Episode 2

1233 Words
Episode 2 Darkened Expression HINDI na nabigla si Judie nang marinig niya na hiwalay na ang boss niya at yung artista o model na Jenica ata ang pangalan niya. Halos buwanan din kung magpalit ng nobya ang boss niya. "Ang gwapo sana ni boss, kaso womanizer. Kaya ikaw tandang Judie. Huwag mo ng hintayin na magsisi ka kakahintay diyan. Hanggang sekretarya ka lang mare. Mahirap naman kasi, sobrang taas ng pangarap natin ate girl," saad ni Kwen, ang baklang kaibigan ni Judie. Nasa cafeteria sila dahil maaga pa naman at hindi pa office hours. Mga ganitong panahon lang sila nakakapag-chismisan. Tipikal na mga pangyayari sa loob ng isang kompanya. Hindi pa nagtagal at dumating pa ang dalawang kaibigan ni Judie. Si Marco na taga-Marketing isang straight na lalaki, may itsura at moreno. Habang si Indiana, isang mukhang Arabian na babae na taga-Finance naman. "GOOD MORNING! GOOD MORNING! GOOD MORNING!" malakas o pasigaw na sabi ni Indiana na ikinairita ni Kwen. "Inang bunganga iyan Indi! Tumahimik ka! Agaaga, binulabog mo yung peace of mind namin!" iritableng saad ni Kwen. "Hayaan mo na, masaya lang itong babe ko," saad ni Marco na jowa ni Indiana. "Halata naman Marco, dilig na dilig ang kaibigan namin sa iyo," bitter na sabi ni Kwen. Walang ginawa si Judie kung hindi panoorin niya ang kaibigan niya na nagbabangayan. Wala naman ng bago. Nagsiupo na ang lahat sa iisang lamesa habang kumakain ng almusal." Wala na raw si boss at saka yung si Jenica a," saad ni Indiana. "Alam na namin bruha ka. Huwag mo ng ulitin, baka may umasa na naman diyan. Alam mo naman itong kaibigan nating, itago na lang natin sa pangalan na Judie. Masyadong potassium, girl, hanap ka na lang diyan ng iba. Okaya buksan mo iyang selpon mo at saka ka mag-Omegle!" saad ni Kwen. "Wala akong oras diyan. Masyadong time consuming ang trabaho ko, wala sa isip ko muna ngayon ang mag-nobyo," paliwanag ni Judie. Nagsalita naman si Marco, "Hindi na tayo pabata Judie. Ikaw 29 ka na, maghanap ka na ng asawa. Mahirap yung tumatanda tayo. Tingnan mo kami ni babe, may dalawa ng anak. Naunahan ka pa nitong baklang kaibigan natin. Nakailang callboy ka na ba Kwen?" "Hoy Marco! Hindi ko na kailangan iyon ano! I can make it on my own!" saad ni Kwen. Puro talaga sila kalokohan. Matapos ang maikling kwentuhan na iyon ay oras na para mag-log at balik na naman sa dating gawi si Judie. Bilang sekretarya ng kanyang boss. Judie has worked in this company for ten consecutive years. Wala sa trabaho niya ang salitang pahinga, tamad, bukas na lang, kalma. She needs to be flexible, a miscalculation can be a reason for her to be fired. Kaya nga ginagawa ni Judie ang lahat para magtagal siya sa kompanya. Pumasok na si Judie sa isang elevator na iilan lang ang pwedeng sumakay, isang exclusive elevator para sa mga head, mga guest, mga matataas na tao sa kumpanya at siyempre, siya at ang amo niya. In-slide niya ang card sa gilid ng elevator at bumukas ito. Nagulat siya nang may sumabay sa kanya sa loob ng exclusive na elevator. Sa tagal na ni Judie sa trabaho niya, kilalang-kilala na niya ang mga kaibigan ni Paris. Just like Paris, his friends are multi-billionaire. At kasama nga ni Judie ang tatlo na iyon ngayon. Kung hindi nagkakamali si Judie ay si Zach, Jason at Maximo ang mga ito. Nakaka-intimida ang mga presensya nila. Their suits look expensive, and the fact that they are all scorching hot. Ano pa bang sapat na rason para hindi kabahan si Judie? "You are the secretary of that asshole, right?" biglang nagsalita si Zach sa kanya na may pilyong ngiti. Tumikhim ng bahagya si Judie. "If you are pertaining to PSR Sir, yes, I am his secretary." Mas lumawak ang pilyo na ngiti ni Zach. "I see, Pariston is so lucky to have a very rare kind of secretary. Sa akin nga wala akong secretary na tumatagal," saad ni Zach sa kanya. Sumabat naman si Jason. "Because you are getting under their skirt, Zach," ismid nito. "They can't resist me, you can say." So Zach is also the worst version of casanova ng boss niya? Great, sounds like a huge trouble. Iba talaga yung mga mayayaman. Hindi lang selpon ang laging pinapalitan, pati babae. BUMUNGAD AGAD kay Pariston ang sekretarya niya na nagtitipa sa kanyang laptop. Judie is a hard working girl. She is a competent, smart and very timid girl. Nakapagtataka na wala pa itong nobyo. Sa isip-isip ni Paris. Nilapitan niya ang kanyang sekretarya, nakita niya kung paano matigilan at matulala ang sekretarya niya sa kanya. He don't want to conclude, pero hindi naman manhid si Paris para hindi mapansin. He knows that his secretary stares at him in a different way. Ayaw niya lang tanggalin sa trabaho si Judie dahil asset niya ito. He basically owns Judie. Hindi na siya makakahanap pa ng sekretarya na katulad ng sekretarya niya ngayon at sa nakalipas na sampong taon. "Tapos na ba yung mga summary report na pinapagawa ko?" tanong ni Paris kay Judie. Ngayon ay tila naging propesyonal na si Judie, pansin ni Paris. "Yes Sir, inilagay ko na po ito sa table ninyo," paliwanag ng sekretarya niya. Patuloy pa rin na hinuhuli ni Paris ang emosyon ng babae. But it is clear that his secretary completed the art of suppressing her emotions. "Sir, may dumi po ba ako sa mukha ko?" tanong ng kanyang sekretarya. Doon na lang nabalik sa wisyo si Paris. "Nothing, just tell me my schedule at saka gusto ko pala na sabihin, we will have a business trip, so ready your things. Three days from now Judie," saad ni Paris. "Okay Sir, by the way po pala. Nandiyan po sa loob ng office ninyo ang tatlo ninyong kaibigan..." saad ni Judie sa kanya. Agad na pumasok si Paris sa kanyang office. Napapahilot na ng sentido. 'What does those motherf*cker needs?' tanong ni Pariston sa isip niya. "Hey Assh*le," banggit ni Zach sa kanya. "Why are you here, you pr*ck. Sinama mo pa itong dalawa na ito," inis na saad ni Paris. Alam na niya ang kailangan ng mga ito. "Gwapo mo pa rin pa talaga Paris," saad ni Maximo na nagba-bakla baklaan. Agad naman na kinilabutan si Pariston. "The f*ck pare!" sabay tulad niya kay Maximo. "Manghihiram sana kami ng penthouse mo," saad ni Jason na nakangisi. "Bakit kasi hindi kayo bumili ng sa inyo!" inis na bulyaw ni Pariston. Maikli namna na sumagot si Zach. "Nagtitipid kami." Gustong magmura ng malakas ni Paris. Nagtitipid! They are all billionares. Hindi maiwasan na mapahilot sa sentido ni Paris. Kinuha niya ang pass card ng kanyang penthouse at ibinato sa tatlong mokong. "Huwag kayong magdadala ng babae roon. Mga ulupong kayo." "By the way, grabe yung sekretarya mo ha? Ang lupit, ilang taon na ba siyang naninilbihan sa demonyong tulad mo Paris?" tanong ni Maximo. "Sinong demonyo?! Ul*l... She is my secretary since ako na ang namahala nitong kompanya." "Pahiram naman ng sekretarya mo Paris. You see, you have a very competent secretary, hindi na rin masama ang itsura at katawan... Single naman siya hindi ba?" tanong ni Zach na may ngisi sa labi. Hindi maintindihan ni Paris kung bakit bigla na lang nagdilim ang paningin niya, at nakaramdam na para bang gusto niyang manakit. "Assh*le, don't you ever dare!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD