Episode 6
Without You
TAMA ang sinabi sa kanya ni Kwen. Isa siyang malaking tanga dahil hinahayaan lang niya ang sarili niya na masaktan, at makulong sa isang pantasya na hindi magkakatotoo.
Sa loob ng sampong taon ay naging bulag at manhid siya. Hindi niya na inisip 'yung sakit sa tuwing makikita niya si Pariston na may kasamang iba. Gawa na ata sa bato ang puso niya, o akala lang niya? Kasi nakakaramdam siya ngayon ng ibayong sakit at selos.
Gusto lang naman niyang kumain sana ng seafood e, ang kaso makakapanood pa siya ng isang masakit na eksena. Gustong kumanta ni Judie.
'Oh! Oh! Oh! Saaaad movie, always makes me cry.'
Hinayaan na lang niya ang sarili niya na lamunin ng selos. Sanay naman siya, sanay lang pero nasasaktan pa rin siya.
KINABUKASAN ay maaga siyang nagising. Wala pa rin ang boss niya, marahil ay natulog iyon sa ibang kama, kapiling ng flavor of the day nito. Hindi niya alam kung dapat ba siyang masaktan. Dahil hindi siya ang tipo ng isang Pariston Smith Rivas. Malayo siyang mapaglaruan niya, tulad ng ginawa niya sa iba.
Nasa kalagitnaan si Judie ng pagtitipa sa laptop niya nang bumukas ang pinto. Nakita niya na ang boss niya ito. Bagong ligo, at halata namang nanggaling sa bakbakan.
Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib, at saka nag-iwas ng tingin.
'Kalma, Judie, hindi ka gaganyan. Huwag kang papahalata na apektado ka. Huwag kang papabuko.'
Nahiga si Pariston sa kama, halatang may hangover pa. Hinayaan lang ni Judie ang kanyang boss. Nang matapos niya ang presentation at plantsado na ang lahat, biglang natukso na lumapit si Judie sa kanyang boss.
Kusang gumalaw ang kamay niya at hinaplos ang mukha ng binata.
"Ang gwapo mo talaga ano? Nasa sa iyo na ang lahat, at kaya nga pinag-aagawan ay dahil doon. Sana mahanap mo na 'yung babae na mamahalin mo na ng seryoso. Baka sakali na kapag nangyari iyon, maluwag sa puso ko na lilisanin ka. The last thing I want to still have, is being so into you. Kasi ang hirap mong mahalin."
Tumayo na si Judie at saka inayos ang sarili niya. Nine na ng umaga, mamaya pa lang naman ang business meeting niya at ng boss nito. May oras pa siya para kumain at magmuni-muni.
Lumabas siya sa silid na iyon at sinigurado na lock at secured ito. She went straight to a bulaluhan, at kumain na ng brunch, matapos nito ay naglakad na ito sa tabi ng dagat. Bigla naman siyang nakaramdam ng pagod kaya naman nagpahinga ito sa isang lilim sa mga kumpol ng puno ng buko. Nakita niya ang isang matandang Japanese na mukhang inaatake ng asthma. Agad naman siya lumapit at tumulong. Humingi siya ng tulong sa iba at baka mayroong may dala ng inhaler. Gladly ay mayroon ay um-okay rin ang lagay nito.
"Arigato. You save my life! Thank you again! How can I pay your kindness? Do you need money? Job? Anything that I can grant to you," wika ng matandang Hapon .
Agad namang tumanggi si Judie. "Thank for your gracious offer, but I have to decline you. I did not help you to be payed with something. I helped yoh because I cannot see someone suffering if I can do to save him or her."
Ngumiti ang matandang Hapon at nagpasalamat muli. Nagpaalam na si Judie at saka na nagpatuloy sa paglalakad. May kasama naman na kasi ang Lolo na Hapon. Mga body guard niya ata ito.
She go to the nearest stall kung saan nagtintinda sila roon ng mga shakes, fruit shakes to be exact. Agad namang nag-order si Jillian ng avocado flavor na shake at saka umupo sa isnag bench na naroon. She dialed her friend's number.
"Moshi moshi! Who you po?" tanong ng pamilyar na boses.
"Baliw, si Judie ito!"
Pekeng nag-gasp ang baklang kaibigan niya na si Kwen sa kabilang linya. "How are you to find out there and this and that? Mustasa kalabasa?"
Natawa na lang siya sa kalokohan ng kausap niya over the phone. "Ang saya natin ata a? Anong mayroon diyan."
''Pilitin mo muna ako! Charot. Happy ang bakla dahil kay Lax, at alam mo naman iyon hindi ba? Siya ang love of my life ko; tapos sabay kaming nag-breakfast kanina. Kaya ayorn! Masaya ang kepay ko. How about you?
Ngumiti si Judie at saka na nagsalita. "Baka kapag nag-kwento ako, ay maloko ka na ng tuluyan."
"Ay bakla, i-spluk mo na iyan! Ano bang ganap niyo diyan sa Coron? Huwag mong sabihin na isinuko mo na ang diploma? Omayjiiii!"
Natawa naman si Judie. "Umay ka naman. At saka Bataan iyon, hindi diploma. Pero may nangyari nga, ganito kasi iyan. Medyo kulang ang mga rooms sa pinuntahan namin na resort and hotel. Kaya sa iisang kwarto lang kami ni boss Pariston."
"AHHHH! SHET! Gaga ka teh, huwag kang bibigay sa tukso ha? I-zipper ang kipay! Sinasabi ko sa iyo, madami na akong inaanak, huwag mo ng dagdagan pa."
"Sira, wala ngang nangyari at saka ilang beses ko ba sasabihin sa iyo? Hindi ako ang tipo ni boss, remember? Sinabi mo iyan sa akin noon a?"
"Ay, sabagay, point taken nga naman. Eh buti kinaya mo na matulog sa iisang silid with him?"
"Hindi kami natulog ng magkasama. Sa ibang silid siya natulog, kasama ang ibang babae."
Narinig niya pang nagmura sa kabilang linya si Kwen. "Ayan na nga ba ang kinukuda ko sa iyo e. Gising ka na ba niyan, girl? Aba e ilang siglo ka pa bang magiging martir."
"Oo na, isang buwan, Kwen. Isang buwan na lang talaga. Kota naman na ako sa ipon ko. Kaya ko na siguro."
"At marami oang ibang kompanya diyan at opportunity. Kaoag nakawala ka na, grab na lang nang grab. At! Mag-entertain ka na ng manliligaw. Hindi ka over pretty, pero may iba pa diyan na makikita 'yung worth mo, okay?"
"Thank, bakla ha? Kahit nilait mo ako sa dulo. I love you."
"Walang' I love you-han' dito. I need cash."
"Bakit? Kukunin mo na ba akong sugar mommy?"
"You shut up!" Binabaan na siya ng tawag.
SA huli ay nakarating din silang dalawa ni Pariston sa isang private conference room. Doon kasi gaganapin ang presentation nila kasama ang isang very important client na galing pa sa South East Asian.
"Boss, here are the pointers po. The client seems fluent in English, yet need pa rin po nating gumamit ng simple and very understandable words. Mr. Takeshita hates sweet words, he is more into direct to the point kind of presentation."
Pariston nodded. "Thanks, Judie."
They are all prepare for the vicious business tycoon na kakaharapin nila. Little did they know ay masusurpresa lang naman si Judie.
"You? You are here! My saviour!" saad ng matandang Japanese na tinulungan ni Judie.
Hindi agad sila nakapagsalita, ngunit nang makabawi sila sa pagkabigla ay ngumiti si Judie at saka binati ang nakatatanda.
"If you will be the one to present the investment. Then I will approve it."