Chapter Eight

2825 Words
"Gago! Takbo!" Nanggigigil na napakapit ako sa unan habang nanonood ng nakakatakot na palabas. Parang tanga talaga ang mga tao sa palabas. Kailangan muna nila matulala bago tumakbo. Walang gagawa ng gano'n sa totoong buhay 'no. Gigil ako. "Tangina talaga. Mamatay na nga lang kayo lahat," naiinis na sabi at kumain na lang ng chocolate. Natigilan ako nang bumukas ang pinto. Napangiti ako nang matamis nang iluwa no'n si Boss Ashteroh. Natigilan siya nang mapatingin sa 'kin na prenteng nakaupo sa kama n'ya. Sa sala naman talaga dapat ako manonood, kaso mas malaki ang TV sa kwarto ni boss. Mas trip ko rito manood. Napatitig sa akin si boss. Mukhang kakagaling n'ya lang sa trabaho. Natigilan si boss nang makita ang hawak kong chocolate. Dali dali naman siyang lumapit sa akin at hinablot ang chocolate. "I told you, don't eat on my bed! Naiirita ako kapag may kalat sa kama!" panenermon n'ya saka pinitik ang noo ko. Agad akong napadaing at napahawak sa noo ko. Tiningnan ko siya nang masama saka hinablot mula sa kanya ang chocolate. "Boss, papagpagin ko rin naman, e!" sabi ko na lang saka muling kumagat sa chocolate. Napaismid na lang siya at wala ng nagawa. Naghubad na lang siya ng blazer n'ya. Muli na lang akong nanood ng TV at hindi na siya pinansin. "Aahhhh! Magtago ka, tanga! Tangina!" hiyaw ko at napapalundag pa sa kama. Bwisit talaga ang mga tao sa palabas. Lumabas na mula sa banyo si boss. Siyempre, basta na lang siya naghubad at nagbihis ng pantulog. Hindi ko na lang siya pinansin at tumuloy sa pinapanood ko. "Nako, bakit lagi kayong ganyan?! Nakakairita! Ang pangit ng palabas na 'to! Sobrang pangit!" naiiritang sabi ko dahil ang ending, namatay silang lahat. Natigilan si Ashteroh nang akmang babatuhin ko ng remote ang TV. Dali dali siyang lumapit at inagaw ang remote mula sa 'kin. Napakagat na lang ako sa loob ng pisngi ko nang tingnan n'ya 'ko nang masama. "Balak mo bang sirain ang TV ko?!" asik n'ya saka tinakpan ang mukha ko gamit ng kamay n'ya saka tinulak 'yon palayo. Naiinis na napapadyak na lang ako sa hangin nang bumagsak ako sa kama n'ya. Ito talaga ang dahilan kung bakit hindi na namin sinubukan mag-TV ulit nina Chinu. Binato ko rin dati ang TV namin dahil sa pinapanood ko. Bumangon din ako agad at napakamot sa batok ko. "Okay na, naka-move on na 'ko sa pinanood ko," sabi ko na lang. Napailing si boss at inilapag sa bedside table ang remote. Pinunasan n'ya ang buhok n'ya gamit ang towel saka umupo sa tabi ko. "Boss, may tanong ako," sabi ko saka humarap sa kanya. Napatigil naman siya sa ginagawa saka tumingin sa akin. "Hmm?" "Bakit hindi mo 'ko inuutusan magnakaw? Saka kumusta na 'yung friends mo sa feroci? Wapakels ba sila sa 'kin?" tanong ko at napaismid. "Namimiss mo na ba magnakaw?" natatawang tanong n'ya. "Hindi naman, boss. Eh kaso nagtataka lang ako," saad ko na lang. "Marami na 'kong tauhan kaya hindi na kita inuutusang magnakaw. Uutusan na lang kita kapag kinailangan," paliwanag n'ya. "Kung marami ka naman palang tauhan, bakit mo pa ako sinali?" tanong ko. Hinawi n'ya ang basa pa n'yang buhok. "Nagnakaw ka sa mansyon ko. Isa sa dalawang 'to ang ang kalalagyan mo... mamamatay ka o magiging tauhan ko. Pinalaya ko lang ang mga kasama mo dahil nakiusap ka." Napatango na lang ako. Sabagay, mas okay nga naman ang maging tauhan n'ya na lang kaysa mamatay. Napatitig na lang ako sa basa n'yang buhok. Napasinghap ako at naiinis na hinampas ang braso n'ya. Napapitlag naman siya sa gulat dahil sa ginawa ko. "What the f**k is wrong with you?" tanong n'ya at hinimas ang braso n'yang hinampas ko. "Boss, bakit ugali mong maligo kahit pagod ka? Masama 'yon! Dapat magpahinga ka muna saglit bago ka maligo," panenermon ko sa kanya. Napaismid siya. "Hindi ako mapakali kapag malagkit ang pakiramdam ko," bulong na lang n'ya. "Boss, masama talaga 'yan. Simula ngayon pipigilan kitang maligo agad. Kahit magpunas ka na lang muna ng katawan kapag gano'n. Masama maligo agad," seryosong sabi ko. Napatango na lang siya. "Oo na." Natigilan ako nang may maalala ako. Buti na lang biglang pumasok sa isip ko ang totoong dahilan kung bakit ako nandito. "Boss, pwedeng pahingi ng pera?" tanong ko saka nilahad ang kamay ko. Napakunot ang noo n'ya. Kung hindi n'ya ako bibigyan, edi don't. Nanakawan ko na lang siya. "Para saan?" tanong n'ya. Pero tumayo pa rin siya at kinuha ang wallet n'ya. "Bibili ako ng pangkulay ng buhok. Nawawala na 'tong kulay ng buhok ko, oh. Boring na siya," sabi ko saka itinuro ang buhok ko. "Pangkulay na naman? Diba bumili ka na nu'ng nagpunta tayo sa mall? Hindi mo pa nga nagagamit ang mga 'yon, e," sabi n'ya pero inabutan pa rin ako ng limang libo. Napakamot ako sa batok ko at tinanggap 'yon. Alam n'ya bang mura lang ang pangkulay sa buhok? Sobra naman 'tong binigay n'ya... pero okay, fine. "Binigay ko kina Andeng kasi naiinggit sila sa buhok ko. Kaya kailangan kong bumili ng bago. Bukas magkukulay ako ng buhok," sabi ko saka pinaikot ang buhok ko sa daliri ko. "Oo na. Alis na, matutulog na 'ko," sabi n'ya saka basta na lang hinawakan ang damit ko at inangat ako paalis ng kama n'ya. "K, fine... Good night, boss. Sana h'wag kang bangungutin at makakita ng multo," sabi ko at nag-finger heart sa kanya. Imbis na finger heart ang ibalik n'ya sa akin, pinakyuhan n'ya ako. Napaismid na lang ako at kumuha ng unan saka hinampas sa mukha n'ya. "Bye, boss. Binabawi ko na ang sinabi ko. Sana bangungutin ka at makakita ng nakakatakot na multo tapos puro dugo!" pagkasabi ko no'n, pinakyuhan ko rin siya saka lumabas ng kwarto n'ya. Pagdating ko sa silid ko. Kinuha ko ang cellphone ko para i-text si boss. P@rA mAw@La An6 sUmP@ s3nD u 2 sA 10 kAt@0 kApA6 h!nD3 u 6iNaWa MaY Mul2 kAn6 mAk@kAtAb! sA M@dAl!nG aRaW j3j3j3j3 Napahagikhik ako nang ma-send ko na ang message. Siguradong matatakot siya sa sumpa ko sa kanya. Agad din naman siyang nag-reply. Bh0sXz AsHt3r0h: Puro ka kalokohan. Matulog ka na. Napangisi na lang ako. Masyadong feeling cool 'tong si boss eh alam ko namang natakot siya sa sumpang text ko. * * * "Wow, mukhang maganda 'to ah," bulong ko saka nilagay sa basket ko ang kulay pink na pangkulay. Ang susunod na ikukulay ko naman sa buhok ko ay pink, violet, at blue... Hmm, kulayan ko rin kaya ng gano'n ang buhok ni Boss Ashteroh? Pakiramdam ko bagay sa kanya 'yon. Kaso siyempre hindi siya papayag... Mukhang kailangan ko na talaga siyang itali. Excited na nagpunta ako sa neon color section. Agad akong kumuha ng tig-iisang kulay. Natigilan naman ako nang mapatingin sa pangkulay na kulay neon pink. Napalunok ako at tila nangislap ang mga mata ko. Nag-iisa na lang ang neon pink kaya kailangan ko 'yong makuha. Hinawakan ko na 'yon pero natigilan na lang ako nang may humawak din doon. Napasinghap ako at agad na tiningnan nang masama ang pa-epal na mang-aagaw. "This color won't look good on you. Give it to me," masungit na sabi n'ya at sinubukang hilahin ang pangkulay pero hindi ako nagpatalo. "Wala akong pake sa sinasabi mo. Ako ang nauna rito," naiinis na sabi ko at muling hinila palapit sa akin ang pangkulay. "Akin 'to. Bitiwan mo 'to!" Hinila n'ya ulit ang pangkulay. Sorry na lang, ateng maganda. Hindi ko isusuko ang mahal ko. Kahit na anong hirap ay titiisin ko. Kung wala lang kami sa nakakalokang sitwasyon na 'to, baka kinaibigan ko na siya. Rainbow rin kasi ang kulay ng buhok n'ya. Idagdag pa na maganda rin siya like me. Pero siyempre mas maganda ako. Ang pinagkaiba lang siguro namin ay girly siya manamit tapos ako naman boyish. "Let it go! Let it go, can't hold it back anymore!" asik ko at muling inagaw sa kanya ang pangkulay. Buti na lang may natutunan akong english sa Frozen. Hehe. Anong akala n'ya? Siya lang ang marunong mag-english? "Crazy b***h, give this to me!" asik n'ya. Beach daw? Bakit nadamay naman ang beach dito? Napapatingin na sa 'min ang ibang nabili pero tila wala kaming pakialam pareho. Gusto ko talaga ang babaeng 'to. Alam n'ya kung gaano ka-importante ang pangkulay sa buhok. Handa rin siyang makipagpatayan para dito. "You beach too! Making swim is the water but color is me in this neon pink!" singhal ko at sinubukan na namang hilahin ang pangkulay. Kulang na lang ay magsabunutan at magkalmutan kaming dalawa. Mukha namang natatakot ang mga tao kaya walang umaawat sa amin. "Ma'am! H'wag na po kayong mag-away," pagpigil ng isang salesman sa amin. "Shut up!" sabay na sigaw namin sa kanya. Namutla naman ang lalaki at bahagyang napaatras. "M-Ma'am, marami pa po kaming stock ng ganyang kulay," nauutal na sabi nito. Natigilan kami sa pag-aagawan ng babae. Sabay pa kaming napabitiw sa pangkulay. "Bakit ngayon mo lang sinabi?!" sabay na sigaw pa namin. Napakamot ang lalaki sa batok n'ya. "Kanina ko pa po sinusubukang sabihin pero hindi po kayo nakikinig." Tila naging kalmado kaming dalawa saka nagkatinginan. Matagal pa kaming nagtitigan bago kami natawa. I so liking this girl. Mukhang siraulo rin siya. Bumili na lang ako ng limang kulay ng neon pink. Katabi ko lang sa pila si ate girl na nakaaway ko pero tahimik na kami. Gusto kong hingiin ang number n'ya dahil type ko siya maging friend... kaso nahihiya ako, hehe. Meron na akong bagong girl crush. "Hay, badtrip, hindi ko nahingi number n'ya." Napakamot ako sa batok ko habang naglalakad palabas ng mall. "Hey, crazy b***h!" Beach? Napalingon ako sa tumawag sa 'kin. Napasinghap ako nang makita ang nakaagaw ko sa mall kanina. Agad siyang tumakbo palapit sa akin. Hanga ako na nakakatakbo siya nang ganyan kahit nakasuot siya ng may mataas na takong. "Bakit?" nakapamaywang na tanong ko. Ngayon ko lang siya natitigan. Maganda talaga siya, kulay brown ang mga mata n'ya, maganda ang hugis ng kilay, mahaba ang pilikmata, matangos ang ilong, at may kiss a ball lips. Maputi at makinis ang balat n'ya. Mukha rin siyang model o artista, dagdag pa na matangkad siya. "Hi, crazy b***h. Thalia ang name ko... ano'ng name mo?" nakangiting tanong n'ya. "Sasabihin ko ang pangalan ko kung ibibigay mo sa 'kin ang number mo," nakataas-kilay na sabi ko. Natawa siya sa sinabi ko. "Sure, plano ko rin namang hingin ang number mo. I really like you talaga... And look at your hair, same tayo!" tila tuwang tuwa na sabi n'ya na para bang hindi kami nag-away kanina. "K, fine... Nathalie ang pangalan ko, friend," sabi ko at ibinigay sa kanya ang phone ko. Hehe, may new friend ako. Yes! * * * "Hmm, ito na ba agad ang ikukulay ko?" tanong ko habang nakatitig sa neon pink. Napahagikhik na lang ako nang maalala ko si Thalia. Malamang itong kulay ang ikukulay n'ya sa buhok n'ya. Nag-text siya sa akin kanina pag-uwi ko pero hindi ko naintindihan dahil english. Natigilan ako nang pumasok si lumabas na si Boss Ashteroh mula sa banyo. Ibinaling ko na lang ulit ang tingin ko sa mga pangkulay habang iniisip ang gagamitin ko sa buhok ko.. "Bakit ka na naman nandito?" tanong ni boss saka nagsuot ng t-shirt. Lumapit siya sa 'kin nang makabihis na siya. Agad kong ipinakita sa kanya ang mga pangkulay na dinala ko rito sa kwarto n'ya. "Magkulay tayo ng buhok, boss!" nakangiting sabi ko saka nagtaas-baba ng kilay. Agad n'yang itinulak ang mukha ko palayo sa kanya. "H'wag mo 'konidamay sa kalokohan mo," sabi na lang n'ya saka umupo na sa kama n'ya. Agad akong lumapit at itinapat sa mukha n'ya ang mga pangkulay. "Sige na, boss! May binili akong color black para sa 'yo. Pwede rin green. Kung talagang pogi ka, babagay 'to sa 'yo. Kay Roronoa Zoro nga bagay na bagay 'to, e." Napaismid siya at binato ako ng unan. "Ayoko," matigas na sabi n'ya. "Boss, kasi blond 'yang buhok mo kaya napagkakamalan kang power-- ay, foreigner," napapailing na sabi ko na lang. "Malamang, kasi half-Russian ako," nakakunot-noong sabi n'ya. Ay, oo nga. Foreigner nga naman talaga siya. "Wala akong pake kahit half-bulldog ka pa... Ano na, boss mapagmahal? Payag na 'yan... H'wag kang mag-alala boss kasi temporary hair color lang naman ang mga 'to tapos mabilis ding mawawala. Mga 1-2 weeks lang talab ng mga 'to. Tingnan mo 'tong buhok ko, nagiging black na ulit," sabi ko saka itinuro ang buhok ko. Siyempre ang ending... hindi siya pumayag. Kaya tinulungan n'ya na lang ako magkulay ng buhok ko. "Boss, ayaw mo talaga pumayag?" paninigurado ko. "Manahimik ka kung ayaw mong kulayan ko 'yang mukha mo," pananakot n'ya habang kinukulayan ang buhok ko sa likod. Napanguso na lang ako at itinuloy ang pagkukulay. Neon pink ang pinili ko para parehas kami ni Thalia, my friend. "Okay na, lumabas ka na ng kwarto ko. Matutulog na 'ko," sabi ni boss pagkatapos n'yang maghugas ng kamay. "Sandali lang, boss. Kailangan ko pa maghintay ng 30 minutes bago banlawan ang buhok ko. Samahan mo muna 'ko. H'wag ka muna matulog," sabi ko saka hinila ang t-shirt n'ya. Napabuntong hininga na lang siya nang hilahin ko siya paupo sa couch na malapit sa kama. Kapag sa kama kami umupo, aantukin lang siya lalo. "Magkwentuhan na lang tayo. Getting knowing of each self and other. Magtatanong ako ng tungkol sa 'yo o mga paborito mo tas sasabihin ko rin 'yung sa akin," sabi ko saka nag-Indian seat at humarap sa kanya. Tumango na lang si boss. Ipinatong n'ya ang siko sa backrest ng couch saka ipinatong naman ang pisngi sa kamay n'ya. Tumitig na lang siya sa 'kin sa gano'ng posisyon. "Boss, ano'ng paboritong color mo?" tanong ko. "Blue," sagot n'ya. "Ah, ako paborito ko lahat ng kulay, e," sabi ko na lang. "Saan ka takot?" tanong ko ulit. "Sa palaka," tipid na sagot n'ya. Palaka? Ang weirdness naman no'n. "Ako sa ipis ako takot, e," sabi ko naman. "Ano'ng paborito mong sport na laruin?" "I like playing golf and surfing," sagot naman n'ya. "Ahh, ako volleyball. Magaling ako ro'n, inspiration ko ang Karasuno," sabi ko na lang. "Gaano ka kayaman?" tanong ko. Cure use lang, hehe. "Sobrang yaman," nakangising sabi n'ya. Wow, sana all. "Magaling ka ba sa s*x?" tanong ko pa. Isa talaga 'yon sa gusto kong malaman. "I don't know. Sa tingin ko naka-depende 'yon sa mga naka-s*x ko," kaswal na sagot n'ya. "Ah, ako naman hindi ko alam ang sagot kasi virgin pa 'ko, hehe," sabi ko saka nag-peace sign. "You're still a virgin? Ilang taon ka na ba?" tanong ni boss. Yiee, cure use din siya sa 'kin. "28 na 'ko, boss. Hindi lang halata kasi ang cute ko," sabi ko saka ngumiti nang matamis sa kanya. "Boss, gusto mo ba sa 'yo na lang virginity ko?" tanong ko. Binatukan n'ya naman ako... Grabe, nagjo-joke lang naman ako, e. "Boss, ano'ng type mo sa babae?" tanong ko. Napahawak siya sa sentido n'ya. "Wala. Hindi ko rin naman 'yon nasusunod kapag nagkagusto ako," sagot naman n'ya. Sabagay, dati sabi ko mayaman ang type ko pero nagkagusto ako dati sa lalaking nagtitinda ng pares. Ang bait kasi n'ya, e. "Pero may type ka pa rin... Ano nga'ng type mo? Maganda ba? Sexy?" tanong ko pa. "Hmm... Wala akong pakialam sa hitsura... I like strong women who can stand up on their own," sabi n'ya saka napapikit. Strong? Strong ba ako? Hindi ko alam. Pero nung naglaban kami noong unang beses, wala akong binatbat sa kanya. Mukhang hindi n'ya 'ko type. "Ah, okay... Sunod na tanong, ano--" "Hindi mo pa sinasabi ang iyo," sabi ni boss saka marahang idinilat ang mga mata. "Ha?" nagtatakang tanong ko na lang. "Ano'ng type mo sa lalaki?" tanong n'ya habang matiim na nakatitig sa 'kin. Napahawak ako sa baba ko at nag-isip. "Hmm, wala rin... Pero siguro ang type ko talaga ay ang lalaking tatanggapin ako kahit ganito ako," sabi ko na lang. "Bakit? Ano ba'ng mali sa 'yo?" nakakunot-noong tanong n'ya. "Eh? Siyempre... engot ako, tapos magnanakaw pa. Hindi rin naman ako kagandahan tapos wala pa 'kong totoong pangalan at pamilya. Gusto ko 'yung lalaking tatanggapin ko kahit gano'n ako," paliwanag ko. Hindi agad nagsalita si Ashteroh. Nakatitig lang siya sa akin habang nakikinig sa mga sinasabi ko. Hindi ko mabasa ang iniisip n'ya. Seryoso lang kasi siya na nakatitig sa akin. "Mukhang hindi ako mahihirapan diyan," bulong n'ya na hindi ko gaanong narinig. "Ha?" tanong ko. Umiling na lang siya. "May tanong ka pa ba?" Natigilan ako at nagsimula na ulit magtanong. Sinamahan n'ya ako sa loob ng 30 minutes na 'yon. Ang dami kong itinanong at ikinwento sa kanya. Halatang napapapikit na siya pero sinamahan n'ya pa rin ako at nakikipagkwentuhan pa rin sa akin kahit mukhang inaantok na siya. Sa totoo lang, bukod sa lalaking tatanggapin ako... tulad din talaga ni Ashteroh ang type ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD