Chapter Seven

1607 Words
SANDALING napahinto sa paghakbang palabas ng pinto si Anne nang makita niya ang lalaki na nakaupo sa may sala. Tila hinihintay siya. Hinintay muna niya na magsalita ito bago lumapit sa kinaroroonan nito para kunin ang mga natitira pa niyang gamit. Ngunit nakatingin lang ito sa kaniya. Walang kibo. Siya ang unang hindi nakatagal sa pagtitigan nilang iyon kaya umirap na lang ang dalaga. “I’m leaving. Hindi mo na ako kailangang samahan pa. Kaya ko nang mag-apply nang mag-isa.” Tinaasan pa niya ito ng noo at akmang aabutin ang sandals niaa na nasa sahig, para lang matigilan nang makitang malinis na ang mga iyon. At hindi niya natatandaang nilinis niya iyon sa banyo kanina. May hindi pa nagagamit na tsinelas sa loob ang ginamit niya kanina. At iyon ang suot-suot niya hanggang ngayon. Kunot ang noo na binalingan niya ang walang imik pa rin na lalaki. “Naiwan mo sa labas kaya nilinis ng isa sa mga kasamahan ko,” malamig na paliwanag agad nito bago pa man siya makapag-usisa. “Really? Kung sino man siya, ‘buti pa siya may malasakit sa’kin.” Aminado si Anne na medyo na-touch siya sa gumawa niyon sa sandals niya pero hindi lang niya ipinakita sa kaharap. “Hindi katulad ng iba diyan…” Tiningnan siya nito nang masama. Akala niya susumbatan siya nito sa pagpapasakay at pagpapatuloy nito sa kubong iyon pero nagulat siya nang sa halip ay hinila siya nito paupo sa upuang kawayan. Mabilis nitong kinuha ang medical kit na ngayon lang niya napansin sa ibabaw ng center table. Salubong ang mga kilay na inilabas nito ang bulak at hydrogen peroxide. Literal na napanganga si Anne dahil sa biglang pagluhod ng lalaki sa harap niya at inuna nitong lapatan ang maliliit na galos sa binti niya. Hindi niya napigilan ang mapakagat-labi nang maramdaman niya ang mainit nitong kamay na humawak sa binti niya. Hinaplos pa nito ang balat niya na para bang inaalam kung gaano kahaba at kalalim ang gasgas niyon. “Itaas mo ang paa mo. Ipatong mo sa lamesa,” walang emosyon na utos na naman nito sa kaniya pagkatapos lagyan ng band-aid ang galos niya. Hindi alam ni Anne kung paano siya nito napasunod. Nakita na lang niya ang kanang paa na nakapatong sa center table. Wala pa ring imik ang lalaki na ginamot naman nito ang ilang galos sa talampakan niya. At pagkatapos ay saka nito pinagtuunan ng pansin ang mas malaking sugat sa paa niya. Pinag-aralan pa nito iyon sandali. Napapikit ang dalaga. She felt something strange when his huge and calloused hand caressed her wound carefully. Nang masiguro nito na nalinis nang mabuti ang sugat na iyon ay saka lang din nito iyon nilagyan ng band-aid. Isinuot pa nito sa mga paa niya ang sandals niya. Saka lang nagawang magsalita ni Anne nang ligpitin na nito ang mga ginamit sa paglilinis ng mga sugat at galos niya. “Why are you helping me? Hindi naman ako masusugatan nang malaki kung isinakay mo lang agad ako kanina.” Nanulis ang nguso niya. Bigla kasi siyang nanliit sa tangkad na niya na five feet and eight inches nang tumayo ito sa harapan niya. What a towering height! Tahimik na tumayo lang ang lalaki at isinara ang medical kit. “Ganiyan ka ba talaga kung magpasalamat?” tila nagtitimpi na wika nito. “Miss—” “I have a name,” sansala niya sa iba pa nitong sasabihin. “It’s Brianna Chanelle Mon—” Muntikan na niyang mabanggit ang apelyido. Buti na lang at naitikom niya agad ang bibig. “Anne for short.” He sighed. “Okay, Anne. Hindi mo na pala kailangan magpasalamat pa,” puno ng sarkasmo ang boses nito. Napasimangot siya. Hindi niya iyon nagustuhan. Pero aminado naman ang dalaga dahil hindi niya kayang banggitin ang kahit simpleng thank you lang sa kagaya nito. Wala iyon sa vocabulary niya. “Aalis na ako,” imbes ay sabi niya, sabay tayo at kuha ng mga gamit niya. “Sabihin mo lang sa’kin kung saan banda dito sa farm ang pupuntahan ko to submit my application.” “Maraming tao sa labas. Magtanong-tanong ka na lang,” iritadong sagot nito. Napipikon na tinapunan niya ito ng tingin, “Nandito ka lang din naman, bakit hindi pa ikaw ang magsabi sa’kin?” “Dahil hindi ka marunong magpasalamat, ‘di ba? Ibig sabihin, ayaw mo ring tumanggap ng tulong.” Hindi makapaniwalang napatitig siya rito. Nauwi sa pagmamasid sa mukha nito ang balak na pakikipagtalo sana ni Anne. Ubod pala sana ng guwapo ang isang ito kung hindi lang saksakan ng sungit. Itim na itim ang medyo mahaba nitong buhok. Parang kasing itim iyon ng gabi. Ganoon din ang mga mata nito na animo’y nanlulunod sa sobrang kaitiman. Bumagay iyon sa mga kilay na tila sinadyang iguhit para lalo itong maging kaakit-akit na nilalang. Ang tangos pa ng ilong! Mas lalong hindi kayang i-deny ng mga mata ni Anne ang pagkakaroon nito ng kissable lips. Masarap kaya siyang humalik? Agad niya iyong iwinaglit sa isip niya dahil napakunot-noo siya. Bakit parang pamilyar sa kaniya ang mga mata at mga labi ng kaharap? Hindi lang niya alam kung bakit. “Satisfied?” Napatigil si Anne sa pagmamasid na iyon nang marinig niya ang baritonong boses ng lalaki. Inirapan niya ito bago nag-iwas ng tingin. Bakit ba kasi hindi niya kayang pigilan ang sarili na titigan ang lalaki? Hindi naman ito ang unang beses na may nakaharap siyang katulad nito na kissable lips. Ang iba pa nga, nakahalikan na niya. At isa na roon ang lalaki noon sa bar. Mahigpit na napakuyom ng kaniyang mga kamay ang dalaga nang maalala na naman ang walang paninindigan na lalaking iyon. “Aalis na talaga ako.” Inirapan niya itong muli bago naglakad palabas ng pinto na bitbit na ang mga gamit niya. Pero narinig muna niya ang pahabol ng lalaki. “Magpasalamat ka lang at tutulungan kita—” “No way!” Mabilis na nilingon niya ito at tinaasan ng kilay. Pagkatapos ay saka siya nagmamadaling lumabas ng kubo nito. Binuksan niya ang payong nang sumalubong sa kaniya ang medyo malakas na ulan. “MAG-A-APPLY ho kayo ng anong posisyon uli, Ma’am?” tila nabibingi lang na tanong ng babaeng may edad na, na nadaanan ni Anne sa taniman pagkatapos niyang sabihin ang pakay sa lugar na iyon. May kasama itong isa pang babae at dalawang lalaki na pawang may edad na habang nagpapahinga kaya dito niya naisipang magtanong. “Manager,” proud na sagot ng dalaga. “General manager nitong farm to be exact.” Lalong napuno ng pagtataka ang mukha ng babae. Ganoon din ang mga kasamahan nito na nakarinig sa sinabi niya. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang pagtitinginan ng mga ito. “Bakit? Magre-resign na ba si Sir Cris?” hindi napigilan na tanong ng matandang lalaki sa mga kasama nito. “Aba, malabo iyong mangyari!” bulalas naman ng isa pang may edad na ring babae. “Mahal na mahal ni Sir Cris itong Bukid ni Jose. Kaya nga hindi pa siya nag-aasawa kasi hindi niya ito maiwan-iwanan.” “Tama. Kulang na nga lang pakasalan ni Sir Cris itong farm,” dagdag pa ng babaeng pinagtanungan ni Anne. Nabuhay ang kuryosidad ng dalaga dahil sa mga sinasabi ng mga ito tungkol sa nagngangalang ‘Sir Cris’. “Sino ba ang Cris na iyon?” Nagpalipat-lipat ang kaniyang tingin sa apat na kaharap. Halatang nag-alangan sandali na sumagot ang isa pang lalaki. “Siya ho ang kasalukuyang general manager nitong farm, Ma’am. Kaya imposible ho ang sinasabi n’yong mag-a-apply kayo sa gano’ng posisyon. At siya rin ho ang mag-i-interview sa inyo, bukod sa taga-HR.” Tumaas ang kilay ni Anne. Hindi man lang natinag ang kumpiyansa niya sa nalaman. “I don’t care. For sure, na hindi hamak na mas maganda ang credentials ko compare sa Sir Cris n’yo. Just wait and see. Dahil pagbalik ko rito, sisiguraduhin ko na ako na ang bagong boss n’yo.” She flipped her hair. Ni hindi niya napansin ang pagtitinginan ng mga kaharap habang hindi alam kung matatawa o maiinis ba sa kayabangan niya. “Saan nga uli ang HR office?” baling niya sa mga ito. Itinuro ng mga ito ang isang two-storey building na hindi naman kalakihan. “Sa ibaba po ng gusali na iyon, sa unang pinto. Pero naka-leave ngayon ang HR manager. Kaya si Sir Cris lang ho ang mag-i-interview sa inyo,” sagot ng babaeng pinagtanungan niya kanina. Biglang nagbago ang hilatsa ng mukha nito. Halatang naiinis na sa kaniya pero pinipigilan lang. “Nasa second floor naman ho ang opisina niya.” “Okay,” sabi lang ni Anne bago siya tumalikod. Ni hindi man lang siya nagpasalamat. Gusto pa nga sana niyang balikan at tarayan ang mga iyon nang marinig niya ang masasamang sinabi ng mga ito kung hindi lang palakas nang palakas ang ulan. “Sa yabang niyang ‘yan, tingnan na lang natin kung matatanggap siya sa kahit anong posisyon.” “Kailangan natin ng dagdag na tao ngayon dito sa farm kaya siguradong hindi siya tatanggihan ni Sir Cris. Hindi nga lang manager kundi taga-tanim.” "At ano naman ang alam ng maarteng iyon sa pagtatanim? Baka nga takot humawak ng lupa, eh." "Baka nga mahimatay pa kapag nadikitan o kahit nakakita man lang ng limatik." At nagtawanan pa ang mga ito. Nagpanting ang tainga niya pero tuloy-tuloy lang ang dalaga patungo sa gusaling iyon. Maghintay lang kayo. Dahil bukod sa masungit na lalaking iyon, kayo ang unang tatanggalin ko sa trabaho oras na naging general manager ako rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD