Chapter Five

1839 Words
HINDI pa magkaundagaga si Anne sa pagpunas sa mukha niya. Malapit nang maubos ang baon niyang tissue. Pati ang natitirang laman ng bottled water niya ay ipinanhilamos na rin ng dalaga. Ni hindi nakatulong ang pumapatak niyang mga luha para maramdaman niyang malinis na ang magkabilang pisngi niya. Napaiyak si Anne dahil bumalik sa isip niya ang panahong binuhusan siya noon ng pintura ng mga bully niyang kaklase. Parang ganitong-ganito rin ang reaksiyon niya noon. Mayamaya ay napahinto ang dalaga nang marinig niya ang malakas na pagsara ng pinto ng sasakyan. Napatingin siya roon at saka lang niya napansin na huminto pala ang pick-up truck na dahilan kung bakit siya umiiyak ngayon. Mabilis siyang nagpunas ng mga luha at naningkit ang mga mata niya nang makita ang matangkad na lalaki at nakasuot ng cowboy hat na bumaba mula roon. Nagmamadali itong naglakad na parang susugurin siya, habang madilim ang anyo. How dare him? Bakit parang siya pa itong galit na galit? Gusto niyang sigawan, murahin ang lalaki. Pero nang mapagmasdan niya ito habang palapit sa kaniya ay bigla na namang natigilan si Anne. He was really tall, dark, and muscular handsome. Bumaba ang tingin niya sa katawan ng lalaki nang mapansin niyang nakabukas lahat ng mga butones ng checkered polo long sleeve na suot nito. Mukhang kagagaling lang nitong magtrabaho sa bukid dahil pawisan pa ang tiyan. She gulped when her eyes laid on his bulge that proudly outlined his darked and ripped muddy jeans. Sanay na si Anne na makakita at makasalamuha ng mga guwapong lalaki. Pero ngayon na nakatingin siya sa isang ito na ilang hakbang na lang ang layo sa kaniya, masasabi niyang ito na ang pinakaguwapo at pinaka-hot na lalaking nakita niya sa tanang buhay niya. Napakisap ang dalaga nang may maramdaman siyang tumalsik na tubig. Napatingin siya sa ibaba at nakita niya ang itim nitong rain boots na naliligo sa putik. Darn! Kahit ang dumi ng rain boots niya, bagay na bagay pa rin sa kaniya. Hindin napigilan ni Anne ang pumalatak nang tanggalin ng lalaki ang Cowboy hat na suot nito at lumabas ang magulong buhok. Para siguro pumangit ito sa paningin niya. Pero nabigo naman kasi mas g-um-wapo lang ito lalo nang bumagsak ang bahagyang mahaba nitong buhok sa mukhang may mga tuyong putik. She frowned. No one should be that perfect. Kahit halata naman na isa itong mambubukid lang pero naghuhumiyaw ang kaguwapuhan kahit saang anggulo niya tingnan. Kailan pa ako humanga sa kasing dungis ng isang ito? Naramdaman ni Anne ang mainit na presensiya ng lalaki nang sa wakas ay makatayo na ito sa harapan niya. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” angil agad nito sa kaniya kaya nahimasmasan ang dalaga mula sa pagsipat niya rito. Sayang ang baritonong boses nito! “Gusto mo lang din namang magpakamatay, nandadamay ka pa!” Bigla yata siyang na-highblood sa pagsigaw at akusasyon nito. “Wait. Wait. Hindi ako magpapakamatay—” “Kung gano’n, bakit nakaharang ka sa daan? Alam mo bang muntik na akong ma-disgrasya dahil sa kagagawan mo?” Napaawang ang mga labi ni Anne. “Disgrasya? Parang hindi naman gano’n ang nakita ko. Ako pa nga itong na-disgrasya mo, o!” ganting sigaw niya bago itinuro ang sarili na naligo sa putik. “Look, what you did to me! Naubos pa ang tissue at tubig na baon ko.” “Hindi iyan mangyayari kung tumabi ka sana…” Medyo bumaba na ang tono ng lalaki nang makita nito ang hitsura niya. Mukhang may konsensiya naman pala. Pero masiyado na nitong na-trigger ang ka-malditahan niya. “Pumara ako at tumabi. Pero imbes na hintuan, ito pa ang ginawa mo sa’kin. Walang modo!” Galit na itinulak niya ito sa dibdib. Ngunit dahil sa malaking bulto ng katawan kaya hindi man lang ito natinag, na lalong ikinagalit ng dalaga. “Ano ba kasi ang problema mo at nanghaharang ka sa daan?” pambabalewala nito sa pagwawala ni Anne. Seryoso pa rin ang mukha at parang nakikipag-usap lang sa isa sa mga tauhan nito. Hindi man lang ba ito na-i-intimidate sa beauty niya? What’s wrong with him? “Pupunta ako sa Bukid ni Jose farm. I need to apply for a job there,” aroganteng sagot ni Anne. “Baka puwede mo akong isakay at ihatid doon? Pagod na akong maglakad sa pangit at bulok na kalsadang ‘to!” “Ikaw? Mag-a-apply ng trabaho sa farm?” Bakas ang gulat at pigil na tawa sa mukha ng lalaki nang marinig ang sinabi niya. “At anong trabaho naman ang a-apply-an ng kagaya mo?” She stilled. Ano-ano nga ba ang job position na mayroon ang isang farm? Kahit sa mga malalaking kumpanya ay walang gaanong ideya si Anne maliban sa matataas na posisyong gaya ng CEO na posisyon ng daddy niya… Ano ba naman kasi ang pake niya sa mabababang empleyado na bumubuhay sa kanila? “Okay na siguro ang manager,” parang napipilitan pang sabi niya dahil iyon lang unang pumasok sa isip niya na posibleng magandang posisyon sa farm na bagay sa kaniya. “Or may mas mataas pa ba do’n? I am a Philosophy graduate,” pagmamalaki pa niya, sabay banggit ng pangalan ng school na pinanggalingan. Kahit mga taga-bundok, siguradong kilala ang eskuwelahang iyon. Lalo na siguro kapag binanggit niya ang pangalan ng ama. But she will never do that! Ayaw nito na gamitin ang impluwensiya para makapasok siya sa farm na iyon, ‘di ba? Puwes, lalong ayaw niya! Plain lang na tiningnan siya ng lalaki na para bang hindi man lang nalula sa pagmamayabang niya. Para sa isang magsasaka na tulad nito, hindi kaya may problema ito sa ulo? “Hindi kailangan ng mataas na edukasyon para makapasok sa Bukid Ni Jose. Wala ring magagawa ang mamahaling eskuwelahan na pinanggalingan mo, Miss. Mas importante na marunong kang magbungkal ng lupa.” “What? Me?” nanlalaki ang mga mata na bulalas ni Anne nang ituro niya ang sarili. “Magbubungkal ng lupa? Yuck! No f*cking way! Over my dead body!” diring-diri at exaggerated na tili pa niya. Lalong sumilay ang nang-iinsultong ngiti sa mga labi ng lalaki, “Kung gano’n, nagkamali ka ng pinuntahan, Miss. Bumalik ka na lang sa siyudad na pinanggalingan mo at mag-apply kang supervisor sa mga fast-food,” malamig nitong turan bago tumalikod sa kaniya. Ano raw? Mukha bang pang-fast food supervisor lang ang beauty niya? Kaya lang naman siya mag-a-apply na manager sa farm na iyon dahil wala siyang choice. Pati yata mga mata ng lalaking iyon ay may problema rin. Hindi ba nito nakikita ang beauty niya na overqualified alin man sa mga posisyong iyon? Paano niya makikita kung naliligo ka sa putik? Para ka kayang duck na kumawag-kawag sa putikan. Lalong nagngitngit ang kalooban ni Anne dahil sa dagdag na iyon ng isipan niya na kagagawan din naman ng walang modong lalaking iyon. Mas lalong hindi matanggap ng kalooban niya na tinalikuran lang siya ng isang magsasaka. Ni hindi man lang nag-sorry sa ginawa sa kaniya. Lintek lang ang walang ganti sa isang Brianna Chanelle Monteguado! Nagpupuyos ang loob na hinabol ito ni Anne. Walang ano-ano na hinablot niya sa braso ang lalaki, “Isasakay mo ba ako at ihahatid sa farm o hindi?” may pagbabanta pa sa boses niya. Pero ang mga mata niya, nakatuon sa pala na nakita niyang nakasandal sa likod ng pick-up truck nito. Magkamali lang ito ng sagot, she will make sure na masisira ang buong isang taong buhay nito sa gagawin niya. Dahan-dahan na bumaling sa kaniya ang lalaki. Aminado si Anne na nakaramdam siya ng kaba nang humarap ito sa kaniya na napakaseryoso ng mukha. Napikon yata sa tonong pagbabanta niya. “Hindi,” mariin nitong sabi habang nakatiim-bagang. “Are you sure?” Hindi ito sumagot. Sa halip ay tinalikuran lang siya uli nito at sumakay na sa bulok nitong sasakyan. Pero bago pa man nito iyon napaandar, dali-dali na kinuha na ni Anne ang pala. Walang habas na pinagpapalo niya ang hood ng pick-up truck nito. At hindi siya tumigil hangga’t hindi iyon nayuyupi. Nagdidiwang na napangiti ang dalaga matapos niyang makita ang ginawa niya. Lalo na nang makita niya kung paano nanlaki ang mga mata ng lalaki. Hindi agad ito nakahuma sa sobrang pagkagulat. Pero hindi pa tapos sa paghihiganti niya si Anne. Isang malakas at gigil na gigil na pagpalo pa ang ginawa niya. Doon na natauhan ang lalaki. Nagmamadali na bumaba uli ito ng sasakyan at bigla na lang siyang hinarap at nagtama ang kanilang mga mata. Nakaramdam na naman siya ng kaba dahil siguro sa galit na nakikita niya rito. “F*ck! Ano ba talaga ang problema mo?” singhal nito sa kaniya. “Bakit mo sinira ang sasakyan ko?” Nagpanggap siyang inosente. “Wala akong ginagawa. Ikaw ang may gawa niyan. Kung nag-sorry ka lang sana at pumayag ka na ihatid ako sa farm, hindi sana masisira nang ganiyan ang bulok mong sasakyan.” Tumalim ang tingin nito sa kaniya. “Puwes, mas lalo kang walang aasahan na tulong mula sa’kin. At sisiguraduhin ko na hindi ka matatanggap sa farm kahit anong posisyon pa ang a-apply-an mo.” Kinabahan si Anne. No, hindi. Paano kung doon nga ito nagtatrabaho tapos ito pa pala ang manager na mag-i-interview sa kaniya? At i-decline agad ang application niya? Or worst, ito pa pala ang may-ari? No way. Guwapo lang ito pero hindi bilyonaryo kung manamit at umasta. Ni hindi nga makabili ng bagong sasakyan. Napailing ang kaharap. “Pasalamat ka at hindi ako ang may-ari ng Bukid ni Jose. Magsasaka lang din ako roon. Dahil kung nagkataon, dito pa lang, ibabalik na kita sa pinanggalingan mo.” Nakahinga nang maluwag si Anne. Tama naman pala siya na isa lang itong hamak na magsasaka. Wala siyang dapat na ipag-alala. “Then be good to me. Dahil kapag natanggap akong manager mamaya, magiging boss mo na pala ako,” taas-noo at puno ng kumpiyansa na sabi pa niya. Ngunit sa pagtataka niya, tinawanan lang siya nang nakakainsulto ng lalaki bago siya nito tinalikuran at walang lingon-likod na sumakay uli sa sasakyan. Narinig pa niya ang malakas na pagmumura nito nang mapasulyap sa hood na sinira niya. Muntik nang kumawala ang munting ngiti sa mga labi ni Anne nang makita niya ang pinaghalong galit at pagkadismaya sa mukha ng lalaki. Pero nang humarurot ang pick-up truck nito palayo sa kaniya ay napatanga siya. “What? Seryoso pala talaga siya na hindi ako tutulungan?” parang hindi makapaniwala na bulalas niya. “D*mn you, jerk! May araw ka rin sa’kin! Ikaw ang unang si-sesante-hin ko sa trabaho kapag naging manager ako!” gigil na gigil at malakas na sigaw ng dalaga para marinig siya ng lalaki. Pero dedma lang ito hanggang sa paliit nang paliit sa paningin niya ang sasakyan nito kaya lalo siyang nawalan ng pag-asa na may mahingan ng tulong sa mga oras na iyon. “Oh, sh*t!” mangiyak-ngiyak na binuksan uli ni Anne ang payong nang bumuhos ang malakas na ulan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD