Episode 5

1706 Words
Episode 5 His Type of Woman ITS been three days when his boss suddenly appeared on his apartment. Tatlong araw na tuliro at hindi matahimik ang puso ni Judie. Sa panahon na iyon, pakiramdam niya ay gumaling ang lagnat niya. Tinalo niya ang lahat ng babae sa sanlibutan, sapagkat dinalaw lang naman siya ng isang Pariston Smith Rivas. Sabay pa silang nag-almusal, nagkwentuhan-- na kahit medyo business pa rin ang topic nila ay ayos lang kay Judie. Pakiramdam niya ay wala na siyang karapatan na mag-inarte pa. At kahit na imposible ay may isang pinto sa puso niya, na biglang umasa. Kahit malabo ay umaasa talaga siya "TEH, yung kape mo. Baka mag-evaporate na. Kanina ka pa tulala diyan, ay hindi pala! Tatlong araw ka ng ganyan! Masyado mong dinibdib pagdalaw sa iyo ni Boss." "Kwen naman, pwede bang pagbigyan mo na ako? Ninanamnam ko lang naman 'yung sandali e. It is too good to be true para mangyari, pero heto! Dinalaw niya ako! Ang saya ko kaya." Umirap sa kanya si Kwen. "Eh 'di sanaol happy. Hindi naman sa dini-discourage kita ano, pero parang ganoon na nga. Kilala mo ang mga tipo sa babae ni boss. Maganda ka pero hindi pa rin sapat para sa kanya. Kahit gumanda ka, hadlang pa rin apelyido niya. Rivas kasi teh, dapat nasa angkan ka ng mga politiko, mayayaman na business tycoon, modelo okaya anak ng mafia boss... Charot. Pero seryoso teh." Ngumiti ng pilit si Judie. Winasak na naman ng kaibigan niya ang namumuo nitong pagasa. Ganyan naman lagi ang ganap ni Kwen sa buhay niya. Taga-sampal sa reyalidad. Pariston is a star, an unreachable star. "Alam ko naman na hindi ako ang tipo niya. Masaya lang ako kahit na maging magkaibigan lang kami." Umirap sa hangin ang bakla. "Huwag tayong maglokohan dito ha? Kahit ilang beses na kitang pinayuhan, nagiging marupok ang puso mo kay boss. Girl, try mo lang ibahin ang mata mo. Marami diyan nagkakandarapa sa iyo. Masyado ka lang pokus sa kanya. E kapag may ibang babae siya, musta status mo? Broken! Aba!" "Oo na Kwen, susubukan ko. Bibigyan ko lang ng ilang buwan ang sarili ko. Tapos tatapusin ko na lahat." "Paanong tapos?" "Magre-resign." SHE is back at her work. Agad na siyang nasa estasyon ng kanyang lamesa. Agad na bumungad sa kanya ang mga papel na dapat niyang salain bago ibigay kay Pariston. Wala na naman si Pariston. Ang alam niya ay may kikitain daw ito. Lumang tugtugin na iyon. Ang ibig sabihin ng kikitain niya ay babae iyon. Siyempre, nasaktan si Judie. Nag-echo bigla ang sinabi sa kanya ni Kwen. Dapat siyang huwag umasa, huwag mag-assume at huwag na ring magpakatanga. Pero ang one million dollar question; kaya ba niya? Kaya niya bang iwan ang tanging naging mundo niya ng palihim sa loob ng higit kumulang na sampong taon, plus college life pa niya? Nakita ni Judie si Pariston na papunta sa opisina niya. Mukhang good mood ito, at laging good mood iyon kapag naka-jockpot sa babae. Nakaramdam ng kirot sa dibdib si Judie. Sapagkat ang katotohanan ay hinding-hindi siya magiging isa sa mga tipo ng boss niya. "Ayos ka lang ba diyan, Judie?" tanong boss niya. Isang himala na naman. Ito pa lang siguro ng panglimang beses sa loob ng sampong taon na binati siya nito. Propesyonal na sumagot si Judie. "Yes Sir. Tapos na po ang ibang mga papeles na ginawa ko. Tiningnan ko po 'yung ibang request ng mga Department. Nasala ko na po ang iba." Pariston smiled at her na ikinanganga ni Judie. Pakiramdam niya ay hihimatayin siya. "I am asking if you are okay, Judie. I wasn't asking about your job." Bigla naman siyang namula. Nagwawala na naman kasi ang puso niya. "Ayos lang po ako, Sir. Wala na rin po ang lagnat ko. Hindi naman po ako sakitin na tao. Dahil lang siguro po sa puyat ito." Tumango naman si Pariston at may iniabot ang boss niya sa kanya. A plastic with vitamins and supplement on there. "Stop abusing your body. You can take a rest too. You've been a good help for me, and you should not afford on having a sickness again. Ni hindi mo raw ginagalaw ang mga vacation leave mo, Miss Judie." Natameme sandali ang bida at saka na nagsalita. "May pinag-iipunan po kasi ako. Sayang din po 'yung vacation leave." His boss nodded in agreeing with her. "Ano ba ang pinag-iipunan ng isang Judie Figueroa? Maybe I can help you with that." Nag-iipon siya ng pagpapatayo ng isang business. She realized na hindi panghabang buhay ay sekretarya siya. Na aasa sa sahod lamang. Masakit man isipin para sa kanya. Hindi siya panghabang buhay na kapakipakinabang sa boss niya. Darating ang araw na itatapon din siya kapag naluma na at wala ng higit na saysay. "Huwag na po, Sir. I can manage. Malaki na rin po ang ipon ko. Kaya naman po ayos lang ako." Tumango ang boss niya at iniwan na siya sa kanyang mesa. Doon pa lamang siya nakahinga ng maluwag. Halo ang emosyon niya. Pagkabigla, saya, lungkot at takot. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya. BIYERNES ng madaling araw ay nakaayos na ang pang three days and two nights niyang gamit. Papuntang Coron ang boss niya para sa isang business meeting. Bilang sekretarya ni Pariston ay kailangan siya roon ng boss niya. Hindi ito bali ang unang pagkakataon na makakasama niya sa business trip si Pariston. Pero lahat naman ata para kay Judie ay kapanapanabik, lalo na kung kasama niya ang kanyang the man she can't love. Nakarating na rin sila noon sa Japan, Hong Kong, China, Vietnam, New York City, iilang bansa sa Europe at Amerika. Para na nga siyang may free tour. Wala nga lang siyang pagkakataon na makagala. Pure business kasi ang ginagawa nila roon. Lumabas na siya sa apartment niya at nandoon na sa kotse ang boss niya. Tinulungan siya nito na magpasok ng gamit. Nasa kanya rin kasi ang laptop at mga gagamitin equipment para sa business presentation ng boss niya. Sumakay na siya sa shotgun seat at saka na sila nagtungo sa paliparan. Tulad pa rin ng dati ay wala silang gaanong imikan. Nasanay na lang si Judie. Pang apat na rule kung boss mo ang isang Pariston, alam mo dapat kung kailan i-envade ang peace of mind ng isang Rivas. Sa buong buhay niya ay iilan lang ang alam niyang nakakasigaw o nakakapangulit kay Pariston. Mga kaibigan lang ata nito at iilang mas matataas na businessman sa ibang bansa. NASA eroplano na sila. Magkatabi sila ng upuan at tulad ng dati ay sa tabi siya ng binata. Mahihiluhin kasi ang boss niya. Kaya naka-ready na ang gamot, supot at saka ang Playlist na pangpakalma sa boss niya. Hindi naman ganoon katagal ang flight nila papuntang Coron. Agad na silang nakarating sa hotel and resort na tutuluyan nila. Ang kaso ay may problema ata sila. "What do you mean na iisang kwarto na lang ang available?! I book for two rooms that is good for two nights and three days! Are you just being plain stupid or just incompetent enough?!" Galit na bulyaw ni Pariston sa babaeng nasa counter. Mukhang maiiyak na ang babae. Lumapit na si Judie sa kanila. Pinakalma ang boss niya dahil kapag hindi ito kumalma, magkakaroon marahil ng giyera. "Sir, you can actually have the room. Pwede naman po siguro akong maghanao ng cottage or any available na pwedeng tulugan... You should stop stressing yourself. May presentation pa kayo with Mr. Takeshita." Nangunot naman ang noo ni Pariston. "Do you think na hahayaan kitang matulog sa mga ganoon? What if something happened to you?" Napabuntong hininga siya. "Fine, okay labg naman sa iyo na iisang kwarto tayo hindi ba? This is no malice between us." Tumango ng mabagal si Judie, kahit ang katotohanan ay kinakabahan siya at may mga paro-paro na naglalaro sa kanyang tiyan. 'Biyaya po ba ito o parusa?' They were assisted on the room. Mabuti at may hiwalay na dalawang kama roon. Medyo kumalma siya nang makita na hidni naman pala sila sa iisang kama matutulog. "Bukas na tayo magpa-praktis ng presentation. You can actually go in tour and walk outside. Mag-beach ka o bumili ng souvenirs." She shake her head. "Salamat Sir, pero baka rito na lang ako. Ipo-polish ko lang 'yung PowerPoint presentation." "You don't have to burn out, Judie. You should have fun sometimes." Umalis din ang boss niya at siya ay natulala na lang. Napailing siya at saka humiga sa puting kama. Nakatingin sa kisame habang nag-iisip. "Paano ko kaya malalagpasan itong unang gabi namin? Baka mabulungan ako ng demonyo at makagawa ng hindi dapat. Sana ay huwag naman. Ayaw kong magkasala!" Lumabas na siya at tulad ng sinabi ng boss niya ay bumili siya ng mga souvenirs na ibibigay kay Marco, Indi at Kwen. Tumingin siya ng mga keychain, damit at nakabili rin siya ng dream catcher na gawa sa shell. Nasa beach lang siya buong oras at kita ang ganda ng lugar. Hindi na rin siy magtataka kung bakit dinarayo ang lugar. Breathtaking views and nature. Kaya maraming turista ngayon. Naglalakad lang siya hanggang sa maramdaman niya na ang pagkagutom. Naghanap siya ng makakainan at saka nakahanap ng seafood restaurant. Sa huli ay roon niya napiling kumain. "Hello po Ma'am! Welcome po sa Belmonte Restaurant po! Here is the menu. Our best selling food is the seafood rice, grilled yellow fin tuna, buttered shrimp, sweeg and sour lobster, spicy crab, salmon soup and our adobong pusit!" "Mukhang masarap lahat a? Can I order that rice, then yung grilled tuna, shrimp at itong salmon soup. Thank you!" Ngumiti naman ang waitress. "Please, wait for about 15 to 20 minutes po. Thank you! Uulitin ko lang po ang order ha?" Matapos ay umalis ang waiter at naghihintay lang siya buong oras. 17 minutes had passed at saka na nai-serve ang pagkain. She is starving at mabilis na kumain. On the middle of her eating ay nakita niya ang pamilyar na lalaki. Ang boss niya at may kasamang isnag magandang babae. They are laughing to each other. Ang ganda nang babae. Walang-wala siyang binatbag dito. Nawalan siya ng gana na kumain. Akala niya ay sanay na siya. Hindi pa pala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD