Wow! Ang galing talaga. Hindi ako maka-move on.
Naghiyawan ang mga tao at halos nagtutulakan na sa unahan nang magsimulang magpatugtog ang banda sa stage. Hindi ko inalis ang tingin ko kay Ashteroh, nagsimula na siyang magpatugtog ng gitara, electricity guitar yata ang gamit n'ya.
Nagsimulang maging wild ang mga tao. Rakrakan naman kasi ang kanta kaya nakaka-hyper. Napatingin ako kay boss. Badtrip, hindi ko siya masyadong makita dahil ang lilikot ng mga tao. Pero naririnig ko ang pag-gi-gitara n'ya. Super galing ni boss!
“Wooh! Go, Boss Ashteroh! Go! Guitarist you liking best!” sigaw ko at nagtatalon pa.
Napaismid na lang ako dahil talong talo ng mga tao sa paligid ang boses ko. Badtrip ang mga 'to. Gusto ko silang sipain lahat paalis. Mga epal sa buhay ko.
Sumugod ako at sumiksik sa maraming tao. Naririnig ko ang reklamo ng mga sinisingitan ko pero wala akong care sa kanila. Kaso ang hirap pala sumingit dito. Ang wild masyado ng mga tao at ang lilikot. This are makings me looking the angry birds!
Nagsisigawan sila. Sa tingin ko pangalan ng mga members ng banda ang isinisigaw nila.
“Go, Xeon! I love you!”
“f**k me, Akuji!”
“I will give you a mind-blowing blow job, Alexus!”
“Revan, my p***y is all yours!”
“Ruin my life, Azaiah!”
“Elius! Marry me!”
“f**k my whole life, Alex!”
Napakunot ang noo ko nang mapansing walang nasigaw sa pangalan ni Ashteroh. Ang kakapal naman ng mga mukha nilang hindi pansinin si boss. Ang galing n'ya kaya mag-gitara. Mali 'to, hindi tama ito!
Kailangan ni boss ng moral sport ko. Kailang ko siya i-cheer!
Kahit mahirap, tiniis ko lahat. Tiniis ko ang masikip na daan, ang maraming tao na pumipigil sa 'kin sa layunin ko, ang mga sigaw nila na parang sinasabi na hindi ako makakarating sa paroroonan ko.
Sorry, peoples. I so like determinate to cheering up the boss in makings the world because peoples cheering him is no one and two. In short, susuportahan ko siya dahil walang nagchi-cheer sa kanya.
“Alis! Kailangan kong gawin 'to!” Pinilit kong sumiksik at lagpasan ang maraming tao sa unahan ko.
Kayang tiisin ng tulad ko ang lahat, hehe.
Nakahinga lang ako nang maluwag nang sa wakas nasa unahan na ako. Akala ko malalagutan ako ng hininga sa dami ng taong epal sa paligid.
Naiinis talaga ako na wala man lang pumapansin kay boss eh ang galing n'ya mag-gitara.
H'wag kang mag-alala, boss. Nandito na ako para i-cheer ka.
“Wooh! Go, Ashteroh! Ikaw ang pinakamagaling! Number one lodi kita!” hiyaw ko.
Napasimangot na lang ako dahil mukhang hindi narinig ni boss ang cheer ko sa kanya. Badtrip kasi ang mga tao rito, e. Kaiingay!
Napatingin ako kay boss. Lalong napapansin ang maskulado n'yang braso dahil sa pag-gi-gitara. Napangisi ako dahil nanggigigil ako sa naglalabasan n'yang ugat do'n lalo na sa kamay n'ya. Aaminin kong medyo pogi si boss at lalo siyang pogi ngayong nagpapatugtog siya ng gitara.
Paano n'ya ba kasi ako mapapansin? Ang ingay ng mga tao.
Napatingin ako sa upuan na nasa malapit. Napangisi ako at agad na kinuha 'yon saka tumungtong sa upuan. Buti nga, ang liliit na ng mga tao sa paligid ko. I the boss making worlds like other is not!
“Wooh! Ashteroh number one! Boss Ashteroh mapagmahal lang malakas! Go! Go! Wooh!” hiyaw ko habang kumakaway-kaway.
Natigilan ang mga taong malapit sa 'kin at bahagyang lumalayo. Pati ang nakanta sa unahan halatang na-distract sa 'kin pero tumuloy na lang ito sa pagkanta.
Lumaki ang ngiti ko nang tuluyan nang mapatingin si Ashteroh sa direksyon ko. Yes, my mission are successfully!
Umalis na ako sa pagkakatungtong sa upuan saka muli siyang sinuportahan nang buong puso, katawan, at kaluluwa.
Napakunot ang noo ko dahil sumasapaw ang ibang tao sa pag-cheer sa akin, pero wala pa ring bumabanggit sa pangalan ni boss. Nakakairita ha! Hindi ako magpapatalo, si boss lang pinakamagaling!
Saka bakit ba ang babastos ng mga sinisigaw nila? Tigang ba sila?
Hindi ito ang tamang oras para mainggit. Hindi dapat ako magpatalo.
“Boss Ashteroh! Wooh! Ikaw lang pogi, ang pangit nila! Anakan mo 'ko ng sampu, please!” hiyaw ko.
Ang sama ng tingin sa 'kin ni boss. Napansin kong tila may sinasabi siya sa akin dahil panay nagalaw ang labi n'ya. Naningkit ang mga mata ko at sinubukang alamin ang gusto n'yang sabihin sa 'kin.
Hindi ko mabasa ang sinasabi n'ya pero sa tingin ko ang gusto n'yang sabihin ay... “Ang galing mo, Nathalie. Ituloy mo lang 'yan para payagan kitang pisilin ang pwet ko.”
Wow. Ang bait naman n'yang boss. Nakaka-apple shake siya ng masipag na trabahador gaya ko... Dahil dyan, pagbubutihan ko pa lalo.
“Ashteroh number one! Woooh! Ang galing mo, boss! Gitarahin mo rin ako, please! Sa 'yo na 'ko pati ang perlas ng silanganan ko! Wooh! I liking you so much!” hiyaw ko pa.
Grabe, ang hirap naman pala nito. Kaya siguro pumayag na si boss na pisilin ko ang pwet n'ya. Para na 'kong mawawalan ng boses. Pero sabi nga nila, kapag may tiyaga, may cutie pwet na mapipisil.
Natigilan lang ako sa paghiyaw nang may tumapik sa balikat ko. Napatingin ako ro'n at may poging nilalang ang bumungad sa 'kin.
Pero dapat si Boss Ashteroh lang ang pinakapogi kasi sa kanyang pwet at etits pa lang ang nakikita ko.
“Bakit alam mo 'yung totoong pangalan ni Alex?” tanong ng lalaki.
Marami siyang tattoo sa katawan, pati yata leeg n'ya meron... Pero pogi pa rin siya.
“Sino ka?” nakakunot-noong tanong ko.
“Oh, sorry... I'm Hellion Marcodov,” pagpapakilala n'ya.
K, fine.
“Tapos sino naman si Alex?” dagdag na tanong ko.
Napangisi siya. “Yung lalaking tinatawag mong Ashteroh,” sagot naman n'ya.
“Lah. Alex ba totoong pangalan n'ya?” tanong ko pa.
I betraying by boss of world... Akala ko talaga Ashteroh ang totoong pangalan n'ya. Naloko lang ako!
“Hindi, stage name n'ya lang 'yon. Noong una siyang nagpakilala akala namin pangalan n'ya 'yung Alexeev. Kaya tinawag namin siyang Alex, iyon na naging stage name n'ya,” paliwanag naman n'ya.
Ahh... K, fine.
Pero kung gano'n ang dami naman palang nagchi-cheer kay boss. Naawa pa naman ako sa kanya. Nasayang lang ang feelings ko. Pero okay lang. Puno talaga ng maling akala ang buhay.
Nang matapos na ang pagkanta nila, umalis na ang banda sa stage. Nasaan na kaya si boss?
Nilibot ko ang bar para hanapin siya. Ang laki naman kasi ng bar na 'to at marami pang tao. Nakaka-stress naman!
Natigilan lang ako nang maramdaman kong may humila sa braso ko. Agad na bumungad sa 'kin ang nakasimangot na mukha ni Ashteroh.
“Hi, boss,” sabi ko at ngumiti nang matamis saka nag-peace sign.
Binatukan n'ya naman ako... Grabe na siya! Mapanakit!
Hinawakan n'ya ang kamay ko at hinila ako palabas ng bar. Nagpatianod na lang ako sa kanya dahil nahihilo na rin ako sa lugar na 'to.
Agad n'ya kong hinarap nang nasa tapat na kami ng kotse n'ya.
“Anong katangahan na naman ba ang ginawa mo kanina?!” naiinis na tanong n'ya.
“Kainis ka, boss! Todo cheer nga ako sa 'yo kanina, e. Hindi mo man lang na-apple shake!” singhal ko.
Napahilot siya sa sentido n'ya saka napapikit nang mariin.
“Why did you even follow me here? I told you to go home first! Ang tigas ng ulo mo!” panenermon pa n'ya.
Yung huling sinabi n'ya lang ang naintindihan ko.
Nanunuksong ngumiti ako sa kanya saka nagtaas-baba ng kilay. Sinundot-sundot ko pa ang tagiliran n'ya.
“Ikaw, boss ha. Kaya ba ayaw mo 'kong pasunurin dito kasi nahihiya kang makita ko na nagpe-perporn ka sa stage?” nakangising tanong ko.
“Perform,” pagtama n'ya sa sinabi ko.
“Hay, grabe, boss. Hindi ko talaga inasahan na magaling ka mag-gitara. Kaya pala pilit mo 'kong pinapauna kasi nahihiya ka. Sus... h'wag ka ng mahiya sa 'kin, boss. Dapat mong ipakita ang talent mo,” sabi ko na lang saka tinapik ang braso n'ya.
“Hindi ako nahihiya! Alam kong magsisisigaw ka na parang ewan kaya hindi kita sinama!” sabi naman n'ya.
Grabe si boss. Sobrang in dial sa nararamdaman n'ya. Alam kong nahihiya siya ngayon, pero hindi n'ya inaamin.
“Just get in the car... Uuwi na tayo. Puro ka kalokohan,” sabi n'ya at binuksan ang kotse saka agad akong pinapasok sa loob.
Napakamot na lang ako sa batok ko at napaismid. Sa susunod mas gagalingan ko pa mag-cheer 'no.
Nagsimula ng magmaneho si boss. Nilingon ko siya saka hinawi ang buhok ko.
“Boss, palagi ka bang nagpe-perform sa mga gano'n?” tanong ko.
“Hindi, minsan lang,” tipid na sagot n'ya.
“Buti hindi nagagalit ang mga kasama mo sa banda,” sabi ko naman.
“I'm not their official member,” sabi na lang n'ya.
Napatango na lang ako kahit hindi ko na-gets. Nagugutom tuloy ako ulit. Malakas ang pakiramdam ko na mapa-paos ako dahil sa kakasigaw kanina.
“Boss, super napagod talaga ako kanina. Akala ko kasi walang nagchi-cheer sa 'yo kaya nainis ako. Hindi talaga ako nagpatalo at mas nilakasan 'yung cheer ko,” sabi ko saka sinandal ang likod ko saka pumikit.
Grabe, inaantok na tuloy ako.
“Mukha ngang hindi ka nagpatalo,” sabi na lang n'ya.
Whatever. Inaantok na 'ko.
* * *
“Dapat na ba akong magkulay ulit?” tanong ko habang inaayos ang mga pang-kulay sa buhok na pinabili ko kay boss.
Temporary lang naman ang mga ginagamit kong pang-kulay sa buhok ko. Kaya nga nawawala rin agad paglipas ng ilang linggo. Kaya kapag gano'n, nabili agad ako. Para bagong kulay naman.
Kulayan ko kaya buhok ni Boss Ashteroh? Parang bagay rin sa kanya ang katulad ng sa 'kin. Kaso KJ 'yon kaya malamang hindi 'yon papayag.
Napakibit-balikat na lang ako at lumabas ng kwarto. Makahanap na nga lang ng makakain sa ref. Malamang tulog na sina Andeng dahil 9 pm na. Tiis tiis na lang ako ng kung anong pwedeng makita sa ref.
Natigilan ako nang maabutan si Boss Ashteron sa kusina. Napasinghap ako nang mapansin kinakain n'ya ang paborito kong chocolates.
“Boss! Akin 'yan!” reklamo ko saka lumapit sa kanya.
Tiningnan n'ya ako nang masama at idinikit ang dulo ng hintuturo n'ya sa noo ko saka itinulak 'yon palayo. Naiinis na napapadyak ako sa sahig at tiningnan ang ref. Wala ng Cad very! Kinain na ni boss!
“Boss! Nakakainis ka! Gusto ka 'yan, akin 'yan, e!” reklamo ko saka tinuro ang chocolate.
“Tanga ka ba? Ako ang bumili ng mga 'to,” sabi n'ya saka mas inilapit ang mga chocolate sa kanya.
“Tanga ka rin, boss! Pahingi ako!” sabi ko at lumapit sa kanya saka sinubukang kuhanin ang chocolate na hawak n'ya.
Napangisi siya saka walang habas na dinilaan ang chocolate. Napaawang na lang ang labi ko sa ginawa n'ya.
Wala na akong nagawa nang umalis siya at nagtungo sa kwarto n'ya habang kinakain ang chocolate. Naiinis na napapadyak ako sa sahig at umupo na lang sa couch.
Nakaka-defreeze. Aping api ako sa mansyon na 'to. Hindi ko alam na ganito ang kayang gawin ng isang Ashteroh Alexeev...
...talagang nakakakilabot siya. Pinakamasamang tao siya sa buong mundo.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nagluksa sa chocolate. Natigilan na lang ako nang may tumawag sa 'kin. Agad akong kinilabutan.
May multo ba rito?!
“Hoy, tanga... Naths,” muling pagtawag sa pangalan ko.
Natigilan ako at napasinghap nang makita ang dalawang pamilyar na tao. Agad akong tumayo at lumapit sa kanila.
Inalis nila ang takip sa mukha nila at hinawakan ang braso ko.
“Chinu, Kuyu, Gina... bakit kayo nandito?” tanong ko.
“Malamang, susunduin ka namin... Bakit hindi ka nakabalik? Inalipusta ka ba ng Ashteroh Alexeev na 'yon?” tanong ni Gina.
Napatango ako. “Oo guys, sobrang sama n'ya,” pagsusumbong ko.
Napasinghap sila sa sinabi ko. “Ano'ng ginawa sa 'yo ng matandang 'yon?” tanong naman ni Chinu.
Napabuntonghininga ako at napasimangot. “Hindi n'ya 'ko binigyan ng chocolate.”
Halos sabay-sabay silang nag-react sa sinabi ko. Muntik pa nga akong ambahan ng suntok ni Kuyu, pinigilan lang siya nina Gina.
“Saka guys, fake news ang sinabi ni Cheese. Hindi naman matanda 'yon, e. Malakas pa siya at bata saka malaki rin ang etits,” sabi ko sa kanila.
“Wala na kaming pake ro'n... Halika na, Naths. Nagpunta kami rito para sunduin ka,” sabi ni Chinu saka muling sinuot ang pantakip n'ya sa mukha.
“Sinong susunduin n'yo?”
Natigilan kaming apat nang biglang bumukas ang ilaw sa mansyon. Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko si Ashteroh na seryosong nakatingin sa amin at may hawak pa itong baril.
Kahit halatang kinakabahan, agad akong ipinwesto nina Chinu at Kuyu sa likuran nila.
“N-Nandito kami para sunduin si Nathalie,” sabi ni Gina.
Napangisi si Ashteroh saka hinawi ang buhok n'ya. Bahagya pa siyang natawa sa sinabi ni Gina.
“Sobrang pogi n'ya, Naths. Mukha pang masarap,” bulong ni Gina sa akin. Mas mukha pa siyang kinikilig kaysa natatakot.
Aba, gaga 'to. Inuna pa ang kilig.
“You can't take her away... I own her now,” sabi ni Ashteroh saka itinutok ang baril kina Chinu.
Agad akong pumagitna kina Chinu at hinarap si boss. Lumapit ako sa kanya saka hinawakan ang baril n'ya at ibinaba 'yon. Kahit medyo close na kami ni boss, medyo kinakabahan pa rin ako. Iba ang topak ng lalaking 'to, talagang mamamaril 'to kapag trip n'ya. Delikado sina Chinu.
“Boss, kakausapin ko lang sila. Pwede? Please, hayaan mo silang umalis... Hindi naman ako tatakas. Promise, boss. Please,” pakiusap ko sa kanya.
Saglit na tumitig sa 'kin si Ashteroh. Napakamot siya sa kilay n'ya saka seryosong tumingin sa 'kin. Nagtayuan ang mga balahibo ko sa tingin n'yang 'yon.
“Siguraduhin mo lang. Siraulo ka pero tauhan pa rin kita kaya akin ka lang... Kapag inabot sila ng mahigit sampung minuto rito... alam mo na ang mangyayari, diba?” tanong n'ya.
Napalunok na lang ako saka tumango. “Y-Yes, boss. Kakausapin ko lang sila,” sabi ko na lang.
Muling binalingan ng tingin ni Ashteroh sina Chinu bago ito tuluyang tumalikod at naglakad palayo saka iniwan kami. Mukhang binibigyan n'ya kami ng oras na makapag-usap.
Agad akong lumapit kina Chinu.
“Umalis na kayo rito... hindi muna ako makakabalik sa atin. Bahala na, gagawan ko ng paraan... Pero sina Pacing, kumusta na sila?” tanong ko.
“Nasa ospital na sina Pacing,” sabi ni Kuyu. “Bakit hindi ka na lang tumakas at sumama sa 'min?” tanong pa nito.
Napailing ako. “Hindi n'yo kilala ang lalaking 'yon. Kaya n'yang gawin ang sinasabi n'ya. Ayaw ko lang na may mangyaring masama sa inyo. Hindi ako basta makakaalis dahil tauhan na n'ya 'ko. Pinakaayaw n'ya 'yung niloloko siya at tinatakasan,” paliwanag ko na lang.
Kinuha ko ang cellphone ko at ibinigay sa kanila ang bago kong number.
“Kung may importante kayong sasabihin, tawagan n'yo 'ko... Kukumustahin ko kayo lagi. H'wag kayong mag-alala dahil ayos lang naman ako rito,” sabi ko saka ngumiti sa kanila para pagaanin ang loob nila.
Mukhang hindi pa rin sila kumbinsido sa sinabi ko pero napatango na lang.
“Kung tutuusin, pwede ka namang tunakas, Naths. Pupunta na lang tayo sa malayong lugar para makalayo sa kanya... May iba bang dahilan kaya ayaw mo siyang takasan?” tanong ni Gina.
Saglit akong natigilan pero napangiti na lang ako sa sinabi n'ya saka umiling. “Walang ibang dahilan, Gina.”
HINABOL KO na lang sila ng tingin hanggang sa ligtas silang makaalis ng mansyon ni Ashteroh. Maya-maya pa, biglang sumulpot si Ashteroh at lumapit sa akin.
“Nalulungkot ka ba?” seryosong tanong n'ya habang nakatitig sa 'kin.
Napaiwas ako ng tingin saka tumango. “Siyempre naman, boss. Pero mahalaga sila sa 'kin kaya ayaw kong may mangyaring masama sa kanila,” sabi ko na lang saka napahawak sa laylayan ng damit ko.
Saglit na natahimik si Ashteroh. Napatingin ako sa kanya. Natigilan ako nang hagisan ako nito ng bagong chocolate na nasalo ko naman. Nagtatakang napatingin na lang ako sa kanya.
“Boss?”
“Sa 'yo na 'yan,” sabi na lang n'ya saka agad ding umalis.
Hinabol ko na lang ng tingin si Ashteroh hanggang sa tuluyan na siyang makapasok sa kwarto n'ya.
Napabuntonghininga ako nang maalala ko ang tanong sa 'kin ni Gina kanina... May iba nga kayang dahilan? Bakit may parte sa akin na parang ayaw umalis dito?