Chapter Seven

3013 Words
“October 29 pala ngayon, Andeng!” sabi ni Cam saka hinampas pa ang braso ni Andeng. Lumapit ako sa kanila para maki-tsismis. Kumagat ulit ako sa Cad very na binigay ni boss saka umupo sa mesa at nakinig sa pinag-uusapan nila. “Malamang hindi ulit uuwi si Sir mamaya. Gano'n naman ginagawa n'ya taon-taon,” sabi naman ni Inday. “Oo nga. Batiin na lang ulit natin siya sa text,” sabi ni Andeng habang napapatango. Si Boss Ashteroh ba ang pinag-uusapan nila? “Friends, ano'ng pinag-uusapan n'yo?” tanong ko. “Bibigyan ko kayo ng chocolate kapag sinabi n'yo.” Siyempre joke lang 'yon. Hindi ko sila bibigyan kahit sabihin nila. Galing kaya kay boss ang chocolate na 'to. I not making share it this cad very! “October 29 kasi ngayon, Naths. Birthday ni Sir Ashteroh,” sagot naman ni Cam. Napasinghap ako sa sinabi n'ya at agad na napatayo. OMG. Bakit ngayon lang nila sinabi? Bakit hindi pa kahapon? They making me betray like singing of Olivia Rodrigo! “Mag-surprise tayo kay boss! Bilisan natin, para makahabol pa tayo!” natatarantang sabi ko at inisang subo ang chocolate. Wala na 'kong dapat sayanging oras. “Hindi na kailangan, hindi naman dito nags-stay si Sir pag birthday n'ya. Palagi siyang may pinupuntahan,” sabi naman ni Inday. Napahawak ako sa baba ko at nag-isip. Madali lang naman ang solusyon do'n, e. Pwede naman naming itali si boss para hindi siya makaalis at ma-surprise namin siya. Napailing ako habang napapangiti... Grabe, hindi lang ako maganda, matalino rin ako. The self of me are making the proudness. “Pupunta ako sa palengke para bumili ng mga kailangang sangkap sa lulutuin ko para sa birthday n'ya. Kayo naman, friends. Relax lang kayo rito. Ako ang bahala kay boss. Papasayahin ko siya sa birthday n'ya para payagan n'ya 'ko na pisilin ang pwet n'ya!” Inangat ko ang kamao ko saka nagtatalon. “Go, Naths!” pag-cheer naman nila sa 'kin. Hehe, ako lang 'to, peoples. Agad akong nagtungo sa kwarto ni boss. Naabutan ko siyang nagsusuot ng blazer. Agad akong napangiwi at lumapit sa kanya. “Boss! Saan ka pupunta?” tanong ko. Napakunot ang noo n'ya. “Basta,” sabi na lang n'ya saka itinulak ang mukha ko palayo sa kanya. “Boss naman, h'wag ka na munang umalis ngayon. Kailangan ko ng kasama,” sabi ko saka hinila ang blazer n'ya at pinapahubad 'yon sa kanya. “Tangina, ano na naman bang nahithit mo?!” asik n'ya saka muling sinuot ang blazer. Naiinis na hinampas ko ang braso n'ya. Maski siya ay nagulat sa ginawa ko... Desperada na 'ko, lahat gagawin ko para hindi siya umalis at ma-surprise ko siya. “Sige na naman, Ashteroh!” naiinis na sabi ko at napapadyak sa sahig. “Bakit ba ayaw mo 'kong umalis?!” singhal n'ya. “Kailangan ko nga kasi ng kasama! Boss, this are making emergency life and dead people!” naiinis na sabi ko. “Magpalit ka ng damit, boss. Hindi bagay ang suot mo sa pupuntahan natin. Simple lang suotin mo, 'yung hindi mainit sa katawan,” sabi ko pa. “Sino bang nagsabi sa 'yo na sasamahan kita?” nakakunot-noong tanong n'ya. “Boss, kailangan talaga. Sige na naman. Minsan lang ako humiling sa 'yo tapos ayaw mo pa 'kong pagbigyan,” pag-iinarte ko. Napabuntonghininga pa ako at napasimangot. “Anong minsan lang? Parang ikaw na nga ang boss dito at ako ang tauhan, e!” reklamo n'ya. “Hehe, jokings lang.” Nag-peace sign ako. “Pero boss. Kung medyo hindi naman importante ang pupuntahan mo, samahan mo na lang ako.” “Pupunta ako sa kompanya,” sabi naman n'ya. “Importante ba ang dahilan kaya ka pupunta ro'n?” tanong ko. Natigilan siya, tila napaisip. “Ahm, not really,” sabi n'ya saka saglit na tumingin sa 'kin. “Fine, saan ba tayo pupunta ng manahimik ka na?” Napaismid si Ashteroh at hinubad na lang ang blazer n'ya. Napangiti ako nang necktie naman n'ya ang hinubad n'ya... Siyempre, basta na lang siya naghubad ng damit sa harapan ko. Hindi na lang ako nag-react at umupo sa kama habang hinihintay siya. Simpleng t-shirt at pants na lang ang sinuot n'ya. Agad naman akong humawak sa braso n'ya at hinila siya palabas ng kwarto pagkatapos n'yang magbihis. “Saan ba kasi tayo pupunta?” tanong n'ya nang nasa loob na kami ng kotse n'ya. “Sa palengke,” agad na sagot ko saka ngumiti nang matamis sa kanya. Napaawang ang labi n'ya. “S-Sa palengke?” tanong pa n'ya. “Oo, boss. Mamimili tayo sa palengke. Mas mura do'n kaysa sa mall. Saka doon tayo magpunta sa palengke na alam ko. Please, boss. Ituturo ko sa 'yo ang daan.” Wala ng nagawa si Ashteroh. Napabuntonghininga na lang siya at nagsimula ng magmaneho... Excited na 'kong mamili para sa ihahanda ko sa birthday n'ya. Pero dahil konti lang naman kami sa mansyon, konti lang ang bibilhin kong mga sahog. Bumaba na rin agad kami ng kotse nang makarating kami sa palengke. “Bakit dito ka pa nagpasama? Ang layo layo rito,” reklamo ni boss. Dito kasi kami nagpunta sa palengke na malapit sa amin. Dito ako sanay mamili, e. “Eh siyempre, marami akong kakilala rito kaya mas makakatipid tayo,” sagot ko naman at pabirong hinampas ang braso n'ya. “Sino ba kasing nagsabi sa 'yo na mag-surprise ka para sa birthday ko? Hindi naman kailangan 'yon,” nakakunot-noong sabi n'ya. “Ano ka ba? Kailangan talaga 'yon kasi...” Natigilan ako nang may mapagtanto ako. “Bakit mo alam, boss?!” asik ko saka hinila ang damit n'ya. “Paano ko hindi malalaman? Halos isigaw mo sa buong mansyon 'yon kanina?” tila wala lang na sabi n'ya. Napasinghap ako at agad na hinawakan ang magkabilang pisngi n'ya saka pinaharap siya sa 'kin. “Boss, kalimutan mo na lang ang narinig mo kanina, please. Joke time ko lang 'yon... Boss, awoooh! Kalimutan mo na ang nangyari,” tila nagri-ritwal na sabi ko at napapapikit pa. Naiinis na itinulak ni Ashteroh ang mukha ko palayo sa kanya. “Oo na, hindi ko na narinig. Joke time ko lang din 'yon,” sabi na lang n'ya. Tila nakahinga naman ako nang maluwag. Grabe, muntik na 'ko ro'n ah. “K, fine. Let's go, boss.” Hinawakan ko ang kamay n'ya at hinila siya papasok sa palengke. Nag-ikot ikot na kami sa palengke at nagsimula mamili. Nakakapagtaka na hindi nagrereklamo si boss sa init at amoy rito sa palengke. Parang wala lang sa kanya 'yon. “Bakit hindi ka nagnanakaw rito?” bulong n'ya sa 'kin. Napailing ako. “Malamang. Mayayaman lang ang ninanakawan ko. Walang wala na nga ang mga tao rito tapos nanakawan ko pa? Hindi naman kami gano'ng kasama, boss,” sabi ko na lang habang kumakagat sa ice candy na pinabili ko kay boss kanina. Fruit salad flavor kasi 'to, paborito ko talaga. “Really? Thief with principles, huh,” tila natatawang sabi nito. Nakitawa na lang din ako kahit hindi ko na-gets. “Oy! Naths! Tagal mong walang paramdam ah! Bibili ka ba ng giniling? Mura ka na lang ibebenta sa 'yo dahil malakas ka sa 'min,” sabi ni Kuya Ronald habang nagtatadtad ng baboy. “Naks naman, Kuya Ronald!” nakangiting sabi ko saka agad na kumuha ng pera sa wallet ko. Napatingin ako kay boss na tahimik lang. Malamang nagtataka siya kung bakit halos lahat ng tindero't tinderang nadaanan namin eh kilala ako. “Aba, ineng. Sino ba 'yang kasama mo? Aba, hindi mo naman nasabi sa 'min na nakabingwit ka ng poging foreigner! Mukhang mayaman pa,” pangangantyaw sa akin ni Aling Bebang. Napangiwi ako sa sinabi n'ya. “Ano ka ba, Aling Bebang? Nakakaintindi at nakakapagsalita po ng tagalog 'to! Saka hindi ko 'to boyfriend,” sabi ko na lang. Namula ang mukha ni Aling Bebang sa sinabi ko. Hindi ko siya masisisi. Kahit ako akala ko hindi nakakaintindi ng tagalog 'to si boss. Mukha kasi talagang power ranger. “Aba, Naths! Sino 'yang yummy at poging foreigner na kasama mo?” tanong ni Sally nang mapadaan ako sa tindahan n'ya. Napakamot na lang ako sa batok ko. Napapagod na akong magsabi na nakakaintindi ng tagalog si boss. Bahala na sila magsabi ng kung ano-ano. “Yummy raw ako? Mukha ba akong pagkain?” bulong ni Ashteroh habang naglalakad na kami papuntang ibang tindahan. “Ano ka ba, boss? Hindi literal ang ibig n'yang sabihin...” napapailing na sabi ko. “Ang ibig n'yang sabihin, mukhang masarap ka maka-s*x,” paliwanag ko na lang. Napaubo si boss sa sinabi ko. “I think you took what she said way too far,” sabi ni Ashteroh. “Yes, boss. Very very far,” sabi ko na lang. Halos sa lahat ng tindahang nadaanan namin, pansin na pansin si boss. Hindi naman siya nagsasalita at tipid na ngumingiti na lang. Pero malakas ang pakiramdam ko na natutuwa siya sa mga naririnig n'ya, nagpapanggap na lang siya na hindi n'ya naiintindihan. Pagkatapos naming mamalengke, umuwi na rin agad kami pabalik sa mansyon. “Boss, bakit aalis ka pa rin?” nakasimangot na tanong ko. Kakalabas n'ya lang ng banyo dahil nag-shower ulit siya. Naiinis na napaupo ako sa kama n'ya at binato siya ng unan. Nasalo naman n'ya 'yon at ibinato pabalik sa 'kin... sapul sa mukha ko. “I need to go to the company... I just need to take care of something,” sabi n'ya habang sinusuot ulit ang damit n'ya pangtrabaho. Napabuntonghininga na lang ako habang pinapanood siya hanggang sa tuluyan na siyang nakabihis. Lumingon siya sa 'kin habang sinusuot ang relo n'ya. “Boss... pwede ka bang umuwi mamayang gabi?” tanong ko saka napahawak sa laylayan ng damit ko saka napatungo. Napatingin ako kay boss nang mapansing natahimik siya. Seryosong nakatitig lang siya sa 'kin. Maya-maya pa, lumapit din siya sa 'kin saka pinitik ang noo ko. Napadaing ako at napahawak sa noo ko. “Boss ha! Ang sakit! I hating you like--” agad n'yang pinutol ang sasabihin ko. “Ano'ng oras ba ako uuwi?” tanong n'ya sa mahinang boses. Natigilan ako at napatitig sa kanya. “H-Ha?” tanong ko. Napaismid siya. “Sabi mo umuwi ako mamayang gabi... kaya tinatanong kita kung anong oras mo 'ko gustong umuwi?” tanong pa n'ya saka napakamot sa kilay n'ya. Tila nabuhayan ako sa sinabi n'ya. Agad akong napangiti saka lumundag lundag sa kama n'ya. “7 pm!” agad na sagot ko. Napatango na lang siya saka muling pinitik ang noo ko bago naglakad palabas ng kwarto. Napangiti na lang ako saka muling tumalon-talon sa kama. Sisimulan ko na ang misyon ko! SINUBUKAN AKONG tulungan nina Inday pero mapilit ako. Nagpatulong na lang ako sa kanila sa paghihiwa dahil nasusugatan ako... pero ako ang nagluto. Nag-bake din ako ng chocolate cake para kay boss dahil napansin ko na mahilig siya sa chocolate. Sa totoo lang hindi talaga ako magaling sa ganito. “Naths, ikaw na lang ang mag-surprise kay Sir. Gusto man naming samahan ka pero ang batas sa 'min dito kailangan tulog na ng 7 pm,” sabi ni Andeng saka napakamot sa batok n'ya. Ay nako, oo nga pala! “Okay lang, friends. Akong bahala. Thank you nga pala sa pagtulong n'yo sa 'kin sa pag-aayos nito,” sabi ko na lang. Dito sa may garden namin inayos ang mga pagkaing niluto ko. Picnic style ang ginawa ko tapos may mga kandila... hehe, matutuwa si boss nito. Napatingin ako sa oras sa phone ko. Sakto, 7 pm na. Kinakabahan ako dahil baka matagalan si boss tapos lumamig na ang pagkain. Saglit pa akong naghintay. Makalipas ang ilang minuto, natanaw ko na dumating na ang kotse ni Ashteroh. Agad akong napatayo at inabangan siya. “Boss! Welcome home!” bati ko sa kanya saka marahang sinuntok ang dibdib n'ya. Napangisi na lang siya saka tumango. “Boss, pumikit ka,” bulong ko sa kanya. Napakunot ang noo n'ya. “Bakit?” “Basta!” sabi ko na lang saka hinila siya. Wala naman siyang nagawa at pumikit na lang. Napangisi ako at agad siyang hinila papuntang garden. Pinaupo ko sa nakalatag na tela si boss. Agad naman akong umupo sa tabi n'ya. “Okay na!” Idinilat n'ya ang mga mata n'ya. Napakunot ang noo n'ya at agad na napatingin sa mga kandila. “Nagri-ritwal ka ba rito?” nagtatakang tanong n'ya. “Boss naman! Hindi 'to ritwal. Candle like dinner kaya 'to!” asik ko. “Ahh, so this is candle light dinner, huh... Akala ko may ginagawa kang ritwal,” tila nang-aasar na sabi nito at natatawa pa. “Whatever, boss...” Kinuha ko ang cake na ginawa ko. Sinindihan ko na ang kandila ro'n kanina nung nakita ko ang kotse n'ya. “Happy birthday, Boss Ashteroh mapagmahal sakalam!” bati ko sa kanya. “Gusto mo kantahan kita ng happy birthday, boss?” tanong ko pa. Ipinatong ni Ashteroh ang baba n'ya sa likod ng palad n'ya saka bahagyang ngumiti habang nakatitig sa 'kin. “Sige nga, kumanta ka,” sabi nito sa malumanay na boses. “Hindi mo alam pero pambato ako sa mga singing contest noon.” Napatikhim ako para ihanda ang boses ko. “Happy birthday to you, happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday... Happy birthday Boss Ashteroh mapagmahal sakalam...” wala na sa tono yung huling part pero okay lang. Maganda naman boses ko, pwede na 'yon. Bahagyang natawa si boss habang nakatitig pa rin sa akin. Napaismid na lang ako at naiinis na ibinaba ang cake. Grabe naman, wala ba siyang ibang sasabihin? Tatawa lang siya at ngingiti habang nakatitig sa 'kin? Pero medyo okay lang din... pogi n'ya ngumiti. “Boss, grabe ha. Wala ka bang ibang sasabihin sa surprise ko sa 'yo? This are making in the self of me sad and crying,” paghihimutok ko. Natigilan ako dahil wala pa rin siyang sinasabi. Napatingin ako sa kanya. Nasa gano'ng posisyon pa rin siya habang nakatitig lang sa akin. Sa pagkakataong 'to, seryoso na ang mukha n'ya. “Thank you...” Agad akong napaiwas ng tingin sa kanya sa sinabi n'ya. Napakamot na lang ako sa batok ko at napatikhim. Ito naman ang gusto kong marinig... bakit hindi na ako makatingin sa kanya? “A-Ano, boss... tikman mo 'tong mga niluto ko. Teka, busog ka ba?” tanong ko saka tumingin sa kanya. Umiling siya. “I'm hungry.” Ano raw? Angry? “Boss, hindi ko tinatanong kung galit ka. Ang tinatanong ko--” “Gutom ako,” agad na pagputol n'ya sa sasabihin ko. Napangiti ako at agad na inilagay sa tapat n'ya ang mga niluto ko kanina pati na ang cake. Natawa siya nang makita ang cake. “Is this poop or something?” natatawang tanong n'ya. Napasinghap ako dahil alam ko ang ibig sabihin ng poop. “Grabe ka, boss! Masarap kaya 'yan! Don't judge books using plastic cover!” naiinis na sabi ko. Kahit naiinis ako sa sinabi n'ya. Ipinaghanda ko na siya ng pagkain. Nagluto ako ng kaldereta at shanghai para sa kanya. Hindi ko pa 'yon natitikman pero alam kong masarap 'yon dahil sinunod ko ang steps sa youtube. Inabot ko sa kanya ang pagkain pati na ang kutsara't tinidor. Agad n'ya namang tinikman ang luto ko. Napalunok ako habang tinitingnan ang reaksyon n'ya. Wala naman siyang sinabi, wala rin siyang reaksyon at tumuloy lang sa pagkain. Napangiti na lang ako at kumain din. Agad ko namang nailuwa ang pagkain nang matikman ko 'yon. Tangina. Bakit hindi masarap?! Napatingin naman ako kay boss na tuloy lang sa pagkain. Wala ba siyang panlasa? “Boss, hindi masarap...” sabi ko na lang saka napakamot sa batok ko. Napatigil siya saka tumingin sa 'kin. Napapikit ako nang pinitik n'ya ang noo ko. “Gutom ako ngayon... wala akong pakialam sa lasa kapag gutom ako,” sabi na lang n'ya saka muling bumalik sa pagkain. Nakatitig na lang ako kay boss habang nakain siya. Paano n'ya nagagawa 'yon eh halos hindi ko na kayang sumubo ulit sa sarili kong luto? Hindi kasi talaga masarap. Natahimik na lang ako. Tinulungan akong magligpit ni boss nang matapos kaming kumain. Akmang papasok na kami sa mansyon pero agad akong napahawak sa laylayan ng blazer n'ya. “Hmm?” tanong n'ya saka nilingon ako. “Boss, sorry puro palpak 'yung niluto ko.” Napakamot ako sa batok ko. “Wala rin pala akong regalo sa 'yo... Gusto mo yakap na lang muna? Bawi ako next year,” sabi ko na lang. Hindi agad siya nakasagot. Hindi rin ako nakapagsalita at nakipaglabanan na lang ng titig sa kanya. Hindi ko alam kung bakit nakatitig siya sa 'kin nang ganyan, hindi ko rin alam kung bakit hindi ko maalis ang titig ko sa kanya. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. “Hehe, joke lang, boss. Pasensya na po, peace,” sabi ko at nag-peace sign. Akmang papasok na ako sa loob pero agad n'yang nahawakan ang kamay ko. Napasinghap ako nang walang pasabing hinila n'ya ako palapit sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin sa mga mata n'yang seryosong nakatingin sa akin. Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa, halos kitang kita ko na ang bawat detalye ng mukha n'ya. “Tumatanggap ako ng regalong yakap,” anas n'ya habang hindi pa rin maalis ang titig sa akin.. Napalunok ako nang manghina ang mga tuhod ko. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at nanginginig ang mga kamay na yumakap sa baywang n'ya. Napapitlag ako nang gumalaw rin siya at ikinulong ako sa mga bisig n'ya. Isinubsob ko na lang ang mukha ko sa dibdib n'ya at napakapit nang mahigpit sa blazer n'ya. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan n'ya... parang ayaw ko ng mawala ang ganitong pakiramdam. “The food was great, the cake too. Your warm hug is not that bad either... I honestly don't mind getting a gift like this next year.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD