Chapter Twenty-three

1631 Words

“BAKIT hindi ka sumunod sa akin sa opisina kanina?” kunot na naman ang noo na tanong sa kaniya ni Crisostomo nang makauwi ito sa bahay at nadatnan siyang nanonood lang ng television sa sala. Umuwi siya sa halip na sumunod dito. “Akala ko ba na naiitindihan mo ang magiging trabaho mo sa’kin?” Parang walang narinig na hindi pinansin ni Anne ang dalaga at sa halip ay sumubo pa ng potato chips na nakita niya sa pantry nito kanina. Ayaw niyang malaman ng binata na hanggang ngayon ay naiinis at dismayado pa rin siya sa ginawa nitong pambibitin sa kaniya. Baka lalo pa itong magdiwang. At saka, ayaw niyang malaman din nito na iniiwasan niya talaga na magkita sila ng dating professor kaya pumuslit siya pauwi nang maunang bumalik sa opisina si Crisostomo. Ang totoo, pinoproblema pa rin iyon ni Ann

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD