Episode 3
Fresh Air To Breath
ORDINARYONG araw lang iyon sa opisina. Sinimulan niya ang araw ni Judie sa pamamagitan ng pagpunta sa isang sikat na coffee shop sa tabi ng kompanya na pinagtatrabahuan niya.
Kita na maraming mga costumer na ang nagkakape at naga-almusal na rin sa loob. Kulay tsokolate at karamel ang pader ng coffee shop.
Napangiti naman siya nang makita niya si Lax na nasa counter, ang Manager ng Love Love Coffee Shop.
"Oh! Judie, wala ng stock ng coffee beans? Sakto at may mga bago kami diyan sa storage. Galing pa ng Baguio, ano? Kukuha ka ba?" tanong ni Lax.
"Oo, baka kapag naghanap ng kape ang boss ko, ay wala akong mapainom doon. Ayaw pa naman niya ng 3 in 1 na kape." Nakangiti naman si Lax sa kanya.
Para kay Judie ay napakagwapo rin ni Lax. Lagi ngang nandito si Kwen dati. Nilalandi ang gwapo at mukhang half-Chinese na may-ari ng shop na ito na si Lax.
"Sige, iwan na muna kita dito ha? Order ka ng kape mo diyan. On the house na para sa iyo."
"Ha? Huwag na, Lax. Babayaran ko na lang. Libre ka nang libre sa akin.. Baka malugi ka na niyan. Sige na..."
Kamot noo na umalis si Lax. Nagtungo na marahil iyon sa storage room. Lumapit na siya sa isang staff sa counter. Isang grande na Americano ang order niya at garlic bagel na rin. Wala na kasi siyang time magluto kanina. May mga priority na report na siyang tinapos sa bahay.
"HOY! Aga mo rito a? Baka tinitiktik mo sa akin si Lax, mare. Huwag naman ganoon. Parang hindi kaibigan e," ani Kwen sa kanya na nakasimangot.
"Sinasabi mo naman diyan? Nandito ako para kunin 'yung order ko na mga coffee beans. Ikaw talaga napaka-possessive mo kay Lax. Alam mo naman ang gusto ko 'di ba?"
Napatango si Kwen. "Ay sabagay! Low risk ka nga pala ate girl. Ikaw pala ang patron ng mga loyalista. Ano? Masarap bang magpakatanga kay Pariston Smith Rivas?"
Nakula naman ang mukha ni Judie. Pakibhasa ay alam niya sa sairli niya na guilty siya roon. Na totoong tanga nga siya pagdating sa pag-ibig, at sa isang espisipikong lalaki.
"Hinaan mo naman ang boses mo, Kwen. Baka may makarinig sa iyo at ma-chismis pa ako. Basta! Dadating din ang panahon na puso ko na ang mapapagod. Hayaan mo na muna ako."
Nagkibit balikat ang bakla. "Eh ano pa nga ba, hindi ba? Sige na baks- ay shet! Papalapit sa atin si pafa Lax! Ahhh!" Mahinang tili ni Kwen.
"Judie, heto na 'yung mga beans ha? Balik ka ulit."
Nagpaalam na siya sa dalawa. Kailangan niyang pumasok sa opisina ng mas maaga.
Kung boss mo nga naman ang nag-iisang PARIS SMITH RIVAS, ang binatang bilyonaryo. May unang rule na dapat matutunan dito.
He hates late, ayaw na ayaw niya ito. Alam niya iyon sapagkat ilang beses na nang nakita ni Judie kung paano mawalan ng trabaho ang ilang daang tao dahil sa iilang minutong late. Mabuti lang nag-absent ka na lamang. Hindi kasi naniniwala ang boss niya sa Filipino Time. Hindi raw sapat na excuse iyon.
BINATI agad ng guard si Judie. Ngumiti naman siya pabalik at saka na naglakad patungo sa elevator. Kilala na siya halos ng tao o empleyado sa Datamax Company. Siya lang naman kasi ang nakatatagal sa mala-demonyo raw na ugali ni Pariston.
Pagkapasok niya sa opisina ay inayos niya ang brewer. Niligpit niya ang mga kalat. Bawal na bawal ang alikabok sa opisina ni Pariston.
Matapos maglinis ay inayos na niya ang papeles, nag-encode at sakto ay pumasok ang boss niya.
Tila ba nag-slow motion ang lahat sa paligid niya. Ang tanging pokus niya lang, ay si Pariston na napakagwapo at kisig sa suot nitong business attire. Siya ang pinapangarap ng maraming babae na sambahin.
Bago pa lamunin ng sistema si Judie ay tumayo na siya at binati ang kanyang boss. "Morning Sir. Coffee or schedule po?"
"Brew me a coffee. Mamaya mo na sabihin ang schedule ko. I am having a hangover... Damn, kasalanan talaga ni Giordano at Jason ito e. Mga lunatics na iyon."
Tahimik na tumango si Judie. "Noted Sir."
Naglakad na papuntang pantry ito. Nagtimpla ng mas matapang na kape. Sinamahan na rin ng gamot upang mabawasan ang sakit sa ulo nito.
'Ayan! Inom ka pa ha? Ngayon tuloy masakit ang ulo mo. Alam mo ba na kung umuwi ka lang sa amin kagabi? Wala ka sanang iniinda ngayon. Kung hindi ka lang nambabae, sana wala kang hangover ngayon.'
Iyon sana nag gusto niyang sabihin. Ngunit wala siya sa posisyon na magsabi ng ganoon. Hindi naman niya limot ang lugar niya sa buhay ni Pariston. Isa lamang siyang hamak na sekretarya.
"Here is your coffee Sir. May medicine na rin po at luke warm water para mabawasan ang headache ninyo. If it will be serve, I will call the company doctor and we will have an emergency reschedule on all of your appointments today."
"I can handle this, Judie. Don't mind me... Just encode those document. I need it para sa travel natin."
"Okay Sir."
She just abide the decision of her boss. Isang rule ulit, pang rule number three na. Ang salita ng isang Pariston Rivas sa loob ng kompanya niya, ay salitang hindi nababali.
Kapag sinabi niyang galingan mo, gagalingan mo dapat kung ayaw mong mawalan ng trabaho. Kapag sinabi niyang palpak ka, bukas dapat malinis na ang lamesa mo.
Sa tagal na ba naman na nagtatrabaho si Judie sa lalaki, memoryado na niya ang ugali nito. Alam niya kung kailan ito nasa good mood o nasa mood ng sungay.
Dahil ang cubicle niya ay nasa labas ng opisina, ngunit ang pader ay gawa lamang sa salamin. Kaya naman malaya niyang namamasdan ang gwapong mukha ng kanyang amo.
"Ang layo mo naman kasi e. Hindi kita maabot. Maliban sa isa kang Rivas, isa lang akong hamak na sekretarya mo. Napapansin lang kapag may meeting, uutusan, magtaganong ng proyekto. Kailan mo kaya ako mababalingan ng tingin?"
Napailing na lang siya. Nahihibang na naman sa mga tanong na sampong taon na niyang ibinubulong sa hangin. Lagi niyang tinatanong. Kailan kaya siya magsasawa na maghintay? Maghintay sa wala.
Nagkunwaring may trabaho si Judie. Kahit ang totoo ay tinatapos niya na lahat ng trabaho niya sa unit niya. Para kapag nasa opisina na siya tulad ngayon, wala na siyang gagawin. Magpapanggap na lang ng busy. Magnanakaw ng tingin sa lalaking mula pa noong college student siya, siya na talaga.
Hindi namalayan ni Judie na nakatulog siya. Nagising na lamang ito na mainit ang pakiramdam. Tuyo ang lalamunan at tila mabigat ang katawan. Pakiramdam niya ay masyado siyang mainit. Bakit naman ngayon pa siya nilagnat?
Pilit pa rin siyang tumayo. Kailangan niyang magtrabaho. Hindi pwedeng ang simpleng lagnat niya ang maging dahilan ng pagkatanggal niya sa trabaho.
Akmang tatayo siya ngunit wala siyang lakas para gawin ito. Pakiramdam niya ay bibigay na ang tuhod niya sa ano man na oras.
"S-Sir?" Kinakabahang tanong niya. Nasa haralan niya ang boss niya na hindi makikitaan na kahit ano man na emosyon.
"May meeting na ako sa loob ng samping minuto," sabi ni Pariston sa malalim nitong boses. Boses pa lang ay hihinatyin na ata siya
"Sir, hindi ko pa pala nasabi ang sched niyo. Wait lang po ha? Aayusin ko lang 'yung presentation at ang conference room."
Akmang tatayo na siya nang muntik pa itong matumba. Mabuti at nasalo siya ng kanyang prince charming. Sa unang pagkakataon ay nakita niya ng malapitan ang mukha ni Pariston. Para siyang nananaginip ng gising.
"Sir?"
Inalalayan siyang maupo ng amo niya. "You are obviously sick, and you can't handle to assist me for today."
Bigla namang kinabahan si Judie. "S-Sir? Hindi mo naman siguro ako sisisantihin hindi ba?"
Nakita niya ang pagkunot ng noo niya. "Why would I? Bakit? Nilapitan ka ba nang Zack na iyon? Nag-offer din ba siya sa iyo?!"
Nagulat naman siya sa sinabi ni Pariston. "Sir, wala pong ganoon na nangyari."
Mukha namang nakumbinsi ni Judie ang lalaki, kahit papaano...
"Good! Huwag kang papayag sa offer ng tukmol na iyon. Sabihin mo sa akin kapag kinukulit ka noon. Name your prize, Judie. I cannot afford to loose a secretary like you."
Kikiligin na dapat siya e, kaso wala... Nalimutan niya ang lalaking mahal niya.
Si Pariston Smith Rivas lang naman. Ang lalaking ang tingin lang sa mga empleyado niya ay de susi at de makina.
NASA clinic ngayon ng company-wide si Judie. Kasalukuyan siyang nagpapahinga. Kinakausap siya ngayon ni Dr. Santos. Ang company doktor dito.
"Nalipasan ka ng gutom, also a sign of fatigue, stress at sa diet mo na rin. Nalikipasan ka ng gutom ano? Stop that unhealthy habits and lifestyle. Okay? Heto na ang gamot at kumain ka na kuna. Bumawi ka ng lakas."
"Okay po Dok. Marami hong salamat."
"Nandito ang mga kaibigan mo at may dala na ring pagkain mo... Take a rest for at least hanggang bukas. Na-notif naman ang big boss about doon."
Tumango muli siya at saka na unalis ang doktor.
"JUDIEEE! ANYARE SA IYO BEH!?" sigaw ni Indi.
Agad naman siyang sinabunutan ng pabiro ni Kwen. "Ang inam talaga ng bibig mo ano? Parang speaker lang sa MOA... Ikaw naman kasi Judie! Hindi ka gumagamit ng kapote! Cobgrats sa iyo at magkakaanak ka na! Sino ang ama? Imposibleng si Pariston Smith Rivas iyan? Hindi ka naman papatulan no'n kahit maghubad ka pa!"
Napabusangot naman si Judie. "Grabe ka naman sa akin a! Habang may buhay ay may pagasa pa rin. At saka saan mo naman nahagilap iyang buntis-bubtis na fake news na iyan? Hindi ako buntis ano!"
Tawang-hilaw lang ang bakla. "Bwisit na Lotgarda na iyon! Ichi-chismis ka na lang, mali pa!"
"Imposible pa akong mabuntis ano. Wala pa iyan sa balak ko. Puyat, stress, gutom at pagod lang daw ito. So no need to worry."
Nag-aalalang lumaout sa kanya si Kwen. "Alam mo teh? Bago mo mahalin ang iba, start loving yourself first. Tingnan mo naman ginagawa mo para sa amo mong babaero," sabi ni Kwen. "Dahil sa kanya nagkakasakit ka na! Siya ata ang ikamamatay mo bakla ka!"
"Patay agad ba? Ang OA naman noon! Para sa lagnat."
"Papatayin ka niya sa sakit sa puso, lalo na kapag hindi mo pa rin itinigil iyang kahibangan mo."