Episode 7
NAGING maayos naman ang naging deal sa pagitan ng boss ni Judie na si Pariston, at ng tanyag na business tycoon na si Mr. Takeshita.
Kita niya na masaya ang boss niya; good mood dahil nakapag-close ng malaki at importante na deal. Masaya siya na kahit papaano ay nakatulong siya sa taong palihim niyang minamahal.
Ngayon nga ay nasa cottage sila. Madaming pagkain at lahat ay hinanda ng kanyang boss. Libre ito ni Pariston para sa kanya.
"Masyado naman po atang marami ang in-order niyo, Sir?" saad niya na may pag-aalangan pa sa boses.
Pariston grin. "Kulang pa ito sa nagawa mo. You know how hard it is to please and to gain the heart and trust of Mr. Takeshita, pero dahil sa tulong mo ay nakuha natin 'yung deal."
Wala ng nagawa si Judie kung hindi ang tumango. Though on the back of her mind, alam niya na wala naman talaga siyang ginawa ng direkta.
"It is my pleasure to be a help, Sir. Ang ibig po bang sabihin nito ay uuwi na tayo bukas?" tanong niya.
Umiling si Pariston. "Naka-book na tayo for three days and two nights. Nandito na rin tayo kaya bakit hindi pa natin sulitin itong bakasyon? Enjoy mo lang ang Coron, Judie. Ako na ang bahala sa expenses."
'In short, gusto mo lang mambabae pa ng matagal. Lumang tugtugin na iyan.' Sa isip-isip niya.
Tumango na lang si Judie at saka na kumain. Akala niya ay iiwan na siya ng boss niya pero sinabayan siya nito na kumain.
"So, Judie? Matagal ka na rin na nagta-trabaho sa akin? How is your life, your love life?" Muntik ng masamid sa kinakain niya si Judie.
'Ano ba iyang mga tanungan na iyan. Bakit bigla-bigla na lang?!'
Pilit na pinakalma niya ang kanyang puso. Hindi siya dapat pahalata, at mahirap ng mabuko. Plano niya talaga na hanggang sa mag-resign siya, itatago niyang lihim ang nararamdaman niya kay Pariston Smith Rivas.
Peke munang umubo si Judie. "Bakit niyo naman po naitanong? Wala po kasi sa isip ko pa ang ganyang mga bagay. Baka maging sagabal lang po iyan sa trabaho ko."
Tumango-tango lang ang boss niya na parang may ngiti na sumasang-ayon. Kita ni Judie kung paano gumalaw ang mapupulang labi ng boss niya, ang mapupungay na mga mata, ang matangos na ilong at ang panga nito na kay sarap haplusin.
"Hindi ka naman pangit, Ms. Figueroa, bakit walang nagtatangka na manligaw sa iyo? Are you that focus on your family?"
Pilit siyang ngumiti. "Matagal na pong patay ang Nanay at Tatay ko."
Nakita niya kung paano nawalan ng dugo ang mukha ng boss niya. "I-I am sorry, ngayon ko lang nalaman, ang tagal na kitang empleyado."
'Ayos lang iyon.'
Sa isip ni Judie ay sapat na nagkaroon sila ng ganitong pagkakataon. Kwentuhan na malayo sa negosyo at trabaho ang usapan. Pakiramdam na hindi isang instrumento, kagamitan o kasangkapan si Judie. Sapat na iyon sa kanya.
Umiling siya at saka binigyan ng ngiti si Pariston. "Okay na po iyon, matagal na iyon at hindi na rin naman ako apektado."
Tumango ang boss niya. "Sinong kasama mo ngayon sa buhay?"
"Nakatira ako ng mag-isa sa apartment. Wala naman po akong ibang kakilala na kamag-anak, maliban sa pinsan ko na nasa ibang lungsod, at ang tiya ko na nasa New York na."
Bigla namang napaigtad si Judie nang punasan siya sa bibig ni Pariston. Pakiramdam niya ay uminit bigla ang kanyang mukha, kahit na papalubog na ang araw at medyo mahangin na.
"Makalat ka pala'ng kumain."
'Nakakahiya ka, Judie! Nagmumukhang kang basahan sa harap ng boss s***h love of your life mo, ano ba!'
"Eh? Pasensya na kayo, Sir. Hindi ko lang siguro napansin. Excuse my unwanted behavior."
"Don't mind it."
Masaya siya dahil kahit papaano ay nagkaroon sila ng pagkakataon. Unang beses sa sampong taon na para bang magkaibigan silang nag-uusap. Ang alam niyang Pariston ay ubod ng istrikto, sungit at napakaseryosong tipo ng lalaki at businessman. Naging tanyag na bilyonaryo hindi lamang sa itsura at kakisigan, kung hindi sa kabagsik itong tao.
Pero pakiramdam niya ngayon ay kapantay niya ngayon ang isang Pariston Smith Rivas. Isang imposible nungit pakiramdam niya ay posible. Si Pariston, ang lalaking mahal niya ay abot kamay niya.
Umalis bigla ang boss niya at nagpaalam lang na may pupuntahan. Lumipas ang kalahating oras at halos maubos na niya ang pagkain na na-order nila, pero walang Pariston ang bumalik.
Nagdesisyon siya na maglakad-lakad. Pero pinagsisihan niya ang ginawa niya... Nakita niya kasi ang boss niya na may kahalikang ibang babae sa tabi ng dagat.
Nabasag na naman ang puso ni Judie. Muli ay natauhan siya kasabay ng luha at mapait na ngiti niya. Pinunasan niya ito ng mabilis at nilisan ang lugar na iton. Kahit na nanghihina na siya at halos mawalan na ng lakas.
Naisip niya na 'ganito ba kasakit mahalin ang isang Pariston?'
Paulit-ulit na sinisi niya ang sarili. Kung bakit nga ba paulit-ulit din siyang nasasaktan sa katangahan niya. Kung bakit pa ang rupok niya, at kung bakit ba hindi niya magawang makalimot.
Walang ibang ginawa si Judie kung hindi kaawaan ang sarili niya.
Nakakaawa, tanga at napakababang babae na nagmahal ng isang Rivas.
NATAGPUAN na lamang niya ang sarili niya sa harap ng isang bar. Hindi niya alam kung paano o ano ang nagtulak sa kanya. Pero minsan niyang narinig o nabasa na ang alak ay isang panandaliang gamot para makalimot
At desperada na siyang makalimot, she just want to ease the pain. Ang mabigat na dibdib niya, ang emosyon niyang kumikitil sa kanya ng paunti-unti. Gusto niyang malasing at malimutan ang sakit na kanyang nararamdaman.
Pumasok siya at agad na nabingi si Judie sa ingay at sigawan ng mga tao na nasa loob ng club. Para bang mga hayop na nagwawala sa saliw ng makukulay na ilaw at wild na tugtuging makabasag tenga.
Hindi nagtagal at nakarating si Judie sa counter. Nandoon ang bartender na nilapitan siya.
"Lady's drink po ba Ma'am?"
"Gusto ko ng alak, 'yung matapang, 'yung hindi-"
"Handa kang ipaglaban?" putol ng bartender.
Napahikbi naman siya. Partida ay hindi pa lasing si Judie. "Paano ako ipaglalaban? Eh hindi niya nga ako mapansin e?"
"Mukhang alak nga ang kailangan niyo, Miss."
Agad siyang inabutan ng matapang na alak ng bartender. Pakiramdam niya ay may mainit na gumuhit sa kanyang lalamuna. Dama niya iyon, pero mas nanaig ang pagnanais niya na makalimot.
'Pariston ka lang! Figueroa ako!'
PARISTON is not asleep that time. Narinig niya ang confession ng kanyang sekretarya sa kanya. Ngunit alam niya na hindi niya kayang suklian ang nararamdaman nito. Baka sa huli ay masaktan niya lang si Judie. Ang kanyang sekretarya ay isa sa mga babaeng pinapahalagahan at nirerespeto niya. Walang rason para gumawa siya ng ikakasakit nito.
Naging ayos din ang mood niya dahil sa nai-close niya ang deal niya, again, thanks to his secretary. Para bang lucky charm na niya si Judie. Hindi niya alam kung paano siya magfa-function kung wala ang multi-purpose niya na secretary.
Inilibre rin ni Pariston ng pagkain si Judie. Simple lang iyon para alam niyang napasaya niya ang babae. Isang simpleng pasasalamat lang niya kung gaano kasipag, ka-loyal at kahalaga si Judie para sa kanya.
Umalis bigla si Pariston ngunit nakakita siya ng isang babae. Madali lang matukso ito kaya naman pinagbigyan niya ito ng mainit na halik. Ilang minuto rin iyon at pagbalik niya sa cottage, wala na roon si Judie.
Naisip niyang bumalik sa silid nila ngunit wala rin doon ang babae. Naisipan na lang niyang mapadpad sa bar. Weird man ngunit malakas ang kutob niya na nandito ang hinahanap niya. Alas siete na ng gabi, pero madilim na sa labas.
Pumasok si Pariston sa bar. Alam niya agad na nasa kanya na lahat ng atensyon. Mapa-babae man iyan o binabae. Sa tangkad, kisig at gwapo nito ay sino bang hindi mapapalingon.
Ngunit wala muna siyang balak na pumatol ngayon. Ang agenda niya ay makita ang sekretarya niya na kanina pa nawawala.
Napabaling siya sa isang gilid at nakita niya na may pinagtitingnan ang mga tao roon.
Si Judie pala ito! Nagsasayaw sa gitna ng dance floor habang may lalaki na eritikong nagsasayaw rin kasama nito.
Sa hindi malamang kadahilanan ay bigla na lamang nag-init ang ulo niya. Pakiramdam nito ay nagpintig ang ugat niya sa ulo at may nais siyang saktan ng paulit-ulit.
Agad niyang hinawi ang mga tao at hinila ang lasing niyang sekretarya.
"ANO ba! Bakit ka ba nanghihila ha? Shota ba kita!" saad ng lasing na babae kay Pariston. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maaawa sa kalagayan nito.
"Judie, stop being a trouble. Aalis na tayo at babalik na tayo sa silid."
Bigla na lamang umiyak ang babae na ikinataranta niya. "Para saan pa?! Para ano pa?! Ayaw ko ng bumalik doon kung lagi lang naman akong nasasaktan ng dahil sa pesteng pag-ibig ko kay Pariston! Ayaw ko na! Suko na ako!"
Muntik ng matumba si Judie, pasalamat ito at nasalo siya agad ni Pariston, at binuhat ang walang malay na babae.
'This is what I am f*****g talking about.'
Wala siyang nagawa kung hindi ang buhatin at dalhin ito sa silid. He requested for a warm wayer in a basin and clean towel para punasan ang langong-lango sa alak na babae.
"This is so troublesome."
Pinunasan niya ang babae dahil wala siyang choice. Ayaw niyang may makatabing babae na mabaho at amoy alak at chico. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay bumangon ang nakapikit na babae at saka ito pumatong kay Pariston.
Ngayon ay nanlalaki na ang mata nito at tila ba nagulat sa inakto ng lasing niyang secretary.
Kita niya ng malapitan ang mukha ni Judie. Matangos ang ilong na may maliit na nunal sa ilalim ng mata niya. Makapal ang kilay at may mapupulang labi. Tila makinis ang mukha nito. Sanay ng makakita ng maganda si Pariston, ngunit natigilan pa rin siya sa kaaya-ayang itsura ni Judie.
What he does not expected is the sudden wild movement of this woman. Bigla na lang siyang hinalikan ng babae sa labi. Hindi lang basta halik, halik na may kasamang dila at espadahan.
Tila ba nag-init ang katawan ni Pariston, kahit mali, kahit na kakasaad pa lang siya na hindi niya papaatulan ang sekretarya niya, kusa na siyang natupok ang init.