanong ni Cad. Napasinghap ako at napangiti saka napatingin kay Boss Ashteroh. “I said it in a sarcastic manner, Cad. Bobo ka ba?” sarkastikong sabi ni Ashteroh. “Hala, boss. Thank you very much. I know that you is said amazing in my english. Ah! Boss, I'm really appreciates it. Don't worries, boss. I spokening in english always and forever.” Napapalakpak pa ako. Napahagalpak ng tawa si Cad at napahampas pa sa tuhod n'ya habang panay ang tawa. Pinigilan ko ang sarili na batukan siya. Kita n'yang nagpapasalamat ako kay boss Ashteroh, e. Pa-epal. “Gago, mas malakas talaga trip mo kaysa sa 'kin. Ashteroh, kapag hindi nakapasa 'to... Ako na lang aampon, tangina. Sobrang laptrip ng babaeng 'to,” natatawang sabi pa ni Cad. “No, we will kill her if that happens... That's the rule,” sabi ni Ashteroh. “KJ,” bulong ni Cad. Hay nako. Kill na naman. Balak yata talaga nila akong patayin. Kasalanan talaga ni Cheese Moza ang lahat ng 'to. Mula ngayon, naglalakad na fake news na lang ang tingin ko sa kanya. Hindi na siya realball source. Natigilan ako nang tumigil na ang kotse. Agad na bumaba ng kotse sina Cad at Ashteroh kaya bumaba na lang din ako. “Nathalie, alam mo ba ang dapat mong gawin para hindi ka mapatay?” tanong ni Cad saka muling umakbay sa 'kin. Napaismid ako. “Siyempre hindi. Hindi naman ako manghuhula 'no,” bulong ko. “Ay gano'n ba? Sorry, lods ha.” Napakamot siya sa batok n'ya. “Nakikita mo ba 'yang mansyon na 'yan?” tanong n'ya saka itinuro ang mansyon mula sa di kalayuan. “Hehe, siyempre naman, Cad Toth. May mata ako, e,” sabi ko na lang. “Kailangan mong nakawan 'yan. Kapag umabot sa mahigit isang milyon ang halaga ng mananakaw mo sa mansyon na 'yan, pasado ka,” paliwanag n'ya. Napahawak ako sa baba ko habang nakatitig sa mansyon. Mas malaki ang mansyon ni Ashteroh sa isang 'to at mas maraming guard sa front gate... pero mukhang mas madaling lusutan ang mga blind spot dito. Pero hindi dapat ako makampante dahil sumabit ako kay Ashteroh. Saka hindi ako sigurado kung may nakabantay rin kapag nakapasok ako ng gate. Kailangan ko munang pag-isipan ang kilos ko. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakatitig sa mansyon. Naglakad lakad din ako para libutin ng tingin ang paligid no'n. Hindi naman nagsasalita sina Cad at nakatingin lang sa ginagawa ko. “Isang milyon... pera lang ba? O pwede na kahit gamit?” tanong ko habang nakatitig pa rin sa bahay. “Kahit ano, Nathalie. Basta isang milyon mahigit ang halaga,” sabi naman ni Cad. Napahawak ako sa kilay ko habang nag-iisip. Medyo mahihirapan ako sa isang 'to lalo na kung mag-isa lang ako. Mahalagang factor sina Chinu, Ken, at Kuyu sa mga ganitong klaseng nakawan. Kahit naman magaling ako sa ganito, may limitasyon din. Pero kung hindi ko gagawin 'to, papatayin ako ng mga gagong 'to. “Pwede bang maghanda muna 'ko ng gamit gaya ng malaking bag, mga gamit pang-unlock ng pinto, saka kahit anong panghampas na rin kung sakaling sumabit ako,” sabi ko na lang habang sinusuri pa rin ng tingin ang mansyon. “Gago, bakit tumatalino siya sa ganito?” Narinig kong bulong ni Cad kay Ashteroh. Napakamot na lang ako sa batok ko. Okay, fine. Iisipin ko na lang na couple meant ang sinabi n'ya. Palagi naman kasi akong napupuri sa ganitong bagay. “H'wag kang mag-alala, Nathalie. Nakahanda na 'yan,” sabi ni Cad saka binuksan ang likuran ng kotse, yung nilalagyan ng mga gamit. Ano ngang tawag do'n? Apartment? Nanlaki ang mga mata ko nang makitang maraming kung ano-ano ro'n. May bag din na mapaglalagyan ko ng nanakawin ko. Grabe, pinanganak na handa yata si Cad Toth. “Magnanakaw rin kami gaya mo kaya alam namin ang mga ganyang bagay,” nakangising sabi ni Cad. Nanlaki ang mga mata ko. “Bakit pa kayo nagnanakaw eh mukha naman kayong mayaman? Lalo na si boss Ashteroh,” nagtatakang tanong ko. “Hindi mo maiintindihan kahit i-explain ko. Ito na lang...” Tinapik n'ya ang balikat ko. “Alam mo ba kung bakit sa 'kin nakabase kung papasa ka o hindi?” tanong n'ya. Napailing ako. Bakit ba siya tanong nang tanong sa mga bagay na hindi ko alam ang sagot? Kairita siya for real. “Sa feroci, ako ang pinakamagaling magnakaw. Kahit 'tong si Ashteroh na malakas ang pakiramdam nananakawan ko, e. Kahit gaano kahigpit ang security ng isang lugar, kaya kong pasukin at nakawan... Kaya galingan mo, lods. Babantayan kita,” sabi ni Cad saka ngumisi sa akin. Napalunok ako saka napatango. Biglang nagliyab pagiging competitiontive ko. Ayaw kong magpatalo sa kanya. Malakas ang pakiramdam ko na mas magaling talaga siya sa akin kaya medyo kinakabahan ako... at naiirita rin. Kinuha ko na ang bag at ibang kailangan ko lang talaga. Inayos ko ang bonet na suot ko saka huminga nang malalim. Umalis na ako at agad na nagtungo sa likod na parte ng mansyon. Medyo mahirap akyatin 'to kumpara sa gate ni Ashteroh pero keri naman... Agad kong nilibot ang tingin ko kung may CCTV at guard sa paligid. Nakahinga ako nang maluwag nang mapansing walang guard. Agad akong tumalon pababa. Medyo mataas ang gate kaya naging mahirap ang pag-landing ko. Kung nandito lang talaga sina Chinu, malamang sisiw lang 'to. Pasimple kong pinasok ng likod. Nakabukas ang pinto at may katulong na nagwawalis doon. Laking pasasalamat ko nang may tumawag sa kanya na isa pang katulong kaya lumapit siya ro'n. Mahalaga na sa akin ang ganitong madalang na pagkakataon. Mahirap sa iba ang daanin ang ganito pero sisiw lang sa 'kin ang kumilos ng mabilis pero walang ingay... Tahimik na pumasok naman ako at nilibot ang tingin ko kung may CCTV o bantay. Agad akong napatago sa malaking vase nang mapansin kong may CCTV sa isang pwesto. Muli kong nilibot ang tingin ko. Walang masyadong tao sa mansyon na 'to pero may ilang CCTV. Agad na lang akong dumaan sa blind spot ng CCTV at dahan dahang nagtungo sa malapit na pinto. Naging madali lang naman sa akin ang pag-alis ng pagkakalock no'n. Agad na kong pumasok sa loob. Maraming alahas na nakatago sa kwartong pinasukan ko. Hindi naman ako nag-aksaya ng oras at tahimik na inilagay ang mga 'yon sa bag. Sa tingin ko babae ang may-ari ng silid na 'yon dahil maraming mamahaling alahas sa mga drawer n'ya na sa tingin ko ay collection n'ya. Tangina, dito pa lang sa kwartong 'to, tiba tiba na. Sinubukan kong pasukin ang ilang kwarto pagkatapos no'n. May mga nakuha akong pera at mga alahas. Medyo mabigat na ang bag na bitbit ko kaya hindi na 'ko pumasok sa iba. Buti na lang at malakas ako sa kabila ng pagiging babae ko. Palagi rin kasi akong nag-eensayo kasama si Ken kaya sanay na rin ako magbuhat ng mabibigat. Isa sa pinakamahirap ang paglabas dahil malamang hindi na 'ko seswertehin ulit gaya ng kanina. Inihanda ko na lang ang pang-kuryente na isa sa mga gamit ni Cad kung sakali. Lugi ako kung sa may baril ako sasabit, kaya kailangan ko talagang mag-ingat. Napilitan akong manguryente ng ilang katulong na nadaanan ko para makalabas. “Sorry mga ate. Trabaho lang po,” bulong ko at dahan dahang inihiga ang isang katulong na nawalan ng malay. Napangiwi ako nang makita ako ng isang guard. Agad naman siyang nagsisigaw nang makita ako. Napamura na lang ako at dali daling inakyat ang gate. Medyo mahirap dahil may bitbit ako. Kinuha ko ang bag na hawak ko at agad na hinagis 'yon sa labas. Tinalon ko na lang palabas nang nasa pinakataas na ako ng kate. Nasugatan pa ang binti ko pero hindi ko na lang ininda. Hindi lang naman ito ang unang beses na nasugatan ako. Marami pang mas malala. Agad kong kinuha ang bag at mabilis na tumakbo. Natanawan ko sina Cad at Ashteroh na naghihintay sa akin. Agad ko namang inihagis kay Cad ang bag na nasalo naman n'ya. “Wow, lods. Ang bigat nito ha. Nabitbit mo 'to?” nakangising tanong n'ya. Hinihingal na napasapo na lang ako sa dibdib ko. “O-Oo, may humahabol sa 'kin. Alis na tayo!” sabi ko habang hinahabol pa rin ang hininga ko. Napatango na lang si Cad saka iginiya ako papasok sa kotse. Agad din naman silang sumakay ni Ashteroh at pinaharurot ang sasakyan. Napabuga ako ng hangin at tila nakahinga nang maluwag nang makalayo na kami. Tangina, ngayon na lang yata ulit ako napagod nang gamito sa pagnanakaw. Na-miss ko tuloy bigla 'yung nakaw squad ko. Hindi talaga ako mapapagod nang ganito kung nandito sila. “Wow, tangina. Ang galing mo, p're. Ang dami nito oh, ang bigat pa,” tila namamanghang sabi ni Cad habang hinahalungkat ang laman ng bag. Napapikit na lang ako at nagthumbs up. Ako pa ba? Si Ashteroh lang naman ang pa-epal na sumira ng malinis kong record sa pagnanakaw. Bumaba na rin agad si Cad ng kotse bitbit ang ninakaw ko. Ipapa-check na raw n'ya kung magkano ang halaga no'n at tatawag na lang kay Ashteroh para sa resulta. Pagod na pagod pa rin ako nang makarating na kami sa mansyon ni Ashteroh. Tangina, para na 'kong mamamatay sa pagod. “What are you waiting for? Get off my car,” sabi ni Ashteroh nang pagbuksan ako ng pinto. “Wait lang naman, boss. Ang sakit pa ng katawan ko, e,” reklamo ko naman. Hindi na siya nagsalita at basta na lang ako pinagsarhan ng pinto. Napaawang na lang ang labi ko nang talikuran na ako nito saka naglakad na palayo. Awit talaga 'to si boss. Napakabait! Agad akong lumabas ng kotse at walang pasabing pumasan sa likod n'ya. Napamura naman siya sa ginawa ko. “Boss naman, kawawa naman ako. Tingnan mo nga oh, may sugat pa 'ko,” sabi ko saka itinuro ang binti ko. Hindi na lang siya nagsalita at humawak sa mga hita ko at inayos ang pagkakapasan ko sa likod n'ya. Lihim na napangisi ako. Wow, ano'ng nakain n'ya today? Ang bait yata n'ya. “May posibilidad na ngayong gabi ka na mamamatay kaya magpapakabait ako sa 'yo ngayon,” sabi naman n'ya. Ay tangina. Binabawi ko na ang sinasabi ko. Hindi siya mabait. Not today and always and forever in this lifeline! Nakapasok na kami sa loob. Dinala n'ya ako sa silid ko at basta na lang ibinagsak sa kama. Napaismid na lang ako. Tangina talaga nito. Nagtungo si Ashteroh sa malapit na cabinet saka may kinuhang parang first aid kit. Lumapit siya sa 'kin at lumuhod sa harapan ko. Napangiwi na lang ako nang basta nito inangat ang laylayan ng jogging pants na suot ko. Pinanood ko na lang siya habang ginagamot ang sugat ko. Bumabait ba talaga siya sa mga tao bago n'ya patayin? Siguro ginagawa n'yang mapayapa ang pagpunta ko sa kabilang buhay. Ayoko pa kayang mamatay. Hindi ko pa natutupad ang pangarap kong mabasag ang itlog ni Boss Ashteroh. Natigilan lang kami nang tumunog ang phone ni boss. Agad n'yang kinuha 'yon saka sinagot ang tumawag sa kanya. “Cad... Oh, is that so? Okay, I'll tell her,” sabi na lang nito saka agad na binaba ang tawag. Napalunok ako at napahawak nang mahigpit sa damit ko. Mukhang iyon a ang resulta... Agad akong pinagpawisan nang malamig. Ito na ba ang huling moments ko sa earth? “The total value of everything you stole from that mansion is 2.5 million.” Napasinghap ako sa sinabi n'ya. Wala ako masyadong naintindihan pero naintindihan ko nang sobra 'yung 2.5 million. “That's not surprising, most of the jewelries you stole are bought from my company... And Cad said you did great. He was really surprised and amazed,” dagdag pa n'ya. Tumango na lang ako para magmukhang naintindihan ko. “By the way... Congratulations, Nathalie. You're not gonna die yet,” sabi n'ya saka ngumisi sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD