Chapter Five

2683 Words
“Hay...” Ang boring. Super duper boring. The day in the later today are super boring and it will making me wants to be in the somewhere of... Basta, hindi ko na kaya, sobrang boring talaga. Napapa-english tuloy ako. “Nathalie... wala bang inuutos sa 'yo si Sir?” tanong ni Cam, isa sa katulong ni Ashteroh. “Wala nga, e. Bored na bored na 'ko! Bakit pa n'ya ginulo ang tahimik kong buhay kung palagi lang pala akong nakahilata rito?” reklamo ko saka kumagat sa chocolate na hawak ko. Ewan ko kung kanino 'to, nakita ko lang sa ref. “Ayaw mo no'n? Masarap buhay mo. Kahit nga kami walang masyadong ginagawa rito, e. Pero grabe pa rin siya magpasweldo. Napag-aral ko nga kapatid ko dahil sa kanya,” sabi naman ni Andeng. Napangisi ako. Ibig sabihin hindi pala kuripot si Boss Ashteroh. Okay na rin pala kung gano'n, hindi na lugi. Sana bigyan n'ya ko nang maayos na porsyento sa mga nanakawan ko. Napatingin ako sa pinto ng kwarto ni Ashteroh. Nakawan ko na lang kaya siya? Baka may nakatago ro'n na hindi ko alam. Tumayo na lang ako at nagpunta sa kwarto ni boss. Hindi n'ya ugaling mag-lock ng kwarto kaya lagi ko siyang nananakawan ng mga damit. Umupo ako sa kama ni boss pagpasok ko. Simple lang naman ang design ng kwarto ni Ashteroh, pero malaki at malaki rin ang space. 'Yung halaga yata ng nagastos sa kwarto na 'to mas mahal pa ng tatlong beses sa buhay ko... Bakit kaya nagnanakaw pa sila? Lalo na si Ashteroh, mayaman naman siya. Tumayo na lang ako ulit at naghanap ng pwedeng ibulsa. Natigilan ako nang makita ang pabangong ginagamit ni boss. Kinuha ko 'yon at inamoy. Wow, ang bango. Hindi gano'ng katapang ang amoy. Pasimple kong ini-spray ang pabango sa leeg ko. Napangisi na lang ako saka ibinalik 'yon sa lagayan. Muli akong gumala sa kwarto n'ya para maghanap ng pwedeng nakawin. Napangisi ako nang makakita ng lagayan ng relo n'ya. Grabe, ang dami n'yang relo. Mukhang mamahalin pa ang mga 'to. Nasusuot n'ya ba 'to lahat o trip n'ya lang bumili nang bumili? Nagkibit-balikat na lang ako saka kumuha ng isang relo. Napatingin naman ako sa isang cabinet. May mga bracelet at kwintas do'n na panglalaki. Kumuha rin ako ng tig-isa saka nilagay sa bulsa ko. Magkano ko kaya mabebenta ang mga 'to? Bumalik na lang ako sa kama saka umupo. Kinuha ko ang remote sa gilid saka binuksan ang TV. Grabe, ang sarap naman manood sa ganitong kalaking TV. Natigilan ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Agad na iniluwa no'n si Ashteroh na naghuhubad ng blazer n'ya. Natigilan din siya nang makita ako. “Hi, boss...” sabi ko na lang saka nag-peace sign. Napailing na lang siya saka pumasok sa loob. Inilapag n'ya ang blazer n'ya sa couch saka niluwagan ang necktie n'ya. “Boss, sobrang boring na ng buhay ko. Tatambay lang ba ako rito always and forever?” naghihimutok na tanong ko. “Maghintay ka,” sabi na lang n'ya saka hinubad ang relo n'ya. Wala na ba siyang trabaho? Pero ang aga pa ah, tanghali pa nga lang yata, e. Gano'n ba talaga kapag sobrang yaman? “Boss, kailangan ko ng bumili ng mga damit para hindi na kita ninanakawan ng damit lagi. Kailangan ko rin ng bagong cellphone saka mga gamit. Kailangan ko rin ng stock ng personality citizens ko gaya ng napkin at kung ano-ano pa,” paliwanag ko sa kanya. “Personal necessities,” pagtatama n'ya sa sinabi ko. Naiinis ako. Imbis na pansinin n'ya ang hinaing ko, mas pinansin n'ya pa ang mali kong english. Grabe ng pang-aalipusta 'to. “Boss this it's too much to taking. I can't never do this like no one in this world. You is not goods, always bad like demons. I'm cry at everyday and always at night because of boringness. I wishes the egg in you will making in the crack and you is won't baby making--” “Fine, we'll go to the mall today. Just... just shut the f**k up,” stress pool na sabi n'ya at napahilot pa sa sentido n'ya. “Boss, thank pool talaga ako na pinuri mo ang english ko kay Cad. Saka mall ba ang sabi mo? Ibig sabihin pupunta tayo sa mall?” tanong ko. “Oo, magpapalit lang ako ng damit,” sabi n'ya saka hinubad ang damit n'ya. Hindi na ako nagulat nang makita ko ang abs n'ya. Nawalan na rin tuloy ako ng hiya dahil hindi siya nahihiyang maghubad sa harapan ko palagi. Bakit kaya gano'n siya? Siguro mayabang siya dahil alam n'yang maganda ang katawa n'ya. Maghubad din kaya ako sa harapan n'ya? Titingnan ko lang reaction n'ya. Napailing na lang ako at tahimik na naghintay nang pumasok siya sa banyo. Nanood na lang ulit ako ng TV. Makalipas ang ilang minuto, lumabas na rin ng banyo si Ashteroh. Nakabalot lang ng towel ang ibabang parte ng katawan n'ya gaya noong una ko siyang nakita. Napatingin ako sa kanya nang alisin n'ya ang towel. Napangisi ako habang nakatingin sa pwet n'ya. Wala yata talaga sa bukobolary ni boss ang mahiya. Akmang magsusuot na si boss ng boxer nang tawagin ko s'ya. “Boss.” “Oh?” tanong n'ya saka saglit na napalingon sa akin. “Ang cute ng pwet mo. Kapag close na ba tayo pwede ko 'yang pisilin?” tanong ko. Humarap sa 'kin si boss nang makapagsuot na siya ng boxer. Ibinato n'ya sa mukha ko ang towel na ginamit n'ya... Wow, ang bango. “Mind your own ass,” masungit na sabi n'ya saka kumuha ng pants at sinuot 'yon. “Edi don't,” bulong ko saka binato rin sa kanya ang towel n'ya. Sinabi ko lang 'yon pero disappointedment talaga ako. Mukhang hanggang tingin lang ako sa cute n'yang pwet. “Let's go,” sabi ni Ashteroh pagkatapos n'yang magsuot ng medyo fitted na t-shirt. Halatang halata tuloy ang macho n'yang katawan... Mayabang talaga siya. “Wait lang, papanoorin ko lang 'tong part na 'to,” sabi ko saka napalingon sa TV. Kainis, na-distaction kasi ako sa pwet n'ya. Lumapit sa 'kin si Ashteroh at hinablot ang remote mula sa 'kin... ngunit natigilan siya saka napatitig sa 'kin. Napakurap na lang ako nang itinukod n'ya ang tuhod sa kama saka walang pasabing hinablot ang damit ko. Napalunok ako nang ilapit n'ya ang mukha sa leeg ko. Napalunok ako at bahagyang napapitlag nang dumampi ang tungki ng ilong n'ya ro'n. Mas lalo akong kinilabutan nang maramdaman kong inaamoy n'ya 'yon. Agad din n'yang inilayo ang mukha sa akin saka tiningnan ako nang masama. “Did you use my perfume?” tanong n'ya. Ah, siguro tinatanong n'ya kung ginamit ko ang pabango n'ya. Napakamot na lang ako sa batok ko. “Kaya nga kailangan ko ng bumili ng personality citizen para hindi na kita ninanakawan lagi,” bulong ko na lang. Napasinghap ako nang hawakan ni Ashteroh ang dalawang kamay ko gamit lang ang isa n'yang kamay. Ang isang kamay naman ay ginamit n'ya sa pagkuha ng laman ng bulsa ko. Napasimangot na lang ako nang lumayo na siya sa 'kin saka binatukan ako. “Aray! It like hurtings me!” reklamo ko. Ibinalik n'ya ang relo at alahas na ninakaw ko sa drawer n'ya. Napaismid na lang ako. “Tangina, ikaw lang ang nakilala kong ganito. Halika na nga! Babatukan ulit kita, e,” naiinis na sabi n'ya saka hinablot ang susi ng kotse n'ya. Naiinis na tumayo ako at sumunod sa kanya. “Violets agains womans talaga 'to,” bulong ko habang nakasunod sa kanya. Sumakay na kami agad sa kotse nang makalabas kami. Hindi ako masyadong nagsalita dahil nanghihinayang ako sa dalawang bagay. Una, binawi n'ya ang ninakaw ko. Pangalawa, hindi ko na yata mapipisil ang pwet n'ya always and forever. Nakarating din kami sa mall makalipas ang ilang minuto. Agad akong bumaba dahil bumaba na rin si boss. Sumunod na lang ako sa kanya nang pumasok siya sa mall. “Boss, dito ako bibili ng mga personality--” “Personal necessities,” pagtatama n'ya na naman sa sinabi ko. “Oo, basta 'yon. Dito ko sa mall bibilhin 'yon pero 'yung mga damit, sa ukay ukay na lang. Malapit lang dito sa mall 'yon. Mas makakatipid tayo,” sabi ko habang pilit na humahabol sa malalaking hakbang n'ya. Grabe, sobrang incondense rate naman n'ya sa babae. Wala siyang pakialam kahit hindi ako makahabol sa lakad n'ya. “Ano 'yon?” nagtatakang tanong ni boss. “Yun yung mga second-hand na mga damit. Kailangan lang labhan 'yon nang maigi pero okay na,” sabi ko naman. “Dito ka na lang bumili. Ako naman ang gagastos,” sabi na lang n'ya. “Okay, fine. Hindi na lang ako titingin sa presyo.” Baka maloka ako. Hindi ako gumagastos sa damit ng mahigit sa 250. Sumama lalo ang mukha ko dahil ang bilis talaga maglakad ni Ashteroh. “Boss naman! Excitement ka ba masyado? Hindi na ako makahabol sa 'yo. Bagalan mo naman maglakad!” reklamo ko. “Pwede ba h'wag kang maingay?! Nasa mall tayo!” asik n'ya. Napairap na lang ako nang napatingin sa 'min ang ibang tao dahil maski siya sumigaw rin naman. “Galit na galit gusto manakit... Sobra na 'to. I'm so can't taking of this. I hate you, boss. What is the kinds of boss you are? Selfish and making me difficult,” reklamo ko habang pilit na sumasabay sa lakad n'ya. Natigilan si Ashteroh nang walang pasabing pumasan ako sa likod n'ya. Sinubukan n'yang alisin ako pero mas hinigpitan ko ang kapit sa kanya. “Boss, ang bilis mo kasi maglakad. Nahihirapan na 'ko!” reklamo ko pa. Napabuga ng hangin si Ashteroh. Napangiti ako nang hindi na lang siya pumalag. Iniyakap ko ang mga hita ko sa baywang n'ya. “I should have just killed you.” Narinig kong reklamo n'ya. Kill lang naman ang naintindihan ko. Naglakad na lang siya kahit nakapasan ako sa likod n'ya. Napapatingin sa 'min 'yung mga dumadaan pero mukha namang wala siya pake. Sabagay, naghuhubad na nga lang siya basta sa harapan ko, e. Nagtungo na kami sa bilihan ng mga damit. Agad akong umalis sa pagkakapasan sa kanya at agad na tumingin ng mga damit. “Boss, pigilan mo 'kong tumingin sa price lag. Baka himatayin ako,” bulong ko sa kanya na nakikitingin din ng damit sa tabi ko. “Price tag,” pagtatama n'ya sa sinabi ko. Nagtingin tingin na lang ako ng mga damit. Buti na lang maraming t-shirt dito. Natigilan ako nang mapatingin sa hanay ng mga panty. Napangisi ako nang makakita ng sea true na panty. Kapag sinuot ko 'to, malamang makikita pa rin ang perlas ng silanganan ko. “Boss, tingnan mo 'to.” Pinakita ko sa kanya ang panty. “Oh?” masungit na tanong n'ya. “Bilhin mo rin 'to. Susuotin ko,” sabi ko saka nagtaas-baba ng kilay. “Tigilan mo 'yan,” sabi n'ya saka kinuha mula sa 'kin ang panty. “Akin na nga!” asik ko saka muling kinuha sa kanya 'yon. Type n'ya rin ba ang panty na 'to? Muli n'yang kinuha sa 'kin ang panty pero tumalsik 'yon nang hinablot n'ya. Napaawang na lang ang labi ko nang sumapul iyon sa ulo ng kalbong lalaki na may malaking katawan na namimili ng damit mula sa di kalayuan. Agad na sumama ang mukha ng lalaki. Nagkatinginan kami ni Ashteroh. Makalipas lang ang ilang saglit, agad akong tumakbo palabas ng store na 'yon. Agad din namang tumakbo si Ashteroh at sumunod sa akin. Napapatingin sa 'min ang mga tao pero wala na kaming pakialam do'n. Ang mahalaga lang sa 'kin ay makaligtas. Hinihingal na umupo kami sa bench nang makalayo na kami. Agad kong tiningnan nang masama si Ashteroh at hinampas ang braso n'ya. “Boss, bakit ka tumakbo?!” naiinis na tanong ko. “Because you did run first!” sagot naman n'ya. “Nakaka-stress pool ka, boss. Bakit mo naman hinagis 'yung panty sa lalaki?” Sinapo ko ang dibdib ko. “Akala ko talaga katapusan ko na,” dagdag ko pa. Napahilot si Ashteroh sa sentido n'ya. “Tangina, bakit ba ako tumakbo?” naiinis na tanong n'ya. “This is all your fault! Nahahawa na 'ko sa kabaliwan mo,” paninisi n'ya sa akin. Napaismid ako. “Sus, baka naduwag ka lang do'n sa lalaki kanina kasi ang laki ng katawan. Parang sa mga wrestling,” pang-aasar ko sa kanya. Natawa nang mapakla si boss. “I'm feroci's best fighter, Nathalie. Kayang kaya ko patumbahin 'yon. Nadala lang ako dahil tumakbo ka,” naiinis na sabi naman n'ya. “Sus, h'wag ka na mahiya sa 'kin, boss. Magaling ka lang kapag may baril ka. Okay lang 'yan,” pang-iinis ko pa. Napabuntonghininga si boss, tila pinapakalma ang sarili. Itinikom ko na lang ang bibig ko dahil baka patayin n'ya 'ko pag-uwi namin. Bumalik na kami sa pamimili. Marami rin akong nabili na mga damit at personality-- personal necessities... Improving na talaga ang english ko. Nagpabili na rin ako ng cellphone para maka-connect na 'ko sa wifi nina Ashteroh. “Boss, hindi ka ba manlilibre ng pagkain?” tanong ko saka basta na lang pinaghahagis ang mga pinamili namin sa backseat ng kotse n'ya. Napilitan si Ashteroh na ilibre ako strict food sa labas ng mall nang mangulit ako. Na-miss ko kumain nito kasi hindi uso ang mumurahing pagkain sa mansyon ni Ashteroh. “Boss, ayaw mo ba?” pag-aalok ko sa kanya ng fishball. “Ayoko,” mabilis pa sa kidlat na tanong n'ya. “Edi h'wag.” Tumuloy na lang ako sa pagkain. Napatingin ako sa kinakain n'ya na waffle, binili n'ya kanina 'yon sa mall. Ngayon n'ya lang kinakain... Masarap kaya 'yon? “Boss, pakagat n'yan,” sabi ko saka ininguso ang kinakain n'ya. Inilapit n'ya sa 'kin ang waffle. Napangiti naman ako at agad na kumagat pero nagulat na lang ako nang isalaksak n'ya 'yon sa bibig ko. “Tama 'yan, mukha kang ewan,” sabi n'ya saka tinapik ang balikat ko saka naunang naglakad. Napaubo ako habang hinahampas ang dibdib ko. Walangyang lalaki 'yon. Sobrang pang-aalipusta na 'to! Hinabol ko siya at agad na itinulak. Natawa ako nang muntik na siyang sumubsob sa isang kotse. Tumakbo na lang ako agad nang habulin n'ya 'ko. Napansin ko na dumidilim na. Natagalan pala kami ni boss sa pamimili, hindi ko man lang napansin. “Nathalie, mamasahe ka na lang pauwi. May pupuntahan pa 'ko,” sabi ni Ashteroh saka inabutan ako ng isang libo. Nandito na kami sa tapat ng kotse n'ya. Wow, isang libo. I liking its. “Eh pa'no 'yung pinamili natin?” tanong ko saka itinuro ang backseat ng kotse n'ya. “Ako na ang mag-uuwi ng mga 'yan,” sabi n'ya saka basta na lang pumasok sa kotse at pinaharurot 'yon. Dahil dakila akong tsismosa, sumakay ako ng taxi at pinasundan ang kotse ni boss. Saan kaya siya pupunta? “Ma'am, may kabit ba ang asawa mo kaya mo pinapasundan?” tanong ng driver. Napailing ako. “Hindi ko siya asawa, manong... Siya ang nawawala kong tatay, si Ashteroh Alexeev,” sabi ko na lang para manahimik na siya. Tumigil ang kotse ni boss sa parang bar yata. Agad naman akong bumaba ng taxi nang pumasok si boss sa loob. Pumasok din ako ro'n. Medyo maraming tao pero hindi siya kasing wild ng mga bar na nasa palabas. May kikitain bang babae si boss dito? Sana wala. Maiinggit ako kasi malamang malayang napipisil ng babaeng 'yon ang pwet ni boss. “Guys, your favorite guitarist is here again!” Natigilan ako nang mapatingin sa stage. May parang host na nagsasalita ro'n... Wow, mukhang may banda ah. Natigilan ako nang mapatingin sa gilid. Napasinghap ako nang mapansing nandoon si Ashteroh kasama ng banda at may hawak na gitara. Naghiyawan naman ang mga tao nang ngumisi siya saka inangat ang kamay n'ya. Wow, ang angas ah. Inaaway-away ko siya without knowing na isa pala siyang secret guitarist.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD