NAKITA ni Anne kung paano niya ginalit si Crisostomo dahil sa kapilyahan niya kaya kumaripas siya ng takbo palabas ng opisina nito. Gulat na gulat pa nga ang sekretarya dahil sa malakas na tawa niya. She knew that she did something bad and it made her very happy. Ni hindi siya nag-alala na baka bigla na lang siya nitong tatanggalin sa trabaho. Basta masaya lang ngayon si Anne na nakita na naman niya na umusok ang ilong ng amo niya. Ano ba kasi ang pumasok sa kukote niya at naisipan niya na isama sa mga pagkaing dala ang s*x toy na iyon? Wala naman talaga iyon sa plano ng dalaga. Last minute na niya iyon ginawa bago siya umalis ng bahay. “Serves him right. Akala niya siguro panalo na siya dahil ginawa niya akong yaya, ha?” Ngingisi-ngisi na bumaba siya ng hagdan. Saka na lang siya baba