Chapter Twenty-four

2165 Words

TAPOS nang mag-ayos ng sarili si Anne kaya lumabas na siya ng silid para hintayin ang pagbabalik ni Crisostomo. Hanggang ngayon hindi pa rin niya alam kung bakit niya iyon ginawa gayong labag na labag naman sa kalooban niya ang sumama rito. Ngunit natigilan ang dalaga nang paglabas niya ng sala ay tahimik na naghihintay na sa kaniya si Crisostomo. Nakapagpalit na rin ito ng damit at bagong ligo rin tulad niya... Simpleng T-shirt at pants lang ang suot nito. Pero nakakainis, ha? Ang hot pa rin! Gayon man ay hindi napigilan ni Anne ang mapatanong sa isip. Saan siya naligo at nagbihis? May ibang bahay pa ba siya maliban rito sa kubo niya? Marahil ay naramdaman ng binata ang presensiya niya kaya inalis nito sa pagkakasalikop ang dalawang kamay at sinulyapan siya. “What?” masungit na sita

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD