NASILAW si Anne sa liwanag na nagmumula sa nakabukas na bintana nang magising siya kinabukasan. Napabalikwas siya ng bangon dahil sa unfamiliar na paligid nang magmulat siya ng mga mata. Napabuntong-hininga na lang siya nang maalala kung bakit naroon siya. “It’s day one, Dad. I'll prove you wrong.” Tiim ang bagang na bumangon ang dalaga at kumuha ng hair brush sa bulsa ng backpack niya. Saka lang niya napansin ang mamahaling sunflower hairclip na nakalagay doon. Bigay iyon ng kaniyang ama noong nag-seven years old siya. Favorite flower niya kasi ang naturang bulaklak. Ngunit sa pagkakatanda ni Anne, iniwan niya iyon sa mansion nila noong umalis sila ng kaniyang ina papuntang Italy. Kaya imposibleng mapunta iyon sa backpack niya kung walang naglagay. And it’s her dad. Lalo lang siyang