ANG ganda ng ngiti ni Anne nang pumasok siya sa silid ni Crisostomo dahil bagong ligo siya at presko na ang pakiramdam niya. Pinagdala na siya nito ng damit at sa banyo na raw siya magbihis. Kaya maiksi na cotton shorts at spaghetti strap na ang suot niya. Ipapahiram daw nito sa kaniya ang sariling silid kahit isang gabi lang. Pagbukas niya ng pinto ay saka naman bumungad sa kaniya ang papalabas na si Crisostomo. Nakatapis lang ito ng towel at basang-basa ang buhok. She was stunned to see him less clothing again. Darn it! Wala talaga siyang masabi sa pagiging hunk nito. He was the perfect definition of a physically attractive man with a well-toned and muscular body. Hindi na siya magtataka kung bakit maraming babae ang nahuhumaling dito, patunay ang mga babaeng empleyado pa lang nito