Chapter Nine

2324 Words

“YOU’RE not serious,” salubong ang mga kilay ni Anne matapos niyang marinig ang deklarasyon ni Crisostomo. Nakasulat sa mukha niya ang disapproval. Minsan naman na niyang naranasang maghanapbuhay at maghirap. Pero iyong magtatanim siya? Iisipin pa lang niya na magbubungkal siya ng lupa, nangangati na ang buong katawan ng dalaga. Takot pa naman siya sa mga uod. Crisostomo smirked at her. “Oh, I do. Pero hindi kita pipilitin sa trabahong inaalok ko. You are free to leave. Marami namang mga walang trabaho sa paligid nitong farm ang puwede naming upahan para magtanim.” Lalong napuno ng iritasyon ang mukha ng dalaga dahil sa pagngisi ng lalaki. Parang naiintindihan na niya kung bakit nito inaalok sa kaniya ang ganoong trabaho. Nakikita siguro ni Crisostomo na hindi niya iyon kakayanin kaya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD