Episode 4

1754 Words
Episode 4 NAIS man ni Judie na pumasok sa trabaho ay wala na rin siyang nagawa nang pigilan siya ng Doktor. At isa pa ay na-realized din niya na magiging pabigat lang siya kay Pariston. Nais man niyang maging kapakipakinabang sa lalaki, sa kalagayan niya ay wala siyang maitutulong. Bumuti na ng kaunti ang kanyang kalagayan, pero hindi pa rin bumababa ang kanyang init. She can feel body aches, nahihilo rin siya kaya naman dahil doon ay nakatulog na siya. "TEH, gising. Walang hahalik sa iyo para magising. Princess ka ghorl? Hindi rin kita hahalikan dahil 'di tayo talo!" sabi ng pamilyar na boses. Si Kwen lang pala. Nag-half seated siya para masuportahan ang likod niya. Hindi na siya gaanong nahihilo. Medyo masama pa rin ang pakiramdam niya, ngunit mas manageable na. "Anong oras na ba, Kwen? Nasaan na 'yung mag-asawa?" tanong niya sa kanyang kaibigan. Umirap sa hangin si Kwen. "Teh, uwian na. Kaunting kembot na lang ay overtime ka na sa clinic ni Dok. Uwi na tayo teh. At saka wala na si Marco at ang bungangera niyang asawa. Excited na umuwi dahil nga ayorn, gagawa raw ng pangatlong bunso." Sabay aktong nasusuka ni Kwen. "Grabe ka naman. Sige uwi na tayo. Kaya ko namang maglakad e." "Maglalakad ka talaga, kayanin mo. Wala akong balak na buhatin ka ng bridal style. Ew! Baka ma-turn off pa mga manliligaw kong construction worker sa kabilang kanto." Nang-aasar na ngumiti si Judie. "Sayang naman." "Yawa ka rin teh." Lumabas na ang dalawa. Kita niya na wala na rin namang gaanong tao sa kompanya. May mga iilang graveyard shift ata. Pero kaunti na lang iyon. Naglakad na sila papuntang paradahan ng Jeep. Nakita niya ang isang ale na halos makuba na sa dala nitong bilao na may lamang mga kakanin. Halatang madami pa ang ilalako na benta ng lola. Para namang may humaplos sa puso niya. Kaya nilapitan niya ang ale. "Manang, magandang hapon po. Mukhang madami pa po kayong ibebenta a?" tanong ni Judie habang hila si Kwen. "Oo nga anak e. Ganoon talaga, kailangan magbanat ng buto. May sakit ang asawa ko... Kailangan namin ng pambili ng gamot. Wala na ang anak ko, kakamatay lang nang isang buwan. Kailangan ng meintenance ng asawa ko... Ayaw kong mag-isa... Anak? Pwede bang bumili ka kahit isa lang sa kakanin ko? Malaking tulong sa akin, kahit isa lang." Tila nahabag ang puso ni Judie. Malapit ang puso niya sa mga may edad na. Napakahirap ng sitwasyon ng Lola. Kumuha ng pera sa pitaka si Judie. Iniabot ito sa matandang ale. "A-Anak, masyadong madami ito." "Eh? Lola, papakyawin ko na po ang tinda ninyo." Sabay ngiti niya. "Sobra-sobra pa rin ito. Sampong libo? Masyadong malaki ang halaga na ito." "Tulong ko na po. Basta po ay umuwi na po kayo, magpahinga at alagaan na po ang asawa ninyo." Naiiyak na nagpasalamat ang ale. "Maraming salamat anak! Pagpalain ka nawa. At saka pala anak, ingatan mo ang puso mo ha? Kasi kailangan mong magpakatatag bago matamasa ang nais mong pag-ibig." Kinuha niya ang bilao na bigay ni Lola Sitas, at umuwi na rin ito. Pagkadating ng jeep ay sumakay na ang dalawa. "Ang dami naman niyang binili mo ghorl! Mauubos mo ba iyan? Masyado kang matulungin at mabait, Judie ha? May mga charity event kang pinupuntahan. Ang dami mong donation. Minsan nga naiisip ko kung saan napupunta ang pera mo. Ganoon ba kalaki ang sweldo ng sekretarya ni Pariston Smith Rivas." "Kwen, huwag ka ngang masyadong maingay. Kalahati lang ng sweldo ko ang ibinibigay ko sa mga charity events. At saka ang kalahati naman ay nasa ipon ko. Hindi naman ako magasta sa pera." Ipinamigay lang niya ang mga kakanin sa taong nasa Jeep. Naubos ang mga ito at payapang nakauwi sila Kwen at Judie. Palibhasa ay magkatabi lang sila ng unit. "Keribels boom boom ka na teh? Kapag jeed mo ng helping hand, chat ka lang at papasukin mo ako sa unit mo. May gamot ka diyan?" "Mayroon ako, salamat babe ha?" "BABE?! Girl, sinasabi ko sa iyo ha? Allergic ako sa tahong! Huwag mo akong ma-joke diyan. Aagawin ko sa iyo si Pariston." "Maka-Pariston ka naman diyan. Parang 'di boss e. At saka walang ganyanan. Akin iyon, may property rights na." "Naol." Pumasok na sa loob ni Judie. Hindi kalakihan ngunit tama lang sa pang-isang tao ang lawak ng apartment niya. Kulay light cream ang pader, kulay dark chocolate ang mga kurtina. Itim ang mga sofa at puti ang tiles. Minimalist halos ang estilo ng lugar, at pleasing sa mata. Pumunta diretso sa silid si Judie. Ninais niya na humiga at maidlip na. Nakatulog ito at namalayan na nagising bandang 8pm. Wala siyang gana ngunit kailangan niyang kumain kung ayaw niyang mas mapatagal ang pahinga niya. Kumain lang siya ng kaunti, uminom siya ng gamot at sa huli ay nakatulog na. NAGISING lang siya sa tunog ng doorbell. Wala namang bumibisita sa kanya. Wala ng pamilya si Judie. Tanging tiya lang niya na nasa Canada ang nagpalaki sa kanya. Ang nag-iisang pinsan naman nito ay nasa probinsya at kasalukuyan na alkalde ito roon. Um-okay na ang kalagayan niya at nakakapaglakad na siya ng mas maayos. Pumunta na siya sa harap ng pinto at binuksan ito. Na-surpresa sa hindi inaasahan na bisita. "Boss Pariston?" KUNG ibang tao lang si Judie ay magagalit si Pariston. Ayaw niya sa empleyadong sakitin. Ayaw niya ng may nade-delay na gawain. At hindi dapat dinadala ang sakit sa trabaho. Ayaw niya ng paralisadong empleyado. But for him, Judie is a different case. Matagal ng panahon na sekretarya niya ito. Bilang lang sa daliri ito kung lumiban sa trabaho. Dalawa pa lang ata sa sampong taon. Kaya pinalagpas niya muna ito. Though he admit that this day is kinda hectic for him. Iba talaga kapag nandiyan si Judie sa tabi niya. All of his works can be done by Judie without sweating. Pagkatapos ng huling meeting niya ay nakita niya ang Doktor. Kinamusta ang lagay ng sekretarya nito. "Where is she?" tanong niya gamit ang baritonong boses. "She already left, Mr. CEO. Kasama niya ang kanyang binabae na kaibigan. Kakaalis nga lang nila." Tumango naman siya at lumabas na ng opisina. Sumakay na si Pariston sa kanyang kotse at saka umalis na. Dahil sa traffic ay nakita ni Pariston ang kanyang sekretarya na may tinutulungan na matanda. Napailing siya. "She is too kind. It can be her downfall." Nag-drive na siya at sa huli ay pinaharurot ang sasakyan papunta sa isa sa napakaraming niyang penthouse. Ipinarada niya ang sasakyan sa parking lot ng 20 storey building. He ride the elevator at saka na nakarating sa top floor. Malayo pa lang siya ay dinig na niya ang makabasag ingay na tunog sa penthhouse niya. "What the f**k is the problem of this lunatics?!" Binuksan niya ang pinto at agad niyang nakita ang iniwan niyang malinis na penthouse, ngayon ay mukhang binagyo na. Nakita niya si Giordano na nagmumura sa isang sulok. "f**k! Ang kalat! Damn it! You! Roch, gago ka! Huwag mong itapon ang ketchup sa carpet!" sigaw ni Giordano. Pilyo na ngumisi si Roch. "Ganito ba? Ops? Natabig! HAHA." Napapasapo na lang sa mukha si Pariston. 'Paano ko ba naging kaibigan ang mga ulupong na 'to?" Naging magkakaibigan sila dahil sa number one denominator na mayroon sila. Lahat ay bilyonaryo, may kaya at bachelor. Pero halos lahat sila ay baliw rin at may deperensya. Lumapit naman si Octavo sa kanya. "You are 3 minutes and 21 seconds late, you motherfucker." "Shut up, you cunt." Umupo na lang si Pariston sa bar counter at sinamahan doon si Jason. Ang pinakamatino sa grupo. Minsan slow at gungong. Pero mas ayos naman ito kaysa kay- "PARISTON MY LOVES! ANG GWAPO MO NAMAN TODAY! PA-KISS NG ABS!" sigaw ni Maximo na nag ba-bakla-baklaan. Nandidiring itinulak niya ang kanyang kaibigan. "f**k you! Lumayo ka sa akin!" "Awts gege. Naglalambing lang e." Natatawa na bumaling sa kanya si Jason. "Patay na patay sa iyo si Maximo a?" Kinilabutan si Pariston. "Jason, magdasal ka nga minsan sa sinasabi mo." Lumapit naman sa kanya ang pilyong si Roch. "Hey Pariston! Shot ka muna ng wine." Kinuha ni Pariston ang wine glass na iniabot sa kanya ni Roch. Pagkainom ay nasuka niya ang laman ng baso habang tawa nang tawa ang nanggago na si Roch. "What the f**k! Pinainom mo ako ng toyo?!" Tawang hilaw naman si Roch. "May suka rin iyan. Laurel at saka manok na lang kulang. May adobo ka na." Nagdilim ang mata ni Paris at sinakal ang kaibigan niyang baliw. "Ack! Hindi na ako makahinga Pariston." "Papatayin na kitang bubwit ka!" Isang gabing puno na naman ng kalokohan ito panigurado. Nilapitan na lang ni Pariston si Zach na nasa gilid at umiinom ng alak. "Hey Pariston! Nandyan ka pala. Musta araw mo?" "It is actually better before I saw your face, motherfucker." Nagpanggap na nasasaktan si Zach. "Ouch, maybe it is worse because your secretary was sick, and you have to do all your task alone." Tila nagpantig ang tenga ni Pariston. "Tinitiktikan mo ba ang sekretarya ko, Zach? Stop doing that or I will reap your neck apart," he said dangerously. Zach mockingly smiled. "Then start handling her with care. You might loose her." Buong gabi ay iyon ang naisip niya. 'Gagong Zach.' KINABUKASAN ay para bang nage-echo pa rin sa kanya ang salita ng kaibigan niya. He feels so f**k up. He don't want Judie to be steal from him. Hindi na siya makakakita pa ng isang Judie. Makakakita man ay sobrang hirap pa. He just can't afford loosing her. Maaga pa lang ay bumili siya ng almusal mula sa mamahaling restaurant. Hindi alam ni Pariston kung bakit niya naisipan na bisitahin ang sekretarya niya. This will be the first time from the last 10 years Judie is serving him. He push the doorbell at nakita niya ang bagong gising na si Judie na gulat na gulat. "Boss Pariston?" "Can I come inside?" saad ni Pariston ngunit iba ang nasa isip niya. Magulo man ang ayos ng kanyang sekretarya ay napakaganda pa rin nito. "Opo, pasok po kayo." Pinagbuksan siya ng pinto nito. Agad na bumungad sa kanya ang maganda kahit na maliit na aprtment niya. He seated on one of the couch. Hindi kasing lambot ng mamahalin na mga couch niya. Pero pwede na. Nahuli niya na namumula ang mukha ng kanyang sekretarya. Tumayo siya at hinawakan niya ang noo nito. Hindi naman gaanong mainit pero mas namula pa ang mukha ni Judie. 'What's with her?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD