“CRISOSTOMO!” tili ni Anne nang ibuka nito ang mga hita niya. Gusto niya itong sipain pero hindi niya alam kung bakit hindi niya magawa. Sa halip ay para siyang batang natatakot na nagtakip ng mukha at sumiksik sa sofa. Walang bahid ng alak ang sistema niya ngayon kaya ganoon ang reaksiyon niya. Pero kung katulad lang noong nasa bar siya, baka pinatulan na niya ang lalaking ito. Baka hindi na niya maitanggi ang paghanga niya rito. Ang mayroon lang ngayon sa sistema ni Anne ay ang natural na tapang niya na unti-unti rin namang natitinag dahil kay Crisostomo. Seryoso ba talaga ito na turuan siya ng leksiyon dahil sa pakikipaglaro niya rito kanina? “Wala pa akong ginagawa sa’yo pero ganiyan ka na kung matakot,” pero sa halip ay nanunuksong sabi nito bago pa man niya ito tuluyang maramdam